Wakas
SA gabing abala ang syudad. Walang kamalay-malay ang mga tao na may dalawang babae at dalawang lalaki na magkakaibigan ang mabilis na bumubulusok pababa galing sa tuktok ng isang mataas na gusali.
Titig na titig si Kinsley sa payapang kadiliman sa himpapawid. May ilang mga bituin ang kumikinang nakatingin sa kaniya. Ngunit, hindi mag maliw ang kaniyang pag-iyak habang pinagmamasdan ito.
Sulliv—Axel.
Ang puso ng dalaga ay umiiyak. Hindi dahil lang para sa dating kasintahan na si Axel. Kundi kasama na rin ang mga kaibigan at bagong naging kaibigan nilang binuwis ang kanilang buhay para sila'y tuluyan makauwi sa kasalukuyan.
Kung totoo man makakauwi na sila.
SHE gasped when she woke up. Hinihingal na hinawakan niya ang dibdib. Tumutulo ang mga luha sa kaniyang pisngi. Pinunasan niya ito pero mas lalo siya naiyak. Tinakpan niya ang mukha nang humagulgol na siya sa pag-iyak.
"Kins!" tawag sa kaniya at sabay mahigpit siyang niyakap. Parehas silang umiyak ni Lilac habang hawak ang isa't isa sa kanilang bisig.
"My kuya and Eliac," nanginginig na saad ni Lilac. Hindi tumitigil ang pag-iyak nito. Wala siyang sinabi. Pinakinggan niya ang bawat hinanaing ng kaibigan habang marahan itong tinatapik sa balikat.
"Babe," mahinang tawag ni Lupin sa kasintahan. Bumitaw si Lilac sa kaniyang yakap at ang binata naman ang niyakap ng mahigpit.
Pinunasan niya ang luha at nilingon niya si Cloud na kanina pang nakatingin sa kanila sa gilid. Mariin niyang kinagat ang labi. Hindi na niya gusto umiyak pa. Kaya, tinuon niya ang atensiyon sa paligid.
Paintings.
Iba't ibang paintings ang nasa paligid nila. Hindi man gano'n kalinaw dahil madilim ang paligid ay sigurado siya na paintings ang mga ito.
"Nasa Museyo Solomon na tayo."
Dumako ang paningin niya kay Cloud. Tumayo siya at nilapitan ito. "Are you sure?" umaasang tanong niya. Tumango ito. Binalik niya ang tingin sa paligid. Do'n isa-isa bumalik sa kaniyang alaala ang pinuntahan nilang Museum.
Nakita niya ang isang familiar na painting. Gulat na humawak siya sa braso ni Cloud. Hindi siya makapaniwala.
"S-seryoso ba? Nakauwi na tayo?" Nanghina ang kaniyang mga tuhod at bumagsak siya sa kaniyang kinatatayuan. Umiyak na naman siya. Nakauwi na sila ngunit hindi na sila katulad ng dati na kumpleto. Wala na ang kanilang mga kaibigan.
PINAGMASDAN niya ang umiilaw na pula at asul sa tuktok ng sasakyan ng mga pulis. No'ng nalaman nilang nasa Museyo Solomon sila ay hindi rin nag tagal ay nakita sila ng tagapangasiwa ng museum.
Parehas silang nakaupo ni Lilac sa ambulansiya habang may nakapatong na tuwalya sa kanilang balikat. Binigyan din sila ng maiinom na kape habang sinusuri sila.
Sa kabilang ambulansiya naman ay sina Cloud at Lupin. May kausap ang mga ito na pulis. Tinanong sila kung ano ang nangyari kung bakit bigla sila nawala at kung saan sila pumunta.
Nalaman din nila na may dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mawala sila. Hinanap sila ng school at binalita sa mga magulang nila ang nangyari sa kanila.
"Here, cellphone. You can call your parents." Kinuha niya ang cellphone sa isang babaeng pulis. Ito rin ang nag bigay sa kanila ni Lilac ng kape. Nilingon niya ang kaibigan. Pinapauna niya ito sa cellphone pero tumanggi ito.
Nanginginig ang kamay niya na binalik ang tingin sa screen ng cellphone. Two weeks. Dalawang linggo raw silang nawala ngunit para sa kanila ay mahigit isang buwan ito.
Dinial niya ang numero ng ina. Hindi magtigil ang pangangatog niya sa kaba. Namamawis na rin ang kaniyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinagot ang tawag niya.
"Hello?" saad sa kabilang linya. Tuluyan na siya umiyak nang marinig ang boses ng kaniyang ina. "M-mama."
DINALA sila sa malapit na hospital sa Ilocos ng mga pulis. Hindi pa rin kasi tapos ang pag iimbestiga sa nangyari sa kanilang magkakaibigan. Magkasama sila ni Lilac sa silid. Natutulog ito sa kabilang kama.
Habang siya naman ay hindi makatulog. Hanggang ngayon ay naririnig niya ang pag-iyak ng kaniyang ina nang makausap niya ito kanina.
"K-kinsley? Ikaw ba 'yan, anak?" mahahalata ang panginginig sa boses nito at ginhawa nang marinig nito ang kaniyang boses.
"Ma." Humagulgol siya. Wala siyang masabi sa ina. Hindi niya alam kung saan mag sisimula dahil kahit siya ay hindi pa rin naniniwala sa lahat nangyari sa kanila. Hindi niya gusto maniwala kahit kitang-kita naman na wala na ang iba at apat na lang silang magkakaibigan ang natira.
"It's okay, honey. Mama is always here for you." Tumango siya kahit hindi siya nito nakikita.
"I love you p-po," umiiyak niyang bulong dito. "I know, honey, I know."
Pinunasan niya ang pisngi nang may luha na naman ang nakatakas sa kaniyang mata. Simula nang makauwi sila sa kasalukuyan ay hindi na siya tumigil sa pag-iyak. Sumasakit na ang ulo niya at maga na ang mata niya ay hindi niya pa rin magawang tumigil.
Akala niya no'ng una kapag nakauwi na sila ay magiging masaya na sila. Ngunit lahat pala no'n ay purong kabaliktaran lang dahil sobrang sakit pala. Sampu silang magkakasama ang umalis ngunit apat na lamang silang nakabalik na magkakaibigan.
SA silid ng dalawang lalaki ay may isang pulis ang nasa loob. Hindi pa ito tapos kumausap sa kanila. Isusunod nito kausapin sina Kinsley at Lilac pero sa ngayon ay pinagpapahinga muna nila ang dalawang dalaga.
Binalik ni Officer Samuel ang tingin kay Cloud. Kanina pa ito paulit-ulit nag tatanong sa binata at sinasagot iyon lahat ni Cloud ngunit hindi naniniwala ang pulis sa lahat ng pahayag ng lalaki.
Cloud sighed. "I've been telling you, sampu kaming magkakaibigan ang nawala." Mahahalata kay Cloud ang kapaguran. Hinilot nito ang sintido. Kanina pa kasi siya hindi pinaniniwalaan.
"Mr. Palma, hindi kayo sampu. Apat lang kayong magkakaibigan. Si Miss Kinsley, Miss Lilac and Mr. Lupin," saad ni Officer Samuel. Nag bilang pa ito sa daliri.
Kanina pa ginigiit sa kanila ni Lupin na apat lang sila. At kanina pa tinatanong kung saan sila nag punta sa nakalipas na dalawang linggo.
"Officer, what do you mean apat lang? I'm with my friends. Please try to check Gianna Macaranding, Skylar Español, Maddy Guevarra and Axel Beltran. Pagkatapos ay triplets ni Lilac sina Bylac Escalante and Eliac Escalante," paliwang ni Cloud.
Masakit man sa binata bigkasin ang bawat pangalan ng kaniyang kaibigan ay ginawa niya pa rin. Para din ito sa kanila. Mabigyan man lang nila ang mga kaibigan ng maayos na libing.
Nang halatang hindi pa rin naniniwala sa kaniya ang pulis ay bumuntong hininga siya. "Pahiram ako ng papel at ballpen, Officer. Isusulat ko mga pangalan nila. Try to check them, please."
SHE lazily looked up at the door. Pumasok sina Cloud at Lupin. Katulad niya ay nakasuot din ang dalawa ng hospital gown. Nabalitaan niya sa nurse nakitaan ng ilang peklat sina Lupin, Cloud at Lilac. Habang siya naman wala. Maliban na lang na sobrang masakit ang katawan niya.
"Kinsley," Cloud called. Lumapit ito sa kaniya pati na rin si Lupin. Niyakap siya ni Lupin at binigyan siya ng pilit na ngiti bago nilapitan nito ang kasintahan.
Binalik niya ang tingin kay Cloud nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Tinawag ulit nito ang pangalan niya habang marahan nitong hinahaplos ang kaniyang daliri.
"Have you heard?"
"Ang alin? Yo'ng sikat tayo sa balita?" sarkastik niyang saad. Nang hiram siya ng cellphone kanina at nakitang sari-saring bagong balita ang nakalathala sa social medias patungkol sa kanilang magkakaibigan.
"No," mariin na wika ni Cloud. Kumunot ang noo niya. Ano ang ibig nitong sabihin?
"Walang nakakaalala sa kanila. Lahat ng kaibigan natin. Sina Axel—" Mariin niyang nahawakan si Cloud sa kamay. Sumilip ito saglit sa kanilang magkahawak na kamay bago tinuloy ang sinasabi. "Bylac, Eliac, Gia, Maddy and Skylar. They don't know them. Parang isang bula naglaho sila sa kasalukuyan."
"A-ano?!" napalakas ang sabi niya rito. "Ang ibig kong ipahayag ay tayo lang ang nakakaalala sa kanila, Kinsley."
Nabitawan niya ito at napahawak siya sa kaniyang bibig sa gulat. Nag babadya na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "S-stop kidding me. That.. That's cruel, don't you think, Cloud?"
"I'm telling you the truth, Kins. They don't know them. Even their names are non-existent."
Tuluyan na siya napaiyak sa sinabi ni Cloud sa kaniya. Sila lang ang tanging nakakatanda sa kanilang kaibigan. Nilingon niya si Lilac natutulog sa kabilang kama. Mas napaiyak siya lalo. Hindi nito matatanggap na hindi nag e-exist sa kasalukuyan ang dalawang kakambal nito.
Mapait siyang napangiti. Naalala niya ang sinapit nila sa kakambal ng tunay nina Esme at Esteban. Pinagdakop ni Cloud ang kamay nila nang mahalata nito ang malalim niyang pag-iisip. Binigyan na lang niya ito ng isang ngiti.
LUMIPAS ang isang linggo. Nakabalik na sila sa Maynila. Totoo ang lahat nangyari. Parang bula nawala sa alaala ng mga mahal sa buhay ng kanilang mga kaibigan nabuhay ang mga ito.
At tanging silang apat lang ang nakakaalala sa kanila. Hindi niya alam kung sumpa ba iyon o isang blessing in disguise dahil ang kirot ng pagkawala nila ay hindi na mawawala sa kanilang mga puso't isipan. Nakatatak na ito sa kanila habang buhay.
"Kinsley!" Nilingon niya si Lilac. Nasa labas ito ng bahay nila. Nasa passenger seat ng isang sa itim na sasakyan. Lumapit siya rito at hinalikan ang pisngi pagkatapos ay pumasok siya sa backseat.
Naabutan niya si Cloud nakaupo roon habang sa driver seat naman ay si Lupin. "Wala kang nakalimutan?" Lupin asked. Umiling siya. "Wala, tara na."
Nag tungo sila papunta sa isang dagat malapit sa kanila. Napagdesisyunan nilang huwag na ipilit sa mga pulisya ang tungkol sa mga kaibigan nila. Masakit man ay susubukan nilang tanggapin na sila na lang ang nakakaalala sa mga ito.
Hawak kamay sila ni Lilac nang makarating sila sa dalampasigan. Nakasunod naman sa kanilang likuran sina Cloud at Lupin. Yumakap sa kaniyang tagiliran si Lilac nang tumama ang tubig dagat sa kanilang mga paanan.
Lumapit sa gilid niya si Cloud habang si Lupin naman ay sa kabilang gilid ni Lilac. Nakita niya pang hinalikan ng binata ang noo ng kasintahan. Ngumiti siya pagkatapos ay binalik ang tingin sa unahan.
Ang payapang karagatan. Hindi malakas ang alon ng mga ito. Para bang nakikiisa sa kanilang pag dadalamhati para sa mga kaibigan nilang nawala. Tuloy-tuloy na bumuhos ang kaniyang mga luha lalo na nang biglang humangin.
Mas umiyak siya, sila.
Ramdam nila na parang niyayakap sila mula sa hangin. Inaalo sila para tumigil sa pag-iyak at sa pag lungkot dahil ang mga alaala ng kanilang kaibigan ay masaya nilang dadalhin. May kirot man ay mas mananaig ang pagmamahalan nila sa isa't isa.
"Walang kalimutan," saad ni Cloud.
"Kuya Bylac! Eliac!" hagulgol na tawag ni Lilac sa dalawang kambal.
"Maraming salamat sa pagkakaibigan. Sorry, hindi namin kayo nailigtas," sigaw ni Lupin habang inaalo si Lilac. "Tinuring ko na kayong mga kapatid," mahinang bulong pa ng binata sa hangin.
Tumango-tango siya at mas lalong umiyak. She couldn't utter the word goodbye to them. Hindi niya pa kaya. Inakbayan siya ni Cloud at mahinang pinisil ang kaniyang balikat habang mariin niya hinawakan ang itim na pulseras na binigay sa kaniya ni Emmanuel.
YEARS after. Hindi niya nagawang magpaalam sa kaniyang mga kaibigan no'ng pumunta sila sa dalampasigan. Simula din no'n ay walang palya na sinulatan niya ang mga ito at pinadala sa kanilang address ang kaniyang mga sulat.
Kahit sabihin pa na hindi nag e-exist ang mga ito. Maliban na lang sa address ng kaniyang mga kaibigan. Kaya kahit imposible, nagpadala siya ng mga liham.
It's her way of mourning. Sa mga sulat ay nagagawa niyang isulat ang mga salitang hindi niya magawang isa boses para sa kaniyang mga kaibigan.
"Good morning, Ma'am Kinsley," bati sa kaniya ng isang guwardiya sa post office. Sa linggo linggo niyang pagpunta ro'n ay kilala na siya ng mga tauhan sa loob.
She smiled. "Good morning po, sir," balik niyang bati bago nagtungo sa reception.
"Ma'am Kins, hello po! Another sulat po?" Tumango siya. Medyo nahiya rin siya. "Yes po, Ma'am," naiilang niyang tawa. Paniguradong mahahalata nito ang pamumula ng kaniyang pisngi.
Nang matapos ay nag pasalamat siya rito. Agad din siyang lumabas ng post office. Makikipagkita pa kasi siya kay Lilac. Sasamahan niya ito sa pagawaan ng damit. Sa wakas ay natuloy din ang kasal nito at ni Lupin.
Sobrang saya niya para sa dalawang kaibigan. They deserved it. Habang silang dalawa naman ni Cloud ay nanatili bilang maging magkaibigan. Last week lang ay pinakilala nito sa kanila ang girlfriend nito.
Siya? Hindi niya pa alam. Hindi niya pa kaya pumasok sa relasyon. Mapa-kasintahan o kaibigan. Natatakot siyang maiwan ulit.
"Kinsley Gajardo?"
Natigilan siya. Bigla siya kinabahan. That voice. Ilang taon na ang lumipas pero tandang-tanda niya pa rin ang boses nito.
"Are you Kinsley Gajardo?" pag-uulit nito.
Huminga muna siya ng malalim at bumuntong-hininga bago dahan-dahan lumingon dito. Nanlalaki ang kaniyang mata sa nakikita. That's impossible.
"I'm sorry but I don't know you but you keep sending me this letter," he said habang inaabot nito sa kaniya ang mga sulat. Naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. What the hell?
"A-axel?" saad niya sa pangalan nito.
"Hm, yeah?" Tuluyan na bumigay ang kaniyang mga binti. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan. Sa kaniyang harapan ay malakas nakatayo ang isang Axel Beltran?
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro