Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 56

Kabanata 56

Trip To Alegria

Naramdaman ko ang hininga ni Hector sa leeg ko. Napapikit ako at napakagat labi sa kiliting hatid nito.

"Okay! Ang galing! Very good chemistry!" Sigaw sigaw ng istorbong si Kira.

Ngumisi ako nang biglang may lumapit na mga alipores ni Kira para bigyan kaming dalawa ng mga robe.

"This is perfect! Okay na ito!" Sabi ni Kira habang sinusoot namin ni Hector ang robe na binigay.

Sinulyapan ko si Hector at kitang kita ko ang di mapawi pawing ngiti sa kanyang mukha. Damn it! Eh kung alam lang naman kasi ni Kira kung anong nangyayari kay Hector baka hinubaran na niya ito.

Inangat ni Hector ang kanyang tingin at kitang kita ko ang init ng titig niya sakin. Ngumisi ako at nilingon na lang si Kira.

"Talaga, Kir? Patingin..."

Mabilis akong nagtungo sa mga photographers kung saan ni process agad yung pictures. They were right! Magaling ang pagkakakuha ng halos lahat ng pictures namin ni Hector. Nanginig pa si Kira sa gilid ko habang tinitingnan yung isang picture na nakapikit si Hector sa leeg ko.

"Oh my gosh!" Sigaw niya. "Ang ganda ng pic na yan!"

Nagtawanan ang photographers. Dumami pa ang pictures na pinuri ni Kira sa iba't ibang anggulo. May isang photographer na kuhang kuha ang pagdiin ni Hector sa akin sa kanya.

Nilingon ako ni Kira at pinagtaasan ng kilay. "Ikaw na talaga!" Tumawa siya.

Tumawa lang din ako habang ni check ko halos lahat ng pictures. Inangat ko ang tingin ko pagkatapos kong makita ang 2nd batch. Iginala ko iyon para mahanap si Hector at laking gulat ko na ang naka robe ngunit bahagyang bukas na si Hector ay kinakausap ng sandamakmak na babae kasama na iyong si Brenda kanina.

Ngumuso ako at tinitigan sila. Tumangu tango si Hector sa isang model na mukhang may tanong. Nakangisi siya at halatang nasisiyahan sa mga pinag uusapan nila.

Nakakainis, ah? Kanina pa ito! Kanina pa ako nagseselos dito! Grrr. Nakakairita! Naghanap ako ng pugad ng mga lalaki. Ayokong ako yung nagseselos. Kaya humanda ka Hector at ikaw naman ngayon.

Nilapitan ko ang tatlong baguhag models na kasama noong mga babae. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanila kaya lang determinado akong makipag usap sa kanila.

"Alam niyo, hindi naman sa nagmamarunong ako pero ag kulang niyo kanina ay yung freedom niyo. I mean, masyado kayong conscious sa camera." Panimula ako.

Nilingon ako ng mga baguhan.

"Dapat hindi kayo masyadong conscious, boys. Mga gwapo naman kayo kaya siguradong maganda ang kuha niyo sa kahit anong anggulo."

"Tama si Chesca!" Singit ni Kira. "Kayo ang susunod sa brochure. Wa'g kayong masyadong stiff."

Umirap ako sa pag singit ni Kira. Kahit kailan talaga mapapel ang bading na ito.

"Eh nakaka carried away yung sa inyo kanina kaya di kayo mahihirapan." Reklamo nung isang lalaki. "Samin, nakakakaba."

Nagtawanan sila. Ngumuso ako lalo na nang naramdaman ko ang haplos ni Hector sa baywang ko. "Let's go." Aniya.

Just the way I like it. Kahit na may umaligid sa kanya, sa oras na makita niyag may kausap akong iba ay agad talaga siyang aaksyon. Nilingon ko ang mga masasama ang tingin na babaeng models sakin. Isa isa ko silang inirapan at nginitian.

"We are going, Kira." Utas ko kay Kira.

Tumango siya, "Nice working with you. Check your ATM, girl. Sayo din Hector. Nandun na yung payment sa whole contract."

Lumapit si Kira sa akin at nakipag beso sa akin.

"You go girl!" Bulong niya tsaka humalakhak.

Tinampal ko ang braso niya.

"Bye, baby Hector!" Patili niyang sinabi habang kinukurot ang braso ni Hector.

Agad ko ring tinampal ang kamay niya.

"Bawal yan." Maarte kong sinabi.

"Ito naman! Masyadong possessive! Sayo, te? Akala ko be hindi?" Umirap siya ng pabiro sakin.

"Akin yan, te. Gusto mo lagyan ko ng barikada para malaman mong akin?" Tumawa ako at hinila si Hector.

"Baaah! Taray mo!"

"Of course." Ngumisi ako at kinindatan si Kira bago umalis para mag bihis sa dressing room.

Iniwan ko si Hector sa labas. Alam ko namang pupunta din siya sa dressing room ng mga lalaki. Mabilis akong nag bihis sa harap ng mga bading na make up artist at agad din akong lumabas. Hay salamat at may pera ako para sa Alegria next week. Hindi ko na kailangang manghingi ng allowance at makakabili pa ako ng mga bagay na gusto ko. Malaki laki din ang kita dahil malaking clothing line iyon.

Pagkalabas ko ay kita ko agad ang mainit na mga mata ni Hector. Nakapamulsa siya at nakasandal sa dingding sa paghihintay sakin.

"Tayo na." Sabi ko at nauna sa paglalakad.

Tumikhim siya. "Back to cold treatment?"

Nilingon ko agad siya.

"Kani kanina lang kung maka hila ka parang maagaw ako ng iba. Tss..."

"Wa'g ka na ngang mareklamo, Hector. Tss..."

"Tsaka mo lang naman ako nilalambing pag nagseselos ka." Pagtatampo niya.

"Syempre, kahit na hindi pa tayo bati, ayaw ko paring may umaaligid aligid sayo."

Tumunog ang elevator at nakarating na kami sa basement kung saan naroon ang parking lot. Naglalakad na ako patungo sa sasakyan niya.

"Daan muna tayong ATM, mag wi-withdraw ako para pang tuition at allowance." Sabi ko nang bigla niya akong hinila at kinulong sa gitna ng mga bisig niyang nakasandal sa sasakyan.

Biglang bumilis ang hininga ko habang tinititigan siyang ganun din ang reaction. Kinagat ko ang labi ko at halos mapaliyad ako nang inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko ang ilong niya doon.

"Bango mo." Bulong niya.

"What are you doing?" Mahinahon kong tanong.

"You are a pain in the ass, Chesca." Bulong niya. "Alam mo yun? Nakakainis kasi alam kong kaya mong bumigay sakin pero ayaw kitang pilitin."

Nanginig ang binti ko. Parang natutunaw iyon at anytime ay pwede akong lumuhod sa kawalan ng lakas.

"Especially when you are jealous. I like you jealous... all the time, Chesca. All the time. Coz the jealous you turns me on... a lot."

Nag igting ang bagang niya. Sa isang segundo, sigurado talaga akong bibigay na ako sa kanya. Na papatawarin ko siya, agad agad, dito. Walang paliguy ligoy. Ngunit dahil alam kong walang maidudulot ang impulsive decisions kung saan Cum Laude ako ay iniwasan ko iyon. That was probably the biggest freaking achievement of my life.

At habang nag eexam ako ay hindi ko na maalala kung paano ako nakawala kay Hector. Is this even healthy? May maisasagot ba ako sa midterms examination kung puro si Hector lang ang laman ng utak ko?

"What can you say about Gilbert Kieth Chesterton's Trial of John Jasper, Lay Precentor of Cloisterham Cathedral in the County of Kent, for the Murder of Edwin Drood?"

Napamura ako sa utak ko. Hindi ko alam ito, ah? Hindi ko kasi napag aralan ito habang nag aaral kami ni Hector kasi di kami mag kaklase sa subject na ito! May maisasagot kaya si Hector dito? Anong isasagot ko? Hindi ako sanay na blanko ang papel ko lalo na't essay ang isang ito?

Inubos ko ng mura ang pag iisip ko dahil alam ko kahit na magkunwari akong nabasa ko iyong sinasabi dito ay magmumukha akong tanga. Kaya imbes na lagyan ko ng mabulaklak na salita ay ito na lang ang sinulat ko: I'm lost for words.

Oh well. Kaya naman depressed na depressed ako nang nag Biyernes at natapos ang buong midterms. Masaya ang lahat dahil tapos na ang impyerno. Pero ako? Hindi. Dahil hindi pa iyon ang impyerno! Purgatoryo pa lang iyon para sakin! Eto ang impyerno!

"Nakuha ko na guys! Payag na si Sir! Nakuha niyo na ba ang sa inyo?" Iwinagayway ni Desiree ang isang letter.

Umiling na lang ako at umirap. Oo, nakuha ko na ang sakin at syempre, masayang masaya si mama sa balitang pupunta ako ng Alegria kasama ang mga kaibigan ko.

"Nakuha ko na ang akin!" Sigaw ni Janine sabay talon talon.

"May meeting tayo, diba, ngayon, Des? Bukas agad alis natin?" Tanong ni Tara.

"Oo. Pupunta ang mga kagrupo natin dito ngayon para pag usapan. Bukas agad. Nine hours, diba? Sabi ni Craig, nine hours daw ang byahe!"

Tanginess talaga ang kapatid kong iyon. Sarap kastiguhin at palatayan ng latigo sa sobrang epal.

"Naku! Excited na ako!" Malaki ang ngisi ni Janine habang pinag lalaruan ang buhok niya.

Matalim ko siyang tinitigan. Agad siyang nag iwas ng tingin. "Talaga? Saan banda ka excited, Janine?"

"Ha? Sa... trip. Alam mo na, hindi naman kasi madalas tayong magkaroon ng ganito." Aniya.

"Ah? Talaga? Oo!" Sarcastic kong sinabi. "Alam mo may mga kabayo doon. Baka gusto mong sakyan din sila?"

Namutla siya sa sinabi ko.

Hindi iyon napansin ni Desiree pero madiin ang tingin ni Tara sakin. Nag taas siya ng kilay bilang pagtatanong. Ngumisi lang ako at nagkibit balikat.

"Andito na sila!" Sigaw ni Desiree nang nakitang dumating si Clark, JV, Billy, at RJ.

Great! Just... This is so fucking great!

"Hello, girls!" Preskong sinabi ni RJ.

"Hello!"

"So ano? Ready na ako. Anong oras tayo magkikita bukas? Dadalhin ko sasakyan ko, ah?" Ani RJ.

"Talaga? Ako din kasi magdadala ng sasakyan." Sabi naman ni Clark na tumingin sakin.

"Uy! Ang dami nating sasakyan. Teka. Pwede namang isa lang, ah? Kanino?" Tanong ni Tara.

"Okay lang, RJ. Yung Van ang dadalhin ko. Iyon na lang siguro. Kasya naman tayong lahat doon." Sabi ni Clark.

Tumango si RJ at pumayag kay Clark.

"So, Chesca, nasabi mo na ba sa parents mo na doon tayo sa inyo?" Tanong ni Clark na halos di ko pinansin.

Kaya lang ay may sumagot na agad sa tanong niya galing sa likuran ko.

"Sa bahay kayo namin matutulog lahat." Mariing utas ni Hector.

Nilingon ko agad siya. Nakita kong magkasama sila ni Oliver at mukhang kararating lang nila.

"Hala? Taga Alegria ka pala, Hector?" Singit ni Janine.

"Magdadala din ako ng sasakyan. Ang sasakay sakin ay si Chesca..." Nilingon niya ako.

Nakita kong kumunot ang noo ni Desiree at Tara sa sinabi ni Hector.

"Oliver." Dagdag ko. "Billy, JV?"

Awkward nila akong tinitigan lahat. Damn it! Bakit ganito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro