Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34: PAUL

CHAPTER 34

PAUL


Bumuntong hininga ako bago tuluyang pindutin ang doorbell. Ilang taon narin at matagal na panahon simula nang hindi ko makita itong bahay ni Paul. Nakailang pindot pa ako ng doorbell hanggang sa tuluyang bumukas ang gate.

Ang inaasahan kong bubungad sa akin ay si Paul pero nagkamali ako dahil isang boses ng bata ang tumawag sa akin at sinalubong ako ng yakap. "Mama, umuwi ka na." sambit ni Paulo at nanubig ang mga mata ko dahil sa saya na nararamdaman ko.

Agad akong lumuhod para mapantayan si Paulo. Pagkatapos 'nun ay niyakap ko siya. "I'm sorry Paulo sa naggawa ko sa iyo noong isang araw. Mama was sorry to you. I didn't mean it." sabi ko.

Niluwagan ko ang pagkakayakap kay Paulo para makita ang reaksyon niya. Napangiti naman ako nang mapansin na tila ba pinoproseso pa niya ang kabuuan ng mukha ko. Sandali pa ay hinwakan niya ang magkabilang pisngi. 'Wabayou Mama."

"Wabayou Paulo." sagot ko.

Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Paulo para sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Ako na rin ang nagsarado ng gate dahil mukhang medyo hirap pa si Paulo sa pagsarado nito.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung nasaan si Paul. Ang sabi ni Nikko ay nasa bahay lang ito at hindi pumapassok sa trabaho pero bakit mukhang wala siya rito.

"Nasaan si Dada?" tanong ko kay Paulo.

"Nasa kwarto po, he's drunk. Ninong Gwapo carry my Dada to his room." medyo hirap na bigkas ni Paulo.

"Ninong Gwapo? Nasaan siya ngayon?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Wala masyadong nagbago sa bahay ni Paul pero nadagdagan lang ng mga eskaparate na naglalaman ng mga laruan at achievements ni Paul bilang Engineer.

"Ninong Gwapo is Ninong Nikko. He always saying to me that he's gwapo kahit minsan hindi." natigilan ako huling sinabi ni Paulo. "He's not always handsome b=because my Dada does." dugtong na sabi nito.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Paulo at nagulat ako sa sinagot niya. "Pa-fall."

Jusko saan nanggaling angisinagot niya? Ano ba ang mga tinuturo ni Paul sa anak niya. "Pa-fall iyon lagi po ang sinasagot ni Ninong Gwapo kapag tinatanong siya kung kumain na ba siya."

Napa-iling na lang ako at hindi ko maiwasan na ma-imagine ang pingutin sa tainga si Nikko. Kung ano-ano ang tinuturo niya sa anak ko, ay este anak ni Paul. "Pero hindi pa po ako kumakain kasi hinihintay ko si Ninong Gwapo. Umalis siya at babalik daw siya pero gutom na ako."

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko kay Paulo.

"Abodo." sagot naman niya.

"You mean Adobo?" at tumango si Paulo.

Bago magsimulang magluto ay sinabi ko kay Paulo na pupunta muna ako sa kwarto ng kanyang Dada at tumango lang ito. Pagtaas ko ay agad akong dumiretso sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Paul. Bumilang ako ng tatlo bago tuluyang pumasok.

Malinis ang kabuuan ng kwarto ni Paul at mukhang nagbago na talaga siya. Noon kasi ay palaging makalat at madumi ang kwarto niya. Naglakad ako papunta sa kama at doon ko nakita ng kabuuan si Paul na tulog na tulog.

Naupo ako sa gilid na malapit sa kanya. "Ang ganda ng panaginip ko." biglang salita ni Paul pero nakapikit ito. "Nandito ka Camille, baby." parang bata niyang sabi at nagulat ako ng gumalaw ito at tila inaabot ako hanggang sa niyakap niya ako sa beywang.

"I love you Camille." sabi ni Paul at mas hinigpitan ang yakap sa akin na para bang ayaw akong pakawalan. "Nagkamali ako at hindi ko iyon itatanggi. I love you Camille."

Napatingin ako sa mukha ni Paul at napangiti ako dahil kamukha niya ang kambal na sina Pauline at Pamela.

Sandali pa ay iniwan ko na si Paul para makapagluto na dahil naalala kong nagugutom na nga pala si Paulo. Mamaya ko na lang siya aasikasuhin pag natapos na akong magluto at pakainin ang anak niya.

...

Kasalukuyan kong hinahalo ang niluluto habang nasa gilid ko sa Paulo na nanood. Nagulat nga ako sa kanya dahil may alam siya sa kusina. Mukhang sobrang close nila ni Nikko at naturuan na rin siya na magluto.

"My Dada really loves you Mama. He always tell me a story about you. How beautiful and good you are."

Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi ni Paulo pero ngumiti lang ako. Kanina ay nagkwento siya tungkol sa mga Ninong niya at alam kong mga kaibigan iyon ni Paul. Halos sa bawat kwento niya ay mukhang tinulungan ng mga kabarkada niya na alagaan si Paulo.

Masaya ako kay Paul dahil tinulungan talaga siya ng mga kaibigan niya kahit nakakasiguro ako na may mga trabaho din ang mga iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyang naluto ang Adobong niluto namin. Pinaupo ko na si Paulo at sinabihan siyang ako na ang maghahanda ng mga plato at kutsara.

Sinandukan ko ng kanin at ulam si Paulo at nakita ko nama ang saya sa mga maat niya na tila ba matagal na niyang gustong mangyari ito. ANg magkaroon ng isang Mama na magaasikaso sa kanya.

Sabay kaming kumain ni Paulo at minsan ay sinusubuan ko siya. Parang nagpapa-baby pa siya sa akin. Matapos kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin habang si PAulo naman ay nagsabing manood siya ng TV.

Nang malinis ang pinagkainan ay dumiretso ako sa kwarto ni Paul at mahimbing itong natutulog. Binuksan ko ang cabinet niya at kumuha doon ng damit. Kumuha na rin ako ng face towel na siyang gagamitin kong panglinis sa katawan niya.

Una kong hinubad ang suot na t-shirt ni Paul at sunod ang short. Natigilan pa ako nang makita ko ang umbok niya dahil tanging boxer shorts na lang niya kanyang suot.

Bakit parang lumaki?

Napailing ako sa tanong ko sa sarili at pilit na inalis sa isipan ang nakikita ko sa harapan ko ngayon.

Nagsimula akong punasan ang leeg ni Paul hanngang sa katawan nito. Napatitig naman ako sa abs niya at naalala ko noon sa kung paano turuan ni PAul ang anak niya na magbilang at iyon ay sa pamamagitang ng pagbilang ng abs niya.

Itinuro ko ang abs niya at sinimulan itong bilangin. "One...two...three...four...five...six..seven...eight..." matapos magbilang ay hinawakan ko pa ito ng kabuuan.

Jusko! Anong nangyari sa sinabi kong hindi ako marupok. Umiling ako at nilabanan ang konsensya ko.

"Abs lang naman eh." bulong ko sa sarili.

Napaililing ako sat muling nagseryoso na sa pagaasikaso kay Paul. Nang malinisan siya ay sinuotan ko siya ng damit at hinyaan na lamang siyang naka boxer shorts. Kilala ko si Paul at alam kong naka-boxer shorts or naka-brief siyang natutulog.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Paul at kinumutan siya. Matapos 'nun ay pinagmasdan ko ang mukha niya at hindi ko na naggawang pigilan na halikan siya sa noo.

Sa ngayon ay hindi pa ako handa para marinig ang paliwanag niya dahil natatakot ako sa di malamang dahilan pero ganun pa man ay kagaya ng sinabi niya na 'kahit 'wag na siya at kahit ang anak na lang niya'.

Kung ano man ang gagawin atm agiging desisyon ko ay dahil lang 'yun sa kay Paulo, sa anak niya at hindi sa kanya.

















MISTERCAPTAIN

Professor


Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro