Chapter XVII: There's Nothing To Be Afraid Of
"THERE'S NOTHING TO BE AFRAID OF"
Matapos ang ilang minuto ng pagbibyahe mula sa tabing-dagat ay nakarating sila Lucas at Gen sa isang sosyal at mamahalin na Italian diner.
Unang lumabas si Lucas ng kotse at nagmadali siyang pumunta sa side ni Gen upang pagbuksan ito ng pinto. Nang makalabas na si Gen ng kotse ay ni-lock at sinara na ni Lucas iyon.
Tinitigan muna ni Gen ang diner "Let's go?" anyaya ni Lucas nang pagbuksan niya ng pinto si Gen. Nginitian siya ni Gen bago ito pumasok ng diner at sumunod sa kanya si Lucas.
Pagkapasok nila ay may lumapit sa kanila na isang lalaking naka-suit at may table napkin na nakasabit sa kaliwa nitong braso "Welcome, Sir. Welcome, Ma'am." bati ng lalake sa kanila.
"A table for two, please." request ni Lucas sa lalake. Tumango ang lalake "Si. This way, Sir." sagot ng lalake at sinundan nila ito papunta sa isang empty table na nasa tabi ng glass wall "Here you are, Sir."
"Gracias." sagot ni Lucas saka niya hinila ang isang upuan "Gen" tinawag niya si Gen at sinenyas niya itong umupo sa upuan na hinila niya.
"Salamat." pagpapasalamat ni Gen nang makaupo na siya sa upuan na iyon tapos si Lucas naman ay umupo sa upuan na nasa harapan niya.
"May I take your order?" tanong ng lalake sa kanila.
"Hmm... Ano gusto mo?" tanong ni Lucas kay Gen habang nakatingin kay Gen na tumungo upang maiwasan ang tingin kay Lucas.
"Uhm.. Kahit ano na lang." sagot ni Gen, umiiwas pa rin ang tingin kay Lucas.
"O sige. How about... Steak?" tanong niya kay Gen.
"Uhm... Sige." tumango si Gen sabay sulyap kay Lucas tapos bumalik ang kanyang tingin sa mga kamay niya.
"2 steaks, please." sabi ni Lucas sa lalake at nilista naman niya iyon "Any drinks, Sir?" tanong ng lalake sa kanila.
"Just water." sagot ni Lucas. Saglit na niyuko ng lalake ang ulo niya bago siya dumeretso sa counter upang ibigay ang inorder nila Gen at Lucas.
Sumilay muna sa labas ng pader na gawa sa salamin si Gen at biglang may pumasok sa isipan niya; si Lily. Naglabas si Gen ng isang pagbuntong ng hininga sa kanyang pag-aalala kaya napatanong sa kanya si Lucas.
"What are you thinking about?" tanong niya dito.
"Hmm? Uh... Kasi... Medyo nag-aalala lang ako." may pagaalinlangan sa boses ni Gen nang sabihin niya iyo.
"Tungkol saan naman?" mahinhin na tanong ni Lucas.
"Tungkol kay... Lily." mahina ang pagkakasabi ni Gen sa pamgalan ni Lily pero rinig pa rin iyon ni Lucas.
"Lily? Bakit?" nag-aalalang tanong ni Lucas "May ginawa ba siya sa iyo?" dagdag niya sabay hawak sa kamay ni Gen na nagdala ng kilig sa buong katawan ni Gen.
"Wala." umiling si Gen "Pero... Natatakot kasi ako." sagot niya habang nakatingin sa kamay ni Lucas na nakapatong sa kamay niya "Paano kung magalit siya sa akin dahil dito?"
"And so? It's not like there's anything she can do to stop us from loving each other." seryoso si Lucas nang sabihin niya ito.
"Pero paano nga kung sinubukan niya?" tanong naman ni Gen "Alam nating dalawa kung gaano ka kamahal ni Lily kaya kahit siguro pumatay ng tao gagawin niya, maging kanya ka lang."
Huminga ng malalim si Lucas sabay bitaw sa kamay ni Gen at sandal sa upuan niya, nagpabuntong-hininga sya "Natatakot lang talaga ako na baka gawin niya sa akin yun." dagdag ni Gen.
Nagpabuntong-hininga si Lucas tapos tumingin siya sa labas ng salamin at binalik niya ang atensyon niya kay Gen. Pinatong ni Lucas ang kanyang mga braso sa lamesa habang nakatitig sa mga mata ni Gen na nakatitig din sa kanya.
"Ito ang alalahanin mo, Gen" panimula ni Lucas "I will not let anyone harm you. I will protect you from Lily and from anything that could hurt you." sabi niya kay Gen, tumingin si Gen sa mga kamay niya na pinatong niya sa kandungan niya.
"Kahit ako, hindi kita sasaktan. Hindi rin kita papaiyakin. Ganun kita kamahal, Gen. Kaya" tapos tiningala niya ang mukha ni Gen kaya nagkita ang mga mata nila "there's nothing to be afraid of. I'm here." panigurado ni Lucas.
Ngumiti ng papilit si Gen "Salamat." sabi niya kay Lucas, nilapit niya ang mukha niya kay Gen tapos hinalikan niya ito sa noo. Pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkakaupo niya at saktong dumating ang lalake na may hawak na tray sa kamay niya na ang laman noon ay ang mga inorder nila.
"Here are your orders, Sir." sabi ng waiter sa kanila at isa-isa niyang pinatong ang mga pinggan ng steak at ang mga baso ng tubig sa lamesa "Enjoy." nag-bow muna ang waiter bago siya lumakad palayo sa kanila.
Nang makalayo na ang waiter ay nagsimula na sila sa pagkain.
________________________
Sabay na lumabas ng diner si Gen at Lucas matapos nilang kumain at matapos bayaran ni Lucas ang mga kinain nila.
"Nabusog ka ba?" malambing na tanong ni Lucas kay Gen.
"Yeah." sagot ni Gen, nagbigay-daan siya kay Lucas na nagbukas ng pinto niya.
Habang sa isang itim na Hyundai Accent na naka-park lang sa likod ng kotse ni Lucas, naka-upo doon si Roberto habang nakikinig ng kanta mula sa iPhone niya. Napunta bigla ang atensyon niya kina Lucas at Gen na nakita niyang nakatayo sa tabi ng kotse ni Lucas.
"Hey, isn't that...?" tinanggal niya ang shades niya upang makita ng maigi at manigurado kung tama ang hinala niya "It is! Si Gen at Lucas!" sabi niya sa sarili niya.
Napatingin naman si Lucas sa kotse ni Roberto habang papasok pa lang ng kotse niya si Gen. Napangisi siya nang makita niya si Roberto na nakatingin sa kanila.
"Bakit?" tanong ni Gen nang mapansin niyang nakatingin si Lucas sa kotse na nasa likod nila habang nakangisi.
"It seems we... are caught." nakangising bulong ni Lucas sa tenga ni Gen.
"Caught? Nino?" nagtatakang tanong niya kay Lucas.
"By my sister's fiance."
"Si Roberto? Saan?" tapos lumingon siya upang hanapin si Roberto.
"Wag mo nang tignan. Just get in the car." utos ni Lucas kay Gen habang nakatingin kay Roberto mula sa gilid ng mga mata niya.
"Ha?"
"Pasok." kahit na hindi maintindihan ni Gen kung ano ang pinaplano ni Lucas ay pumasok na lang siya ng kotse nito. Sinara ni Lucas ang pinto ng kotse niya tapos sumakay na rin siya sa driver's seat. Sinimulan niya ang makina ng kotse at nagmaneho na siya palayo sa lugar na iyon.
"Saan naman kaya ang punta nila?" pagtataka ni Roberto kaya sinimulan niya rin ang makina ng kotse niya at sinundan niya ang kotse ni Lucas.
________________________
Tinigil ni Lucas ang kotse sa harap ng fountain na nasa park. Matapos patayin ni Lucas ang makina ay lumabas na siya ng kotse at sumunod naman si Gen. Lumapit si Lucas sa fountain at ganun din ang ginawa ni Gen.
Nang makarating naman si Roberto doon ay pinark niya ang kotse niya sa labas ng park kung saan makikita niya pa rin ang dalawa.
"Ano naman ang ginagawa natin dito?" tanong ni Gen kay Lucas.
"Well... naisipan ko lang mag-wish. Gusto mo rin ba?" tanong naman ni Lucas sa kanya.
"Hmm... sige." sagot ni Gen. Binigyan siya ni Lucas ng piso at kinuha naman niya ito. Sabay nilang pinikit ang mga mata nila at humiling. Pagkatapos ay minulat na nila ang mga mata nila.
"Ready?" tanong ni Lucas kay Gen.
"Mm-hm" sagot naman ni Gen.
"On three... one... two... three!" tapos sabay nilang tinapon ang mga piso na hawak nila at magkatabi naman itong nalaglag sa fountain.
"Ano naman ang wish mo?" tanong ni Gen kay Lucas.
"Ikaw muna."
"Ops. Hindi ko pwedeng sabihin." nakangiting sabi ni Gen at sabay na tumawa ang dalawa.
"Well... you know what I wished for?"
"Ano?"
Nagulat na lang si Gen nang biglang ilagay ni Lucas ang isang braso niya sa bewang ni Gen at nilapit siya nito sa kanya hanggang sa unti na lang ang layo ng mga mukha nila.
"This." tapos hinalikan niya si Gen sa mga labi nito. Nanlaki ang mga mata ni Gen sa ginawa ni Lucas at ganun na lang din ang gulat ni Roberto sa nakita niya.
"Oh my God." bulong niya sa sarili niya at nakangiting nagsindi siya ng sigarilyo.
Pinikit ni Gen ang mga mata niya at nagsimula na rin sa paghalik kay Lucas. Hinawakan ni Lucas ang ulo ni Gen upang mas lalong palalimin ang halik nila habang ang mga kamay ni Gen ay nakapatong sa dibdib ni Lucas upang magbigay ng unting espasyo sa pagitan nila.
Pagkatapos ng halos isang minuto ay nilayo na ni Lucas ang mga labi niya kay Gen at parehas na silang naghahabol ng hininga. Napabungingis ang dalawa habang magkatitig sa kani-kanilang mga mata.
"I Love You, Gen." nakangiting sabi ni Lucas kay Gen.
"I Love You, too." tugon naman ni Gen at inilapat muli ni Lucas ang mga labi nila.
IPAGPAPATULOY...
________________________
NEXT CHAPTER: IS IT TRUE?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro