Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 53

Kabanata 53

I Want You Back

Dumilat ako kinaumagahan nang nasa bisig na ni Hector. Nakatingin siya sa akin at seryoso ang kanyang mukha. Bahagya akong lumayo. Hindi niya ako pinigilan sa pag layo ko.

"Kumain na tayo." Aniya at agad bumalandra ang katawan niya sa harapan ko nang tumayo siya.

Hindi ko mapigilan ang pagsulyap sa burning abs niyang walang saplot na naglalakad sa harap ko. Kita ko rin ang kaonting pamamawis ng kanyang buhok kahit na naka full naman ang aircon ng buong silid.

"Bakit pawis ka?" Hindi ko napigilan ang pagtanong.

"Ah. Galing ako sa gym." Aniya tsaka nag soot ng t shirt.

Tumango ako. "Kanina ka pa pala gising?"

Napatingin ako sa orasan at nakita kong pasado alas diyes na.

"Ba't di ka naunang kumain?" Tanong ko.

"Hinintay kitang magising." Aniya. "Ipapadala ko na lang dito yung almusal?" Aniya.

Tumango ako at kinusot ang mga mata. Kailangan ko pang maligo at magbihis ng maayos na damit. Uuwi na rin kami mamaya.

Kinagat niya ang labi niya. For some reason, mukha siyang nahihirapan at hindi ko iyon maintindihan. Tumayo ako at kumuha ng tuwalya.

"M-Maliligo muna ako."

Lumunok siya at tumango na lang.

Nagmadali ako sa banyo at ni on ang malamig na shower.

Muntik na ako doon, ah? Bakit ganito? Napahawak ako sa nag aalburoto kong puso. Para akong hinahabol ng aso sa sobrang kaba. Alam ko... Alam kong nararamdaman din siguro ito ni Hector.

Niligo ko ang sarili ko sa malamig na tubig. I need to erase everything. Erase my thoughts... Erase... Kinagat ko ang labi ko nang narealize na wala nga pala akong dalang damit sa loob. Ibig sabihin ay nakatapis lang ako palabas ng banyo at maglalakad pa ako sa labas para kunin ang damit na susootin ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at binuksan ang pintuan. Kita ko agad na tumitig si Hector sa akin. Nakaupo siya sa lamesa kung saan naroon ang mga pagkain. Nag iwas ako ng tingin.

"Uh, bihis lang ako." Sinulyapan ko siya at kitang kita ko ang pagbuga niya ng hininga at ang pag iwas niya ng tingin.

Mabilis kong hinalungkat ang damit ko. Hinablot ko na ang kahit anong pwede kung sootin. Hindi na ako nag abala sa pag hahanap ng bra at panty. Hinablot ko na lang iyong two piece na dala ko at nagmadali na ako pabalik sa banyo.

Mabilis akong nag bihis. Loose sleeveless ang nakuha ko at isa pang shorts. Okay na ito. Huminga ako ng malalim at lumabas. Sinalubong na naman ako ng titig ni Hector na ngayon ay mukhang pinipilit iiwas sakin.

"Kain na tayo." Aniya.

Tumango ako at awkward na umupo sa harapan niya.

Tahimik kaming kumain. Sa sobrang tahimik ay nabibingi na ako. Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko nang tumawag si Kira ay hindi kami maiistorbo.

"Hello?"

"Hello? Gising ka na?" Alam kong nakangisi niyang sinagot iyon.

"Oo. Bakit?"

"Swimming tayo dito! At halika! May ipapakilala ako sayo!" Aniya na tunog excited.

"Sino?"

"Basta! Lumabas ka na lang! Nag ba-banana boat na sina RJ!"

Napatingin ako kay Hector na umiinom ng tubig. "Alright, Kir. Uuwi na kami around lunch."

"Okay. Sige na, labas na!" Aniya.

Pinutol niya agad ang linya. Uminom na rin ako ng tubig at tiningnan si Hector na ngayon ay naghihintay ng sasabihin ko.

"Pinapalabas ako ni Kira."

Tumango siya. "Susunod ako." Aniya. "I memeet ko lang yung businessman."

May kung anong gumapang sa utak ko. Negative, bad vibes... Bakit kaya? Well, hindi ko alam. Basta ay ang pag uusapan naman siguro nila ay business. I mean, come on, may buhay din si Hector. Naranasan kong sa Alegria ay umiikot ang buhay niya sakin. Ngayon, ito na ang real life, hindi sakin umiikot ang buhay niya. May sarili din siyang buhay. At hahayaan ko siya...

"Okay."

"Pupuntahan kita pagkatapos. Saglit lang naman yun." Aniya.

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Kaya nang lumabas ako ay medyo excited akong naglakad patungo kina Kira. Kitang kita ko ang bading na naka pink na board shorts pero may sumbrerong malaki.

"Kira!" Bati ko nang nakitang may mga kausap siya.

"Ah!" Tumatawa si Kira sa mga kausap niya. "Eto na siya!"

Hinawakan nya ako sa baywang at pinresenta sa tatlong lalaking kausap. Ang isa ay may balbas at may hawak na malaking camera. Ang isa ay isang payat at kulot na lalaking may hawak na reflector at tripod. Ang kausap niya naman ay isang lalaking sakto sa build at may dreadlocks na buhok.

"This is Francesca Alde-"

"I know here." Sabi nung payat.

Nagulat ako at ngumiti sa kanya. Tiningnan kong mabuti kung saan ko siya nakilala. Medyo pamilyar din siya sakin.

"Sa isang magazine. Shoot. Ikaw ang nag model." Aniya at ngumisi. "Bryan." Naglahad siya ng kamay na tinanggap ko naman.

Tumawa si Kira. "See? She's a professional model."

Medyo tinapik ko sa kahihiyan si Kira.

"Chesca, ito nga pala si Angelo at si Kean." Pakilala ni Kira sa dalawa pang lalaki. "Taga FHM sila."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Yes, dear! At gagawin kang GF of the month. If you could only remove the clothes and pose for a shot or two?"

Hindi ako makahinga sa nakakabiglang sinabi ni Kira.

"Hmm. I find her sexy for a model, Kir. Tama ka nga. Iyon ay kung payag ka, Miss Chesca?"

Tumango agad ako sa bigla.

Hindi ako makapaniwalang pagkatapos kong magbiro na papasok ako sa FHM ay magkakaroon ako ng ganitong break.

"It's not a big break yet. Pero dito kasi nagsisimula yung mga models namin, e." Sabi nung Angelo na may Dreadlocks na buhok. "Pakita kita muna bago mag karoon ng buwan buwan na pag papakita sa magazine. Lalo na pag nagustuhan ka ng mambabasa."

"O diba, girl? Grabe! Bihira lang ito! Sige na! A pose or two!"

Nagulat na naman ako nang biglang nag set up si Bryan at si Kean sa likod. Nakakapanic. Hindi ko alam kung anong gagawin.

"Shall I remove my top?"

"No, no, okay na siguro yan. Medyo ibaba mo lang konti yung isang sleeve para makita yung two piece."

"Ganito ba?" Sabay baba ni Kira sa sleeve ko.

Tumango si Angelo.

Kung hindi sila professional ay iisipin ko ng mga manyak sila. Pero dahil mukhang wala naman silang intensyon na bosohan ako o kahit ano. Seryoso naman sila at mukhang trabaho ang ipinunta nila dito kaya kailangan ko ring magpaka professional.

"Debut mo rin ito!" Bulong ni Kira sakin habang tinatali sa gilid ang damit ko para makita ang pusod, tiyan, at hubog ng katawan ko.

"Anong Debut?"

"May isang clothing line kasi na lumapit sa agency. Kailangan nila ng mga model para sa clothing line nila. Most specifically sa denim pants. Tapos, ikaw yung pinili ni Hugo. This is the first time you'll have a sexy shoot right?"

Tumango ako. Di ako makapagsalita nang pinagmasdan kong ni unzip ni Kira ang shorts ko at bahagyang ipinakita ang two piece ko.

"Naka pants at naka bra lang yung sa shoot na iyon. Medyo malaki ang kita. Are you willing?"

"Naka pants? Tapos bra?"

Pants? Okay lang naman. Kinaya ko nga iyong medyo maghuhubad na, edi kakayanin ko rin iyon. ISa pa, nag susoot na naman ako ng two piece noon. Hindi nga lang ako lumalabas sa print ads na naka ganun dahil ayaw pa ng mga magulang ko at medyo kaka eighteen ko lang noon. Ngayong nineteen na ako, siguro ay stepping stone na rin ang mga ganitong offer.

"Okay. Sure." Sagot ko.

Pumalakpak si Kira. "Good! Papapirmahin kita ng kontrata mamaya bago ka umalis dito. Then see you in a month!"

Ngumisi ako at humarap sa mga taga FHM.

"Anong pose niya?" Tanong ni Kira.

"Ah! Siguro naka luhod at naka talikod sa dagat. Let's make use of the scenery." Ani Angelo.

Sinunod ko agad ang sinabi niya. Kitang kita ko ang hindi napapawing ngiti ni Kira habang pinagmamasdan ang shoot.

Hinawakan ko ang buhok ko at tiningnan ang camera ng seryoso. Lumuhod ako at inayos ang posture.

Umiling si Kean pagkatapos ng isang click. "Grabe! Unang shot pa lang, solb na."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"I told you, professional yan." Halakhak ni Kira.

Ilang shots lang ang nangyari. Hindi na nila kailangan ng marami dahil isa lang naman ang ipapakita. Inayos ko ang damit ko at nagpasalamat na sa kanila at kay Kira.

"Two to three months, lalabas ang issue. Papadalhan ka namin ng copy." Sabi ni Angelo.

Tumango ako at ngumisi.

"Thank you! Nice working with you! Hopefully, soon, mapapasama ka na sa buong team."

Nakipagkamayan ako sa kanila at nagpasalamat. Hindi ako makapaniwala na sa loob lang ng isang oras ay magkakaroon ako ng break sa magazine na iyon. Tumatawa si Kira nang palayo na sina Bryan, Angelo, at Kean.

"Oh, iba? Grabe! Ang ganda ng event na ito!" Tumatawa siya at pinagmamasdan ang nag ba banana boat na mga models. Naka jet ski din ang iba. Nakakainggit. Pero imbes na gawin din iyon ay luminga linga ako para tingnan kung nasaan si Hector.

Wala parin siya. Sabi niya ay pupunta siya dito, ah? Ipinag kibit balikat ko na lang iyon. Ang sabi niya ay makikipag meet siya sa businessman. Siguro ay natagalan.

"Ligo tayo!" Sabi ni Kira at tinanggal na ang sumbrero niya.

"Maya na, Kira." Sabi ko pero hinila niya na ako.

"Tanggalin mo na yung damit mo! Two piece na!" Sabi niya.

Naaapakan ko na ang dagat. Hanggang sa ilang sandali ay hanggang tuhod na ang dagat dahil sa pangangaladkad niya.

"Okay, okay. Teka lang! Magtatanggal lang ako!" Sabi ko at bumalik sa shore.

Luminga ulit ako para hanapin si Hector ngunit wala parin siya doon. Ang dami kong mali at nakakalokang naiisip pero ayokong talakayin lahat ng iyon sa isipan. Gusto niyang matutong pakawalan namin ang isa't-isa. Dahil hindi mabuti ang pagmamahal na sobrang possessive at sobrang selfish. Dahil totoong hindi namin pag aari ang isa't-isa. Na may kanya kanya kaming buhay. Na hindi pwedeng ibuhos ang lahat sa isang tao. Kailangan ay mag tira din tayo para sating sarili.

Pagkatapos kong mag hubad ay bumalik na ako sa dagat at sumama kina Kira. Ang sarap talaga ng tubig dagat. Ang sarap lumangoy at pakawalan ang sarili mo. No worries. Freedom. You are free to do anything. Masarap iyon. Pero sa tuwi tuwinang paglalangoy ay umaahon ako para tingnan ang shore. Para hanapin ang isang taong gusto kong makita ngunit wala doon.

Dahil sa paglinga ko ay hindi ko na namalayan na nabunggo na ako sa isa sa mga kasama naming lumalangoy.

"Sorry." Sabi ko at tumingala.

Narinig ko ang tawanan nina Kira dahil sa tinutukso nilang si RJ na nag ji jetski.

"Okay lang." Malamig na untag ni Clark.

Lumayo ako ng bahagya ngunit hinawakan niya ang kamay kong nasa ilalim ng dagat.

"Chesca, you have to listen."

Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"I want you back, Ches... I want you back so bad."

Binawi ko ang kamay kong hinahawakan niya. Umiling ako sa kanya. Alin ba ang hindi niya maintindihan sa lahat ng nasabi ko na? "Clark, can't you see? Do I have to slap this to you? I am in love with someone else. Irrevocably and completely."

Nag igting ang bagang niya. "Alam ko. You are in love with the wrong person."

Kinunot ko ang noo ko sa sinabi niya.

"Ininsulto ka niya. Kahit kailan, hindi kita pinagsalitaan ng maaanghang na salita. Kahit kailan, Ches."

But you damn cheated but it doesn't matter to me. Your mistakes doesn't matter to me anymore. Dahil ang tanging laman ng isip ko ay ang lalaking nakatayo ngayon sa seashore. Nakahalukipkip at diretsong nakatitig sakin. Kahit malayong malayo siya, alam kong tanaw niya ako. Alam kong binabantayan niya ako. And that's enough to make my heart beat so fast. Pakiramdam ko tumitibok lang ito sa mga panahong naryan siya, patay ito pag wala siya sa paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro