Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 57

Kabanata 57

Alegria Community College

Dala ko na ang bag ko habang hinihintay silang lahat na dumating. Si Clark at si RJ na lang iyong wala pa. Excited kasi ang girls na pumunta kaya maaga silang dumating. Alas syete yung usapan, pero 7:30AM na dumating ang ibang lalaki. Ngayon, mag aalas otso na at wala pa si Clark at RJ.

"Natagalan siguro kina RJ kasi matagal yun matapos maligo, e." Biglaang sinabi ni Janine.

At dahil panay ang picture picture ni Tara at Desiree, sakin siya bumaling. Nanliit ang mga mata ko at nginitian siya.

"Paano mo nalaman? Nagkasama na kayong maligo?"

Yumuko si Janine kaya inirapan ko na. Sige. Sumawsaw ka pa at babanatan talaga kita hanggang sa maubos yang hiya mo. Natahimik siya.

"Halikayo dito, Janine, Chesca! Picture tayong apat!" Sigaw ni Desiree sabay bigay kay Billy sa DSLR na camera niya.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanila. Nasa Mcdo kami ngayon. Usapan kasi na dito ime-meet ang lahat bago tumulak patungong Alegria. Dito na rin kami bumili ng makakain sa daanan kahit na marami silang pinamili kahapon. Nag grocery talaga daw sina Desiree para sa dalawang gabing stay namin doon. Gusto pa nga nilang iextend pero ewan ko ba kung magugustuhan nila iyon. Byahe pa lang ay nakakapagod na agad, e. Siyam o walong oras depende sa bilis ng driver. Panigurado nasa 4PM o 5PM ang dating namin doon.

Nakapag picture kaming apat kung saan malayong malayo si Janine sa akin dahil baka masampal ko siya kung lumapit siya sa mukha ko.

"Hindi ka ba bibili ng pagkain mo, Ches?" Tanong ni Tara.

Nilingon ko si Hector na ngayon ay kakarating lang galing sa counter para bilhan ako ng pagkain. "Hindi na."

"Uy! Anong oras kaya tayong dadating?" Singit ni Desiree.

"Mga 4 or 5?" Sagot ko.

Umupo kami sa iisang table. Mukha talagang may pupuntahan kaming malayo. Naka shoulder bag lang ako dahil may damit naman ako sa bahay. At isa pa, yung ibang damit ko ay nasa bag ni Hector. Sila naman ay may malalaking bagahe. Kulang na lang ay mag maleta sina Tara at Janine.

"Uy! Pagkarating natin doon, pasyal tayo!" Anyaya ni Desiree.

"Oo nga!" Dagdag ni Janine. "Hector, saan ba magandang mamasyal doon?"

Nanliit ang mga mata ko kay Janine.

"Uh. Kampo Juan, Tinago, Alps, marami, e."

"Hala! Oo nga pala. Hindi ba shiftee ka Hector? Anong course mo nung nasa Alegria ka pa?" Usisa ni Tara.

"Agri Business." Sagot ni Hector.

Tumango silang lahat. "Kaya pala hindi kayo magkakilala ni Chesca."

Nilingon ako ni Hector. Nag kibit balikat ako.

Wala akong sinabi na hindi kita kilala, a? Nag assume lang sila na hindi tayo magkakilala. Kaya wa'g mo akong tingnan ng ganyan.

"Saan ba kayo nag aral?" Tanong ng naka earphones na si JV.

"Sa Alegria Community College." Sagot ko.

"HALA! Iyon na lang kaya ang una nating puntahan!" Ani Desiree.

"HA?" Nalaglag ang panga ko. "Anong gagawin natin doon?" Medyo napalakas kong tanong.

"Hindi ba may Agri Business na course doon? Siguradong may alam ang dean nila sa iilang mga questions ni Sir!" Paliwanag ni Desiree.

"Hindi! Walang pasok ngayon ano! Activity day lang ang Sabado sa ACC. Kaya kahit pumunta tayo doon ay baka wala ang dean. Students lang." Utas ko.

"Kahit na! Pumunta tayo! Okay lang diba yun, Hector?" Tanong ni Desiree.

Tumango si Hector at tumingin sakin.

Great! Just! Great! OMG!

"O sige, pagkatapos? Saan tayo?" Tanong kong nakahalukipkip.

"Pagkatapos, syempre sa bahay nina Hector?" Sabi ni Tara.

Correction. Hindi 'bahay', 'mansyon' iyon.

"Mag party tayo!" Tumawa sila.

"Uy! Wa'g naman, nakakahiya sa mama ni Hector." Nagmamarunong na sinabi ni Janine.

Nanliit ang mga mata ko. Gusto ko siyang sigawan na wala ng mama si Hector at sana magpakamatay na siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Uh, wala na akong parents." Sabi ni Hector.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa sinabi ni Hector.

Binaon siya ng mga tanong. Marami silang follow up questions at halos silang lahat ay humanga sa kanya.

"Pag talaga pulitika, madugo." Sabi ni Janine.

Ah? Gusto mo mukha mo ang paduguin ko?

"Nahuli na ba yung nang ambush?" Tanong ni Billy.

"Oo, tsaka matagal na yun, e." Sabi ni Hector.

Tumunog ang cellphone ni Hector. Sumulyap muna siya sa akin bago tumayo at nagpaalam saglit sa buong grupo. Habang sinasagot niya ang tawag sa malayo ay pinag usapan naman siya ng lahat.

"Grabe! Ang aga niya palang nawalan ng magulang." Sabi ni Tara.

"Kung tutuusin second life niya na ito. Kasi diba sabi niya dapat kasama siya sa parents niya nung inambush pero hindi siya sinama. Mabuti na lang." Singit ni Janine.

"Ikaw din, diba, Janine?" Tumaas ang kilay ko. "Second life mo na ito?"

Nalaglag ang panga ni Janine sa sinabi ko.

Kasi dapat nung nakita kita, pinatay na kita e. Pero di ko ginawa kasi hindi naman ako ganun ka gaga?

"Ah!" Tumawa siya pero halatang plastik.

"Talaga?" Tumaas ang kilay ni Tara kay Janine.

"Ah! Ewan ko-" Uminom siya ng coke at umubo dahil nasamid.

"Oh? Okay ka lang?" Natatawang tanong ko habang hinihimas ni Tara at Desiree ang likod ni Janine dahil panay ang ubo niya.

Dumating si Hector at nakitang umuubo si Janine.

"Ayan kasi, e." Natatawa ko paring sinabi.

Napatingin si Hector sakin nang nakakunot ang noo. Ipinagkibit balikat ko na lang ito. Buti pa ang mga lalaki at walang pakealam. Panay lang ang pakikinig nila sa kanikanilang cellphone.

"Oh! Andito na pala sila!" Sabi ni Billy sabay turo sa kararating lang na si Clark at RJ.

Nakipag high five sila. Tama ang bruhang si Janine. Si RJ nga ang dahilan  kaya sila natagalan. Medyo badtrip si Clark.

"Kainis si RJ! Ang tagal nag bihis!" Aniya.

Umirap ako. Nahagip iyon ni Clark kaya nanliit ang mga mata niya sakin.

"Let's go?" Sabi ko sa kanilang lahat.

"Sino ang sa sasakyan ko?" Tanong ni Clark.

"Kami!" Sabay sabay silang nagpataas ng kamay.

Halatang ayaw nilang doon kay Hector dahil medyo naiintimidate sila kay Oliver at maging kay Hector. At isa pa, mas close na kaibigan si Clark kaya doon nila gusto.

"Ikaw, Chesca? Saan ka?" Tanong ni Clark.

"Syempre, sakin." Medyo iritadong sagot ni Hector.

Luminga si Desiree sa dalawa at tumingin sakin. Nag taas siya ng kilay at hinila ako habang nag uusap silang lahat kung kanino sasakay sino.

"Ano? Front seat ka? Baka may chance pa?" Ani Desiree.

Kinilabutan ako sa sinabi ng kaibigan ko. May chance pa kay Clark? In his face! Kahit anong mangyari wala ng chance. I am owned by someone else. Iyon na yun.

Umiling ako at tinanggihan siya.

"Hala! Babae! Ayaw mo bang tumabi samin?" Tanong ni Desiree.

Nagtatawanan na ang mga boys sa di malamang dahilan.

"Masikip na rin kayo, e. Doon na ako sa sasakyan ni Hector.

"Masikip din naman sa kanila, Ches. Dalawang driver sa harap diba?" Tanong ni Clark.

"Malaki naman ang sasakyan ko." Giit ni Hector.

Umiling si Clark at nakita kong nag igting ang bagang ni Hector dahil sa reaksyong ipinakita ni Clark. Ngumuso ako at naisipang magsalita.

"Ganito. Dahil gusto niyo nasa iisa kayong sasakyang lahat edi si Oliver at ako na lang ang sa Jeep Commander. Ilagay niyo ang iilang baggage sa sasakyan nina Hector para hindi kayo masikip sa kay Clark. At isa pa, kami din ang mauuna, diba? Mas maigi na kay Clark kayo since sumusunod lang naman kayong lahat samin. Ok? Game?"

Natahimik sila at mukhang bahagya pang nag isip. Ngumisi ako nang nakitang tumitig si Hector sakin.

"Okay! Game!" Sabay sabay na sinabi ng mga lalaki.

Tumango na rin sina Desiree at nagsimula na kaming umalis sa Mcdo.

Nilagay nilang lahat ang bagahe nila sa sasakyan ni Hector.

"Hey! Sigurado ka bang diyan ka o nagpaparaya ka lang?" Natatawang sinabi ni Tara.

Nagpaparaya? Yung parang nahihirapan ako para sa inyo? My gosh! No way! This is my heaven. Ngumisi ako at umiling.

"Pero yung pagkain, sa amin, ah?" Natatawang sinabi ni Billy.

"Sure. May pagkain din naman kami dito." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Oliver.

Mukhang readyng ready si Oliver sa byahe at pumupwesto ng matulog sa tabi ko. Nang dumating si Hector ay nakita kong nanliit agad ang mga mata niya sakin at kay Oliver.

"Anong ibig sabihin nito?" Mariing tanong niya

Bahagyang tumalon si Oliver dahil sa tanong ni Hector. "Ano ba kasi? Dito ako o sa likod kayo?" Tanong niya. "Nalilito ako. Baka gusto niyo sa likod nang malaya kayong makapag lampungan?" Medyo natatawang sinabi niya.

"Sa likod ka na lang, Oliver. Malaya din naman kaming maglalampungan kahit na nakatingin ka. At isa pa, nasa likod yung mga bag kaya masikip doon. Dito kami."

Umiling si Oliver at ngumisi. "Okay, dude, fine." Agad siyang tumayo at pumunta sa likod.

Si Hector naman ay sumakay at tumabi sakin. Bumuntong hininga siya at sinarado ang pintuan. Nilagay niya ang kamay niya sa taas ng hita ko na para bang nasa trono na ulit siya ngayon.

"Tayo na." Utos niya sa driver.

"Sige po."

Hinawi ko agad ang kamay niya sa hita ko. Nagkunot ang kanyang noo sa pag baling niya sakin.

Umandar agad ang sasakyan nila. Nakikita ko sa likod na nakasunod sina Clark sa amin. Pinatong ulit ni Hector ang kamay niya sa hita ko.

"Kala ng ex mo, ha? Gusto niya yatang masolo ko, e. Di ko siya pagbibigyan. Dapat di siya sinama. Dapat tayong dalawa lang." Ani Hector.

"Adik ka ba!?" Sabay hawi ko ulit sa kamay niya. "Wala ka ng magagawa. Tsaka tigilan mo nga yang pantsatsansing mo!" Umirap ako.

"Anong problema mo? Hindi mo pa ako napapatawad pero akin ka parin." Umirap siya.

Narinig kong umungol at umubo si Oliver sa likod. Masama kong tinitigan si Hector. Pinatong niya ulit yung kamay niya sa hita ko. Hinampas ko na ang braso niya. Ngunit inulit niya parin kaya panay ang hampas ko sa kanya.

"Tumigil ka! Tumigil ka! Tumigil ka! Manyak!" Sigaw ko habang hinahampas siya.

Tumatawa si Hector habang pinipigilan ang paghampas ko kahit wala naman siyang nagagawa. "Sus! Itong si Chesca! Si Oliver lang naman yang nasa likod, e. Nung maraming nakatingin, kung makadikit ka sakin, okay lang. Nagpapahalik ka pa sa leeg mo-"

Sinakal ko na ang tumatawang si Hector. Nakita kong nakatingin ang driver nilang nasa front seat at natatawa na rin sa aming dalawa. Tumitikhim naman si Oliver sa likod.

Panay ang sakal ko at hampas ko sa kanya kahit na tumatawa lang siya at di natitinag.

"Hector, tumigil ka baka pababain ka nyan dito." Tumatawang sambit ni Oliver.

Tumawa si Hector at sumang ayon kay Oliver. "Oo nga. Kanya pa naman ang buong Rancho Dela Merced."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Hector kaya imbes na sapukin siya ay humalukipkip na lang ako at kumuha ng unan sa likod. Niyakap ko iyon at umambang matutulog na lang buong byahe.

Inilapit ni Hector ang mainit niyang katawan niya sa akin. Bigla niyang kinuha ang ulo ko sa unan at inilagay niya iyon sa dibdib niya. Binaba niya rin ang upuan naming dalawa para mas masarap matulog.

"Sleep tight, Mrs Dela Merced. Dito ka sa dibdib ko nababagay matulog." Aniya.

Tumikhim ako at medyo nanigas sa ginagawa niyang kasweetan. Gusto kong magpumiglas pero nakakaengganyo ang dibdib niya.

"Oh man! This is too much? Is this porn?" Apila ni Oliver sa likod.

"Tahimik, Oliver. Pagod si Francesca kaya wa'g kang mag request ng porn saming dalawa. Mamaya na."

Hinampas ko ulit si Hector. At ewan ko ba kung bakit panay ang kurot ko sa inis sa kanya buong byahe. Natitigil lang tuwing kumakain o naiidlip ako. Tuwing gising ako ay wala akong ginagawa kundi ang sakalin at kurutin siya sa inis.

Nagising na lang ako nang tumigil ang sasakyan. Agad akong napatalon dahil nakita ko kung nasaan kami. Kitang kita ko ang gate ng Alegria Community College sa harap naming lahat. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ang loob. Nagulat ako dahil Sabado ngayon, ngunit maraming tao!

"Anong meron?" Tanong ko.

"Laro ng Camino Real Titans versus Alegria Knights." Tikhim ni Oliver. "Gandang timing!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro