Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26: PAULO

CHAPTER 26
PAULO
  
      
PAUL

"Dada" tawag sa akin ng anak ko at patakbong lumapit sa akin si Paulo at niyakap ako. "Kamusta ang school?" tanong ko at napakamot siya sa ulo.

"Okay lang po Dada, school pa rin siya." inosenteng sambit nito at tumawa si Nikko na nasa likod niya. "Ang talino talaga ng inaanak ko." sabi nito at sinamaan ko siya ng tingin.

Sa nakalipas na apat na taon ay mag-isa kong pinalaki si Paulo. Sinubukan ko pang habulin si Camille hindi dahil par sa alagaan kami kundi dahil mahal ko siya pero wala eh, matapos niyong makagraduate ay parang bula na lang itong nawala. Naiisip ko tuloy kung ganap na ba siyang Engineer tulad ko.

Hindi ko siya niloko at totoo yun. Umamin sa akin si Charo na plano niya ang lahat. Pina amin ko rin siya kung may nangyari ba sa aming dalawa pero ang sabi niya ay wala. Mabait pa ako noong kinausap ko siya noon kaya pinagbantaan ko siya na sa oeas na makita ko ang pagmumukha niya ay hindi ako magdadalawang isip na basagin ang mukha niya.

Kasama ko sa pagaalaga kay Paulo ay ang mga ugok kong kaibigan. Kung minsan ay nasa bahay silang lahat para lang tulungan akong alagaan ang anak ko.

Napatingin naman ako sa anak ko na ngayon ay nakaupo sa sofa at linagmamasdan na naman ang picture nilang dalawa ni Camille. Iyon yung picture na ako mismo ang kumuha na kung saan ay karga karga ni Camille si Paulo.

Habang lumalaki si Paulo ay ipinakilala ko sa kanya si Camille bilang Mama niya. Tinanong niya na din ako minsan kung bakit hindi namin kasama si Camille at sinagot ko iyon ng totoo. Sinabi ko sa kanya na nasaktan ko ang Mama niya kaya iniwan kami.

Alam din niya na hindi si Camille ang tunay niyang Mama, na patay na ang tunay na Mama niya at iniwan lang siya sa akin. Matalino si Paulo dahil sa murang edad ay naintindihan niya ang mga ganung bagay. Mas matalino pa nga ata ang anak ko kaysa sa mga kaibigan kong ugok.

"Kailan ko kaya Dada makikita si Mama?" biglang tanong ni Paulo at napatingin sa akin si Nikko at inaabangan ang isasagot ko.

"Hindi ko rin alam anak eh." sabi ko at binuhat siya.

"Eh kasi inaasar ako ng mga kaklase ko na wala akong Mama. Sinabi ko naman sa kanila na may Mama ako at maganda pa pero ayaw nilang maniwala." malungkot na kwento ng anak ko.

Hindi ko tuloy maiwasan ang makonsensya.

Umalis saglit si Nikko at pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain na siya mismo ang nagluto. "Oh kain ka na Paulo." sabi ni Nikko at inihanda nito ang kakainin ng anak ko.

"Alam mo, siguro tayong dalawa siguro ang para sa isa't isa." siraulong sabi ni Nikko. Ano na naman ba ang nasinghot ng isang ito at kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig.

"Pwede naman akong magiging Mama ni Paulo." sambit pa niya at nasusuka na ako sa pinagsasasabi niya pero siya ay panay ang biro sa akin habang tumataas baba ang kilay niya.

"Tumigil ka nga, nakakadiri ka. Tawagan ko kaya si Miguel para ipasok ka sa kulungan." banta ko.

"Ito naman nagbibiro lang pare. Alam mong mahal na mahal kita..." sinamaan ko siya ng tingin. "Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Ito napakadumi ng utak."

Pinunasan ko naman ang bibig ng anak ko dahil may amos siya sa gilid ng labi gawa ng sauce ng ulam. "Ako na po Dada ang magpupunas, good boy po ako."

"Buti pa itong si Paulo goodboy eh yung tatay." biglang singit ng bagong ugok na dumating, si Dylan. Nagmano si Paulo sa kanya at tsaka ito naupo sa tabi ni Nikko.

Nagkwentuhan kaming tatlo habang ang anak ko naman ay naglalaro sa sofa ng mga laruan na bigay sa kanya ng mga kaibigan ko.

"Balita ko ay isa ang firm niyo ang napili na kung saan ay kukuha ng mga Engineer para sa Donatella Company. Malaki daw ata ang project nila ngayong taon kaya kukuha ng magagaling na Engineer at mga Architect." kwento ni Dylan.

"Share mo lang?" sabi ni Nikko at nakakuha agad ito ng batok galing kay Dylan. "Nakakain ba yun?" pansususot pa nito kay Dylan at napailing na lang ako.

Hindi ko pa alam ang sa Donatella Company pero siguro ay i-inform kami mamaya o bukas. Minsan bilib din talaga ako sa mga tainga at bibig ng mga kaibigan ko. Tinalo pa ang mga babae sa pagiging marites.

...

Kasalukuyang papunta kami sa supermarket para bumili ng mga pang-stock na pagkain. Kasama pa rin namin ng anak ko si Nikko.

"Alam ko na kung nasaan si Camille." bukong ni Nikko at agad akong naalerto at hindi makapaghintay sa kadugtong na sasabihin niya.

"Saan?" tanong ko.

"Secret. Kiss muna." sabi niya at naihampas ko sa kanya ang isang balot ng biscuit.

"Saan nga?" galit na tanong ko.

"Nasa puso mo." sabi niya. Bagsak ang balikat ko sa narinig dahil pinagtitripan na naman ako ni Nikko. Napatingin naman ako kay Paulo na ngayon ay nasa loob ng cart nakaupo.

"Anak anong gusto mong pagkain?" tanong ko at umiling siya.

"Ang gusto ko lang ay makita ko na si Mama." sabi niya at napahinas na lang ako sa batok ko.

Lahat ko na ginawa para mahanap si Camille pero sabi nga nila. Mahirap mahanap ang isang bagay o tao na ayaw magpahanap.

"Hayaan mo at hahanapin natin siya." sabi ko at umiling.

"Lagi mo na lang sinasabi yan pero hindi naman nagkakatotoo." sagot niya sa akin at itinimom ko nanlang ang bibig ko at nagsimukang itulak ulit ang cart.

Matapos bumili ay dumiretso na kami sa bahay at kasama pa rin namin si Nikko. Minsan napapaisip ako na parang gustong ampunin na ni Nikko ang anak ko. Palibhasa gustong na niya ding magka anak pero iniwan din siya nung babae niy. Napakamalas nga lang niya na siya na ang pinakamatino sa aming magkakaibigan siya pa itong naiwan at nagiisa.

Pagdating sa bahay ay ang bumakbibig na naman ni Paulo ay si Camille. Tulad na lang ngayon na nagpapaturo magluto kay Nikko dahil gusto daw niyang lutuan ang Mama niya kapag nagkita sila.

Napahilamos na lamang ako ng mukha gamit ang palad dahil hindi ko na talaga alam kung saan matatagpuan si Camille.

Ang tanga tanga ko kasi. Sambit ko sa sarili habang nakatingin sa anak ko na ngayon ay seryosong nakikinig sa itinuturo ni Nikko sa kanya.



     

MISTERCAPTAIN
Professor
 
        
Nasaan na nga ba si Camille? Next Chapter ay POV niya hehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro