Kabanata 48
Kabanata 48
Mapapawi Yan
Kaya buong linggo ay halos magkandarapa si Hector sa pagtatago sa mga classmate namin na magkakilala kami. Minsan ay nakikita kong kinakagat niya ang labi niya habang nag uusap kami nina Desiree. Parang gusto niya kasing sumawsaw. Hindi naman kasi kalayuan ang upuan namin. Umupo siya sa likod katabi ni RJ. Buti na lang at hindi bungangero sina RJ, Billy, at JV at hindi nila pinagkalat na may something samin ni Hector.
"Nililigawan si Tara ni Hans!"
Namilog ang mata ko sa sinabi ni Desiree. Pumula naman ang pisngi ni Tara. "Talaga? Diba ang gwapo nun?"
Narinig ko ang malakas na tikhim ni Hector sa likod. Palagi siyang ganyan. Subukan niyang sumabog ulit at sasakalin ko talaga siya. Hindi ba pwedeng pumuri sa ibang tao? Dapat ba siya lang ang gwapo? Hindi, ah! Magdusa ka, Hector Immanuel Montenegro Dela Merced. Ha!
Nasa canteen kami at napapaligiran ako ng mga kaibigan. Kitang kita ko ang pagdaan nina Oliver. Naka kulay dark blue silang jersey. Lahat ng mga nandoon sa canteen ay lumilingon sa players na dumadaan.
"Anong meron?" Tanong ni Tara.
"May game yata." Sagot ni Janine.
Nilingon ko si Janine. Nakita niya iyon at bahagya siyang yumuko. Hanggang ngayon, hindi ko parin sinisiwalat ang kabulastugan niya kina Desiree. Hindi ko nga alam kung bakit pinapatagal ko pa. Well, wala na akong pakealam. Ang problema ko na lang ngayon ay hindi ko na siya mapagkakatiwalaan.
Nakita kong madramag humahakbang si Hector sa likod. May kausap siyang isang foreigner na basketball player.
"OMG! Ang gwapo ni Hector!" Narinig kong sinasabi ng mga tao sa likod.
Seryoso ang kanyang mukha habang kinakausap ang foreigner. At bawat hakbang niya ay kitang kita ang kakisigan.
"Ganda pala ng katawan ni Hector." Sabi ni Tara.
Tumaas ang kilay ko. "Kung alam niyo lang." Sabi ko agad ng wala sa sarili.
"Ha?" Nalaglag ang panga ni Desiree sa bigla kong sinabi.
"Ah! I mean... Nakita ko na. Eh... Nasa, ano, studio siya nung isang araw."
Tumango si Desiree. "Pumayag siya kay Kira?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko."
"Diyos ko! Malayo ang mararating niyan, Chesca. I mean, look at his face. Drop dead gorgeous! Kaya lang, noon, ni hindi yan malapitan kasi mukhang parating galit. Ngayon nga lang siya may kinakausap, e."
Tumango ako at nagkunwaring walang pakealam habang pinagmamasdan ang pag alis ni Hector.
Ni hindi niya ako napansin. Nakaupo lang din kasi ako at dumaan lang naman sila papuntang gym. Hindi niya ako napansin! May kung anong pumipiga sa puso ko dahil hindi niya ako napansin.
"Pag sumikat yan, dadami ang babae niyan. May girlfriend na kaya yan?" Tanong ni Tara.
"Naku! Oo nga! Ang alam ko, nung halloween party, nandun daw siya sa Tribe Longue at ang dinumog siya."
"Sabi nina Janelle, nandun daw sina Amanda Myers at yung mga co models niya at si Hector daw yung trip nila."
"AMANDA MYERS?" Nalaglag ang panga ko nang sinabi niya iyon.
Sikat na model ng FHM si Amanda Myers. Hindi naman nakakapagtataka na naakit siya ni Hector pero hindi ako makapaniwala na medyo sikat na siya ngayon pa lang. At may kung anong tumutusok sa tiyan ko... parang... ayoko.
"Tara na! I cheer natin si Hector!" Sigaw ng nagmamadaling mga babae papuntang gym.
"Tara na! Punta din tayo!" Sabi ni Desiree.
"Mamaya na." Mabilis kong sinabi.
Parang ayaw kong makisali sa mga fans ni Hector. Parang... hindi ko ma explain. Pakiramdam ko, nagagalit ako kasi ang dami niya ng fans, kasi ang dami ng nakakakilala sa kanya, kasi maaring di na ako... Teka nga lang. Oo, alam kong may atraso pa siya sakin kaya hanggang ngayon, hindi ko parin siya matanggap, hanggang ngayon, may kulang parin. Pero nababanas ako pag nakikita siyang dinudumog.
Parang dati ay akin siya. Yung solo ko lang siya. At kahit dinudumog man siya sa ACC ay alam ng lahat na sakin siya. Ganun din siguro yung nararamdaman niya sakin. Kahit na may nagkakagusto sakin sa ACC noon ay alam ng lahat kung kanino dapat ako. Kaya frustrating nung pinormahan ako ni Knoxx Montefalco sa booth. At ngayon, ako naman ang ma fufrustrate...
"Bakit?" Nakangiwing tanong ni Desiree sakin.
"Eh ano namang pupuntahan natin dun?" Tanong kong tamad.
"Manonood, hello?"
"Okay, fine. You're so grumpy, Chesca."
Matalim kong tinitigan si Desiree.
Tumawa na lang siya.
"Ang dami kayang gwapo dun." Sabi ni Tara.
Hindi ko sila pinansin. Ininom ko na lang ang tubig na sa mineral water at tumunganga kasama nila kahit na nagmistulang ghost town ang canteen dahil kumaripas na ang mga tao sa gym.
May tumatawag na kay Tara habang si Janine naman ay text nang text. Si Desiree at ako lang yung nakatunganga at naghihintay ng milagro. Ilang sandali ang nakalipas ay napansin kong luminga linga si Janine. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko nakita sina Clark kasama ang co photograpers niya na pumasok sa canteen.
Nilingon niya agad ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hanggang ngayon, siguro ay nag co-communicate ang dalawang ito. Bigla siyang umiling habang mangiyak ngiyak.
Oh? Ba't ka umiiling. Ngumisi na lang ako at pinagtaasan siya ng kilay. Alam kong hirap na hirap na siyang itago ang tungkol saming dalawa. Pero sa ngayon, nag eenjoy pa ako sa pagdurusa niya. Malantod kang babae, dapat lang ito sayo. Inirapan ko bago tumayo.
"Tayo na sa gym!" Anyaya ko.
Nilagpasan ko ang grupo nina Clark. Hindi naman sa bitter pa ako pero talagang wala na akong pakealam kahit na alam kong nakatingin siya sakin.
Dumiretso kami sa gym. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang sigaw at tili ng mga estudyante. Kinilabutan ako. Naalala ko ang mga sigaw namin sa ACC tuwing may laro sina Hector. Bago kami nakapasok ay narinig ko na ang chant ng mga tao.
"HECTOR! HECTOR! HECTOR!"
Hanggang dito ba naman?
"Ang gwapo mo, Hector! SHOOT!"
"SHOOOOT!" Sigaw ng mga tao.
Napatingin ako sa dagat ng mga taong maingay na sinasamba ang kanyang pangalan. Nilingon ko ang court at kitang kita ko ang pagkakashoot niya sa bola doon sa ring. Na shoot iyon nang nag jump shot siya. Imbes na yung bola ang tingnan niyang na shoot sa ring sa harap ko ay nasa akin ang titig niya.
Nakita kong unti-unting umaliwalas ang kanyang mukha. Pawis na pawis siya. Kita iyon sa buhok niya. May mahabang arm band siyang nakalagay sa kanyang kaliwang braso. Dagdag pogi points iyon. Para bang mas lumakas ang dating niya.
Kinagat ko ang labi ko at nakita ko siyang tumalikod para makipag high five sa mga kasama niya. Tumunog ang isang napakaingay na bell. Tumingala ako para makitang tapos na ang game at panalo sila! Siya ang may last shot!
Nakita ko rin ang mga taong halos mag stampede sa pagbaba at pag punta sa court para puriin ang buong team. Tumatawa si Hector habang kinakausap ang mga team mates.
Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang mabuti.
"Punta tayo sa kanya!" Tumitiling sinabi ni Janine.
"Uy, wa'g ka ngang cheap." Utas ni Tara. "Tsss. Dinudumog na nga. Classmate naman natin yan. Saka na natin i congratulate sa klase. Wa'g tayong makisawsaw ngayon."
Sumang ayon ako kay Tara. Anyway, kahit na pagpasyahan nilang tatlo na pumunta doon ay hindi parin ako pupunta dahil masyadong masakit yun sa ego ko.
"Uy! Sina JV!" Sigaw ni Desiree sabay punta sa kabilang side.
"Ches, let's go! Uwi na rin tayo! Mag aalas sais na." Ani Tara.
Umiling ako. "Mauna na kayo."
"Ha? Dito ka muna?" Tanong ni Tara.
Tumango ako. "Pakisabi na lang kay Desiree."
Tumango siya at hinila si Janine papunta kay Desiree.
Nilingon ko sina Desiree, Tara, at Janine na kumakaway sakin palabas ng gym kasama sina JV. Tumango lang ako at bumaling ulit kay Hector na ngayon ay dinudumog ng mga babae.
Ang daming nagpapapicture sa kanya. Ngising ngisi siya habang pinipicture-an sila ng mga babae. Isa-isa. Yung iba, paulit ulit. Kung makakapit ay daig pa ang koala. Naiirita na ako sa nakikita ko dito. May nakita pa akong sikat at chinitang babae na nag papicture sa kanya. Silang dalawa lang at sobrang close. Ngumiti pa si Hector habang inaakbayan yung chinita.
Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng pisngi ko. BWISIT! Hindi pwede yan sakin! Oo nga't wala siyang karapatan sakin pero ako? May karapatan ako! Hanggang ngayon, pag aari ko siya!
Nagmartsa ako pababa ng bleachers at papunta sa kanya. Tumatawa siya nang nahagip ako ng mga mata niya. Napawi yung tawa niya nang nakita ang galit ko.
"Dinner tayo, pare?" Kinindatan siya nung juinor na mukhang playboy at bad influence sa kanya.
"Ah! Hindi na. Sa bahay na-" Sagot niya.
"Ang KJ nito."
Tumigil ako at humalukipkip sa isang tabi habang tinititigan ang chinitang nagpapicture sa kanya kanina. Wala siyang kamalaymalay na sinasakal ko na siya sa utak ko ngayon.
"Sige na, pare."
"Wa'g na talaga. Uuwi pa ako."
"Ay! O sige! Sayang, pero next time, ah? Bawi ka? Pag may party, sama ka!" Sabi nung ka team niya.
"Sure!" Tumango si Hector at tinapik ang mga likod ng kasama niya.
Kitang kita ko si Oliver na nakangisi sakin sa malayo. Para bang may kahulugan iyong ngisi niya. Sinimangutan ko siya ngunit tumawa lang siya sa simangot ko. Ilang sandali ay lumapit na si Hector. Agad tumaas ang alta presyon ko lalo na't naka kagat labi siya at nakangiti sakin.
"Bilisan mo!" Sigaw ko at tinalikuran siya. "Ayaw ko ng may nakakakita satin!"
Nakabuntot siya sakin na parang aso. Amoy na amoy ko ang bango ng pawis niya mula rito. Buti na lang at umuwi na ang ibang estudyante kaya hindi kami mapapansin kung magkasamang pupunta sa parking lot. Madalas kasi ang ginagawa namin ay pupunta ako sa jeepney stop, at doon niya lang ako kukunin. Yes naman! Ginagamit ko rin siyang driver since willing naman siya.
"Ang saya-"
"Ihatid mo na nga ako sa bahay!" Galit kong sinabi.
"Oh? Ba't galit ka na naman? Anong atraso ko sayo?"
Galit ko na naman siyang tinitigan. "Wala! Bilis na!"
Binuksan niya ang pintuan. Padarag akong pumasok. Maingat naman siyang pumasok sa driver's seat habang tinititigan ako.
"Ano?" Sigaw ko sa kanya. "Tss." Nag iwas ako ng tingin.
"Anong problema mo?" Nakangisi niyang tanong.
"WALA!" Naiirita kong sagot.
"Ba't sobrang galit mo?"
"Kelan ba ako naging hindi galit sayo? Diba lagi naman akong galit?" Inirapan ko siya.
"Nagseselos ka yata, e." Diretso niyang sinabi.
Nilingon ko siya at mukhang tuwang tuwa pa siya sa sinabi niya.
"Nagseselos ka." Ulit niya.
"HINDI!"
"Kitang kita kita kanina habang nagpapapicture ako! Para kang papatay ng tao." Aniya.
"Ang kapal mo, ha? Hindi no!" Sigaw ko.
Ngumisi siya. "Ba't pula yung pisngi mo?"
"Blush on!" Sigaw ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko at binura ang blush on ko.
"Ano ba!" Tinanggal ko ang kamay niya.
Tumatawa siya. "Di naman, e. Pula talaga. Galit ka yata!" Aniya.
Err. Humalukipkip ako at nag iwas ng tingin. Bigla niya akong kiniliti. May naalala tuloy akong kilitian naming dalawa. GRRR.
"Tigilan mo ako, Hector!" Sigaw ko habang kinikiliti niya ako.
"Nagseselos ang Chesca ko..." Parang galak na galak siya nang sinasabi yun habang kinikiliti ako.
Sinapak sapak ko ang mukha niya. Shet, may pawis pa iyon at ang bango bango niya talaga.
"Tumigil ka sabi, Hector! Tigil!" Sabi ko sabay lapit sa kanya para itulak siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong ang lapit lapit ng mukha naming dalawa. Kumalabog ang puso ko nang nakita kong nakakagat labi siyang tinititigan ako habang kinikiliting marahan.
"Hmmm. Oo, susuko ako sayo, manginginig ako sayo, Chesca. Pero may pagkakataong masusunod parin ako." Bulong niya at nanunuya akong hinalikan ng isang beses.
Mas lalo akong nabigla sa ginawa niya. Kumalabog ng husto ang puso ko. Ang bilis bilis ng pintig at pakiramdam ko kahit anong moment ay pwede itong kumawala sa dibdib ko!
"HINDI PARIN KITA NAPAPATAWAD! SO YOU BACK OFF!" Sigaw ko.
Tumingala siya at nag igting ang panga niya.
Agad akong ginapangan ng magkahalong hiya at panghihinayang. But I'm not giving up... This is war, Hector. Tama ngang galit ang armas ko at pagmamahal ang armas niya, nakakatunaw pero hindi ako ganun ka hina para matunaw sa isang halik niya lang. Gagapang pa siya sakin.
"Alright." Tumikhim siya at pinaandar ang sasakyan. "At hindi parin ako sumusuko. Hindi ako susuko." Nilingon niya ako. "Kaya, Francesca, ngayon pa lang, matakot ka na para sa galit mo. Dahil sisiguraduhin kong mapapawi yan sa mga labi ko."
OH GREAT GOD!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro