Kabanata 27
Kabanata 27
I Love You
Nakangiti ako halos gabi gabi sa pagtitext namin ni Hector. Hindi ako mapakali habang naghihintay sa mga reply niya at lagi akong balisa pag matagal siyang magtext.
"Oh? Balik text text, ateng?" Nakangising sambit ni Craig nang isang gabi ay naabutan akong nilalamok sa duyan habang nitetext si Hector.
"Wa'g mo nga akong pakealaman!" Sabi ko sabay tago sa cellphone ko.
Tumayo na rin ako upang iwan siya sa labas. Papasok na lang ako sa kwarto at magmumukmok. Ayoko nang mapag usapan pa namin si Hector dahil lang sa nakita niyang pag titext ko.
Hector:
Ready ka na ba bukas?
Ako:
Medyo. Ikaw ba? First game?
Hector:
Yup. Icheer mo ako ah para manalo ako?
Ngumisi ako habang niyayakap ang unan sa kama.
Ako:
Hindi ako pwedeng mag cheer sa mga Agri Business, Hector. Business Ad ako. Susuotin ko bukas ang uniporme ng cheering squad ng Business Ad kaya hindi kita masusuportahan.
Hector:
Ganun ba? Edi talo na kami bukas! :(
Natawa ako sa smiley niyang sad face.
Ako:
Hindi kayo matatalo, magaling naman si Oliver at Harvey.
Hindi siya agad nagreply. Nabalisa tuloy ako. Kumabog ang puso ko sa kakahintay ng reply niya. Madalas ay mabilis siyang magreply. Wala naman kasi iyong trabaho sa bahay nila lalo na pag gabi. Pag umaga naman ay nasa rancho siya pasakay sakay daw ng kabayo. Kaya nagtaka ako nang umabot ng labing limang minuto bago siya nagparamdam ulit at tumawag.
"H-Hello?" Nanginginig kong sinagot ang tawag.
Hindi siya umimik. Ito ang unang beses na tumawag siya sa akin. Patext text lang kami noong mga nakaraang araw. Kaya naman ay kinabahan na ako nang husto.
Tumikhim siya sa kabilang linya. Dinig ko ang bigat sa boses niyang mala DJ sa radyo.
"Nagseselos ako."
Nagtindigan ang balahibo ko. Hindi lang dahil sa ganda ng boses niya kundi pati na rin mismo sa laman ng sinabi niya.
"H-Ha?" Pagmamaang maangan ko. "Bakit tagal mong nagreply?" Iwinala ko ang usapan dahil lubha akong kinabahan sa sinabi niya.
"Kasi nga... nagseselos ako."
Halos gumulong gulong ako sa kama habang yakap yakap ko ang unan. Mas mahigpit ko pa itong niyakap at hindi na natanggal ang ngiti ko sa labi.
"Hello, Francesca?" Narinig ko ang pag aalala sa boses niya.
Oh, Hector. You better be true! Grrrr. Napakamot ako sa ulo.
"Ba't ka naman nagseselos?" Kinagat ko ang labi ko nang sa ganun ay mapigilan ko ang sarili kong tumili.
"Nagagalingan ka ba kay Harvey? Anong meron sa kanya at bakit masyado mo siyang pinagtutuunan ng pansin? Mas pogi naman ako dun!"
Ngumisi pa lalo ako, "Hindi naman kasi ako naghahabol sa mga pogi. Gaya ng sabi ko, substance ang gusto ko-"
"So ibig sabihin hahabulin mo siya dahil gusto mo siya sa substance niya?"
"Hello? May sinabi ba akong hahabulin ko siya? Binanggit ko lang naman ang pangalan niya at sinabing magaling din siya."
"Yung pandak na iyon? Chesca, mas pogi at mas may substance pa ako dun! Ang hirap sayo ay ginugusto mo yung mga taong hindi ako."
Hindi ko na napigilan ang pag tawa ko, "Masama ba yun, Hector?"
"Tatlong buwan pa lang tayong magkakilala pero ang dami na agad na link sayo! Si Koko, si Mathew, si Harvey, si Paul."
"HA? Anong si Mathew at Paul?" Tanong ko.
"Usap usapan na nanghingi ka raw ng papel kay Paul at palagi daw kayong magkausap ni Mathew. Tsss."
"Syempre, mag uusap kami ni Mathew kasi kagrupo kami, diba? At si Paul, nanghingi lang ako ng papel, for goodness sake!"
"Dumadating sakin ang mga balita, Chesca-"
"Ayan ka na naman. You're too bossy, Hector. At seloso ka masyado. Wala naman akong ginagawang masama. Isa pa, pwedeng wa'g masyadong stalker. Pati paghingi ko ng papel kay Paul ay iniintriga mo." Umirap ako. "Nanliligaw ka lang kaya!"
"Ano ngayon? Oh ako pa yung nanliligaw kaya ako muna ang tingnan mo! Hindi pwedeng may ibang lalaki!" Aniya.
"Paano kung may isa pa akong manligaw? Hindi rin ba pwede!"
"You wanna cheat, Chesca?" Mabilis niyang sinabi. Dinig na dinig ko ang tabang sa boses niya.
"ANONG CHEAT? Hindi pa nga tayo! Okay lang dapat yun! Okay lang damihan ang manliligaw pero isa lang ang sasagutin."
"Ayoko!" Aniya.
"Sira ulo 'to! Ganun talaga dapat! Tanggapin mo na." Tumawa ako.
"Ayoko, Chesca. Ayoko!" Aniya.
Mas lalo akong natawa sa galit niyang boses, "Para kang bata! Ganun talaga, Hector. Ilang taon ka na? I'm 18 kaya natural na maraming ganyan-"
"Ayoko. Nang sinabi kong akin ka, batas na iyon ng Alegria. Alam iyon ng lahat kaya walang manliligaw sayo habang nandito ako. Wala, Chesca. Iyon ang tatandaan mo."
Ngumuso ako.
Kaya naman kinabukasan ay energized ako masyado. Ngiting ngiti ako habang isinusoot ang uniform ng squad. Kahapon, nagkaroon ng dress rehearsal pero ang Education at Vocational lang ang mayroong uniform. Excuse ng Business Ad ay hindi pa narerelease yung amin kahit na meron na kami para may element of surprise. Ang Agri Business naman ay hindi rin nagpakita ng uniporme sa parehong dahilan.
Pagkadating ko ay nakita ko na ang mga Business Ad Tigers na nagwawarm up sa mataong covered court. Tama ang hinala ko. Kami lang talaga ang may paldang uniporme sa babae. Kahit ang Agri Biz ay naka parang leggings at sleeveless na may arm warmer na kulay green. Ang Education naman ay may kulay royal blue na shorts at sleeveless top. May mga guhit pa sa mukha nilang phoenix. Ang vocational ay may kulay dilaw na python. Kaming mga taga Business Ad ang may pulang sleeveless top na halos heaven at may paldang kita ang buong hita.
"Ganda ng legs mo, Chesca!" Sabi ni Jobel.
Inirapan ko siya, "Hindi ka ba nasanay sa maroon nating pencil cut na uniporme?" Tumawa ako.
Umiling siya, "Iba ito, eh. Sobrang iksi kaya. Grabe! Walang taba!" Aniya.
"Nag momodel kaba sa Maynila?" Biglaang tanong ni Marie.
"Hmmm. Uhm... Oo."
Medyo na asiwa ako sa tanong niya. Paano ba naman kasi... may naaalala ako tuwing binabanggit ang pagmomodelo ko. Si Clark. Si Clark na naging daan sa tuluyan kong pagmomodelo sa Maynila. Ang photographer kong boyfriend na unang naka diskubre sa akin. Noon pa man ay may mga offer na, pero nang nag exhibit siya na puro ako lang ay sobra sobrang grasya ang nakuha ko. Nagkaroon pa ako ng break sa isang magazine nang hindi dumadaan sa isang agency.
"PANGIT NIYO, TIGERS!" Sabay sabay na sigaw ng mga naka kulay green na taga Agri Business.
Hinayaan namin silang apihin kami. Kahit na hindi naman namin maawat ang bungangerang si Jobel sa kaka patol sa kanilang pangungutya.
"KAYO MGA PANGIT! MGA MARURUMI! TSE!" Sigaw niya.
Pikon din naman ako. Lalo na pag pinepersonal ako nina Abby at Kathy pero nagpipigil ako dahil baka masugod ko sila pag hinayaan ko ang sarili kong mawala ang kontrol.
Humiyaw pa ang mga tao nang nakita kong pumasok ang mga players. Unang pumasok ang mga soccerplayers na pare parehong kayumanggi at mga ultra mega hot. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga lalaking iniidolo ng halos buong Alegria Community College! Kitang kita ko si Koko na pakaway kaway at mukhang enjoy na enjoy sa tinatamasang fame.
Ilang sandali ay kitang kita ko na ang mga gym bag na nakasabit sa balikat ng mga lalaking naka jersey. Pumasok ang mga taga ibang kurso bago ang Business Ad na matatangkad at medyo may kapayatan halos lahat ng players.
"GO! FIGHT! WIN! BUSINESS AD!" Sigaw namin.
Agad akong nag kaadrenaline rush nang nag boo ang Education at ang Vocational sa amin. Maging sila ay nadadala sa competition!
"Go!" Tapos sabay sabay na pumalakpak ang team nina Kathy. "Go! Agri Biz! Fight Fight Agri Biz!" Hiyaw nila nang biglaan kong nakita ang mga flash ng camera habang pumapasok ang mga taga Agri Business.
Huling pumasok si Hector na medyo magulo ang buhok. Para bang kagagaling niya lang na rape. Ngiting ngiti siya at diretso ang tingin. Ngumuso ako. Ano kayang ginawa nito kanina at ganyan ang asal niya ngayon. Kainis... Nakaka... uhm... pagselos.
"HECTOOOOOR!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Kahit na nasa kabilang side sila ng covered court ay umalingawngaw ang boses ko. Napalingon siya. Napalingon sila.
Mas lalo siyang ngumisi. Nilagay niya ang dalawang palad niya sa kanyang pisngi saka sumigaw.
"ANOOOO? MAHAL MO NA BA AKO?"
SHIIIIT! Uminit ang pisngi ko at hindi ko kinaya ang sinabi niya kaya agad akong nagtago. Natahimik halos lahat. Maging ang mga kagrupo ko ay natahimik sa sigaw ni Hector.
Pumikit ako at umupo sa isang gilid. Shit lang! Sobrang nakakahiya yun ha!
"OH MY GOD! Kinikilig ako!" Sabi ni Sarah habang nangingisay na tumabi sa akin. "Kayo na ba? Oh my God! Oo! Crush ko si Hector! Pero Oh my God! Wala pa siyang nililigawan kahit kelan, Chesca! Ikaw pa lang!"
Mas lalong uminit ang pisngi ko. Panay tuloy ang tanong ng mga kagrupo ko sa status naming dalawa. Syempre itinanggi ko iyon! Oo nanliligaw siya pero hindi pa kami!
"Sus! Pashowbiz itong si Chesca! Sabihin mo na!" Sabay irap ng ibang bitter kong kagrupo.
"Hende pa nga eh di mo ba narinig!?" Sabi ni Jobel sa kanila.
Lumipas din naman agad iyon lalo na nang dumating ang trainor namin at inannounce niyang kami ang huling presentor. Pagkatapos agad nito ay first game di umano ng basketball at first game din ng soccer.
Nag init ulit kaming lahat sa excitement. Lalo na nung nagsimula na ang programme at ipinakilala na ang judges. Yung asawa ng gobernador, yung mayor, yung treasurer ata ng Alegria, isang medyo may edad nang lalaking may ari ng malaking food corp dito, isang lalaking kilalang may malaking building sa sentro at ang president namin mismo.
Gumapang ang kaba nang tinawag ang unang presentor, ang mga taga Vocational. Ginulantang nila kami sa engrandeng props nila! Limang beses ata silang nagpalit ng props habang kami ay dalawang beses lang.
Sumunod ang Education. Malinis ang sa kanila. Wala masyadong inihahagis sa ere pero mahirap ang mga steps at halos silang lahat ay nakaka split.
Sa pangatlo binalot ng malakas na hiyawan ang court! Iyon ay dahil ang Agri Business ang mag pe-present! May smoke pa silang nalalaman sa intro nila! Nakakawindang! Oo! Lalo na ang joint ikot sa ere ng tatlong cheerleader kasama doon si Abby at Kathy. Napasigaw ang lahat nang biglang muntik ng mahulog si Abby. Nakita ko pang tumayo si Koko sa kinauupuan niya.
"The last presentor will be the College of Business Administration! Let's give them a big hand!"
Mabilis na kumalabog ang puso ko nang tumakbo na kami patungong court at sinalubong na namin ang hiyaw ng mga schoolmates namin.
"I LOVE YOU FRANCESCA ALDE!" Umalingawngaw ang sigaw ni Hector sa audience na siyang mas lalong nagpakaba sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro