CHAPTER 12: GALIT AT SELOS
CHAPTER 12
GALIT AT SELOS
PAUL
Pinuntahan ko ang mga posibleng puntahan ni Camille pero wala talaga. Papunta na ako sa baby home school ni Paulo nang mapagpasyahaan ko munang bumili ng kape sa 7/11.
Pagpasok ko ay agad akong pumuntang coffee vending machine. Habang naghihitay ns maluno ang cup ng kape ay nakuha ng atensyon ko ang naritinig na tawa.
Nagpalinga linga ako para hanapin kung sino yung tunatawa pero naikuyom ko kaagad ang palad ko nang makita ko si Camille ang tumatawa at may kausap na lalaki na familiar sa akin.
Nang mapuno ang cup ko ng kape ay lumapit agad ako sa pwesto ng dalawa. Sobrang nagaalala ako kay Camille kanina at halos magalit ako pero parang gusto kong ibuhos ang kapeng hawak ko sa lalaking kakwentuhan niya.
"Camille." pagtawag ko sa kanya at lumingon siya sa akin.
Nagtama ang mata namin pareho at namamaga anv mata niya na halatang umiiyak. Ngumiti siya sa akin pero alam kong pilit lang iyon.
"Lance, siya pala yung boss ko. Si Sir Paul." mas lali akong nainis dahil tinawag niya ako na may Sir sa pangalan ko.
"Ah di ba siya yung lalaking nagbato sa akin ng tissue sa supermarket?" tanong nung Lance kay Camille at tumango ito.
"Lance nga pala pare." pagpapakilala niya sa akin peeo hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad.
"Camille tara na, susunduin pa natin si Paulo." sabi ko at walang pagaalinlangan na tumayo siya.
"Sa sunod na lang Lance, magtext text na lang tayo." sabi pa ni Camille kay Lance.
Agad akong tumalikod at paalis na sana kami pero may pahabol pang sinabi si Lance. "Gusto ko si Camille at liligawan ko siya Paul." pagkakarinig ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na ibuhos sa kanya ang kapeng hawak. Naiinis ako sa sinabi niya. Hindi ko naman siya tinatanong kung may gusto siya kay Camille.
Humarap ako kay Lance at nginisian siya. "Ang pangit mo!" seryoso kong sabi
Nauna akong maglakad papuntang sasakyan habang si Camille ay nakasunod sa akin. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay tsaka ko lang siya kinausap tungkol sa nangyari kanina.
"Yung naabutan mo kanina sa office, I'm sorry." nahihiya kong sabi at hindi ko maggawang tumingin sa kanya.
"I'm sorry Camille." paguulit ko at hinintay ko siyang sumagot o magalit pero bumuntong hininga lang siya.
"Tara na po Sir Paul, sunduin na natin ang anak MO." aniya na hindi man lang ako nilingon.
"I fucking hate it, when you call me Sir." inis na sabi ko at binuksan ko na ang makina ng sasakyan.
Pagkadating namin sa baby home school ni Paulo ay siya mismo dito ang kumuha. Pauwi na kami pero hindi man lang akong maggawang pansinin ni Camille.
Pagkapasok sa bahay ay idineretso niya si Paulo sa kwarto nito dahil tulog na ito. Nakasunod ako kay Camille habang inaayos niya ang mga gamit at laruan ng anak ko.
"Camille." pag tawag ko at lukinhin siya sa akin.
"May iuutos po ba kayo Sir?" tanong niya.
Napabuntong hininga ako at walang masabi sa kanya. Umiling na lamang ako at lumabas na ng kwarto bilang pagsuko.
Ang tanga mo kasi Paul. sambit ko sa sarili.
Dumiretso ako sa kwarto at kinuha ang laptop ko. Pumunta akong dining table para doon ko tapusin ang naudlot kong trabaho.
Sandali panay narinig ko ang yapak na galing sa taas na nangangahulugang pababa na si Camille. Hindi ako lumingon at mas itinuon ang sarili sa laptop.
Nang makababa si Camille ay nakita ko siyang nilinis ang konting kalat at pagkatapos nun ay dumiretso siya sa kusina.
Ako naman na lintek ay tumayo at sinilip siya. Pumunta akong kusina at patago siyang tininingnan habang kumuha siya ng tasa.
"Good boy pala ha! Palibhasa ang malibog ka palagi. Nakakainis siya." rinig kong pagmamaktol ni Camille.
Nasaktan ako sa narinig ko pero totoo naman kaya wala akong karapatan na magreklamo. Ang tanga tanga ko kasi.
Hindi ko naman dinadamdam ang mga ganung salita noon sa akin pero bakit kapag si Camille ay sobrang nasasaktan ako to the point na gusto kong maiyak.
Sinilip ko siya ulit at matapos nun ay bumalik na ako sa harap ng laptop. Imbes na makapagisip ako ay si Camille ang tumatakbo sa isip ko.
Sandali pa ay nakita ko ang paglakad ni Camille papunta sa pwesto ko. May inilapag siyang tasa sa tabi ko at pagtingin ko doon ay kape iyon.
Aalis na sana siya pero tinawag ko siya. Lumingon siya sa akin at hinintay ang sasabihin ko.
"I'm sorry Camille sa naabutan ko. Hindi na mauulit. Pansinin mo naman ako oh. Nasasaktan ako kapag hindi mo ako pinapansin. Para akong masisiraan ng ulo at bait dahil lang sa iyo." sabi ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan sa akin magpaliwanag. Hindi ba't ganun ka naman talaga. Para saan pa ang pagpapaliwanag mo eh wala naman akong pake sa mga babae mo o pinaggagawa mo sa buhay mo. Nanny lang ako at labas ako sa buhay mo." seryosong sabi ni Camille.
Hindi ko na talaga maintinidihan ang sarili ko. Para bang nainis ako noong sinabi niya na Nanny lang siya at labas siya sa buhay ko.
"Camille naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung gusto ba kita o hindi. Alam ko na hindi ako ang tipo mong lalaki pero nagseselos ako kapag may ibang lalaki na lumalapit sa iyo. Kahit nga kaibigan ko ay masasapak ko."
"Hindi ko alam itong nararamdaman ko.
"Pwede ka bang ipagdamot?"
"Pwede bang akin na lang?"
Nasabunutan ko ang sarili ko nang hindi sumagot si Camille sa sinabi ko. Tumalikod ito at kinuha ang gamit pagkatapos ay lumabas na ng bahay ko.
Nagtext ako kay Lia na kaibigan kong babae. Tinanong ko siya kung paano makipagbati sa babae at nireplyan ba naman ako na kung smnakashabu ba ako. Kahit kailan talaga ay mapangasar siya sa akin. Palibhasa flat, walang dede.
Humanda siya sa akin kapag nagkita kami.
Wala akong napala kay Lia kaya tumawag na lamang ako sa mga kaibigan kong tarantado at sinabing maginuman kami dito sa bahay.
Lahat sila nagtaka sa text ko dahil unang beses kong mag-aya na maginuman kami.
Inasar pa nila na broken hearted daw ata ako.
Hindi ako broken hearted noh?!
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro