Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Kabanata 16

Tomboy Ka Ba?

Natapos na akong maligo. Nagulat ako nang nasa loob ang isang maganda, mabuti at nasa mid-40s na babae sa loob ng kwarto ni Hector.

Si Hector naman ay nakaupo sa kama at nakapag bihis na habang nagbabasa ng magazine.

"Hi! Ako nga pala ang tita Lina ni Hector!" Maligayang bati sa akin nung babae. "Ikaw si Chesca Alde?"

Nakita kong binaba ni Hector ang magazine na binabasa niya kanina at pinasadahan niya ako ng tingin. Pinasoot sa akin ng kanyang tita itong spagetti-strap na floral maxi dress. Parang daster lang siya nung una kong makita, pero nang sinoot ko na ay laking gulat ko at magaling pala ang cut nito. Mukhang mamahalin.

"Oo." Ngumisi ako sa kanya.

"Tita, yung meryenda?" Tanong ni Hector sabay tayo.

"Nasa kitchen. Buti pa tingnan mo kung hinanda na ba nina yaya."

Nakita kong matalim na tiningnan ni Hector ang kanyang tiyahin. Ngumisi lang ang kanyang tita at bumaling sa akin.

"Ang pangit naman ng soot niya. Di papasa sakin." Side comment ni Hector nang papaalis na siya.

"Ikaw'ng bata ka! Wala akong ibang damit! Sabi mo wa'g shorts!?" Sabi ng kanyang tita.

"Oo. Di naman magkakasya sa kanya yung shorts mong malalaki, tita." Sabi ni Hector.

Kumunot ang noo ng kanyang tita, "Ano bang problema mo sa damit niya? Okay naman ah?"

Pinasadahan ako ng tingin ng kanyang tita bago bumaling ulit kay Hector. Ni head to foot din ako ni Hector kaya tiningnan ko siyang mabuti. Nang nagtama ang mga mata namin ay nakita kong nag iwas agad siya ng tingin.

"Tingnan ko lang ang meryenda. Tss." Suplado niyang sinabi at umalis.

Hindi ko talaga maintindihan ang isang yun. Madalas nang iinis pero ang bilis mag moodswing, ngayon parang siya naman ang naiinis.

"Anak ka ba ni Francis?" Tanong ng kanyang tita.

Tumango ako at kinabahan.

Para bang nasa teritoryo ako ng kalaban at dapat mag ingat sa mga galaw ko.

Iginiya niya ako palabas ng kwarto ni Hector. Sabay kaming naglakad at nilagpasan namin ang bawat picture sa mga dingding ng bahay niya. Batid niya ang paggala ng mga mata ko sa mga ito. Nakita ko ang picture ng lola at lolo ni Hector nung kabataan nila. Nakita ko rin itong si Tita Lina at ang isang lalaking mukhang tito ni Hector. Pareho silang naka jacket ng malalaki at naka scarf. Sa likod nila ay nag s-snow. Sa ibang bansa kuha ang picture na iyon.

"Alam mo bang di nagdadala si Hector ng kaibigan dito sa bahay?" Biglaang sinabi ng kanyang tita.

Natigilan ako nang nakita ko ang picture ng isang lalaking kasing kisig at kasing gwapo ni Hector at isang babaeng sobrang ganda, daig pa nito ang isang diyosa.

"Hindi ko po alam." Sabi ko sabay tingin sa kanyang tita.

"Oo. Kung papupuntahin niya man dito ay tuwing birthday niya lang. Kung may mga assignment o group work, sa hacienda niya dinadala o di kaya sa bahay nina Aling Nena."

Napatalon ako nang nabanggit niya si Aling Nena.

"Pero dito sa bahay, wala. Kaya naman laking gulat ko." Ngumisi siya.

Parang itong Tita Lina niya ata at ang papa ni Hector ang magkamukha. Baka silang dalawa ang magkapatid? Kaya walang ibang Dela Merced kundi si Hector?

"Ah! Tinulungan niya lang po ako. Kasi nagkaganun." Ipinag kibit balikat ko na lang ang sitwasyon.

Hinawi niya ang kanyang buhok.

"I know. Pero talagang nawi-weirduhan lang ako. Mabait na bata si Hector. Pero ang sungit niya kanina nang nakita ang soot mo." Tumawa ang kanyang tita sa akin kaya napatingin ako sa sarili kong soot.

"Hayaan niyo po yun. Okay naman po tong damit ko." Sabi ko.

"Pinalalabhan ko yung uniform mo. Hintayin mo na lang. Baka tapos na nga yun ngayon. Bago ang lahat, mag meryenda ka muna." Aniya sabay muwestra sakin ang baba.

Sabay kaming bumaba sa hagdan. Kitang kita ko talaga ang elegance sa bawat hakbang niya sa baytang. Para bang pinanganak na siyang prinsesa noon pa man.

"Kilala ko ang mga magulang mo nung highschool. Pero hanggang doon lang, dinala kasi ako ni mama sa States. Kumusta mga magulang mo?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kanya at natakot ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Okay lang naman po."

Tumango siya at ngumiti.

Her smile is genuine. Pero bakit ganito na lang ang kalabog ng puso ko? Dahil ba may dapat akong katakutan dito o dahil masyado lang akong guilty sa plano ng pamilya ko?

Naabutan ko si Hector na ngumunguso sa kitchen nila habang nag aayos ng mga pagkain ang donya niyang lola at nag aalburoto.

"Hay sa wakas! Ito na ba Hector? Magkakaapo na ba ako? Sa wakas ba ay may bagong Dela Merced? Pakidalian ninyo at nakikini kinita ko na ang taning ng buhay ko, oo."

"Mama!" Napasigaw si Tita Lina sa kay lola sabay kuha sa mga pagkaing dala nito. "Ako na po." Napatingin siya sakin.

Napatingin din ang lola ni Hector sa akin at ngumisi ng isang awkward na ngisi.

"Hehe... Lika hija. Dito ka sa tabi ni Hector. Kain muna kayo bago umuwi." Bigla siyang natuliro. Panay ang punas niya sa kamay at pabalik balik siya sa kanyang ginagawa.

"Mama! Lika na nga! Magpahinga ka na po!" Sabi ni Tita Lina sabay peace sign sa akin.

"Talaga? Teka? Okay lang kayo dito ha? Sige... Hector, ihatid mo ha? Wa'g ka ng magsama ng driver. Kaya mo namang idrive yung Jeep."

"Mama!" Saway ni Tita Lina sabay hila sa kay lola.

Umiling ako at natawa. Lumalakas ang pintig ng puso ko sa mga sinasabi ng lola ni Hector. Para bang lumilipad ang kaluluwa ko sa mga sinasabi ng kanyang lola. Ayokong mag assume ng kahit ano pero ako kaya yung ibig niyang sabihin? I mean, sa sinabi niya kay Hector ay parang nipipressure nitong magkaanak na agad si Hector.

WAIT A MINUTE? Naloloka na ba ako? Bakit naman ako nasisiyahan kung ako yun? Putek naman, Chesca! Kakagaling mo lang sa isang madugong break up at ito agad ang inaatupag mo?

"Kumain na tayo." Sabi ni Hector habang binubuksan ang spagetti (na nakahiwalay ang sauce sa pasta), slice bread, french fries (na american style), at mga prutas.

Tiningnan ko siya habang nilalagyan ang plato ko ng pasta.

"Ang cool ng lola mo." Sabay ngisi ko.

Ngumuso siya at nagseryoso pa lalo pero kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "Wa'g mong pansinin yun. Kumain ka na lang."

Ngumisi ako habang pinagmamasdan na abala siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Kaya kinuha ko ang plato niya at nilagyan ng strawberries.

"Hmm? Ba't mo nilalagyan niyan?" Tanong niya.

"Ayaw mo? Tinutulungan kita." Sabi niya.

"Hindi ko gusto yung strawberries."

Tumaas ang kilay ko, "Bakit?"

Ngayon lang ako naka encounter ng taong ayaw ang strawberries. Hindi naman ito madalas kinakain ng mga tao pero seryoso? May plantation sila pero ayaw niya sa mga ito?

"Ayaw ko lang. Hindi ko nagustuhan ang lasa."

"Talaga?" Kinuha ko yung strawberries at ibinalik iyon sa lalagyan ng mga prutas.

Nilapag niya sa akin ang pagkain ko at nagulat ako sa dami ng nilagay niya.

"Paano ko ito mauubos?" Tinaas ko ang kilay ko.

"Ubusin mo yan. Nasa pamamahay kita. Kung anong nilagay ko, yun ang kainin mo."

Ngayon ay nagsimula siyang maglagay din ng pagkain sa kanyang plato. Umismid ako sa kanya.

"You're so bossy, Hector. Ang dami nito. Tingin mo magkakasya yan sa tiyan ko?"

"Kasya nga diyan yung bata. Yan pa kaya."

Nalaglag ang panga ko kaya sinapak ko na siya.

Humagalpak siya sa tawa. Hinawakan niya pa ang tiyan niya habang tumatawa. Halos mamatay siya sa tawa sa ginawa ko sa kanya. Ang sarap na naman niyang sakmalin!

"SA MATRES KASI YUN! Hindi siya tiyan! Gago!" Inirapan ko.

"Nagsusungit ka na naman..." Tumaas ang kilay niya sakin.

"Anong pakealam mo kung masungit ako!?" Inirapan ko ulit sabay ikot sa spagetti at subo nito.

"Gusto ko ang pagsusungit mo." Seryoso niyang sinabi sabay tingin sa akin.

Matama niya akong tiningnan. Itinukod niya pa ang kamay niya sa mesa at pumangalumbaba habang tinitigan akong sumusubo ulit ng spagetti. Buong akala ko ay mapapanatili ko ang cool sa sarili ko pero kalaunan, dahil sa intense ng kanyang pagkakatitig ay hindi ko na nakaya. Kumalabog na ang dibdib ko. Naghuhuramentado na ako at hindi ko na maishoot ng mabuti ang pagkain sa bibig ko.

"Stop staring at me."

"Inglisera." Ngumisi siya at tinagilid ang kanyang ulo.

Uminit ang pisngi ko.

"It's bad to stare y-you know." Nag iwas na ako ng tingin. I'm aware that I'm already stuttering! My Gosh!

"Bakit naman?"

Ipinagkibit balikat ko ang tanong niya.

"What's bad about staring at the girl you want to own?" Tinaas niya ang kilay niya.

Natigilan ako hindi lang sa biglaan niyang pagsasalita ng ingles pero pati na rin sa mensaheng sinabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit lubos ang paghuhuramentado ng puso ko. Dahil ba sa gwapo siya? Dahil ba nakatitig ngayon sa akin ang ganito ka gwapong nilalang? O dahil may banta sa sinabi niya. Bantang alam ko ay delikado.

Alam niyang Alde ako? Hindi kaya plano din niyang paikutin ako nang sa ganun ay tuluyan ng matransfer ang lupa namin sa kanila?

May konting piga akong naramdaman sa puso ko nang narealize ko yun. Hindi kaya ako yung papaikutin niya dito? Hindi kaya kaming mga Alde ang mahuhulog sa pagiging tuso ng mga Dela Merced?

"Tumigil ka nga, Hector." Nag iwas ako ng tingin.

Nawalan ako ng gana sa sarili kong iniisip. Hindi kaya mauunahan niya kaming mga Alde sa sariling lupa namin? Iyon ba ang misyon niya? Kaya ba isang linggo palang kaming magkakilala ay agad niya na akong  binibigyan ng espesyal na atensyon?

"I said I hate boys. Hindi ako interesado." Sabi ko.

Tumaas ang kanyang kilay, "Bakit? Tomboy ka, Chesca?" Tumawa siya. "Subukan mo ako. Tingnan natin kung aayaw ka pa."

Nagkatinginan kaming dalawa. What's that supposed to mean?

"Besides, you don't need to love boys again... you only need to love me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro