Kabanata 22
Kabanata 22
Karapatan
Hindi ko matanggal sa isip ko ang pagluhod ng isang hari sa harap ko. Hindi siya hari kung tignan. Lalo na nung yumuko na siya at naglahad ng kamay. Mukha na siyang knight na maghihintay sa iuutos ko at magtatanggol sa akin kahit kelan ko gusto.
Nilalapag ko ang mga damit na nitutupi ko sa mesa ng sala habang tulala na nakatingin sa TV. Sa harap ko ay si Craig na magulo pa ang buhok kasi kakagising lang isang umaga ng Sabado.
"Ma," Tawag ko nang dumaan si mama sa sala habang busy sa pagtulong kay Tiya sa kusina.
"Hmm?" Nilingon niya ako.
"Pupunta kami sa kaklase ko mamaya para kumuha ng mga prutas sa farm. Gagawa pa kami ng report. Para 'to dun sa nalalapit na festival ng school. Dun sa booth namin?" Sabi ko.
Kumunot ang noo niya at hinarap ako. "Sa isang farm ba? Kaninong farm?"
"Uh-"
"Kina Dela Merced?"
Nabigla ako sa diretsahang tanong ni mama. Ito ang unang beses na binanggit niya ulit ang apelyidong ito pagkatapos ng ilang buwang pananatili ko dito.
"Hindi po. Kina Mathew. Tsaka... ma, diba hindi naman farm yung kina Dela Merced? Rancho naman?"
Nakita kong bahagyang tumingin si Craig sa akin gamit ang natutuwa niyang mukha.
"Pero may konting farm sila. Para pagkain ng mga hayop nila at konting pagkakakitaan na rin." Mas lalong nagdilim ang ekspresyon ni mama. "Wa'g na wa'g kang magkakamaling makipaglapit dun sa Dela Merced. Pag nalamang Alde ka, malamang huhusgahan ka nun."
Nabigla ako sa sinabi ni mama. Gusto ko pang magtanong pero umalis na siya. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa TV, kung saan nakatitig din si Craig gamit ang kanyang natutuwang mukha. Kahit na ang nasa TV ay iniinterview'ng artistang babae. Tungkol daw iyon sa pagbibreak nila ng boyfriend niyang artista din dahil sa isang third party.
"Two months." Ani Craig nang naramdaman ang pagtitig ko sa kanya. Bumaling siya sakin.
Itinaas ko ang kilay ko. Ibinaling ko ang buong atensyon ko sa kanya dahil hindi maalis sa sistema ko ang biglaang sinabi ni mama.
"Two months ng hiwalay ang magkasintahan na yan." Sabay nguso niya sa TV.
"Tapos?" Mataray kong tanong sa nakakabata kong kapatid.
"Ate, ilang months na nung hiwalaysary ninyo ni Clark? Bakit bukod sa araw na bumalik ka dito ay hindi na kita nakitang umiyak? Dahil ba agad may ibang nagpatibok sa puso mo?"
Matama kong pinagmasdan ang kapatid ko. Hiwalaysary? May ganun ba? At hindi ko alam kung bakit hindi namugto ng ilang buwan ang mga mata ko sa kakaiyak.
"Isang taon kayo ni Clark, diba? Ang bilis mong mag move on, ah?"
"Anong gusto mong gawin ko? Magtirik ng kandila araw araw para sa namatay naming relasyon. Craig, hindi ako forever nabubuhay. At isa pa... naghanap siya ng iba. Siya yung may kasalanan dito kaya siya yung magdusa."
"Yun na nga. Siya yung may kasalanan. Siya yung naghanap ng iba. Ikaw dapat yung napagtaksilan, pero mukha namang hindi ka gaanong naapektuhan kumpara ng artista na yan sa TV."
Tumayo siya nang nakitang papalapit na si Teddy.
"Tara, Craig. Hatid natin 'to sa Camino Real." Sabay pakita sa mga manok na negosyo ng dalawa.
"Okay." Sinundan ko ng tingin ang nakangising si Craig.
"Anong gusto mong mangyari ngayon, ha? Mamatay ako dito sa kakaiyak para sa walang kwentang lalaki?" Sigaw ko sa kanya nang paalis na sila.
Lumingon si Teddy sa aming dalawa gamit ang nagtatanong na mga mata. Si Craig naman ay nakangisi paring lumingon sakin.
"Ang sinasabi ko lang naman ay mag ingat ka, baka ikaw ang mahulog sa sarili mong bitag." Kumindat siya at tuluyan na silang umalis.
Ngumisi ako. Mahuhulog sa sariling bitag, huh? Hindi mo ata ako kilala, Craig.
Umalis ako ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang sentro. Ang sabi kasi ni Jobel, doon na daw kami magkita sa sakayan ng tricycle nang sa ganun ay sabay na kaming pumunta kina Mathew.
Nakipagkita nga ako sa kanila. Nandun na sina Sarah, Marie, at Jobel pagkarating ko.
"Tara na!" Ani Jobel.
Nakita ko namang ni head to foot ako ni Marie. Naka short shorts lang kasi ko at naka sleeveless shirt na may print ng flag ng America.
"Ganyan ka ba manamit sa Maynila?" Usisa ni Marie.
"Pag gagala, oo. Pero pag sa school, hindi. Bakit? Masama ba?" Tanong ko. "Naiinitan kasi ako pag nag pa-pants." Sabay tingin ko kay Sarah at Marie na parehong nag pants.
"Agree!" Sabay ngising aso ni Jobel. Pareho kasi kaming naka shorts.
Nag tricycle kami patungo kina Mathew. Kilala pala sina Mathew dito. Hindi naman masyadong malawak ang lupain nila pero magaling daw humawak ng negosyo ang papa niya. Limang ektarya lang ang lupa nila, tulad ng lupa namin sa Alps. At tinaminan ito ng iba't ibang farm. Durian, manga, niyog, tubo at kung anu-ano pa ang nasa farm nila nang nadaanan namin.
"May strawberries kami sa backyard ng bahay namin." Sabay ngisi ni Mathew.
"Pero ang problema natin dito ay kung paano natin ija-justify kung magkano ang nagastos natin sa resources? At kung ilang months makakapagharvest nang sa ganun ay matantya natin kung paano kikita ang booth." Sabi ni Jobel.
"May listahan ako kung ilang linggo o buwan ang harvest ng bawat prutas. Yung fertilizer at pesticide, isasali ko rin." Sabi ni Mathew.
"Hindi ba masyadong malakihan na pagkasali na ang mga iyon?" Utas ko. "I mean, maliit lang naman yung booth. Ang importante ay kikita tayo? Hindi ba pwedeng bilhin na lang natin ang resources na kailangan natin sa pinakamurang halaga, pero commercial parin naman, at yun na ang ilalagay natin?"
Tumango si Mathew at tiningnan akong mabuti.
Yumuko ako para tignan ang sandals kong puno na ngayon ng putik. Ito yung nakakainis pag healthy ang lupa, eh. Dumidikit sila sa sapatos o sandals mo. Mamasa-masa.
"Okay nga yun, Ches. I agree." Ani Mathew.
"Tama." Tumango din si Marie.
"So... bibilhin natin sa papa mo yung produkto niyo sa halagang nimamarket nila. Yun na ang ilalagay natin sa report?" Tanong ni Sarah. "Okay!"
"Pero Mathew, nasa listahan natin yung pinya. Wala kayong pinya diba?" Tanong ni Jobel.
Napakamot sa ulo si Mathew at ngumisi sa akin, "Oo eh. Pero nandito kasi si Hector."
Halos napatalon ang sistema ko nang nabanggit siya. Napatalon sa gulat, hindi sa tuwa. Agad nila akong tiningnan.
"Anong ginagawa ng balasubas na yun dito?"
"Alam niya kasing may ganito tayo kaya pumunta siya dito. Tsaka, aniya'y sagot niya raw yung pinya." Nakita kong nahihiyang tumatawa si Mathew.
"Ano? Hindi pwede yun! Kailangan nating bilhin! Anong irereport natin sa school kung hindi natin yun bibilhin?"
"Yun nga ang sinasabi ko sa kanya. Ayaw niyang magpaawat, eh." Aniya sabay turo sa iilang magsasaka na nag tutulungan sa paghaharvest ng mga durian. Naaninag ko rin si Hector na katawanan ang iilang magsasaka habang binubuhat ang isang malaking basket ng durian.
Narinig kong napamura ang tatlong babaeng kasama namin. Sabay sabay din silang nagsinghapan at nag iwasan ng tingin.
"Ang ganda talaga ng katawan niya. Shit talaga." Mura ni Jobel.
Naaninag ko ang namamawis na katawan ni Hector. Nakatalikod pa lang siya pero ang hirap ng lumunok. Kitang kita ang bawat biyak ng kanyang muscles sa likod at sa braso habang binubuhat ang basket.
"Alam mo namang... uhm... nagpapabango yan sayo, diba?" Sabi ni Mathew.
"Swerte natin!" Tili ni Marie.
"Ayaw niya talagang ipagbili yung mga pinya. Aniya pati daw yung strawberries ay ibibigay niya ng libre."
Ngumuso ako at narealize na nahihibang na ang isang ito.
"Akong bahala." Sabi ko sabay lakad patungo sa kanya.
Mabilis ang paglalakad ko. Kitang kita ko kung paano napawi ang mga ngisi ng mga magsasaka nang nakita akong papalapit at madilim ang paningin. Nginuso ako ng isang magsasaka kay Hector kaya napalingon si Hector sa akin. Napawi din yung ngisi niya. Nilapag niya ang basket at hinarap niya ako gamit ang nakabalandra niyang tight burning abs na nakakahypnotize sa galit ko.
"Hector Dela Merced!" Sabi ko.
Naka maong pants siya pero topless naman. Nakita kong nag igting ang bagang niya sa kaka head to foot sa akin.
"Una sa lahat, anong ginagawa mo dito?" Humalukipkip ako.
Nagkibit balikat siya, "Tumutulong sa inyo-" Aniya.
"At ano itong naririnig kong ayaw mong ipagbili yung mga pinya ninyo?"
"Ano ngayon kung ayaw ko!? Papadalhan kita riyan ng sandamukal na prutas nang makita mong seryoso akong di ko ipagbibili ang mga iyon sa inyo."
Binatukan ko agad. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
Nakita kong nagbulung bulungan ang mga magsasaka sa likod niya. Narinig ko rin ang mahinang tawag ni Marie sa akin sa likod ko.
"Ano?" Galit na tanong ni Hector sa akin.
"Kailangan naming bilhin yun, Hector. Anong irereport namin kung hindi namin yun bibilhin?"
"Edi ilagay mo sa report niyo na binili niyo? Magkunwari kayong may pera kayong binayad, may puhunan kayo, kahit na ang totoo ay wala. Para walang masayang na pera. Tsss." Inirapan ako ng hari ninyo.
Natawa ako sa sinabi niya, "I cannot believe you." Utas ko saka ko tinalikuran.
Hindi talaga siya papaawat sa kanyang pagiging control freak. Kung anong gusto niya, susundin talaga dapat. Paano ko ba siya babaliin? Paano ko siya papaluhurin sa paanan ko sa bawat kapritso ko? Hindi pwedeng puro whims at caprices niya lang ang masusunod. Hindi pwede, Dela Merced. Akin ang dapat na masunod. Dun ko masusukat kung hanggang saan ang kaya mo para sa giyerang ito.
Naramdaman ko agad ang pagsunod niya sakin. Pinanood kami ng mga kagrupo kong nasa gilid ng tubuhan nina Mathew. Umikot ako sa kanilang apat habang si Hector ay nakasunod sakin.
"Tigilan mo nga ang pagsunod!" Sabi ko.
"Ano ba? Anong gusto mong gawin ko? Ha? Ipagbili yung mga pinya? Magkano? Isang piso ang isa? O sige!"
Bumaling ako sa kanya, "I want the real price, Hector!"
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mukha niyang frustrated at sa abs niyang nag aalab sa init. Oo, alam ko. Mamasa masa ito sa pawis at bawat paghinga niya ay mas lalong napoporma ang bawat bitak. Nakita kong suminghap ulit ang tatlong babae. Kung hindi sila nakanganga ay nagsisinghapan naman isa-isa.
"What? Hindi pwede!"
"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko at naglakad ulit palayo sa kanya.
Hindi siya tumigil sa kakasunod sa akin. Bahagya niya pang sinusubukang hawakan ang braso ko pero hinahawi ko naman agad ang kamay niya.
"O sige, anong gusto mo? Magkanong gusto mo?"
"Kung magkano ang real market price ninyo!" Sabi ko.
"Eh nanliligaw ako sayo! Hindi pwedeng ganun, Chesca! Nakakainsulto!"
"HAAAAA?" Narinig ko ang pigil pero malalakas na boses ng mga kagrupo kong sina Marie, Sarah, at Jobel.
Nangingisay na sila sa kilig at parang mga epileptic na nanginginig sa gilid ng isa't isa. Lumingon si Hector sa kanila. Umirap ako sa kanya ngayong hindi siya nakatingin.
"Anong nakakagulat dun? Hindi pa ba halata?" Tanong niya sa kanila.
Tumikhim ako at napakamot sa ulo. Ang walangyang ito talaga.
"O siya!" Nilingon niya si Mathew. "Ipagbibili ko na. Kung yun ang gusto mo, yun ang masusunod." Mariin niyang utas.
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod. Ito ang hinihintay ko. Simula pa lang ito pero natutuwa na ako. Iyon dapat. Isa pa lang iyan. Susukatin natin kung hanggang saan talaga yan.
"Mag t-shirt ka nga." Sabi ko habang nag iiwas ng tingin sa kanya.
Hinabol niya ang tingin ko. At ilang sandali ay sumalida ulit siya sa harapan ko. Inirapan ko agad ang nakangisi niyang mukha.
"Mag t-shirt ka sabi." Nag iwas ulit ako ng tingin.
Patuya naman siyang sumulpot ulit sa linya ng paningin ko at isinasalida ulit ang burning abs niyang pawis at nakakatulo laway.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Ang sabi ko... mag t-shirt ka!"
Tinaas niya rin ang kilay niya sakin tsaka humalukipkip, "Mag pants ka muna."
Na highblood agad ako sa sinabi niya.
Tingnan mo nga naman kung gaano ito ka control freak.
"I'm gonna wear what I want to wear, Hector. At wala kang pakealam dun. Kaya ikaw, mag t-shirt ka na!"
Tinaas niya ang kilay niya at hindi siya nagpatinag. "Edi sosootin ko rin ang gusto kong sootin."
"Wala kang sinusoot. Kaya gusto ko, magsoot ka ng t-shirt. Gusto mo maghubad ako dito para kwits tayo?"
Nabuwag ang halukipkip niya at parang naoffend ko siya sa sinabi ko.
"Wala kang karapatan sakin kasi di pa kita sinasagot. Ako, may karapatan ako sayo kasi nanliligaw ka sakin. Kaya... wear the damn t-shirt, Hector. Or I won't say yes to you... ever." Matama kong sinabi ang bawat salitang iyon.
Napapamura na ng malutong ang nakikinig na mga kagrupo ko. Sana lang ay hindi ito agad kumalat sa buong school.
"Okay, fine!" Aniya at hinablot ang t-shirt niyang nakasabit lang sa isang kariton.
Tinitigan niya ako habang sinusoot iyon. Nag iwas ako ng tingin. Ang lamig ng titig niya. Seryoso at nakakagwapo pa lalo. Masakit mang tabunan ang burning abs niya, kailangan parin iyon. Masakit sa mata, masakit sa puso at nakaka loose thread ng garter. Ayokong mangyari iyon sa akin habang tinitingnan ko pa kung hanggang saan ang kaya niya.
Nang may t-shirt na siya ay hinawakan niya ang baba ko gamit ang index finger niya. Bumaling ako sa kanya at tinitigan siya ng matatalim.
"Sa oras na sagutin mo ako, ipaparamdam ko sayo lahat ng karapatan ko, Chesca. Tandaan mo yan."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. At ayun na naman ang kumakalabog kong puso. Nakakabingi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro