Kabanata 45
Kabanata 45
First Day
Walang gana akong kumakain sa hapagkainan nung first day of school. Nakaligtas lang ako sa unang pagkikita namin ni Hector pero alam kong marami pang susunod. Ngayon pang alam kong isang school lang ang papasukan namin.
Nakapangalumbaba ako habang tinutusok sa tinidor ang hotdog nang bumalandra sa harap ko ang kapatid kong sa wakas ay college na. Nakatapis lang siya at basang basa pa ang kanyang buhok. Tumigil siya sa hapag para dumungaw sa mga papel na nakakalat at mga newspaper na binasa ni Teddy noong isang araw.
"TITULO!?" Dinampot iyon ni Craig at tinaas.
Suminghap ako at tiningnan siya.
"Bahay ba natin 'to?" Tanong niya.
Nanliit ang mga mata ko. "Paano mo nalaman? Anyway, akin na yan-"
"Ateng! Bahay natin 'to? Nasayo ulit? Nakuha mo? I mean, nabili mo?" Halos sinigaw iyon ni Craig.
Nakuha ko rin galing sa kanya ang titulo. Tumango na lang ako at nagkibit balikat.
"Binili ng hayup na Hector." Utas ko.
"WHAT?" Tumawa siya.
Umiling na lang ako kasi humagalpak siya sa tawa.
"True love na yan! 5M para sayo? Damn, I won't even pay a peso for you." Panunuya niya.
"Tseh! Tumigil ka ah?"
"Di, seryoso. Alam kong mayaman sila pero kay laking pera ng 5M, kahit sila ay mamahalan dun para lang ipangalan sayo. Nagkabalikan na kayo?"
Inangat ko ang paningin ko galing sa hotdog patungo kay Craig na nakangisi parin. "Hindi. Binigay niya, eh. Edi kinuha ko. Walang kapalit. That's what he gets."
Ngumuso si Craig. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya para makaligo na.
Pag sinabi kong revenge, revenge talaga. Gagapang si Hector at sa huli hinding hindi siya makakabalik sakin. Tandaan mo yan, Dela Merced.
Humahakbang pa lang ako papasok sa school ay may bumangga na saking kaibigan ko. Pinagyayakap na nila ako at pinaulanan ng mga tanong.
"Totoo pala talagang nandito ka na! My gosh, Chesca!" Ngumisi ako.
"Patingin ng sched mo?"
Kinuha ko ang sched ko at binigay sa mga kaibigan ko noong highschool.
"Classmate tayo sa first period! Waaa!" Niyugyog ako ni Queenie. "Pero yun lang yata."
Malalaki ang ngisi nila habang naglalakad kami papuntang classroom. Mabuti na rin at may makasabay ako dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot sa school na ito.
"Alam mo ba?" Parang epileptic si Queenie sa panginginig.
"Ano?" Calm down, you.
"Dami nating gwapong classmate!" Nanginig na naman siya.
"Sinu-sino?" Ginapangan agad ako ng kaba.
Okay, calm down. Hindi si Hector ang tinutukoy niya. Maraming gwapo sa school na ito at imposibleng si Hector yun.
"Si Clark!"
Nanliit ang mata ko.
Nag peace sign siya. "Ex mo nga pala yun. Hehe. Uhmm, si RJ! Si Billy at si JV!" Aniya. "Hindi ba friends mo sila? Kasama mo sila sa pag momodel diba?"
Tumango ako at bumuntong hininga. Sabi na, eh. Hindi si Hector. "Oo. Pakilala kita?" Ngumisi ako.
Halos sakalin niya ako sa sobrang kilig.
Habang ginagawa niya iyon ay nakita ko ang mga namimilog na mata ng mga babae sa paligid. Tinaas ko ang kilay ko. Bakit? Gulat kayo kasi nagbalik ako? Hindi ko naman kasi maipagkakaila na maraming fans si Clark noon. Kaya lang nang naging kami ay medyo humupa ang fans niya dahil sa medyo maangas kong friends. Pag may narinig silang admirer lang ni Clark ay halos sasakmalin yun ni Desiree kasi nga akin daw ang lalaking yun.
Pero kalaunan ay narealize kong hindi ako ang tinitingnan nila. Kasi walang babaeng pupula ng parang kamatis ang mukha sa pag tingin sakin. Walang babae ang magtatalon at tumitili pag nakikita ako. Oo, may magbubulung bulungan, pero walang mangingisay sa kilig.
"AT ETO PA!" Sigaw ni Queenie.
Napatingin ako sa braso ko kung saan dumapo ang ilang patak ng laway niya galing sa pagsasalita ng sobrang excited at malakas. Kailangan ko ata ng kapote dito. Ngumisi na lang ako at binalewala iyong laway niya.
"May Diyos tayong classmate!" Sigaw niya habang tumatango. "Oo, Diyos!"
Napangiwi ako at agad ginapangan ng kaba.
Si Hector na yan. Sinasabi ko na nga ba!
"Hector!" May narinig akong tumawag galing sa mga babaeng naninisay sa paligid.
"P-Pwedeng..." Bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
Nalaglagan ng panga si Queenie habang tinuturo si Hector.
"Hector!" Malambing niyang sinabi. "Siya yung diyos!" Tumangu tango si Queenie sakin na parang di ko alam na si Hector ang tinutukoy niya.
"Ha?" Galit kong baling kay Hector.
"Ako na ang magdadala ng bag mo." Utos niya.
"WHAAAT?" Tumadyak tadyak si Queenie at balisa na siya sa sinabi ni Hector.
Like, what the fuck?
"Ah? Who you po?" Tinaas ko ang kilay ko. "I mean, sorry pero I don't talk to strangers. Tsaka, may kamay naman ako. Kaya ko ang bag ko."
Napalunok si Hector sa sinabi ko.
"CHESCA!?" Pinanlakihan ng mata si Queenie habang ina eye to eye contact ako. Para bang pinipilit niya akong hayaan si Hector sa gusto niyang gawin.
Ngumisi ako at tiningnang mabuti si Hector. "Okay? di kita kilala. Okay? Sorry."
"Ako na ang magdadala, Ch-"
"DI KITA KILALA!" Sigaw ko.
Napatingin ang mga tao sa paligid ko. Alam kong hindi ito kapanipaniwala. Imposibleng hindi ko siya kilala pagka't siya na mismo ang lumapit pero murang kumbinsido pa naman si Queenie na hindi ko siya kilala.
"Si Hector Dela Merced yan." Singit ni Queenie.
So what if he is Hector Dela Merced! This isn't Alegria. "I'm Chesca Alde. Pero hindi talaga kita kilala, sorry. Lika na, Queenie!"
Parang nag ugat ang paa ni Queenie doon sa kinatatayuan niya. Kaya malakas ang paghigit ko sa kanya. Napamura pa siya nang iwanan namin si Hector sa kinatatayuan niya.
"Hay naku! Hay naku!" Aniya habang papasok sa classroom.
Nakita ko ang mga kaklase ko. Tama siya. Kung paano niya nalaman na classmate namin sina Clark, RJ, JV, at Billy ay hindi ko na alam.
"Can you believe it? Oh my God!" Aniya sa bawat kaklaseng nakisalamuha niya.
Tinapik ni Desiree ang upuang malapit sa window para ipaupo ako doon. Tumango ako at lumapit kahit na umalingawngaw ang boses ni Queenie sa buong classroom.
"Tinanggihan ni Francesca Alde si Hector Dela Merced!" Tinuro turo pa niya ako.
Umiling ako at nilingon ni Desiree.
"Nag offer siyang kunin ang bag ni Chesca pero hindi niya pinadala! Imagine?"
Mas lalong ngumiwi si Desiree. Ngayon, maging si Tara ay nakatingin na sakin. "Anong meron, Ches? Magkakilala ba kayo? Tsaka nung nasa Mcdo tayo, diba-"
"Hindi." Diretso kong sinabi. "Ewan ko sa lalaking yun. Exagge lang yung mga sinasabi ni Queenie. Wa'g niyong pakinggan."
Nilubayan din naman nila ako at humupa naman agad ang usapan dahil pumasok na si Hector kasama si Oliver at iba pang gwapo ding mga kaibigan.
"Ayan, first day na first day puro gwapo ang nakikita mo. Malinamnam." Tumatawang sambit ni Tara.
Hindi ko na sila nilingon. Bahala na kayo diyan kung sinu sinong mga gwapo ang pinupuri niyo. Pumunta ako dito para mag aral para makaahon sa kahirapan.
Dahil first day of school, wala pang professor. Ganun pala talaga yun sa college. Kasi nung nasa Alegria Community College pa ako, ganun din naman ang nangyari. Lumingon ako sa likod nang may narinig akong tumatawag sakin.
Maingay ang classroom kasi mukhang magkakakilala na silang lahat. Panay ang talakan. Catch up dito, catch up doon. Nakangisi si RJ nang kinawayan ako.
"Mamaya daw sabi ni Kira!" Aniya.
"Ha?" Nung una ay hindi ko na gets.
"Yung sa ramp? Ramp kasi yung offer this coming Saturday. Game ka? Mamaya ang fitting!"
"San? O sige!" Sabi ko.
Tumango si RJ at nginitian ako.
Habang nag uusap kami ay nakita kong nakatitig ng seryoso si Clark sakin. Tinaas ko ang kilay ko at binalingan ulit si RJ na ngayon ay biglang may kumausap.
"Anong pinag uusapan niyo?" Singit ni Hector.
"H-Huh? Uhm... Yung ano lang, pare, ramp." Nanliit ang mata ni RJ. "Diba nag offer din si Kira sayo?"
"Sinong Kira?" Nalilitong tanong ni Hector.
"Yung bading na agent. Kasi... ahhh!" Parang may narealize si RJ. Pumalakpak pa siya nang tiningnan ako. "Hindi ka nga pala sa Maynila nag highschool, diba? Ito kasing si Chesca, model, noon pa. Sikat yan dito. Daming gig. Kaya ayun, babalik siya ngayon."
Nilingon ako ni Hector. Nakita kong nag igting ang bagang niya sa narinig. Tinaas ko ang kilay ko at nginitian siya.
"Kinis niyan eh." Kumindat si RJ sakin.
"Talaga? Nakita mo?" Tumaas ang kilay ni Hector at parang ilang sandali na lang ay kukwelyuhan niya na si RJ.
Tangina! Ayan na naman siya! Medyo nalito si RJ sa sarcasm ni Hector.
"Nasa mga magazines at print ads siya noon."
Humalukipkip si Hector. "Talaga?" Tinitigan niya ako ng matalim.
Pake mo! May death stare ka pang nalalaman! Hindi ako sayo kaya wa'g kang umasta na teritoryo mo ako. Ngumisi ako kay RJ.
"Nag nineteen na ako last April 1, RJ. Nag babalak akong pumasok sa FHM, yun ay kung pwede." Humalakhak ako.
Pumula ang pisngi ni Hector at halos makita kong umusok ang ilong niya sa galit.
"WA'G KANG MAGKAKAMALI, FRANCESCA!" Sigaw niya.
Natahimik ang buong klase sa sigaw niya. Kinagat ko ang labi ko habang isa isang nakikita ang mga kaklase kong bumabaling sakin.
Tinitigan ko siyang mabuti. Puno ng galit at pagkamunhi. Naiirita ako. Ayokong malaman ng lahat na may ugnayan kami. Gusto kong tratuhin siyang stranger... I wanna be harsh on him. At isa ang hindi pagkilala sa kanya ang una kong step.
Kinagat niya ang labi niya at yumuko. Lumunok siya, tumayo, at nag walk out.
"Anong sinabi ni Hector?" Tanong ni Desiree.
Kumalabog ang puso ko. "H-Hindi ko alam." Nilingon ko ang nagkibit balikat na si RJ. "Ewan ko."
Ilang sandali ay bumalik ang pag uusap ng mga tao doon. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na kayang tumunganga na lang at magkunwaring wala.
"Excuse me lang..." Sabi ko.
"Uy! Aalis na rin kami. Wala talaga atang prof." Sabi ni Desiree.
"Ah! Mamaya na. Mag C-CR lang ako. Dito lang muna kayo." Sabi ko at iniwan agad sila.
Kitang kita ko ang naka dekwatrong pag upo ni Janine sa gilid kahit na naka mini skirt siya. Makati. Hindi ko sila basta bastang iniwan, inapakan ko pa ang paa ni Janine at nginitian siya nang nagreklamo.
"Sorry, akala ko sahig." At mabilis na umalis para hanapin si Hector.
Yes... Hindi lang si Hector ang kakawawain ko. Sa pagbabalik ko, lahat ng may atraso sakin ay damay.
"Hector!" Sigaw ko nang nakita ko siyang tulala habang tinitingnan ang soccerfield sa corridor.
Nakahawak siya sa metal bars ng building. Nilingon niya ako pero ibinalik niya rin ang tingin sa soccerfield.
"Ayaw kong may makaalam ng tungkol satin. Ayaw kong malaman nila na magkakilala man lang tayo." Humalukipkip ako.
"Bakit?"
"Kasi... past ka na rin naman. Hindi na importante."
Bumaling siya sakin. Nakita ko ang malulungkot niyang mga mata.
Alam kong nasabi ko na noon na sobrang gwapo niya pag naiirita at galit... pero ngayon, ito na yata talaga ang pinakasukdulan... There is something about his sad face... It breaks my heart. Umihip ang hangin. Ginulo niya ang buhok niya at humarap siya sakin.
"Kung past ako at di na importante, dapat malaya mo na akong kinikwento sa ibang tao kasi hindi ka na nasasaktan."
"Hindi kita ikikwento kasi di ka naman importante." Tinalikuran ko siya pero bago pa ako tumuloy ay hinila niya ang braso ko.
Pumiglas ako pero malakas ang pagkakahila niya.
"I know what you want... You want revenge... You want war, Chesca." Aniya.
"Then?" Mataray ko siyang tinitigan pabalik.
"Kung ang armas mo ay ang galit, ang armas ko naman ay pagmamahal. War is over, Ches. Panalo ka na. Kasi di na ako lalaban. Bibigay ako sayo."
Binawi ko ang braso ko. "War is still on, Hector. Saka na ito matatapos kung lulubayan mo na ako. And besides..." Ngumisi ako. "Hindi ako matitinag sa pagmamahal mong walang kwenta... sobrang babaw... at nakakapandiri. Anong klaseng pagmamahal yan? Yan lang ba ang kaya mo? Matatawa na ba ako, Dela Merced?" Lumaki ang ngisi ko nang nakita ko ang nag aalab na galit sa mata niya.
Galit siya at naiiyak at the same time.
Umiling ako at tumawa. "Nakakaawa naman ang babaeng tatanggap ng pagmamahal mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro