Kabanata 19
Kabanata 19
Hindi Ba Pwede
Nag aayos ako isang umaga para makapunta na sa school. Nagkaroon ng konting pinagkakakitaan si Teddy, Tiyo at Papa. Iyon ay ang pag aalaga ng manok. Organic chicken, di umano. Si Craig naman ay abala sa pag papagwapo. Papunta din siyang school at palagi siyang late dahil sa sukdulang pagpapagwapo niya.
"Malapit na ba ang festival days niyo, Chesca?" Tanong ni mama habang nichi-check ko ang mga laman ng bag ko.
"Opo."
"Anong meron sa festival days?" Tanong niya.
"Ewan ko. Parang foundation day din tulad noon sa school."
Sinoot ko ang bag ko sa balikat at tumayo na. Handa na akong umalis. Uminom muna ako ng tubig kaya naabutan ko pa ang isang tanong ni mama.
"Anong gagawin mo para sa festival days?"
Binaba ko ang baso at sinagot si mama, "Mmm may booth kami." Nahihiya kong sinabi. "Magbebenta ng juice. Para yun sa business subject namin, ma. Tsaka, required din ang students na mag cheering."
Napakamot ako sa ulo.
"Naku! Cheering at booth? Gagastos ba niyan?"
Ito ang unang pagkakataon sa talambuhay ko na tinanong ako ni mama nito. Kahit kailan, kahit anong gastos pa yan sa pag aaral ay hindi niya iniinda. Pero ngayon, napagtanto ko kung gaano na katagilid ang aming negosyo ngayon.
"Opo." Napalunok ako.
"O sige, sabihin mo sakin magkano nang mahanapan natin ng paraan."
Tumango ako at, "Aalis na po ako."
Iyon lang ang naging tanging laman ng isip ko. Sa halos magdadalawang buwan ko na dito sa Alegria Community College, ito pa lang ang unang beses na gagastos bukod sa mga books na binili at sa konting tuition fee.
Bumuntong hininga ako habang naglalakad sa corridor ng school.
"Laki ata ng problema natin?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko.
Ganito siya palagi. Walang mintis. Araw-araw. Nag aabang siya palagi sa gate at hindi niya parin makita hanggang ngayon na ang dami dami ng nagtatampo sa kanya. Madalas kong makita sina Kathy na nag ngingitngit sa galit pero walang magawa. Tumitiklop lang. Hindi sila makaangal kasi si Hector na iyan.
Ngumisi ako kay Hector. Inuunti-unti ko ang pagsubok sa kanya. Dahil sa mga speculations ko, hindi ko maiwasang subukan kung hanggang saan siya sa pagsunod sa akin.
"Eto na nga pala ang sim card mo. Nagbago ako ng number para magkasunod lang ang number nating dalawa. Last digit lang ang magkaiba."
Ibinigay niya sa akin ang sim card. Noong isang araw kasi, pinilit niya na akong kumuha ng sim card. Sinabi ko sa kanyang wala akong pera kaya siya na mismo ang bumili ngayon.
"Anong gagawin ko diyan? Wala naman akong katext." Sabi ko.
Matagal ko nang hindi kinokontak ang mga kaibigan ko. Maging ang Facebook ko ay matagal ko ng ni deactivate dahil sa issue kay Clark. At hanggang ngayon, sariwa parin iyon sa akin. Curious ako kung ano na ang nangyayari sa Maynila pero ayaw ko ring malaman kung ano na kaya nanatili akong walang kumonikasyon kahit nino.
"Anong tawag mo sakin?" Inirapan niya ako.
Hinablot ko yung simcard at ipinasok ko iyon sa cellphone kong dala-dala ko naman. Ngumisi siya habang nakayukong lumalapit at dinudungaw ang cellphone ko.
Habang hinihintay kong magstart ang cellphone ay naamoy ko ang bango niya. Tumitig ako sa t-shirt niyang may nakalagay na 'Abercrombie & Fitch'. Shit lang, ha! Imported! Naramdaman kong mas lumapit pa siya kaya tumingala ako sa kanya. Nakita kong namilog ang mga mata niya nang nagkatitigan kami.
Uminit ang pisngi ko.
"Lumayo ka nga, Hector!" Malamig kong sinabi.
"Huh? Gusto kong makitang magstart yung phone mo gamit ang sim ko!"
"Okay. Pero umatras ka nga ng konti." Naasiwa kong sinabi.
"Bakit ayaw mo ng lumalapit ako sayo? Hindi ba nagpapaakbay ka naman kay Koko noon?" Tanong niya.
"Bakit ba lagi mong binabalikan si Koko? Ang tagal ng issue yun!"
"Eh kasi bakit sila pwede pero ako hindi?" Naghintay siya ng sagot.
Nagkibit balikat lang ako. Maging ako kasi ay walang maisagot. Basta ang alam ko lang, uncomfortable ako pag nandyan siya at kumakalabog ang puso ko pag lumalapit siya kaya mas maiging dumistansya siya ng konti. "O, eto na!" Niwala ko ang usapan at ipinakita sa kanyang nagstart na ang cellphone ko.
Hahawakan niya na sana ito nang biglang sumulpot si Kathy sa gilid naming dalawa.
"Hector, tungkol sa ating booth?" Tanong ni Kathy habang pinipisil ang kanyang daliri.
Sumulyap sulyap siya sakin habang nagsasalita kay Hector.
"Ano sa tingin mo? Okay na yung pagkain ang pinagbibili natin? Walang drinks. Dapat may drinks."
Kumunot ang noo ni Hector. "Ikaw na ang bahala." At bumaling agad sa akin. "Ilagay mo ang phone number ko, Chesca." Aniya.
Nakatingin parin ako sa mabilis na humihingang si Kathy. Galit na galit siya. Ilang beses ko nang nakita siyang ganito dahil sa asal ni Hector. Noong nag groupings kami para sa booth ay nag presenta agad si Hector na magkagrupo kami. Kaya lang, hindi pumayag si Mr. Magdale. Aniya'y siya daw ang bahala sa mga grupo kaya hayun at sila nina Kathy, Abby, Oliver, at Koko ang magkagrupo. Ako naman ay nagrupo kina Mathew, Sarah, Marie, at Jobel.
"Hector!" Medyo malakas ang pagkakatawag ni Kathy sa kanya kaya napalingon si Hector dito.
Agad na namutla si Kathy nang nakatoon na ang buong atensyon niya kay Hector.
"Wala k-ka bang pakealam? B-Baka bumagsak tayo kung hindi natin maayos ang booth!"
Tumaas ang kilay ni Hector sa sinabi ni Kathy, "Hindi tayo babagsak, Kathy. At isa pa, mamaya na lang tayo mag usap. May klase tayo ngayon para pag usapan ito. May ginagawa pa ako. At istorbo ka lang." Bumaling ulit si Hector sa akin.
Nakita ko ang pagbuo ng luha sa mga gilid ng mata ni Kathy.
JUST LIKE THAT, HECTOR? Mabilis na umalis si Kathy habang nanginginig pa ang balikat niya. Umiyak iyon. Sigurado. At si Hector ay sumisipol sipol lang habang nagtatype sa cellphone ko. Sinapak ko na agad.
"Huy, antipatikong unggoy! Anong sinabi mo kay Kathy?"
Alam ko. Kahit na ganun si Kathy kung makaasta, let's face it, tulad ng ibang babae dito, gusto niya si Hector at alam kong nagseselos siya sakin pero wala siyang magawa. Wala silang magawa. Isang daliri lang ang makakalapat sa balat ko ay mababali agad iyon ni Hector.
"Ano?" Tumaas ang kilay niya sakin.
"Bakit mo siya sinabihan ng ganun!? Ang sakit mong makapagsalita ah?"
The spoiled king is really spoiled. Wala akong masabi.
"Ano bang sinabi ko? Iyon naman ang totoo. Tss."
Lumagapak ulit ang palad ko sa batok niya.
"Aray!" Daing niya.
"Mag sorry ka dun! Babae din yun!" Sabi ko.
"Ayoko nga! Tsaka... hindi naman yun galit."
Kinagat ko ang labi ko at napanguso siya habang nagtititigan kami, "Ang spoiled mo, sobra. Ipinanganak kang walang may galit sayo. Nasanay kang walang bumabangga sayo. Hindi mo alam kung anong feeling na may galit sayo ang mga tao!"
"May taong may galit sa pamilya namin, Chesca. Kaya nga ipinapatay si lolo noon diba?"
"Lolo MO, you mean... Iba iyon. Dahil yun sa politika! Ito, simpleng gestures mo lang naman. Kung ganyan ka sa bawat babaeng makakasalamuha mo, walang maiinlove sayo."
Para siyang nagulantang sa sinabi ko. Napalunok siya. Buong akala ko ay papayag siya sa sinabi kong mag sorry kay Kathy pero nagkamali ako, "Ayoko! Tsaka... In love ka na naman sakin."
Halos humagalpak ako sa tawa sa sinabi niya.
Napatingin talaga ang mga tao sa paligid dahil para akong kinikiliti ng demonyo sa pagtawa ko. Nakita kong pumula ng parang kamatis ang pisngi niya dahil pinagtatawanan ko siya.
"Anong nakakatawa? Totoo naman yun!" Sabi niya.
"Anong totoo? Asa ka Hector Dela Merced!"
Maaring mahal ka ng lahat ng tagarito kahit na may attitude ka, pero ako? Di ako madadale. May papatunayan pa ako. Susukatin ko pa kung hanggang saan ka dito...
"Kung hindi ka in love, bakit kumikislap ang mga mata mo habang tinitingnan mo akong naglalaro ng basketball? Lalo na pag nakakashoot ako?"
Kumalabog ang puso ko pero hindi ako nagpatinag. May rason kung bakit ang utak ay malapit sa bibig. Iyon ay para ang utak ang magpalabas ng mga salita.
"Matagal ng kumikislap ang mga magaganda kong mga mata. Kaya wa'g kang feeling." Inirapan ko siya at nilagpasan.
"Hah! At ano yang pamumula ng pisngi mo ngayon?"
"Nag bu-blush on ako kaya yan mapula!" Nag iwas ako ng tingin.
Nagulat ako nang bigla niya ikinulong ang pisngi ko at parang may binura siya dito at tumakbo. Hinawakan ko agad ang pisngi kong nabura yata ang blush on na nilagay ko.
"HECTOOOOOR!" Sigaw ko sabay takbo na rin papunta sa kanya.
Tuso siya. Agad siyang pumunta sa mga kagrupo niya at tumatawang umupo sa upuan. Sinalubong naman ako ng kagrupo kong si Jobel.
"Kanina pa nag start!" Sabay hila niya sa isang upuan.
Mabuti na lang at mukhang puyat si Mr. Magdale at hayun tulog sa teacher's table habang kami ay abala sa pagpaplano ng gagawin naming booth.
"Ang busy na. Mamaya may practice na sa cheering! Yung taga Agri Biz, naka practice na nga. Pati yung Educ. Kahit yung vocational courses meron na. Huli tayo." Sabi ni Sarah.
"Okay lang yan. Tutal apat na kurso lang naman ang meron tayo dito kaya pwedeng tayo ang fourth placer! Yey!" Pumalakpak ako at tumawa.
Kaso ako lang ang natawa sa sarili kong joke. Nakalimutan ko. Kahit maliit lang na school ang ACC, masyado silang competitive. Marami dito ang inaalala talaga nila ang grades nila, ang mga requirements, ang lahat! Naiinis pa sila sa Camino Real Community College dahil mayayabang daw, hindi porke't mas unang naitatag ang college nila ay ibig sabihin na nun ay mas magaling na sila. Alegria daw ito, home of the hacienderos, kaya hindi sila magpapatalo.
"Okay, simula na tayo. Seseryosohin ko ito. Ayokong matalo kina Kathy. Anong mga flavors ang ipapalabas natin? At anong mga pakulo?" Tanong ni Sarah.
"Orange juice? Samalamig? Buko juice?" Suggestion ko.
"Okay yung Buko Juice. Ano pa?" Sabi ni Marie.
Nagpatuloy ang brainstorming namin nang namataan kong nakapangalumbaba si Hector sa kabilang table at nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko. Masyado siyang bulgar sa pagtingin sa akin.
May napansin pa akong kaklase namin na hinila yung kagrupo niya para lang ituro ang nakatitig na si Hector sa akin. Inirapan ko si Hector at napansin kong parang ngumunguyang baka si Kathy habang nagsasalita ng paulit ulit kay Hector dahil hindi siya nakikinig.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para itext sana siya.
Nang nipoen ko ang 'Create Message' button ay may mensahe na doon. At alam ko agad kung sino ang nag type nun. Kaya pala abala siya kanina. Para itype ito!
Ang nakalagay:
Sa oras na mag text ka dito, pumapayag ka ng ligawan kita.
Binura ko iyon at nitext siya. Nang nakita niyang nagtitext na ako ay sumigaw ito ng...
"YES!"
Napatingin ang buong klase sa kanya. Maging si Mr. Magdale ay nagising sa sigaw niya.
"Y-Yes, Mr. Dela Merced?" Tanong ni Sir Magdale.
"Wala po. Happy lang!" Nakangisi niyang sinabi.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang nisesend ang message. Binalot ng bulung bulungan ang klase dahil sa sinabi ni Hector. At as usual, wala siyang pakealam.
Ako:
Sa text ka nanliligaw? Mag sorry ka muna kay Kathy.
Nakita kong binasa niya ang text ko. Tingnan natin kung hanggang saan yang pride mo, Dela Merced. Simula pa lang yan ng pagsusukat ko kung hanggang saan ka aabot ngayon... Papahirapan kita hanggang sa magpasya kang tigilan ang panloloko sakin.
Mabilis siyang nag reply.
Hector:
My rules, Chesca. Nagtext ka kaya manliligaw ako. Hindi ko na kailangang magsorry kay Kathy. Maayos kami.
Hindi naman sa nagpapakasanta ako kaya pinipilit ko siyang mag sorry kay Kathy. Kaya lang, dahil sa pagmamatigas niya, sa matayog niyang pride, ay mas lalo akong na eengganyong i challenge siya dito.
Chesca:
Sagot ko ang gusto mo sa panliligaw na ito, diba? Well then, it's my rules. Magsorry ka sa kanya. Kung ayaw mo, di ka pwedeng manligaw.
Nakita kong kumuyom ang pisngi niya habang binabasa ang text ko. Ganun ba talaga kahirap ang mag sorry para sa haring katulad niya?
Hector:
Mahal kita. Hindi ba ako pwedeng manligaw?
Halos itapon ko ang cellphone ko sa nabasa ko. Nilingon ko agad siyang nakapangalumbaba at tulala habang mabilis na nagtatalakan ang mga kagrupo niya. WHAT THE FREAK IS GOING ON? Mabilis na kumalabog ang puso ko. Nag i-slow motion ang bunganga ni Jobel habang nagsasalita siya tungkol sa mga combo combo na plano sa booth namin. Hindi mag sink in sa akin ang lahat ng pinag uusapan nila.
Bakit? Bakit ako naapektuhan? Sa text pa lang niya ako sinabihan ng ganun pero bakit ganito? No. No, Chesca. Magdadalawang buwan pa lang kayong magkakilala at isang linggo lang ay pinormahan ka na niya. Ngayon inamin niyang mahal ka niya at sa text lang! Hindi ka niya mahal. May hidden agenda siya. Nanginginig ang kamay ko habang nag text ako sa kanya.
Ako:
Hindi. Kailangan mong mag sorry kay Kathy.
Hanggang saan ka, Hector? At hanggang saan din ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro