Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Kabanata 14

Simula Ngayon

Sa bukana pa lang ng school, marami na agad akong napansing nagbubulung bulungan sabay tingin sa akin. Oo nga pala. Para sa kanila, dalawang normal na araw lang ang nag daan kaya sariwa pa sa kanilang mga alaala ang salida namin ni Koko sa harap ng covered court. Para sa akin, matagal ng nangyari yun.

"Ang kapal niya, ha? Hindi naman siya maganda."

Napapapikit ako. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ko. Tama na.

Dumiretso ako sa classroom. Mabuti na lang at hindi ko nakasalubong si Koko dito sa school. Iyon nga lang, maging sa classroom ay usap usapan parin yung nangyari.

"Akala ko siya yung patay na patay kay Koko? Paasa ang isang ito. Si Koko pala ang nilunod sa huli."

"Oo nga, sobrang paasa." Sabi ng isang babae sa likuran.

Hindi ko na lang sila nilingon. Ayoko na ng away. Nakakapagtimpi pa naman ako kaya okay pa.

Mas dumami din ang pumansing lalaki sa akin. Napansin ko ang mga malalagkit na titig nila sa akin.

"Ang ganda-ganda. Crush ko pa naman yan." Sabi nung isang nerd sa harapan.

"Wa'g na, baka ma Chesca Alde ka lang sa huli." Tumawa yung isa.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang makinig na lang sa mga pinagsasabi nila kaya lang ayoko ng palakihin pa ang gulo. Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Mabuti na lang at panandaliang humupa ang usap usapan nila tungkol sa akin dahil ay kung ano o kung sino sa labas.

"Oh my god!"

Nag unahan ang mga babae sa paglabas ng classroom. Kitang kita ko rin ang mga babae sa corridor na halos mangisay sa kilig at magka lock jaw sa pagkakalaglag ng panga.

"HECTOOOR!" Daing ng isang babae na ngayon ay nanginginig na parang epeliptic.

May dalawang napaiyak. Tumaas tuloy ang leeg ko para tingnan kung anong meron sa labas at iniiyakan talaga nila?

Nang biglang tumili at nag give way ang mga babae malapit sa classroom ay agad lumiko ang isang Hector Dela Merced na naka clean cut. Wala na iyong buntot at seryoso ang mukha.

"What?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napakurap kurap ako nang mas lalong naaninag ang kagwapuhan niya. Hindi ko alam kung alin yung mas okay, yung panatilihin yung buhok niya ngayon nang sa ganun ay matanggal ko man lang ang mga mata ko sa kanya ngayon o ang hayaang ganito ka gwapo ang mukha niya at hayaan din ang sarili kong mag laway.

Pinalibutan agad siya ng mga kaklase ko, mapa babae man o lalaki.

"Ang tagal mong pinahaba yung buhok sa likod, ah?" Sabi ng intsik na Oliver kay Hector.

Nagkibit balikat lang si Hector.

"Hector, ang gwapo gwapo mo. AHHH!" Sigaw ng mga babae sa labas.

Umiling lang si Hector at kinagat ang labi.

"Gwapo na naman talaga si Hector ah! Noon pa!" Singhal ni Kathy na ngayon ay umupo sa tabi ni Hector.

Nasa unahan ko sila kaya dinig na dinig ko ang kanilang pinag uusapan.

"Papapel ka masyado Kathy! Oo alam naming gwapo na si Hector noon pa man! Mas gumwapo siya ngayon!" Medyo galit na sinabi ng mga babae sa labas.

Tumayo pa talaga si Kathy para mas marinig ng mga babae sa labas.

"Tsupi ng kayo! Asan ba ang building niyo at bakit nandito kayo? Alis na nga!" Inirapan niya ang mga babae.

Galit na nag uusap-usap ang mga babae sa labas. Ang mga kaklase ko naman ay walang inatupag kundi ang puriin si Hector.

Hindi humupa ang kanilang usap-usapan hanggang sa pumasok ang professor namin.

Kung noon ay may umuupo sa tabi ko, ngayong persona non-grata na ako, wala na. Ako lang ang nakaupo sa pinakalikod na bahagi ng aming classroom. Sa dami ng nakapalibot na arm chair sa tabi ko, ni isa walang nakaupo.

"Di bale na sa pinakaharap basta wa'g lang sa tabi ni Chesca." Iyon ang linya ng iilang estudyante.

Hinayaan ko na lang silang lahat. Hindi naman ako nandito para makipag barkada, nandito ako para makatapos at makakuha ng diploma.

Pag tunog ng bell ay agad na akong lumabas ng classroom para sa sumunod kong klase. Usap usapan parin sa buong campus ang pagpapagupit ni Hector. Hindi ko alam kung ano ang big deal sa pagpapagupit niya. Ipinagkibit balikat ko na lang ito. Pero tuwing nakikita ako ng ibang mga estudyante, lumilihis ang usapan nila sa akin. Nag uusap ulit sila tungkol kay Koko at sa kabastusang ginawa ko sa kanya noong nagdaang Biyernes.

Nakakainsulto. Para silang nandidiri sa akin. Sa isang minor subject ko, wala na nga akong kilala ni isa, wala pang gustong gumrupo sa akin.

Bullying na yata ito.

"Pwedeng sumali sa grupo niyo?" Tanong ko.

Ni walang tumingin sa akin. Tahimik lang sila at hindi ako pinansin. Hindi ako makapaniwala. Buong buhay ko, nabibilang ako sa isa sa pinakasikat na grupo sa school noong highschool. Kami nina Desiree, Tara at... well, Janine. Kilala kaming apat at hindi pa ako nawalan ng kaibigan.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang nagsimulang sumikip ang dibdib ko. Sa limang grupo sa subject na iyon ay walang tumanggap sa akin. Kailangan kong gawin iyon mag isa. Hindi naman sa hindi ko kaya... pero iba parin talaga pag may grupo ka.

Sa bawat paglalakad ko sa corridor at sa pagmamasid ko sa malayo kina Hector, nalaman kong ang layo ng agwat naming dalawa. Ako, si Francesca Alde ay mag isa at walang kaibigan. At siya naman, tumatawa ang kanyang mga mata habang pinapalibutan ng isang pulutong na kaibigan. Ganun talaga siguro ang buhay. Kung marami akong kaibigan sa Manila, ganun naman ako ka kapos dito.

Pumasok ako sa CR pagkatapos kong mag lunch sa canteen. Mabuti na lang at hindi ko nakita si Koko. Kung nasaan man siya ngayon ay hindi ko alam. Mabuti na rin iyong di muna kami magkita kasi mas lalo lang mag aalab ang usap usapan tungkol samin kung masaksihan pa ang pagkikita naming dalawa.

Lumabas ako ng CR para matagpuan ang isang galit na galit na babae. Hindi ko siya kilala pero pamilyar siya sa akin. Mukhang grupo ito minsan nina Hector. Galit na galit siyang nakatitig sa akin habang dala dala ang isang timba ng maputik na tubig.

Kumunot ang noo ko. Lalagpasan ko sana siya pero hinawakan niya ang braso ko at ibinuhos niya sa akin ang timba ng tubig. Basang basa ang kulay maroon kong saya at ang puting school uniform.

"Walang hiya ka Chesca Alde! Iyan ang bagay sayo! Paasa ka kay Koko!" Namamalat niyang sabi sa akin.

Nalaglag ang panga ko. Kahit kailan, hindi ko pa ito nararanasan sa talambuhay ko. Ito yung mga napapanood ko sa TV na ginagawa ng mga bully sa taong ayaw nila! Ito yun! At hindi ako makapaniwalang nararanasan ko ito ngayon!

Laglag lang ang panga ko habang tinitingnan ko siyang mabuti. Agad may umawat sa kanya kahit na pumiglas siya at bahagyang umiyak at nagwala.

"Wa'g niyo akong pigilan! Wa'g niyo akong pigilan! Ang babaeng iyan! Hayup ang babaeng yan!" Sabay turo niya.

"Tama na, Abby!" Narinig kong utas ng mga lalaking pumipigil sa kanya.

Napatingin ako sa uniform kong basang basa ngayon ng tubig. Medyo may amog din ang tubig kaya mas lalo akong nairita.

At nang lumapat ang puting uniform ko sa bra ko ay nag bakat na naman ito. Agad kong inekis ang braso ko sa dibdib ko nang sa ganun ay hindi makita ang bra ko pero huli na ang lahat... may isang lalaking sumipol pa sabay kuha ng picture sa kanyang cellphone.

Sa sobrang inis ko ay naiiyak na ako. Gusto kong pagsusuntukin silang lahat. Bumabagsak sa akin ang katotohanang wala akong kaibigan dito, wala akong kakampi, iniwan ako ng boyfriend ko, papalubog ang negosyo ng pamilya ko, pinagtaksilan ako ng kaibigan ko at hindi ko alam kung may lugar pa bang para sa akin dito sa mundo.

"Oh!? Ano pa? Yan lang ba ang kaya mo?" Naiiyak ako pero may kaya parin akong mag hamon.

Para bang hindi lang si Abby ang sinasabihan ko nun, parang ang tadhana ang kausap ko.

"Ano pa? Sige pa!" Sabi ko.

Nagwala siya at nakita ko ang matatalim niyang kuko na inaabot ako habang inaawat na ng tatlong lalaki.

Naramdaman ko ang panginginig ko. Masyado palang nipis ang uniform na ito kaya ang bilis kong mangatog sa lamig.

"WALANG HIYA KA! Magkaibigan na kami ni Koko simula pa pagkabata! AT GUSTO KO NA SIYA NOON PA! AT IKAW? Dumating ka lang ay di niya na ako pinapansin!" Sigaw niya. "HINAYAAN KO SIYA! Kasi kung saan siya masaya, masaya na rin ako! Ganun ko siya kamahal! Pero nang nalaman ko kung anong ginawa mo sa kanya-"

"Booo! Chesca! booo!" May nag tapon pa sakin ng mga basurang papel.

Napalingon lingon ako sa mga tao sa paligid. Hindi ko mahanap. Tatlong beses akong tinapunan.

"Mga duwag!" Sigaw ko sa sobrang inis.

"Tabi nga!" May sigaw akong narinig ng isang pamilyar na boses sa likuran.

Hindi ko inalintana iyon. Si Abby lang ang hinarap ko habang nag aalburuto siya tungkol sa pagmamahal niya kay Koko na kasing tanda na ng panahon.

May init akong naramdaman sa gilid ko habang nakikita kong unti unting namilog ang mga mata ng tao sa paligid. Nang nilingon ko si Hector sa gilid ko ay bumungad sa akin ang nag f-flex niyang muscles at ang bumalandrang nakakalaway na tight burning abs habang hinuhubad niya ang kanyang t-shirt para ipulupot sa akin.

"Tama na, Abby!" Aniya sabay tingin sa kay Abby.

Hindi ko na maitsura ang pagmumukha ng mga tao sa paligid. Huminahon si Abby at tinuro niya ako. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Hector?" Mas mariin kong narinig ang boses ni Kathy sa paligid.

Nagsimulang mag bulung bulungan ang mga tao. May mga suminghap at pumuri sa kagwapuhan ni Hector kahit na may kaguluhan ay nagawa parin nilang pagnasaan ang kagwapuhan at kakisigan ng lalaking nasa tabi ko.

"Si Hector na naman ba ang niloloko niya? Si Hector?"

"My God! Sa oras na maloko si Hector, makakapatay na ako ng tao." Dinig kong bulung bulungan sa paligid.

Tinanggal ko ang t-shirt na pinulupot sa akin ni Hector at sinaksak ko yung sa burning abs niya.

"Wa'g ka ngang makealam, Hector!" Sabi ko at hinarap si Abby. "At ikaw naman, ineng, kung gusto mong pahiyain ako para kay Koko, edi sana nilubos lubos mo na. Sana nilunod mo na lang ako sa Tinago. Binitin mo pa, eh." Inirapan ko at tinalikuran.

Seryoso akong tiningnan ni Hector. Galit siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang nag aalab na galit. Namilog ang mga mata ko. I never thought he'd be so damn beautiful when he's this angry.

Marahan niyang pinulupot pabalik ang t-shirt sa akin at hinila niya ang braso ko para hindi ako makaalis ng tuluyan.

"Hawakan mong mabuti yan. Sa oras na makita kong makita ulit yang kaluluwa mo, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo." Bulong niya bago bumaling kay Abby.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ako makalunok ng maayos. Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit ngunit marahang nakahawak sa braso ko.

"Alam kong galit kayo sa kanya dahil sa nangyari. Pero ito lang ang masasabi ko sa ngayon, simula ngayon, pag aari ko ang babaeng ito. Sa oras na may gumalaw sa kanya, ako ang makakalaban ninyo." Seryoso niyang sinabi bago ako hinigit palayo sa karamihan.

Narinig ko ang daing ng mga tao, ang pag tawag nila kay Hector, pero hindi man lang lumingon si Hector para tingnan sila. Diretso ang lakad niya para makaalis kami doon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro