CHAPTER 1: ANAK MO
CHAPTER 1
ANAK MO
Nagising ako sa malakas na iyak ni Paulo, ang anak ni Paul na isang Engineer. Sideline ko ang pagaalaga sa mga matatanda at mga bata dahil doon ako kumukuha ng perang pambaon ko sa pag-aaral.
Fourth year college na sa kursong Civil Engineering. Una kong nakilala si Paul noong may nagrekomenda sa akin na naghahanap daw ito nang mag-aalaga sa Lola niya.
Nakuha akong tagapag-alaga sa kanyang Lola Tonya pero tatlong taon ang nakalipas ay binawian ito ng buhay dahil sa katandaan. Naging malapit kami ni Lola Tonya kaya kahit ako ay nalungkot sa pagkawala niya.
Tatlong buwan ang nakalipas nang mamatay si Lola Tonya ay dumating ang isang anghel sa buhay ni Paul.
Kung tutuusin ay wala na akong trabaho kay Paul dahil wala na ang kanyang Lola pero tulad nang habilin nito sa akin, ay kapag nawala daw siya ay alagaan ko ang apo niya.
Ang apo niyang babaero at siraulo.
Ayoko sanang tuparin ang habilin nito pero natatakot akong multuhin niya at isama na rin sa kanya. May pangarap pa ako kaya akong multuhin niya kaya kahit labag sa kalooban ko ang alagaan si Paul ay ginawa ko na lang din.
Sinong mag-aakala na ang sira ulong iyon ay nakabuntis at nagkaroon pa ng anak.
Magpapahinga na sana ako noong araw na iyon pero bigla akong nakarinig ng iyak ng isang sanggol mula sa gate ng bahay at doon ko natagpuan ang isang baby na nasa isang basket na may kasamang letter na nagsasabing ang ama ng bata ay si Paul.
Nakapaloob din sa sulat ang pangalan ng baby at kung kailan ito pinanganak. Walang nakalagay kung sino ang ina ng bata, basta ang ginamit nila ay ang surname ni Paul na Mendoza.
Wala mang pahintulot mula kay Paul ay ipinasok ko ang baby sa loob ng bahay Inasikaso ko ito dahil mukhang naggugutom, panay kasi ang iyak.
Nang dumating si Paul ay nabigla siya sa naabutan. Inakala pa niya na anak ko si Paulo. Nang sinabi ko na anak niya ang sanggol na hawak ko ay hindi siya. Agad siyang umalis nang araw na iyon at alam ko na ang pupuntahan niya, sa bar.
Ilang linggo ang nakalipas ay pina-DNA pa niya ang baby at siniguradong anak niya ba talaga iyon. Nang lumabas na ang resulta ng DNA, ito ay 99.98% na nangangahulugan na siya ang ama at wala siyang kawala.
Babaero si Paul at sanay na ako na palagi may mga babae siyang kahalikan sa loob o labas man nitong bahay. Halos kabisado ko na ang kilos niya at galawan niya, college pa lang kami.
Minsan napapaisip ako kung hindi ba nagsasawa si Paul sa pambabae.
First year college ako noong maging taga pag-alaga ako sa Lola Tonya niya habang siya naman ay Fourth year. Tatlong taon ang tanda niya sa akin pero isip bata iyon. Hindi siya papatalo sa mga maliliit na bagay kaya naman noon pa man ay hindi na kami magkasundo.
"Gutom na si Baby Paulo." mahina kong sambit at agad siyang binuhat mula sa crib. May natira pang gatas sa tsupon niya kaninang madaling araw kaya pwede pa iyon. Kinuha ko ang tsupon at isniuksok iyon sa bibig niya.
"Ang cute cute cute talaga ng baby Paulo ko." nanggigil kong sabi at medyo kinurot nang mahina ang kanyang pisngi.
"Good Morning baby ko." bati ko pa dito
"Hindi mo yan anak, wag mong angkinin." biglang sulpot ni Paul na ikinagulat ko. Patago akong umirap at tumahimik na lang ako kesa sumakit ang ulo ko sa pakikipagtalo sa kanya.
Hindi ko naman inaangkin. Tinawag ko lang na 'Baby Paulo ko' ang arte niya.
"Ako na ang magpapainom sa kanya ng gatas. Ihanda mo ang almusalan ko." utos niya at dahan dahan ko naman inilipat si Paulo sa kanyang bisig.
Pumunta akong kusina at nagsimula nang magluto ng almusalan. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Paul. Tinatawag niya ako kasabay ng pagiyak ni Paulo.
"CAMILLE!" rinig kong pagtawag sa akin ni Paul.
Sa halip na puntahan siya ay pinagpatuloy ko ang pagluluto. Ilang sandali pa ay sumulpot siya sa harapan ko at kitang kita ko ang pagkairita niya dahil hindi niya maggawang patahanin ang anak niya.
"CAMILLE!"
"Kanina pa kita tinatawag. Ang sabi ko ay umiiyak si Paulo." may inis sa boses niyang sabi.
Tiningnan ko lang siya at muling ibinalik ang tingin sa niluluto.
"Tangina!" malutong na mura ni Paul.
Tangina mo rin! Mura ko sa aking isipan.
"Patahanin mo itong anak ko sa pagiyak."
"Kaninang pinapadede ko ang anak mo ay pinagbibintangan mo akong inaangkin ko ang anak mo. Ngayong umiiyak iyan ay parang kasalanan ko." may inis kong sabi. Nanlaki naman ang kanyang mata dahil sa naging sagot ko.
"Anak mo iyan hindi ba? Edi ikaw ang magpatahan hindi iyong ipapasa mo sa akin." dugtong ko pa nang mailagay ko na sa plato ang niluto ko.
Dinala ko ang mga niluto sa dining table habang si Paul ay nakasunod sa akin at panay iyak pa rin ang anak niya.
"Kumain ka na po Señorito." ani ko at lumapit sa kanya para kunin si Paulo upang patahanin ito.
Naupo ako sa isang upuan dito sa dining table na may kalayuan sa kinauupuan ni Paul. Sa gilid ng mga mata ko ay ramdam ko na pinapanood niya ako kung paano patahanin at padedehin yung anak niya.
Nagsimula siyang kumain pero ramdam ko na pinapanood niya pa rin ako.
Ilang sandali pa na pagtatapik sa pwet ni Paulo ay tuluyan itong tumahan sa pag-iyak. Kinantahan ko siya ng imbento kong kanta hanggang sa nakatulog ito.
Ang katahimikan na bumalot sa buong bahay ay binasag ni Paul. "I'm sorry." aniya.
"Aba dapat lang." maldita kong sagot sa kanya.
Sorry niya mukha niya. Iyon sana ang gusto kong isagot pero itinikom ko na lang ang bibig. Sira na ang umaga ko at ayokong tuluyang masira ito nang dahil lang sa asungot na amo ko.
Tumayo ako habang nasa bisig ko pa rin si Paulo na mahimbing ang tulog. Naglakad ako papunta sa kwarto nito at dahan dahan na inihiga siya sa crib.
Paglabas ng kwarto ay nabigla ako nang bumungad sa akin ang hitsura ni Paul. "Ay! Palaka!" medyo malakas kong sabi pero buti na lang ay hindi nagising si Paulo.
"Mag-almusal ka muna." sabi niya sa akin at umiling ako.
"Hindi na po, maghahanda na ako dahil mamamalengke po ako." sabi ko. Akmang aalis na ako nang bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan.
"Mag-almusal ka muna. Sasamahan kita mamaya sa pamamalengke." aniya.
Gusto ko man na sumagot pa pero wala akong naggawa kundi ang sundin siya. Baka kung ano naman ang sabihin niya sa akin.
Nang matapos akong mag-almusal ay naabutan kong gising na muli si Paulo at kasalukuyan na naglalaro sa loob ng crib niya. Si Paul naman ay nakita kong kakalabas lang ng kwarto niya na bagong ligo.
Inihanda ko ang pampaligo ni Paulo at inayusan siya. Nang maayos na ang lahat ay kinuha ko ang baby sling. Ang baby sling ay isang parang bag para hindi mahirapan na buhatin o kargahin ang mga baby.
Inilagay ko si Paulo sa baby sling at tsaka isinabit iyon sa harapan ko para makita ko siya mismo. "Sir tara na po." Sabi ko kay Paul at tumango lang siya.
Paglabas namin ng bahay ay may bitbit pa akong bag na ang mga laman ay mga gamit ni Paulo dahil baka abutin siya ng gutom o pagdumi habang namamalengke pero ang tatay niya ay hindi man lang ako ginawang tulungan o pagbuksan ng pintuan ng sasakyan.
Apaka gentleman talaga niya.
Tanging ang cute at maliliit na tawa ni Paulo ang bumalot sa buong biyahe naming.
Agad naman ako nagtaka nang mapansin na ibang daan ang tinatahak namin. Papunta dapat kaming palengke pero pagtingin ko sa labas ay natanaw ko ang isang supermarket.
"Sir sa palengke po hindi dito." sabi ko nang binuksan niya ang pintuan. Nagdadalawang isip pa ako kung bababa ng sasakyan kasi hinihintay niya ako.
"Bumaba ka na, wag nang puro salita. Ako ang boss kaya ako ang masusunod." mayabang niyang sabi at patago ko siyang inirapan.
Bumaba ako ng sasakyan bitbit ang bag at binilisan ang paglalakad papasok sa loob ng supermarket.
Edi siya na ang boss! Akala mo kung sino eh hindi man lang maggawang alagaan ang sariling anak.
Bago tuluyang makapasok ng supermarket ay nakarinig ako ng isang boses na galing sa babae na kung saan ay tinawag si Paul.
"Engineer!" mataray na tawag ng isang babae sa kanya. Napairap ako nang makita ko ang suot ng babae at kung gaan kakapal ang make up niya.
Tiningnan ko silang dalawa at napailing na lang ako nang agad na hinalikan ni Paul ang babae.
Dito pa talaga naisipan na lumandi.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Merry Christmas!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro