Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 52

sorry to disappoint you. HAHA!

-----------------

Kabanata 52

Akin

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko nang hilong hilo na sa pagkakaladkad niya.

Pinikit pikit ko ang mata ko nang tumigil siya at hinarap ako.

"Chesca, anong ginagawa mo dun?" Sabay turo niya kung nasaan ang bonfire.

Nasa isang madilim na parte kami ng resort. Malayo sa mga kumakain na mga tao. Sa wakas at medyo napawi ang pagkahilo ko kaya inangat ko ang paningin ko sa kanya. Kitang kita ko ang madilim niyang titig sakin. Para bang nanghihinayang siya at nagagalit sa lahat ng ginawa. Pero habang tinititigan ko siya ay naalala ko ang babaeng ipinakilala sa kanya.

Nalulungkot ako, oo. Bumuhos sakin lahat ngayong gabi. Lahat lahat. Una, gusto ko siyang patawarin dahil mahal ko parin siya, ngunit isang linggo pa lang ng nakita ko ulit siya. Marami pa akong tanong na gustong masagot. Marami pa akong mga bagay na gustong patunayan. Hindi pwedeng isang kalabit niya lang sakin, magkakandarapa agad ako pabalik sa kanya. Natutunan ko na ang sulosyon sa lahat ng bagay ay hindi palaging puro puso. Kailangan ng balanse. Sa isang taon na pagkakakilala ko kay Hector at sa lahat ng nangyari, iyon ang naging baon ko dito sa Maynila. Dahil noon, puso ang sinunod ko, kahit na sumisigaw ang utak ko na huwag muna... masyadong maaga. Kaya ngayon, hindi ko na kayang maulit iyon.

Oo nga't sa pag ibig kailangan ibuhos ang lahat. Take the risk, ika nga. Kaya lang, nagawa ko na yun dati, at nanginginig ako sa awa sa sarili ko sa sinapit ko. Ayokong ibigay ang lahat. Kailangang mag tira ng para sa sarili. Tanga ako pero natuto na ako. At hindi ko ibibigay ang lahat. Kailangang mahalin muna natin ang sarili natin bago tayo magmahal ng iba. Dahil sa oras na iwan nila tayo, ang tanging masasandalan natin ay ang ating sarili... hindi sila.

Pangalawa, kumikirot ang puso ko. Dahil sa gabing ito, naisigaw sa harapan ko na magkaiba ang estado namin ni Hector. Mayaman siya, at wala lang ako. May mga babaeng mas babagay pa sa kanya at hindi siya tinatratong ganito. Tumatabang na ata ako dahil sa nakita ko. Wala akong magawa, siguro likas na sa mga babae na maging insecure. Ayokong isipin pero lagi gumagapang sa bawat sulok ng utak ko. Na noon sa Alegria, pakiramdam ko parehong bundok lang ang inaapakan namin. Pero ngayon, napagtanto kong nasa kapatagan lang ako, ngunit nasa ulap siya. Oo, I should be thankful dahil pinansin ako ng isang mala Diyos. Pero paano kung iiwan niya ako sa oras na marealize niyang hindi siya bagay sa isang tulad ko? Na may diyosa ring naghihintay sa kanya?

Kaya imbes na bakuran siya ay gusto ko siyang pakawalan. Gusto ko siyang hayaan. Labag man sa isip ko ay gusto ko siyang ma expose. Gusto kong makita kung paano siya dito sa Maynila. Paano kung may ibang babae, mayaman, mabait at maganda. Paano kung maraming ganun? Paano kung may mag mamahal sa kanya? Babalik parin ba siya sakin?

Nag init ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko kayang isipin iyon. Dumudugo ang puso ko pero ang lintik kong utak ang nangunguna sa ngayon. Hindi dahil insecure ako, kundi dahil takot na akong sumugal. Dahil ngayon, ayokong magsisi.

"Naglalaro kami. Ikaw, anong ginagawa mo dun?" Suminghap ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.

Kumunot ang noo niya at tinitigan akong mabuti. "Nakikipag usap."

"Nakikipag usap nino?"

"Kliyente iyon ng rancho, Chesca! Samin sila umoorder ng mga manok na ibinibenta-"

"Tapos?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Nag usap kami! Ano ba ang gusto mong marinig?! Ako nga dapat ang magalit dito, diba? Kasi ikaw, umalis lang ako sandali may kahalikan ka na!"

"Anong-"

"Wa'g mong gawing rason na hindi mo sinadya, Chesca! Kitang kita ko! Kitang kita ko na ikaw ang lumapit para halikan si Clark! Hindi ito ang unang pagkakataon diba? At ngayon, kitang kita ko na ikaw ang una."

Nanlaki ang mga mata ko.

Nangatog ang binti ko at ag buong sistema ko ay naghuramentado. Naalala ko ang gabing iyon. Naalala ko nang tinaboy niya ako dahil sa paghalik ko kay Clark. Na experience lang ako. Na isa akong 'Whore' sa paningin niya!

"Nag laro l-lang kami, Hector!" Bahagyang na giba ang pinaghirapan kong dingding sa gitna naming dalawa.

"Nag laro, fuck that shit, hindi ako hahalik ng ibang babae dahil sa isang laro, Chesca! Hindi ako hahalik ng hindi ikaw!" Sigaw niya.

Nalaglag ang panga ko at nag init ang sulok ng mga mata ko. Galit ako ngunit hindi ko siya masumbatan. Kitang kita ko rin ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa luha.

"Ano... Ano.. whore na naman ako? A-Ano? Iwan mo ulit ako?"

Umiling iling si Hector at nag iwas siya ng tingin sakin nang may lumandas na luha sa mga mata niya. "Putang ina." Mura niya nang tumagilid at pinunasan ang luha niya.

"Ano, Hector? Iwan mo na ako." Pag hahamon ko.

Paghahamon at paninisi sa sarili. He's freaking right. At kung iwan man niya ako ngayon, kasalanan ko na iyon. Hinding hindi ko siya sisisihin. Nasasaktan ako at nalilito na. Gusto ko pero natatakot ako.

Umiling siya. "Alam mo ba kung anong klaseng galit ang naramdaman ko sayo noon nung nakita kitang kahalikan mo siya, Chesca?"

Nakita kong basa ang pisngi niya sa luha. Mas lalo akong nahabag. Mabibigat na ang paghinga ko at nagpipigil na ng luha sa mga mata.

"Alam ko sa sarili ko na kailangan kong maniwala sayo, pero nadala ako sa feelings ko. Mahal na mahal kita at hindi ko matanggap na ganun. Nabulag ako sa galit ko, oo. Pero ilang saglit lang, babalikan na sana kita dahil kahit galit ako, alam ko kung anu ano ang mga sinabi ko. Alam kong nasaktan kita at natatakot akong hindi na maayos pag umalis ako ng tuluyan, pero nang nakita kita doon na hinahawakan ni Clark. Na para bang natural sa inyong dalawa na mag damayan. Dahil ex mo siya. Dahil minsan nang naglapat ang labi niyo. Dahil hindi iyon ang unang pagkakataon na nagkahawakan kayo. Dahil minsan mo ng sinabi sa kanya ang mga problema mo? Shit! Gusto kong mag wala kaya iniwan kita! At baon ko ang galit ko kaya nagawa kita lubayan ng matagal ngunit napatawad din kita pero huli na ang lahat!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ginago mo ako! Kaya wala kang karapatang manumbat, Hector! Wala kang karapatan! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng mga taong nakapaligid sayo at ikaw mismo! Kung mahal mo ako noon, hindi mo ako gagaguhin! Anong pakealam mo kung hinalikan ko si Clark? Nakealam ka lang naman kasi nakita mo! Kung sa loob noong anim na buwan ko siya hinalikan at hindi mo iyon nakita kasi nasa Maynila ka at nasa Alegria ko, will you even care? YOU WON'T!"

Bumuga siya ng malalim na hininga.

"Alam kong ginago kita. Hindi ko makakalimutan ang mga pagkakamali ko sayo. Kaya kong pagbayaran ang lahat ng iyon. Pero tangina, Ches," Nabasag ang boses niya. "Hindi pa ako nagago ng ganito."

Bumuhos ang luha ko sa narinig sa kanya.

"Laro lang naman iyon, Hector! At isa pa... may babae ka rin doon-"

"Tanginang babae kung hindi ikaw!"

Ginulo niya ang buhok niya at nag iwas ng tingin. May iilang mga taong dumaan at nakiusisa sa ginagawa naming dalawa.

"Shit!" Mura niya sa gilid at hinilamos ang palad. "Hindi ako aalis. Pakasaya ka muna dun. Matutulog na ako." Aniya at biglang umalis papuntang hotel.

Natuyo ang lalamunan ko. Gusto ko siyang habulin. Gusto ko siyang pigilan kahit sinabi niya na saking di siya aalis. Gusto ko siyang haplusin at kandungin. Tangina, mahal na mahal ko siya at hindi kaya ng utak ko ang puso ko.

Nangatog ang binti ko. Hindi dahil sa dami ng nainom kundi dahil sa nakakalitong nararamdaman. Bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko iyon agad agad at napaupo ako sa buhangin.

Ilang sandali pa akong ganun ang posisyon nang may lumapit sakin.

"I'm sorry." Dinig ko ang boses ni Clark sa likod.

Hindi ako lumingon. Pinunasan ko ang pisngi ko para matuyo pero patuloy ang pag luha ko.

"Okay lang, kasalanan ko." Sabi ko.

Huminga siya ng malalim at umupo sa gilid ko. Humihikbi pa ako habang nagsasalita siya. Alam kong galit dapat ako sa ex kong nag cheat sakin pero sa ngayon, parang okay na ang lahat. Parang wala na akong pakealam sa atraso niya sakin. Na wala ng mas isasakit pa sa nararamdaman ko para kay Hector.

"Ininsulto ka na naman ba ng lalaking iyon?" Medyo mariin niyang tanong.

Umiling ako dahil alam kong manginginig ang boses ko pag sumagot ako.

"Umamin ka na, Chesca. Unang kita ko pa lang sa kanya sa Alegria, alam kong hindi na maganda ang ugali niya. Masyado siyang makasarili at control freak. Para bang kailangan lahat ng gusto niya ay masunod."

Hindi ako sumagot.

"Chesca, gumising ka na! Hindi siya worth it! Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking iyon, anong meron sa inyo, pero hindi kayo bagay! Hindi bagay sayo ang magpakasakit ng ganito! Hindi mo pwedeng hayaan ang sarili mo na makulong sa kanya habang iniinsulto ka niya.

"Hindi niya ako ininsulto, Clark." Sabi ko.

"Tss. Umamin ka na. Masyado ka yatang nabulag sa kanya."

Nilingon ko siya at kinagat ko ang labi ko. "Hindi ganung tao si Hector."

"Oh don't make me laugh. Dinig na dinig ko ang mga pinagsasabi niya. Kitang kita ko iyon, hindi ba?"

Umiling ako at tumayo.

Hindi siya ganun. Alam ko. Alam kong kahit na totoong masyado siyang spoiled, makasarili, at control freak ay hindi niya kaya iyon. Maaring mga immature pa kami noong nagsimula kaming dalawa. Kaya ako, nagpadala sa mga bagay sa paligid, at siya nagpadala sa pagseselos. Ngayon, alam kong hindi na. Pareho kaming natuto.

"Sige, Clark. Tulog na ako." Sabi ko at umambang aalis.

Pinigilan niya ako. Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko para hindi ako makawala. "Chesca. Ipagpapalit mo ba ang isang taong samahan natin sa anim na buwan niyong pagkakakilala? Chesca, ilang taon na tayong magkakilala. Alam kong nagkamali ako-"

Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. "Oo. At kahit siguro hindi ka nagkamali, siya parin. Mahuhulog parin ako sa kanya. Baka ako ang magkamali..." Kinagat ko ang labi ko at iniwan na siya doon.

"Chesca!" Sigaw ni Clark habang lumalayo na ako. "Chesca, I don't think so! Hindi parin ako nagtitiwala sa kanya! Chesca!"

Gusto ko na lang matanggal lahat ng mga iniisip ko sa utak ko at tingnan na lang ang mga mata ni Hector. Gusto kong iwan na lang lahat ng mga pagdududa at paninigurado at ibuhos na lang ang pag ibig ko sa kanya.

Hindi na ako kumatok sa suite niya dahil alam kong bukas iyon. Sinarado ko iyon at hindi na binuksan ang ilaw dahil baka tulog na siya.

Umupo ako sa kama at nakitang nakahiga siya. Tinitigan ko ang mga mata niya at nakita kong kumislap ito. Dumapo ang kamay niya sa mga mata at parang may kung anong pinunasan dito.

"Oh, ang aga mo yata..." Malamig niyang sinabi.

"I-Inaantok na ako." Rason ko.

Bahagya siyang umusog kahit na tamang tama lang sakin ang tabi niya.

"Gusto mo sa sofa na lang ako?" Aniya.

"Hindi. Okay lang."

Parang may kung ano akong naramdaman sa puso at sa tiyan ko. Isang bagay o hayop na may pakpak.

"Okay." Aniya.

Nagkatitigan kami sa dilim. Kinagat ko ang labi ko at tinungtong ang mga paa sa kama. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Tulog ka na." Aniya.

"Oo. Teka lang." Untag ko.

Bumuntong hininga ulit siya at umupong bigla.

"O-O, bakit?" Medyo nagulat ako sa pag upo niya.

"Doon na ako sa sofa." Aniya at tinanggal ang kumot pero bago siya umalis ay dumapo ang kamay ko sa braso niya.

"D-Dito ka lang." Sabi ko ng marahan.

Tiningnan niya ang kamay ko bago ang mga mata ko.

"Please..." Halos pagmamakaawa ko.

Lumunok siya at tumango.

Kitang kita ko sa mga mata niya na sobrang nasaktan siya sa lahat lahat. At nasaktan din ako. Pero siguro ay hindi ibig sabihin na dahil nasaktan ka ay mananakit ka... Pero masyado iyong ideal. Sa mundong ito, kaya nagkakasakitan ang mga tao ay dahil sa ripple effect ng sakit. Pag may masasaktan, may mananakit. At ang nasaktan ng nanakit ay mananakit din. Hindi natin iyon maiiwasan dahil tao lang tao at may tendency tayong manakit dahil nasaktan... dahil unconsciously hindi natin matanggap na nasaktan tayo ng mga taong mahal natin, kaya mananakit ka ng taong nagmamahal sayo.

Lumandas ang luha ko sa mga pisngi ko habang nagtititigan kaming dalawa. Agad agad ay pinunasan iyon ni Hector.

"Ayoko ng pinapaiyak kita. Tama na yung noon." Malamig niyang sinabi na mas lalong mas nag paiyak pa sakin.

Naubusan ako ng hangin dahil sa pinipigilang pag hikbi. Bigla niya akong hinalikan. Pagkalapat ng labi niya sa labi ko ay may kung anong bumuhos na tubig sa puso ko. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na iyon, pero ang alam ko, naghihintay na lang itong bumuhos doon.

Mararahan at nakakalasing ang mga halik niya. Hindi ko maintindihan dahil kung ako ang hahalik sa kanya, paniguradong sabik at nanlalamon ang magiging resulta. Pero itong sa kanya ay parang marahan at maingat. Maingat na baka masaktan ulit ako. Para bang itinuturing akong pinggan na madaling mabasag.

Lumapit ako sa kanya para mas mahalikan niya pa ako. Nakahawak ang isang kamay niya sa pisngi ko. Dumapo ang kamay ko sa may dibdib niya. Sinuklian ko ang halik niya ng ganun rin. Marahan at nakakalasing.

"Hector..." Sabi ko sa gitna ng mga halik.

"Natatakot akong sumugal ulit sayo."

"Shhh... Alam ko... Hindi naman kita minamadali." Aniya.

Hinalikan niya ang gilid ng labi ko. Napapikit ako at dinama ang bawat halik niya hanggang sa nilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga at hinalikan niya ang gilid ng tainga ko.

"Alam ko kung gaano kita nasaktan dahil sa mga salitang binitiwan ko. At kaya kong pagbayaran iyon." Bulong niya.

Tumindig ang balahibo ko.

"Gusto kong sabihin sayong wa'g mo akong saktan, na ako lang sana yung mahalin mo, na sakin na lang ang buong atensyon mo... na akin ka dapat... na walang pwedeng umangking iba sayo. Pero alam kong hindi, diba? Hindi ka akin. At hindi ko iyon matanggap. Hindi ka akin dahil pinakawalan kita noon. At sagutin mo man ako ngayon, hindi parin kita maikukulong sakin dahil hindi kita pag aari. Gusto kong matuto. Gusto kong matanggap iyon. Gusto kong ilagay sa kokote ko na wala akong magagawa. Na hindi ko hawak ang emosyon mo. Hindi ko hawak ang puso mo. Kaya lang..." nabasag ang boses niya. "Kaya lang, Chesca, hanggang ngayon, di parin ako natututo. Gusto ko paring sakin ka. Kahit na anong gawin kong pag aaral na pakawalan ka, gusto parin kitang hawakan ng mahigpit."

Hinawakan niya ang braso ko at bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napatingala ako dahil nanunuya at nakakakiliti ito. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan siya.

Bumuga siya ng hininga nang nasa balikat na ang mga halik niya.

"I want to kiss the wounds my own bullets left, Chesca. Lahat ng kasalanan ko, gusto kong halikan at baka sakaling mapawi ko."

Halos mapudpod na ang labi ko sa kakakagat.

"If you will only let me." Hinagkan niya ako.

Halos ibigay ko na ang sarili ko sa kanya. Buong buo. Hindi ko siya mayakap pabalik kasi hinang hina na ako.

"Pero sa ngayon, pagbabayaran ko muna ang kasalanan ko. I will respect you." Dumilat ako at hinarap siya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Pumungay ang mga mata niya.

"Sa oras na may karapatan na ulit ako, bawat sulok ng balat mo, mamarkahan kong akin. Yung tipong lahat ng hahawak o aamoy sayo, ako ang makikita."

Hinaplos niya ang leeg ko, pababa ng braso ko, baywang at binti ko.

"Bawat sulok ng balat, kahit ang anino mo, may markang akin. Para kaya kitang pakawalan. Kaya kitang hayaang lumabas mag isa. Yung nakakasiguro akong sakin ang balik mo, dahil ako ang bumubuo sayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro