Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 35

Kabanata 35

Kulang Ka

Hindi ko namalayan ang oras. Kinabukasan ay si mama pa ang nagpaalala sa akin na acquaintance nga pala ngayon. May damit na ako. Isang luma pero hindi ko pa nasusoot na dress. Anong magagawa ko? Nagtitipid kami, at isa pa, wala naman sa Alegria ang magagandang boutique.

"Saan ba ang acquaintance niyo, Ches?" Tanong ni Teddy.

"Sa court lang." Sagot ko.

Tumawa siya. Alam ko kung ano ang iniisip niya.

"Wala namang hotel dito. Saan naman kami pwede, diba?"

Tumango siya at may bakas paring pag ngisi sa labi niya.

Hinintay ko ang oras dahil mamayang gabi pa naman. Pero kahit kailan ay hindi ako nainip dahil panay ang pangungulit sa akin ni Hector sa text.

Hector:

Anong kulay ang susootin mo para magkapareha tayo?

Ako:

Red. Mag black ka na lang.

Ngumisi ako.

Hector:

Bakit?

Ako:

Bagay parin naman yun.

Hector:

Paano kung nag red si Harvey?

Tumawa na ako. Sira ulo talaga ang isang ito. Sinong mag aamerikana ng red?

Ako:

Hindi nga! Mag black ka na. Promise. Tie na lang yung red.

Hector:

Okay. Anong ginagawa mo?

Ako:

Umuupo lang dito sa bahay. Bakit?

Hector:

Miss na kita. Labas tayo? Mangabayo?

Ako:

Yoko. Mag peprepare pa ako mamaya.

Hector:

Kunin kita mamaya sa inyo, ah? Alas singko.

Marunong akong mag make up kaya ako na mismo ang nagmake up sa sarili ko. Pwera na lang sa mga mahihirap na part at tinutulungan ako ni mama.

"Ayan! Maaakit mo na ng husto si Hector!" Pumalakpak si Tiya.

"Tiya..." Umiling ako dahil hindi na siya nagpaawat. Panay na ang talak niya sa kay mama.

"Ang ganda ganda talaga ni Chesca! Nung nalaman kong nag model siya, alam ko talaga na yun ang destiny niya! Siguro pag mag artista ito si Chesca, yayaman tayo!"

"Oo. Si Craig din sana kaso ang suplado. Hindi siya makakakuha ng fans. Baka tadyakan niya ang mantsansing sa kanya." Sabi naman ni mama.

Imbes na sumawsaw ako sa mga pinag uusapan nila ay hindi ko na lang ginawa. Nagpatuloy ako sa pag aayos. Wavy ang buhok ko sa dulo, pero para mas maging dramatic ay kinulot ko ito at ni-half ponytail. Nostalgic. Nostalgic ang paglalagay ng ganitong make up at ang pag aayos. Naaalala ko lahat ng mga gawain ko sa Maynila. Kahit na may artist kami para sa mukha, ay parang nararanasan ko ulit ang i-shoot para sa magazine at kung anu-ano pang project ni Clark.

Pinilig ko ang ulo ko at kinagat ang labing may nude lipstick. Napatingin ako sa relo, alas singko na. Anytime now, nandito na si Hector.

"Maglinis nga kayo ni Craig, Ted. Mamaya sabihin pa ni Hector makalat tayo dito at madiscourage pa siya kay Chesca."

Hindi na ako umapila kay Tiya. Totoong naglinis sila para sa pagdating ni Hector.

"Baka lumuhod yun dito at yayaing magpakasal na si Chesca pag nakita ang ayos niya!" Tumatawang sambit ni Tiya.

Hindi maintindihan ni papa at tiyo ang mga ginagawa nina mamang paglilinis dahil sa pagdating ni Hector. Ganunpaman ay tumulong sila dahil para naman iyon sa ikakalinis ng bahay.

Kuminang na ang sahig at mga muwebles ay hindi parin dumating si Hector. Dumungaw na ako sa cellphone ko at nakitang tatlumpung minuto na siyang late.

Ako:

Hector, asan ka na?

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi parin siya nagrereply.

"Asan nadaw si Hector?

Nagkibit balikat ako sa tanong ni mama. Nakita kong suminghap si papa at lumabas na lang ng bahay. Tahimik hanggang umabot ng isang oras ang paghihintay.

"Tawagan mo!" Utas ni Craig.

Sinubukan ko ang pagtawag pero out of coverage area na. Ano kayang nangyari? Nasiraan tapos nag lowbat?

"B-Baka nasiraan?"

"Brand new Jeep Commander, masisiraan? Tsaka tingin mo yun lang ang sasakyan nila? Fifteen, Chesca." Ani Teddy. "Fifteen SUVs. Kung bibilangin mo pati ang mga trak nila baka abutin tayo ng siyam siyam."

"Uhmmm... Baka may nangyari." Tumayo ako. "Ihatid mo na lang ako, Teddy."

"No!" Agad sabi ni tiya. "Hihintayin natin siya." Ngumisi at tumango si tiya. "Pupunta siya dito. Baliw siya sayo. Pupunta yun dito."

Umupo ulit ako at pinagbigyan si tiya. Nang bumalik si papa at suminghap sa harapan ko ay doon lang ako nabagsakan ng katotohanan.

"Mag aalas syete na. Alas sais ang acquaintance niyo, diba? Hindi na darating si Hector. Ihatid mo na siya, Teddy."

Para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Ayaw kong magpahatid kay Teddy. Kailangan kong malaman kung anong nangyari at bakit wala si Hector! Kailangan kong malaman kung anong meron! Parang pinipiga ang puso ko nang dinungaw ko ang cellphone ko at nakitang wala parin akong natanggap na text galing sa kanya.

Umupo ako sa kinakalawang na sasakyan ni Teddy. Hindi ako makapagsalita kahit na panay ang salita ni Teddy.

"Ano kaya ang nangyari? Tingin mo may nangyaring di maganda?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam. Kung may nangyaring ganun ay dapat nitext niya akod iba? Unless na lowbat siya o nawala niya ang cellphone niya.

"Mahal ka ba talaga ni Hector?"

Matalim kong binalingan si Teddy.

Napangisi siya nang hilaw nang nakita ang galit sa mata ko habang nag dadrive siya, "I mean, no offense, Ches. Pero kasi sabi mo mahal ka ni Clark pero anong nangyari? Bakit ka niya pinagpalit?"

"Coz he's a jerk."

"And how will you know if someone isn't a jerk?"

Naalala ko agad ang nangyari kagabi.

"I know Hector isn't a jerk."

"Bakit?"

"Basta."

Nang dumating kami sa school. Hinatid na rin ako ni Teddy patungong court. May nakita akong halos mabali na mga leeg sa kakatingin sa akin.

"Thanks, Ted."

"No problem. Sabihin mo lang kung magpapakuha ka mamaya."

Tumango ako at bumaling sa crowd.

Nakatingin silang lahat sa akin habang nagbubulung bulungan. Agad nag alab ang sistema ko. Kanina pa ako medyo badtrip kasi di ako sinundo ni Hector tapos sasalubungin pa ako ng ganito? Nakita kong humalukipkip at ngumisi si Abby habang iniirapan ako. Nakita ko rin ang naawang titig ni Koko sa akin.

Marahan akong humakbang patungo sa loob. Mukhang kakain na at kanina pa nagsisimula ang program, ah? Mabilis akong sinalubong nina Jobel, Sarah, at Marie. Parehong medyo bongga ang kanilang soot. Malungkot si Jobel nang sinalubong ako. Si Sarah at Marie naman ay inikot pa ako at tumawa.

"SHIT! Ang ganda ganda mo! Grabe! Yung soft features mo, pag nilalagyan ng make up lalong tumitingkad!" Sabi ni Sarah.

Nagawa kong ngumisi sa bawat puri nila. Pero hindi maalis si Jobel sa paningin ko. "Oh, Bakit?"

Hindi siya nagsalita. Kinabahan agad ako.

"Alam niyo, badtrip ako ngayon. Sabi ni Hector susunduin niya ako pero tingnan niyo, na late ako kasi di niya ako sinundo. Asan ba siya?" Luminga ako para tingnan ang paligid.

"Kumain muna tayo." Yaya ni Sarah.

Hinila nila ako. Nakita ko ang nangibabaw na kaplastikan sa bawat ngiting pinakita nila. Alam ko... Alam kong may problema. Hinawi ko ang kamay ni Sarah na naka hawak sa kamay ko.

"Teka nga... Sandali lang. Asan ba si Hector?" Tanong ko ulit.

Nagkatinginan silang tatlo.

"Kumain muna tayo." Sabi ni Marie.

Bumaling ako sa guilty na si Jobel.

"Jobel, asan yung boyfriend ko?" Mariin kong tanong kahit na halos mabiyak na ang puso ko sa kaba.

Pinisil ni Jobel ang kanyang mga kamay at yumuko.

"Asan ang boyfriend ko?" Tanong ko.

"K-Kasi, Ches. Kanina, papunta ako dito. Sorry ah? P-Pero nadaanan ko si Hector sa shed."

"Saang shed?"

"Yung malapit samin. K-Kasama niya si Kathy."

"Kathy?"

Tumango siya.

"Anong ginagawa nila?" Nanliit ang mga mata ko.

Nagkatinginan ulit ang tatlo. Wala ata silang balak na sabihin sakin kung ano.

"Anong ginagawa nila?" Ulit ko.

"K-Kasi... Magkayakap sila."

Namilog ang bibig ko at para akong kinuhanan ng kaluluwa sa sinabi nila.

"Ano pa?" Tanong ko.

Para bang naghihintay ako na sabihin niyang naghahalikan ang dalawa... Na mauulit na naman ang nangyari sa amin ni Clark noon. Na nambababae na naman ang boyfriend ko. Nanginig ako sa galit dahil walang maidugtong si Jobel at dahil na rin sa nalaman ko.

"Ganun talaga. Si Kathy ay para kay Hector." Nakahalukipkip na sumingit si Abby sa usapan.

Bumaling ako sa kanya at naisip ko agad na pwede kong guluhin ang naka pako niyang buhok.

"May rancho din sina Kathy." Utas ni Abby. "Malapit kina Hector. Kaya kung silang dalawa ang magkakatuluyan, mas madaling mag merge ang mga rancho. Mas lalaki ang Rancho Dela Merced. Hm!" Ngumisi siya. "Ikaw, Chesca... Ikaw yung tipong mararanasan lang muna ni Hector bago si Kathy, eh."

WHAT? WHAT? WHAT DID YOU JUST SAY!?

Susugurin ko na sana siya nang biglang pumagitna si Koko.

"Tama na, Chesca." Marahan at may simpatya niyang sinabi.

Wala akong masabi! Gusto ko silang sumbatan! Gusto kong isigaw na hindi totoo yan! Na hindi totoo dahil ako ang mahal ni Hector! Parang nabasa ni Abby ang utak ko sa mga panahong iyon.

"Kung mahal ka nga ni Hector, hindi siya maguguluhan. Kung mahal ka niya, diretso sana siyang pumunta sayo. Pero di, diba? Ngayon naisipan ni Kathy na magtapat sa kanya. At hanggang ngayon wala pa sila diba? Dahil... dahil naguguluhan si Hector. Dahil alam niyang mas makakabuti si Kathy sa kanya. Asset si Kathy dahil sa rancho nila... and you are a big liability dahil sa mga utang ninyo."

Parang nawarak ang pagkatao ko sa sinabi ni Abby. Namilog ulit ang bibig ko at unti-unting natibag ang galit ko. Nalusaw ang galit at nagkalat sa buong sistema ko, Nanghina ako dahil doon.

"Oh! Nandito na pala ang dalawa!" Tumawa si Abby at ngumuso.

Nilingon ko ang pinalakpakan ng mga tao. Naaninag ko sina Hector at Kathy na dumadating nang magkahawak kamay.

Hindi ko masabi ang totoo kong nararamdaman. Gusto kong magwala at basagin lahat ng plato sa inis. Dahil hindi ito ang unang beses na ipinagpalit ako. Sinungaling kayong lahat! Kung tunay akong maganda, bakit ako pinagpapalit? Kung tunay akong worth it, bakit lagi akong pinagtataksilan?

Sa mundong ito, hindi lang mukha, attitude, at pagmamahal ang puhunan para makuha ang taong mahal mo. Kailangan mo ring pumasa sa standards nila. Para kay Clark, kailangan niya ng babaeng naikakama niya, maganda, modelo, palaging kasama, at mahal siya. At para kay Hector, kailangan niya ng asset sa kanilang negosyo, maganda, mahal siya... at hindi ako yun. Ganun palagi! Kailangan kumpleto ka! Dahil kung hindi... kung kulang ka ng kahit isa ay madali kang napapalitan! At sa huli, kasalanan mo yun kasi wala ka nung hinahanap niya! Kasi kulang ka! Kasi di ka kumpleto!

Nag init ang likod ng mga mata ko at pinagtutulak sina Jobel para makadaan ako.

"Ches!" Tawag nila dahil sumali ako sa crowd.

Gusto kong mawala sa dami ng tao. Pero hindi ako nawawala dahil panay ang tingin nila sakin.

"Si Chesca, agad pinagpalit! Diba kakasagot lang?"

"Kawawa naman. Siguro nakuha na ni Hector!?" Pinagtawanan pa ako.

Napapikit ako dahil sa luhang hindi ko mapigilang tumulo saking mga mata.

"Chesca..." Tawag ni Koko sa likod ko.

May kung sino akong nabunggo dahil hindi ko na nakita ang dinadaanan ko. Pareho kaming dalawang na outbalance. Dumampi ang dibdib ko sa may dibdib niya. Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko at tiningnan si Harvey na nalaglag ang panga dahil nabangga ko siya.

"I'm sorry." Nanginginig ang boses ko.

"Chesca..." Tawag ni Koko sa likod ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro