CHAPTER 37: MOVE ON
CHAPTER 37
MOVE ON
Tatlong araw pa lang ang nakalipas pero nakakayanan ko naman na wag kulitin si Camille. Tama na rin iyong sinabi ko sa kanya na magmomove on na ako.
Nakatutok ako ngayon sa laptop at may inaayos na project na naka-assign sa akin sa firm. Nandito na ako sa bahay pero nagtatrabaho pa rin ako, iyon ay dahil ito lang ang nakita kong paraan para maalis sa isipan ko si Camille.
Ang anak kong si Paulo ay nanonood ng Oggie and the Cockroaches na siyang paborito niya. Kung minsan ay sinasamahan ko siyang manood lalo na kung wala akong gagawin pero ngayon ay mukhang kahit magisang nanood ang anak ko ay nag-eenjoy naman ito.
Kadalasan din ay kasama namin ng anak ko na manood ng favorite cartoon niya ay ang mga kabarkada ko. Palibahasa mga isip bata din kami kaya hindi kami nabobored kahit sobrang pambata ng pinapanood namin.
Nanatili ang tingin ko sa laptop kahit narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Sandali pa ay napatingin ako kay Nikko na naupo sa tabi ko.
"Anong meron?" bungad na tanong niya sa akin.
"Trabaho." simpleng sagot ko. Nakita ko na nilingon niya si Paulo pero muling ibinalik ang tingin sa akin. "Trabaho mo mukha mo! Anong meron? Hindi mo ako maloloko."
"Bilang ko bulbol mo." dugtong pa ni Nikko at napailing na lang ako dahil minsan ay kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya.
"Kaka-shave ko lang." pagsakay ko sa sinabi niya. Nagkatinginan kami at sabay na tumawa. "Patingin nga." sabi pa ni Nikko at nagkunwari akong susuntukin siya.
Saglit kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa magsalita ako. Mukhang alam na ni Nikko ang nangyari sa akin. Kaibigan ko nga talaga ang isang ito kahit minsan ay nakakabwisit at nakakaasar.
"Wala na." nahihirapan kong sambit at pinatay ang laptop.
"Talo ako, ayaw na pre ni Camille. Sinubukan kong magpaliwanag pero wala. Ayaw na niya talaga at ayaw niya ding maniwala sa akin." pagkwekwento ko at naramdaman ko ang panunubig ng mata ko.
"Hindi ko alam kung bakit ganun?" sambit ko pa at hindi ko na napigilan ang luha ko dahil tuliyan itong tumulo.
Tumayo si Nikko sa kinauupuan niya at lunapit sa akin. Sandali pa ay niyakap niya ako habang nakatayo siya at ako naman ay nakaupo.
"Baka tayo talaga ang para sa isa't isa." pagbibiro ni Nikko at mahina ko siyang hinampas sa likod.
This is normal, this is our soft sides of being a man. Hindi lang naman ang babae ang nasasaktan at umiiyak. Hindi lang naman babae ang nagdadamayan kapag nasasaktan.
At sa ganitong sitwasyon ay maasahan talaga si Nikko kahit puro kalokohan siya sa buhay. Sa kabila ng kanyang pagiging palabiro ay si Nikko ang kadalasan na gumagawa nito sa aming magkakabarkada.
Tulad nga ng sinabi niya ay kilala niya ako at maging buong barkadahan kaya hindi kami makakatago ng nararamdaman.
Ganito si Nikko, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga nangangailangan ng kasama o kausap. Mapababae ka man o lalaki ay yayakapin niya. Kasi ang sabi niya sa akin minsan salat na daw ang yakap kaysa sa salita.
"Mahal kita pre." sabi ni Nikko at pinapatahan pa rin ako habang hinihimas ang aking likod.
"Mahal din kita pre." sagot ko at narinig ko ang pagtawa niya.
"Pakasal na tayo pre." aniya.
"Sakal gusto mo?" banta ko.
...
Isang linggo ang nakalipas ay naka-survive naman ako kahit papaano ng walang Camille. Kung minsan man ay naiisip ko siya at natatagpuan ko ang sarili ko sa labas ng firm na pinagtatrabahuhan niya pero tinatanaw ko lang siya at hindi nilalapitan.
Ngayon ay papunta akong Donatella Company kasama ang anak ko dahil wala itong pasok at wala naman sa kanyang magbabantay sa bahay kapag iniwan ko siya.
Nang makapasok sa loob ng building ay magkahawak kami ng kamay ng anak kong si Paulo. Ang iba ay napapalingon sa amin at kinakawayan naman ito ng anak ko.
Mukhang nagmana sa akin ang anak ko.
Pagpasok ko sa office kung saan ang meeting ay pinaupo ko si Paulo sa upuan na nasa gilid katabi ng Secretary ni Mr. Donatella.
"Behave lang anak." bulong ko at binulungan niya rin ako. "Andun si Mama." aniya sabay turo kay Camille. Paglingon ko ay nakatingin ito sa amin ng anak ko at nginitian ko siya.
"Ssshh... behave ka para makausap mo mamaya ang Mama mo." sabi ko na lamang kahit hindi ako sigurado kung mangyayari ba iyon.
Inosenteng tumanggo ang anak ko at tsaka doon lang ako naupo sa tabi ni Jeric. "Ok ka na?" bulong niya sa akin at hinawakan ko siya sa balikat.
"Tss! Ako pa ba." mayabang kong sabi.
Nagsimulang magmeeting ulit at mahigit dalawang oras ang lumipas nang tuluyan itong matapos. Hindi ko naman nakalimutan na lingunin ang anak ko dahil baka naglilikot ito pero nasa kalagitnaan ng aming meeting ay napangiti na lang ako ng pinakin ng secretary ni Mr. Donatella si Paulo.
"Meeting adjourned."
Lumapit ako sa anak ko na ngayon ay maamos dahil sa biscuits na kinain niya. Kinapa ko ang bulsa ng pants ko pero wala akong panyo na nakuha.
"Thank you po Miss." sabi ng anak ko sa Secretary ni Mr. Donatella nang pinunasan nito ang amos sa bibig ni Paulo gamit ang kanyang panyo.
"Salamat." singit ko sa kanilang dalawa at napatingin siya sa akin.
"Walang anuman po 'yun Engr. Mendiola. Ang cute po ng anak niyo." sabi nito at tumango tango ako sabay ngiti.
"What's your name?" tanong ko sa kanya.
"Ako po si Tanya Aragon." pagpapakilala niya.
Nakuha naman ng atensyon ko ang bulong na nagmula sa likod ko. Sa boses pa lang ay alam kong si Eric iyon. "Wala na, finish na. Naka move on na Camille." sabi nito.
Tumalikod ako at tiningnan sila. Nakita ko naman ang reaksyon ni Camille na parang dismayado at hindi ko maintindihan. "Ang bilis mo naman mag-move on." sabi niya.
"Hindi pa 'yan nakaka move on, marupok yan." singgit ni Jeric pero hindi ako nagsalita.
Nagtama ang mga mata namin ni Camille at pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit kahit gustong gusto ko.
"Naka-move on ka na ba talaga?" tanong ni Camille sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at sinagot ang kanyang tanong. "Oo" pagsisinungaling ko.
Ngumiti si Camille pero alam kong hindi niya gusto iyong narinig niya. "Dada behave ako kanina. Pwede ko na bang makausap ang Mama ko?" tanong ni Paulo.
Napatingin ako kay Camille at wlaa siyang sinabi bagkus ay lumuhod ito ay niyakap niya si Paulo.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Hanggang chapter 50 po ito at syempre ay nasa huli ang pasabog ni Author hehehe.
📌 I just want to remind po na please don't invalidate the feelings of a man. Hindi lang po babae ang nasasaktan, ganun din po ang lalaki o kahit anong kasarian pa yan. Everyone has a feelings.
Hindi po purkit ang image ng lalaki sa society ay matapang, makisig at hindi umiiyak it doesn't mean na hindi na sila nasasaktan. Tao tayo at nasasaktan tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro