CHAPTER 25: KAKALIMUTAN
CHAPTER 25
KAKALIMUTAN
Tangina naman eh!
Tumalikod na ako habang umiiyak dahil wala eh, niloko ako ni Paul. Niloko ako ng putangina niya.
Saktong paglabas ko ng hotel ay may taxi na huminto sa harap ko kaya sumakay na kaagad ako at binaggit ang address ng baby home school ni Paulo.
Ang kapal ni Paul na magloko gayong may anak siya at masama ay mas inuna pa niya ang babae niya kaysa sunduin at alagaan si Paulo. Sinabi ko sa kanya na kapag niloko niya ako at kapag nambabae siya at tuluyan ko silang iiwan ng anak niya.
Pinaghintay ko na lang din ang taxi para hindi ako mahirapan ng masasakyan. Pagpasok ng baby home school ay hinanap ko si Paulo. Pagsakay ko sa taxi ay mahimbing na natutulog si Paulo sa bisig ko.
Nang huminto ang sasakyan sa bahay ni Paul ay naabutan kong nasa labas ang sasakyan ng tanginang manloloko. Pagbaba ko ng taxi ay sinalubong niya ako pero hindi ako nagsalita at nagtimpi lang dahil karga ko pa si Paulo, ayaw ko itong maggising.
"I'm sorry Camille." sambit ni Paul nang makalabas ako ng kwarto ni Paulo. Dumiretso ako sa kwarto at ginayak ang mga gamit ko pero pilit itong kinukuha at inilalabas ni Paul sa bag.
"Tangina!" sigaw ko sa kanya at hinampas hampas siya sa dibdib. "Sorry lang? Matapos mong manloko at mambabae? So kung paulit ulit mong gagawin sa akin iyon sorry lang ang makukuha ko tapos magkakaayos na agad tayo." galit na sabi ko at napaluha na lamang ako.
"Hindi ako nambabae at hindi kita niloko." sagot ni Paul. "Hindi ko alam ang nangyari, naggising na lang ako kanina at sinabi sa akin ni Charo na may dumating daw na babae."
"Sinungaling! Sino ba ang maniniwala sa iyo eh babaero ka naman talaga. Hindi ka na nagbago." sumbat ko at sinubukan niya akong yakapin pero itinulak ko siya.
"Camille naman. Mahal kita at ikaw lang ang babae ko." sabi niya at nakita ko ang pagpatak ng luha niya. "Wag mo akong iwan, wag mo kaming iwan. Nagmamakaawa ako sa iyo. Mahal na mahal kita." sabi pa niya at nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ang mga binti ko.
"Nagbago na ako." sabi pa niya habang umiiyak.
"Hindi ka nagbago, lumala ka lang lalo." sabi ko at inalis ang pagkakayakap niya sa binti ko. "Sinabi ko sa iyo na oras na mambabae ka at lokohin ko ako ay iiwanan kita." sambit ko at iniligay ko na ang mga gamit sa bag.
Hindi na ako pinigilan ni Paul at nakaluhod na lamanv siyang umiiyak habang pinagmamasdana ako." Sige, paniwalaan mo na nambabae at nanloko ako pero mahal kita Camille."
"Mahal na mahal kita Camille." umiiyak niyang sabi.
Matapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran ko siya at naglakad na palabas ng kwarto. Dumaan muna ako sa kwarto ni Paulo at hinalikan ito sa noo.
Umiiyak akong lumabas ng bahay ni Paul hanggang sa makauwi ako sa apartment. Magdamag akong umiyak dahil sa nangyari. Hindi na tuloy ako nakapasok nasa klase ko noong umaga.
...
Wala ako sa sarili ko habang naglalakad sa campus. Kulang ako sa tulog at hindi man kang maggawang makapagisip ng tama dahil sa nangyari.
Nakatanggap ako ng text kay Paul at panay sorry ito at iloveyou kaya naman pinatay ko ang cellphone ko.
Hindi ako tanga at marupok.
Naglakad na ako palabas ng campus at nagulat ako nang nakita sa may gate si Paul. Dumiretso lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.
"Camille, baby. Umuwi ka na." pagmamakaawa ni Paul.
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Tulad ko ay namamaga din ang mata niya dahil sa pag-iyak. "Hindi na ako babalik sa iyo. Tapos na tayo." may diin kong sabi ay sinampal siya.
Pumunta na akong waiting shed at naghintay ng masasakyan. Paguwi ko sa apartment ay nahiga lang ako at umiyak ng umiyak. Wala akong pakialam kung wala akong kain o walang tulog, ang gusto ko lang ay maalis yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ang pagiyak ay nakatulugan ko hanggang sa naggising na lang ako sa malakas na katok. Gulo-gulo ang buhok ko nang bumangon at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin si Nikko at mataman na nakangiti. "Anong ginagawa mo dito?" inis kong sabi at itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis.
"Chillax! Yung kaibigan ko ang kaaway mo hindi ako." aniya.
Hinayaan ko naman siya na pumasok sa apartment ko at dumiretso sa kusina. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng ugok na ito dito sa apartment ko.
"Maupo ka." utos niya sa akin at nginisian ko lang siya.
Naupo ako at pinanood ko siya sa ginagawa niya. Nagkuha siya ng plato at kutsara at nilagyan iyon ng pagkain na galing sa tupperware na bitbit niya.
"Kumain ka." utos na naman niya at tiningnan ko lang siya.
Wala akong balak na kumain, pagsisinungaling ko sa sarili ko.
Nagulat naman ako sa ginawa ni Nikko dahil naglagay ito sa kutsara ng ulam at inilapit iyon sa may ilong at bibig ko. Agad akong natakam nang maamoy ang ulam, mukhang masarap.
Ilalalit niya ang kutsara sa akin at ilalayo din na para bang pinaglalaruan ako. "Kakain na ako." sabi ko at ibinigay niya sa akin ang kutsara.
Kagabi pa akong walang kain dahil wala akong gana pero natakam ako ngayon sa ulam na nasa harap ko. "Masarap?" tanong ni Nikko at tumango ako.
"Syempre! Masarap yung nagluto." aniya at inirapan ko siya. Grabe ang hangin nito sa utak. "By the way, ako yung nagluto." sabi pa niya.
Habang kumakain ay pinanood niya lang ako. Napansin ko rin na kinukunan niya ako ng video pero hindi ko siya masaway dahil abala ako sa pagkain.
"Bakit mo ba ako kinunkunan ng video?" tanong ko nang matapos kumain. Napakamot siya sa ulo at sinagot ang tanong ko. "Nagpapasend si Paul eh. Nagaalala siya sa iyo."
"So pinapunta ka niya dito?" usisa ko at tumango siya.
"Mahal ka ng kaibigan ko. Parang baliw iyon kapag kwinwkento ka niya sa aming magbabarkada. Palibhasa ngayon lang nagmahal ang gago."
"Babaero si Paul pero tumigil na iyon dahil ang sabi niya ay mahal na mahal ka niya. Kaibigan niya ako at alam ko kung nagsasabi ang gagong iyon ng totoo."
"Mahal na mahal ka ni Paul at hindi ka niya maggagawang lokohin." kwento pa ni Nikko pero hindi ako naniwala.
"Eh baka naman pinagtatanggol mo si Paul dahil babaero ka din." sumbat ko at agad siyang umiling.
"Gwapo ako pero hindi ako babaero." sabi niya.
"Ang sabihin mo kay Paul tangina niya. Wag na siyang magpapakit sa sa akin. Hindi ko na siya mahal." sabi ko pa at naiiyak na naman ako pero pinigilan ko.
"Are you sure? Hindi mo na siya mahal?" tanong niya pa at kinuha ko ang tinidor at itinutok sa kanya.
"Magtatanong ka pa?" banta ko at umiling siya.
"Ito naman sinisigurado ko lang. Apaka bayolente mo, nakakatakot ka naman." sabi niya. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at tumingin sa akin. "Kung gusto mo ng masarap na ulam wag kang mahiya na humingi sa akin. Chef ako at dahil naging girlfriend ka ng kaibigan ko ay libre lang ang pagkain sa iyo." sabi niya pa at tuluyan nang umalis.
Nahiga muli ako sa kama ko at napaisip ako kung anong gagawin ko para makalimutan ko si Paul.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro