Chapter XVIII: Is It True?
"IS IT TRUE?"
"We're home!" sigaw ni Lucas nang makapasok na sila ng mansion at nakita niyang nakaupo sa sala ang kanyang mga magulang.
"Welcome home!" pag-welcome sa kanila ni Marianne nang makatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at sabay yakap kay Lucas nang makalapit siya dito "Welcome back, Gen." sabi niya naman kay Gen.
"Salamat po." nakangiting tugon ni Gen kay Marianne.
"Have you eaten dinner yet?" tanong sa kanila ni Edmond habang naglalakad ito papunta sa tabi ni Marianne.
"Yes, Dad, we have." sagot naman ni Lucas sa tanong ng kanyang ama.
"Uhm, excuse me po. Babalik na po ako sa kwarto ko." at nakayukong pumanik si Gen sa kwarto niya.
Nang mawala na si Gen sa mga paningin nila ay agad na nagtanong si Marianne sa anak niya "So, is it true, dear?" bakat ang saya sa mga mata niya.
"What is?" tanong naman ni Lucas, nagtataka kung ano ang iniibig-sabihin ng kanyang ina.
"That you and Gen are now in a relationship." pormal na sagot naman ni Edmond.
"What? S-Sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?" pakiramdam ni Lucas ay bigla siyang namula sa sinabi ng kanyang mga magulang.
"Si Lily. We didn't want to believe her at first, but... we had another witness." paliwanag ni Marianne.
"Witness? Sino?" tanong ni Lucas.
"Tinawagan ako ni Roberto" medyo nabigla naman si Lucas nang magsalita si Alice habang naglalakad ito papalapit sa kanila "At sabi niya, nakita niya daw kayong dalawang naghahalikan sa harap ng Wishing Fountain." taas-kilay ang ekspresyon ng mulha ni Alice.
"Uhm... ehehe..." napatingin si Lucas sa mga paa niya habang sinusuklay ang kamay niya sa buhok niya.
"At naniniwala akong hindi nagsisinungaling ang fiance ko." dagdag pa ni Alice habang naka-cross arms.
"So, is it true?" tanong naman ni Edmond, medyo naiintriga ang ekspresyon sa mukha.
"Well... sorta. I guess so." medyo mahiyaing sagot ni Lucas.
"Oh my God! Then does that mean you have finaly fpund the girl you are willing to marry?" masiyahing tanong naman ni Marianne, parang kumikislap pa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lucas, naghihitay ng sagot.
"Mariagge? Agad-agad?" may halong pagbibiro at pagkagulat sa boses ko nang sabihin ko ito.
"Why? Diba gusto mo siyang pakasalan?" tanong ni Marianne, nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng pagtataka.
"Well... yeah. Gusto ko. Pero..." napakamotvng batok si Lucas habang nag-iisip ng paraan kung paano ipapaliwanag sa kanila ang dahilan.
"So? What's the hold-up?" tanong ni Edmond.
"Nahirapan na nga ako sa pagco-confess sa kanya, pagpo-propose pa kaya." sagot ni Lucas.
"True." pagsang-ayon naman ni Alice sa sinabi ng kapatid.
"Well... if fate wanted you to be together and if you two are destined for each other, then fate itself will find a way to help you propose to her." paliwanag ni Marianne.
"That's right." pagsang-ayon ni Edmond.
"Tama." si Alice.
________________________
Matapos makapagbihis si Gen sa kanyang pagtulog ay umupo siya sa higaan niya at medyo napa-isip. Nagpabuntong ng hininga siya sabay hawak sa labi niya, napangiti siya habang naaalala niya ang mga pangyayareng iyon.
"Ito pala ang pakiramdam ng ma-inlove. Ang sarap pala." sabi niya sa sarili at bumungisngis siya.
"Gen!" nagulat si Gen nang bigla niyang marinig ang boses ni Caroline mula sa pinto at sinundan ito ng mga katok.
Tumayo si Gen mula sa pagkakaupo sa higaan at pinagbuksan ng pinto ang kaibigan "O, Carol. May kailangan ka ba?" tanong ni Gen nang bumungad sa kanya si Carol.
"Uhm... pwede ba tayong mag-usap? Private talk." tanong niya kay Gen.
"Sige. Pasok." tapos tumuloy na sa kwarto ni Gen si Carol at nang makapasok na siya ay sinara ni Gen ang pinto.
"Ano ba gusto mong pag-usapan?" tanong ni Gen nang makaupo na siya sa higaan.
"Kasi, nabalitaan kasi namin na... kayo na daw ni Sir Lucas." nagulat si Gen sa sinabi ni Carol, nagtaka tuloy soy kung paano nakarating sa kanila ang balita tungkol doon "Gusto ko lang malaman kung totoo yun."
"H-Ha? S-Saan niyo naman nalaman ang tungkol doon?" medyo namumula na si Gen.
"Kasi... sinumbong kayo ni Lily kina Sir Edmond at Madame Marianne. Tapos walang tigil siya sa pagmumuni na nakakainis ka daw, magnanakaw ka daw, ang landi mo daw at iba pa. Nung una, ayaw naming maniwala sa kanya, pero biglang nakatanggap si Miss Alice ng tawag mula kay Sir Roberto at sinabi ni Sir Roberto na nakita niya daw kayong naghahalikan sa Park." paliwanag ni Carol sa kanya.
"Ibig sabihin... sinundan kami ni Lily at sinundan naman kami ni Roberto mula sa diner." bulong ni Gen sa sarili, mas lalo niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi niya.
"So, totoo ba? Kayo na nga ba?" nakangising tanong ni Carol.
"Uhm... uh..." hindi malaman ni Gen ang sasabihin niya. Oo, nag-aminan na sila pero parang nahihiya siyang ipagkalat na girlfriend na siya ni Lucas.
"Gen?" pagtawag ni Carol habang naghihintay ng sagot mula kay Gen.
"Hindi ko nga alam eh. Akala ko kasi isang friendly hang-out lang yun. Pero nung nagsisigawan na kami sa dalampasigan, bigla niyang sinigaw..."
"Sinigaw? Ang ano? Sabihin mo na! Nabibitin ako eh!" pagrereklamo ni Carol habang inaalog ang braso ni Gen.
"Uh... 'I Love You, Gen.'"
"Talaga? Oh my freaking gosh! Nakakakilig naman! Kaloka!" kilig na kilig na sabi ni Carol na parang hindi mapakali sa kinauupuan niya.
"Tumahimik ka nga diyan, Carol. Para kang kinakatay diyan eh." pagsita ni Gen sa kaibigan.
"Ano naman ang sinabi mo? Nag-I Love You ka rin ba sa kanya?"
"Uh... ewan. Hindi ko kasi alam kung-"
"Hinalikan ka ba niya?"
Nagulat si Gen sa tanong ni Carol at bumalik muli sa kanya ang alaala nang naghahalikan sila sa harap ng Wishing Fountain. Naalala niya bigla yung matamis na lasa ng mga labi ni Lucas habang nakapatong iyon sa mga labi niya at hindi niya napigilang ngumiti sa isipang iyon.
"Uyy, ngumingiti siya. Ibig sabihin totoo nga. Naghalikan nga kayo! Ayiieee...!" parang may bulate sa pwet si Carol habang kinikilig siya sa nalaman niya.
"O sige. Umalis ka na. Matutulog na ako at may trabaho pa tayo bukas." tapos hinila niya palabas ng kwarto niya si Carol "Good night!" tapos sinara at ni-lock na niya ang pinto niya.
________________________
Pumasok ng kwarto niya si Lucas at agad na nagpalit sa kanyang pantulog. Nang nakapagbihis na siya ay binagsak niya ang sarili niya sa kama at ilang segundo niyang tiitigan ang kisame.
Tumingin siya sa bedside table niya at dinampot doon ang isang litrato na binigay sa kanya ni Alice, na sinasabing mula daw kay Roberto.
Ang imahe na nasa litrato ay nung naghahalikan sila ni Gen sa harap ng fountain. Talagang close-up ang pagkakakuha ni Roberto sa litrato kaya kitang-kita ang paglapat ng mga labi nila at ang higpit ng pagyayakap nila.
Napangiti si Lucas habang nakatitig siya sa litrato "Gen..." bulong niya sa sarili. Nilapag na niya ang litrato sa bedside table niya at pinikit na niya ang mga mata niya hanggang sa tamaan na siya ng antok at tuluyan na siyang makatulog.
IPAGPAPATULOY...
________________________
NEXT CHAPTER: ALICE AND ROBERTO'S WEDDING
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro