Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XIV: While Doing The Dishes

"WHILE DOING THE DISHES"

Ilang oras matapos magtanghalian, hinanap ni Lucas si Gen dahil may tatanungin ito sa kanya. Habang naglalakad siya sa corridor ay nakasalubong niya si Dahlia na nagpupunas ng bintana.

"Dahlia, nakita mo ba si Gen?" tanong niya dito.

"Naghuhugas po siya ng pinggan, Sir." sagot ni Dahlia, tumango si Lucas.

"Thanks." pasalamat ni Lucas at dumeretso na siya sa kusina.

Pagdating niya sa kusina ay nakita niyang naghuhugas si Gen ng pinggan. Tahimik at dahan-dahan na lumapit si Lucas kay Gen sabay takip sa mga mata nito na ikinagulat ni Gen.

"S-Sino 'to?" gulat na tanong ni Gen habang tinatanggal ang mga kamay mula sa mga mata niya.

"Hulaan mo." pabirong sabi ni Lucas habang nakangiti siya, ngumiti din si Gen dahil alam na alam niya ang boses na iyon.

"Lucas?" hula ni Gen at tinanggal na ni Lucas ang mga kamay niya mula sa pagkakatakip sa mga mata ni Gen, lumingon si Gen kay Lucas.

"Hey, Gen." nakangiting bati ni Lucas kay Gen, bumungisngis si Gen.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gen habang nagpupunas siya ng kamay sa apron niya.

"May gusto lang akong tanungin sa 'yo." sagot ni Lucas.

"Ano yun?"

"If it's okay, can we go out? You know, parang magbonding as friends." pagaanyaya ni Lucas kay Gen, napakagat-labi si Gen.

"Uh... sensya na, pero... madame pa akong gagawin eh. Tapos di pa ako tapos maghugas ng pinggan." pagpapasensya ni Gen, tumango si Lucas.

"I see." sabi ni Lucas tapos napa-isip siya "Paano kung i-excuse na lang kita kay Mrs. Marmole? Siguro naman hindi 'yon makakatanggi sa akin. Favorite ako nun eh." pabirong sabi ni Lucas sabay papogi points.

"Grabe! Hiyang-hiya naman ako sa 'yo! Pero wag na. Baka isipin nila na napapadalas na ang pasyal ko. Wala na tuloy akong time para magtrabaho." sagot naman ni Gen.

"Wag kang mag-alala! Ako ang bahala doon! Besides, ako naman ang nag-yayaya sa 'yo eh." pinag-isipan na muna ni Gen kung papayag ba siya o hindi.

"Hmm... Sige na nga. Basta uuwi tayo agad ha?" sagot ni Gen, ngumiti si Lucas.

"Talaga? Yes!" nagulat si Gen sa biglang reaksiyon ni Lucas. Paano, eh para siyang nag-confess kay Gen na may gusto siya dito tapos sinagot naman niya ito at naging sila na.

"OA mo naman kung maka-react." tumawa lang si Lucas sa sinabi ni Gen "Pero patapusin mo muna ako sa mga hugasin tapos pwede na tayong umalis, okay?" tapos pinagpatuloy na niya ang paghuhugas ng pinggan.

"Okay." sagot ni Lucas sabay upo sa malapet na upuan at pinanuod niya si Gen habang maghuhugas ito.

Medyo nailang si Gen habang nararamdaman niyang nakatitig sa kanya si Lucas. Para kasing ang weird na pinapanuod siya ni Lucas kaya parang medyo ninenerbyos siya o parang nahihiya. Nilingon niya ng saglit si Lucas at nakita niya ang sarap ng upo nito habang pinapanuod siyang maghugas--para bang nanunuod lang siya ng sine.

"Uh... Lucas? Pwedeng wag mo na akong panuoring maghugas?" tanong ni Gen, medyo nahihiya pa ang tono ng boses niya.

"Bakit? I'm not doing anything bad." inosenteng sagot ni Lucas.

"Oo, pero parang ang awkward kasi eh. Hindi ako sanay na pinapanuod ako habang nagtatrabaho ako o habang may ginagawa ako." paliwanag ni Gen.

Tumango si Lucas sabay tayo "Okay. Alam ko na, paano kung tulungan na lang kita dyan?" suggest ni Lucas.

"Ha? Hindi na! Ako na dito. Umalis ka na lang, wag mo lang akong panuoring maghugas, yun lang." pagtanggi naman ni Gen sa suhestyon ni Lucas.

"Eh ayoko nga." parang batang may inaaway ang tono ng boses ni Lucas nang sabihin niya ito "Gusto kitang tulungan. Sabihin mo lang sa akin ang gagawin ko." dagdag niya habang tinitiklop ang sleeves ng kanyang suot na long-sleeves na polo.

"Okay. Bahala ka. May sponge pa doon, tulungan mo akong sabunan ang mga plato." sabi sa kanya ni Gen at nagsimula na silang maghugas ng mga pinggan. 

______________________________________

Matapos ang halos 30 minuto ay natapos na silang maghugas ng mga pinggan at nailagay na nila sa mga lagayan ang mga ito.

"Okay. Tapos na tayo." sabi ni Gen habang nagpupunas ng kamay sa kanyang apron. Si Lucas naman pinaglaruan pa ang mga bula na natira habang binabanlawan nila ang mga pinggan.

Naglagay siya sa kamay niya sabay pahid nito sa pisngi ni Gen na ikinagulat ni Gen "Ay palaka! Lucas!" sigaw ni Gen kay Lucas na natawa sa ginawa niya.

"Eto sa 'yo." at pinahiran naman ni Gen si Lucas ng mga bula sa gilid ng baba nito.

"Ah, ganyanan na pala ha? Sige!" sabi ni Lucas sabay hakot ng mga bula sa kamay niya. Alam na ni Gen kung ano ang pinaplano ni Lucas kaya napatakbo na ito palayo sa kanya.

"Lucas! Lumayo ka sa akin!" sigaw ni Gen nang makarating siya sa isang dulo ng counter na nandoon "Heto na ako!" sigaw naman ni Lucas at hinabol niya si Gen habang tumakbo ito palayo sa kanya.

Nahuli niya naman ito dahil nadulas pa si Gen sa basang sahig kaya nalagyan niya ito ng mga bula sa buong mukha nito. Tumayo si Gen mula sa kinauupuan niya at naghakot din siya ng mga bula sabay habol kay Lucas na tumakbo din palayo sa kanya. Ilang minuto silang naghabulan doon hanggang sa mahuli ni Lucas si Gen at napaupo na sila sa sahig. Nakasandal si Lucas sa counter habang si Gen ay nakabalot sa mga bisig niya at nakasandal ang likod nito sa dibdib niya.

Ilang minuto din silang nakaganoon, naghahabol ng mga hininga hanggang sa nagsalita si Lucas "Well, shall we get dressed?" ramdam ni Gen ang mainit na hininga ni Lucas sa kanyang batok kaya naramdaman niyang nagsitayuan ang mga balahibo niya.

"Para saan?" tanong ni Gen sabay tingin kay Lucas kaya magkalapit na ang mga mukha nila, nagkatitigan sila sa mata.

"Remember, I'm taking you out." paalala ni Lucas habang nakatingin ito sa mga mata ni Gen.

"Ah, nga pala." sagot ni Gen sabay tayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Tumayo na din si Lucas.

"I'll see you in my room in half-an hour. Wear something good, okay?" sabi ni Lucas, tumango si Gen.

"Pero lilinisin ko muna itong kalat natin." sabi naman ni Gen at sinimulan na niyang linisin ang kusina.

"Okay, tulungan na kita dyan." alok ni Lucas sabay kuha sa basahan na nasa gilid ng lababo.

"Wag na! Ako na ang maglilinis dito." pagtanggi muli ni Gen sa alok na pagtulong nito.

"Tutulungan na kita. Para mas mabilis." pagpilit pa rin ni Lucas habang pinupunasan niya ang gilid ng lababo.

"Ako na nga sabe! Magbihis ka na sa kwarto mo. Basang-basa na yang suot mo oh."

"Maglampaso ka na, ako na bahala sa lababo."

"Pero, Lucas--"

"Ako na bahala sa lababo, okay? Kaya ko na 'to. Kunin mo na yung mop at maglampaso ka na lang." nagpabuntong ng hininga na lang di Gen at ginawa na lang niya ang iniutos ng master niya.

Matapos nilang maglinis ay sabay na silang lumabas ng kusina "Half-an hour at my room, okay?" paalala ni Lucas kay Gen.

"Ge. Bye, bihis na ako." at lumakad ba papuntang kwarto niya si Gen habang si Lucas naman ay tumungo sa opisina ni Edmond para ipaalam ang tungkol sa gala nila ni Gen.

IPAGPAPATULOY... 

______________________________________

NEXT CHAPTER: MAKE A WISH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro