CHAPTER 29: NAGBAGO
CHAPTER 29
NAGBAGO
Nataranta ako nang biglang nawala sina Pamela at Pauline kahapon sa mall. Halos ipatawag ko ang lahat ng security para lang mahanap ang kambal. Mabuti na lamang ay agad din silang nahanap ni Manang Cora. Ang ipinagtaka ko nga lang ay maamos silang dalawa at mukhang may kinain.
Matapos ang insidenteng iyon ay umuwi na kaming magiina at pinalipas ko muna ang ilang oras bago ko sila natanong sa kung paano sila nawala at kung sino ang nakahanap sa kanila.
Ang kwento na lamang nila ay may isang lalaki ang naglibre sa kanila ng ice cream. Tinanong ko sila kung ano pang ginawa at ang sagot naman nila ay wala naman daw.
"Camille." tawag sa akin ni Eric. Imbes na pansinin siya ay dire diretso ako sa paglalakad para makarating sa cubicle.
Nang makaupo ako ay inayos ko ang ilang mga papel na nangagalat sa table ko. "Nagkabalikan na ba kayo ni Engr. Mendiola?" biglang sulpot na tanong ni Eric na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.
"Ang chismosa mo." sabi ko.
"Wow naman! Pinanindigan ang salitang hindi ako marupok." pangaasar niya sa akin at inirapan ko siya. "Ang tanong, hanggang kailan mo kaya na hindi tiisin yung ex mo. For sure ako na makikipagbalikan yun sa iyo, halata naman sa kanya." sabi pa ni Eric.
Umiling na lang ako at nagsimula nangv magtrabaho. Kalalaking tao ni Eric pero ang chismosa. Tinalo pa si Aling Marites na kapitbahay namin sa probinsya.
"Hindi ako makikipagbalikan sa kanya at wala akong balak." seryoso kong sambit ag hindi ko maiwasan ang maiyak pero pinigilan ko iyon.
Hindi ako marupok.
Hindi lang naman isa ang kasalanan sa akin ni Paul. Hindi lang naman iyong insidente sa hotel noon kundi meron pang iba pero nanahimik lang ako noon at pinalagpas pero mag naggalit ako noong mahuli ko na naman siyang mambabae sa hotel.
Muli kong itinuon ang isip sa trabaho. Ewan ko ba at bakit ko na naman inaalala yung bwisit na iyon. And speaking of bwisit, naggulat ako nang magangat ako ng tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" inis kong sabi kay Paul na nasa harapan ko ngayon. Sa sobrang seryoso ko aa ginagawa ko kanina ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay inabot niya sa akin ang hawak na bouquet. "For you." aniya at napatingin ako sa gilid ko nang may marinig akong palakpak, pumapalakpak si Eric.
"Nakakain ba yan?" taas ang isa kong kilay na tanong kay Paul. Nagkamot siya sa ulo at umiling. "Edi congrats! Pwede mo yang itapon." masungit kong sabi.
"P-pero m-may dala akong pagkain na niluto ko." nauutal na sabi ni Paul at agad na may kinuha. Sinundan ko siya ng tingin at ikang saglit lang ay may inabot siya sa akin na tupperware.
"Ako nagluto niyan." proud na aabi ni Paul habang pilit na inaabot sa akin iyong tupperware. Kinuha ko iyon at itinapon sa basurahan. Napatingin ako sa reaksyon niya at halos mawalan ng kulay ang mukha niya sa ginawa kong pagtapon sa basurahan nung tupperware.
"Hindi mo na sana tinapon kung hindi mo tatanggapin. Sayang yung pagkain, marami ang nagugutom." sabi nito at natigilan ako.
Wala ako sa wisyo kaya tinapon ko iyong tupperware sa basurahan. Wala akong sa tamang pagiisip dahil nang makita ko siya ay naalala ko ang panlolokl niya sa akin kaya ayokong bigyan siya ng kahit anong dahilan na pwede niyang ikatuwa o kahit ano pa.
Kinuha ni Paul ang tupperware na tinapon ko sa basurahan. "Nagbago ka na Camille." aniya.
"Sorry" sambit ko pero agad siyang tumalikod. Hindi ko naman talaga sinasadya ang itapon yung tupperware sa basurahan, galit lang talaga ako.
Nakasunod lang ako kay Paul ng tingin nang naglakad ito paalis. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napatingin ako kay Eric at agad siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Ang tanga mo kasi!" sambit ko sa sarili.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at napahilamos ng mukha gamit ang aking mga kamay. Nagsimula akong maglakad at dumiretso sa CR.
"Bakit kasi hanggang ngayon ay gusto at mahal pa rin kita?!" naiinis na tanong ko sa sarili. Nakakainis naman eh. Napatingin ako sa sariling repleksyon sa salamin at naalala ko na naman ang nangyari noon.
...
Galing ako sa University at naisipan kong dumaan sa firm ni Paul para sabay na namin mamaya sunduin ang anak niyang Paulo sa baby home school. Binuksan ko ng konti ang pintuan at narinig kong naguusap si Paul kasama ang mga kaibigan niya.
"So gusto mo si Camille?" rinig kong tanong Nikko sa kanya. Napangiti ako dahil umamin na siya sa akin noon na gusto niya ako kaya nga daw ay liligawan niya ako.
Ang ngiti ko kanina ay biglang naglaho nang marinig ko ang isinagot ni Paul sa mga kaibigan niya. "Hindi." isang salita lang yun pero nasaktan na ako pero mas nasaktan ako sa sunod niyang sinabi. "Hindi naman siya ang tipo kong babae, napakalayo sa mga gusto kong babae." sabi nito.
"Ayoko lang siya na iwan kami ng anak ko dahil paano kami?" dugtong pa nito habang tumatawa.
Nanlambot ang buong katawan ko at dahan dahan na bumitaw sa pagkakahawak sa doorknob. Umiiyak akong umalis ng firm at nagtungo sa baby home school ni Paulo. Sinundo ko siya ay nagtaxi kami pauwi ng bahay.
Gusto ko si Paul kaya naman kahit nasakatan ako sa narinig kong sinabi sa kanya ay hindi ko ipinahalata na may alam ko, na may narinig ako.
Inasikaso ko si Paulo at tulad ng nakasanayan ay nagluto ako ng gabihan. Isinantabi ko yung sakit na nararamdaman ko kanina dahil susubukan, baka magustuhan ako ni Paul. Wala namang mawawala sa akin pero masasaktan nga lang ako sa sugal kong ito.
Nang dunating si Paul ay umakto ako na ayos lang. Gagawa ako ng paraan na magustuhan niya.
Lumipas pa ang mga araw ay nagpatuloy ang pekeng panliligaw sa akin ni Paul. Hindi ko nga alam na sa bawat araw na lumilipas ay mas nagugustuhan ko na siya lalo. Pero ang tanong ay nagugustuhan na nga sin ba ako ni Paul.
Nang maging kami ni Paul ay hindi ko alam kung peke pa rin ba yun. Kung lahat ba ng kinikilos niya ay puro pagpapanggap lang. Nagsex kaming dalawa ng ilang beses at hindi ko ba alam kung katulad din ba ako ng mga babaeng naikakama niya noon pero sa kabila nun ay hinihiling ko na sana kahit konti lang ay may gusto siya sa akin.
Dumating ang araw na nahuli ko siyang nambabae, noong mismong babae niya ang nagtext sa akin tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa.
Noong araw na yun, doon ko napagpasyahan na tuluyan nang iwan si Paul. Pianlagpas ko ang panggagamit niya sa akin, sinubukan ko na magustuhan niya ako pero hindi ko na kinaya na hindi pa siya nakuntento sa katawan ko at nagahanap pa ng babae.
Gago si Paul! Tangina niya! Karmahin sana siya! At kailanman ay hindi ko maggagawang isipin na bumalik sa kanya dahil kailangan lang naman niya ako dahil sa anak niya.
Nabalik ako sa reyalidad at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit kasi sa tagal na ng panahon na lumipas ay gusto at mahal ko pa rin si Paul, pwedeng iba naman.
Ayoko nang sumugal at masaktan ulit.
MISTERCAPTAIN
Captain
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro