CHAPTER 15: WIN
CHAPTER 15
WIN
PAUL
Kanina pa ako pangiti ngiti at hindi maggawa ang trabaho dahil kanina pa tumatakbo sa isip ko si Camille. Buti nga ay hindi siya napapagod kakatakbo. Lintik! Ang korni ko!
"Alam mo ba?" biglang salita ni Nikko at tinaasan ko siya ng kilay. "Syempre hindi mo alam bobo ka eh."
"Tangina mo!" mura ko kay Nikko at tumawa siya.
"Bobo ka, bobo-o sa buhay ko. Yieeeh! Sana kiligin ka pre." sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko at nagtataka kung bakit nandito na naman itong si Nikko. Dapat nandun siya sa restaurant niya at nagluluto pero palagi na lang akong pineperwisyo.
"Bakit ka ba nandito? Bakit hindi si Miguel ang kulitin mo?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw ko kay Miguel, tanginang pulis na yun. Sa tuwing pupunta ako sa distrito niya para makikipagkwentuhan ay lagi akong kinukulong kasama nung mga preso."
"Hindi naman nakakatakot kasama yung mga preso doon pero tangina siya ang pinunta ko doon. Kaya nandito ako kasi mabait ka at tsaka ikaw ang pinakalove kong kaibigan." paliwanag niya.
"Love po kita Engr." sabi pa niya at konti na lang ay masusuntok ko na siya dahil inulit ulit niya pa ang sinabi pero boses babae na.
Napailing na lang ako kay Nikko. Patawa tawa at pangiti ngiti yan pero yung totoo ay iniwan talaga siya ng girlfriend niya. Ang tibay din!
Sinarado ko ang laptop ko at inaya ko si Nikko na magmall. Naisipan ko na bumili ng chocolate at boquet para kay Camille. Ang sabi ni google ay ganun daw ang ginagawa kapag gusto ang isang babae.
Magpapatulong ako kay Nikko ng mga bibilihin dahil alam kong expert siya sa mga bagay bagay at mga gamit.
"Chicks!" sambit agad ni Nikko nang makapasok kami sa loob ng flower shop.
Nagsimula akong magtingin tingin at mamili ng bulaklak. Kung minsan naman ay tinatawag ko siya para itaning kung ayos lang ba ang mga pinipili ko.
"Ang sweet mo naman Engr. bibigyan mo pa talaga si Camille ng bulaklak. Halatang seryoso ka sa kanya at pumapagibig ka."
Natigilan ako sa sinabi ni Nikko at paano niya nalaman na si Camille ang bibigyan ko. Tinanong ko siya king paano niya nalaman at ang sagot niya sa akin ay obvious naman daw.
Obvious ba talaga na si Camille ang bibigyan ko?
Matapos makapili ng mga bulaklak ay pinaayos namin ito hanggang sa maging boquet.
Dumiretso kami sa isang chocolate shop at bumili ng chocolate na ibibigay kay Camille. Halos puno ang isang paper bag ng chocolate na siyang ibibigay ko.
"Papatayin mo ba si Camille? Diabetes ang aabutin nun dyan sa ibibigay mo." sabi ni Nikko.
"Mamatay talaga yun." wala sa sarili kong sabi at nanlaki ang mata niya. "Mamatay sa pagmamahal ko." mayabang ko sabi at ginulo niya ang buhok ko.
"Tangina mo pre, kung babae lang ako minahal na kita." sabi ni Nikko at akmang yayakapin ako ay sinenyasan ko siya na wag niyang ituloy ang balak na pagyakap sa akin.
"So mahal mo si Camille? Kakasabi mo pa lang?" nahinto ako sa sinabi niya. Sinabi ko ba talaga yun? Ang sabi ko ay gusto ko lang si Camille.
"Wala akong sinabi."
"Tangan may sinabi ka! Sabi mo papatayin mo ng pagmamahal si Camille." sabi pa niya. Lintik! Sinabi ko pala yun. "In denial ang gago." rinig ko pang bulong ni Nikko.
Kasama ko pa rin si Nikko ng umuwi sa bahay. Habang nasa nagdadrive ay hindi ako mapakali. Nakailang practice ako ng sasabihin ko kay Camille pero ang gaging Nikko ay tinatawanan lang ako.
Napaka supportive niya talaga na kaibigan.
Pagkadating sa bahay ay walang tao. Kapag ganun ay siguradong pumasok si Camille at iniwan niya ang anak ko sa baby home school.
Dumiretso kami ni Nikko sa school ni Camille. Nung una ay ayaw kaming papasukin pero kalaunan ay napapayag din namin ang guard dahil sa pagiging charming ni Nikko.
Nagparking kami at pagkababa pa lang naming dalawa ay nakuha na agad namin ang atensyon ng ilang estudyante. May ilang nagbubulungan at rinig kong pinaguusapan kami.
Si Nikko naman ay panay kindat sa mga estudyanteng tumitingin sa amin.
Hindi ko alam kung saang room si Camille kaya bago pumunta dito sa campus ay tinext ko siya kung nasaan. Walang problema sa paghahanap ng room dahil dito naman ako nag-aral ng mga kaibigan kong ugok.
Malapit na ako sa room na tinext sa akin ni Camille at tinanong ko si Nikko kung ayos lang ba ang hitsura ko. Ang sabi niya ay oo kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
Saktong pagdating namin sa room ni Camille ay naglalabasan na ang ilang mga estudyante. Mula sa labas ay tumingki ako para hanapin si Camille.
Napangiti naman ako nang makita kong kasama niya yung Karlo. Magkausap sila at nagtatawanan.
"Goodluck pre." sabi ni Nikko sa akin at nanatili lang siya doon sa kabilang pinto habang ako naman ay naglakad doon sa pintuan na kung saan lalabas si Camille.
Paglabas ni Camille ng room ay hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pakikipagkwentuhan kay Karlo.
"Camille!" tawag ko at napahawak ako sa batok dahil kinakabahan na naman ako. Lintik yan!
"Paul." gulat niyang tawag sa akin at lumapait sa kintatayuan ko.
Nakita ko naman si Karlo na agad na tinanggal ang clip sa buhok niya at maging lipstick. Siniko siya ni Camille at hindi ko alam kung anong sinesenyas niya rito.
"Oy pre, may date kami ni Camille." boses lalaki na sabi ni Karlo at nakita ko ang pagpikit ni Camille.
"Mukha mo." sabi ko at hindi nakalagpas sa akin ang ginawang pagirap niya. Bakla talaga.
"Karla, alam na niyang bakla ka." pagamin ni Camille sa kaibigan at nagpigil ako sa pagtawa.
"SHUTA KA GIRL! Nageffort pa ako para magpakalalaki ngayon. Tinanggal ko pa ang clip at lipstick ko tapos alam na niya pala na bakla ako." medyo inis na sabi Karlo.
"Shuta ka rin, kanina pa kita sinisiko para itigil ang ginagawa pero tuloy tuloy ka lang sa ginagawa mo."
Tumikhim ako sa harapan nilang dalawa dahil mukhang magtatalo pa sila. Agad naman silang napatingin sa akin at ibinig sa ko kay Camille ang bouquet na binili ko at pati ang chocolate.
"Ah-ahm para sa'yo C-Camille." nauutal kong sabi at nakita ko na namula ang mukha niya.
"Para saan ito?" taning niya.
"Gusto kita Camille at gusto kitang ligawan." sabi ko.
"May nanalo na!" sigaw ng kaibigan niyang bakla na si Karlo. Sinubukan itong patahimikin ni Camille pero ang lakas sumigaw kaya napapatingin sa amin ang ibang estudyante.
"May tanong ako sa'yo." sabi ko kay Camille at kumunot ang noo niya.
"Ano yun?"
"Kung ang english sa panalo ay WIN. Pwede bang ikaw ay maging akin?" sambit ko at mas lalong lumakas ang sigaw ng kaibigan niyang si Karlo.
Napangiti naman ako ng dahan dahan na tumango si Camille sa sinabi ko.
Lintik! Kinikilig ako!
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming Salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Kung nagustuhan niyo po ito ay recommend niyo sa mga co-wattpader niyo.
May nanalo na! Paano ba yan?
Kung ang english ng panalo ay WIN. Pwede ka bang maging akin? – Engr. Paul Mendiola
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro