Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VI: I Can Explain!

"I CAN EXPLAIN"

Naglalakad-lakad si Alice sa hallway nang makita niya si Gen na papalabas ng kwarto ni Lucas "Gen?" nagtataka niyang tanong sa sarili at pinuntahan si Gen habang ito ay naglalakad papunta sa ibang direksyon.

"Gen!" tawag niya at nilingon siya nito "Miss Alice" sabi ni Gen nang makalapit na si Alice sa kanya.

"Wag mong sabihin na ngayon ka lang nakapasok sa kwarto ni Lucas" sabi ni Alice.

"Hindi po. Kanina ko pa po nabigay yung agahan ni Lucas." sagot ni Gen na kinagulat ni Alice.

"Ibig sabihin kanina ka pa nasa loob?" gulat na tanong ni Alice "Parang ganun na nga po" pakibit-balikat na sagot ni Gen.

Biglang pumasok si Alice sa silid ni Kwarto, napataas na lang ng kilay si Gen sa pagtataka kung bakit naman ikakagulat ni Alice ang pagtagal niya sa loob. Pero ipinagpaliban niya na muna iyon at dumeretso na sa kusina.

__________________________________

Pagkapasok ni Alice ay nakita niyang umiinom na si Lucas ng tubig at katatapos lang niyang kumain ng agahan niya "Lucas" tawag ni Alice matapos niyang maisara ang pinto.

"Bakit?" tanong ni Lucas at inilapag niyang ang baso sa tray.

"ANong ginawa ninyo ni Gen para magtagal siya dito sa loob?" tanong ni Alice.

"Nag-usap lang kami" sagot naman ni Lucas sabay kibit ng balikat.

"Nag-usap lang?" parang nagdududa na tanong ni Alice "Wala ka namang iba pang sinabi sa kanya, diba?" dagdag niya, gamit pa rin ang nagdududa niyang boses.

"Gaya ng?" nagtatakang tanong ni Lucas.

"Gaya ng... 1 4 3" kinowt pa ni Alice iyon at binigyan niya si Lucas ng 'You-know-what-I-mean' look.

Nagtaas ng kilay si Lucas sa pagtataka "1 4 3? Ano naman meaning nun?" tanong ni Lucas. Napabuntong-hininga si Alice sa irita niya "Oh please! You don't know?"

Hinanap ni Lucas ang ibig sabihin ng tatlong numerong iyon "1... 4... 3...?" bulong niya habang nag-iisip siya hanggang sa maalala niya ibig sabihin ng mga numerong iyon  "Ha?!  Bakit ko naman sasabihin iyon sa kanya?!" gulat na tanong ni Lucas.

"Duh! Because like mo siya!" natutuwang sabi ni Alice, namula si Lucas.

"H-Hindi noh! I don't like her!" pagtanggi naman ni Lucas.

"Edi you hate her?" niloko naman ni Alice.

"No! Well... I don't hate her!" nakataas ang kilay na sabi ni Lucas.

"Than you do like her!" medyo nairita na si Lucas "Wag mo nga akong lokohin!" sabi ni Lucas, tumawa naman si Alice.

"Okay, I like Gen. Pero dahil isa siyang mabait na tao at sino nga namang hindi, diba?" medyo nahihiyang sabi ni Lucas.

"Oh please, don't give me that excuse, Lucas! Diba siya nga ang dahilan kung bakit bumalik ka dito?" napakagat-labi si Lucas "Uh..." nag-isip siya ng palusot.

"Don't lie to me, Bunso! Sinabi mo na yun sa akin nung isang araw habang nasa France ka pa" pagbabanta ni Alice.

"Uh... yeah." mahinang sagot ni Lucas.

"So wag ka nang magpabagal-bagal pa at sabihin mo na ang nararamdaman mo para sa kanya bago pa mahuli ang lahat!" nagmamadaling sabi ni Alice na parang wala nang bukas.

"Bakit naman mahuhuli ang lahat?" tanong ni Lucas.

"Malay mo may iba pa palang mga manliligaw si Gen o kaya may magtapat sa kanya bago mo iyon magawa" parang nag-aalala pa si Alice.

"Ang OA mo naman, Ate" reklamo ni Lucas.

"Eh kilala mo naman ako! Kaya wag ka nang magpatumpik-tumpik pakarakaraka and go get her!" sigaw ni Alice sabay turo sa labas ng pinto.

"Oo na!" at tumayo si Lucas mula sa kina-uupuan niya at dumeretso na sa CR upang maglinis ng katawan. Tumawa naman ng mahina si Alice at lumabas na siya ng silid ni Lucas.

_________________________________

Samantala, sa kusina naman ay bigla-biglang pumasok si Lily na wala man lang babala "Gen!" sigaw niya pagkarating at dumeretso siya kay Gen na naghuhugas ng pinggan.

"Bakit?" tanong ni Gen sabay tingin kay Lily.

"Walang hiya ka!" nanggigil na sabi ni Lily sabay sampal ng malakas kay Gen na halos nagpabagsak sa kanya sa sobrang lakas. Mabilis na hinawakan siya ng ibang mga kasambahay na nasa kusina.

"Anong problema mo, Lily?" tanong ni Gen habang hinihimas niya ang kanyang pisngi.

"Alam mo namang sa akin si Lucas! Bakit kailangan mo pa siyang agawin sa akin?!" galit na sigaw ni Lily habang sinusubukan niyag makawala sa hawak ng mga kasamahan niya.

"Anong-?"

"Wag kang magkunyareng hindi mo alam! Nakita kong naghahalikan kayo ni Lucas sa kwarto niya!" hindi na pinatapos ni Lily si Gen sa kanyang sasabihin.

"Teka! Magpapaliwanag ako!" natatarantang sabi ni Gen.

"Anong ibig sabihin neto?" sigaw ni Mrs. Marmole pagkapasok niya ng kusina.

"Mrs. Marmole, nagwawala nanaman si Lily!" sumbong ni Selena, isa sa mga pumipigil kay Lily.

"Wala kang kailangang ipaliwanag! Nakita ko kayo!" pagpipilit pa rin ni LIly, pero pilit din ang tanggi ni Gen "Pero, Lily, hindi-"

Hindi na pinatapos ni Lily si Gen "You son of a b-" magmumura na sana si Lily sa galit nang pigilan siya ni Mrs. marmole "Lily! Ayusin mo nga yang bunganga mo! Hindi mo ba alam kung ano ang maaaring gawin ni Madam at Master Ericson kung maririnig ka nilang magsasabi ng ganoon?!"

Tumino na si Lily kaya binitawan na siya ng mga kasambahay "Bakit ba kayo nagsisigawan? Dahil ba ito kay Sir Lucas?" tanong ni Mrs. Marmole.

"Hindi po, Ma'am. Dahil po sa kanya!" sagot ni Lily sabay turo kay Gen.

"Pero, wala naman-" pagtanggi sana ni Gen.

"Gen. Lily, ituloy mo lang." pagbibigay niya ng pagkakataon kay Lily na magsalita.

"Nakita ko pong hinalikan niya si Sir Lucas sa kwarto niya. Sinubukan ni Sir Lucas na makawala pero pinilit niya pa rin." pagsisinungaling ni Llily.

"Ano? Teka, hindi yun-" tatanggi nanaman sana si Gen pero pinigilan pa rin siya ni Mrs. Marmole "Tahimik. Tapos...?"

"At pinilit niya ring makipag-make out sa kanya." dagdag ni Lily. Napa-isip tuloy ang ibang mga kasambahay, parang alam na nila ang tungkol doon ah.

IPAGPAPATULOY...

________________________________

NEXT CHAPTER: I STARTED IT.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro