Kabanata 7
NANG makarating sila sa tahanan nina Ophelia ay naabutan nilang may ilang mga kalesa ang nakahalera sa unahan. Bumaba sila ni Alberto na maraming katanungan. Mapapansin rin na abala ang mga kasambahay mapa-loob at labas man.
Mag tatanong sana sila nang makita nila si Arabella na pababa na. Halatang balisa ang dalagita at wala ito sa maayos na kalagayan. Malalim ang mga mata nito dahilan na rin siguro nang pag-iyak.
"Arabella," pagkuha niya sa atensiyon nito. Para bang hindi sila napansin ng dalaga dahil lalagpasanan na sana sila nito. Lumingon si Arabella sa kanilang nag tataka.
"Kinsley," mahina nitong tawag sa tunay niyang pangalan. Luminga-linga pa ito at kinuha ang kaniyang kamay. Sinundan sila ni Alberto hanggang makalayo sila kaunti sa tahanan nina Ophelia.
"Ang Heneral at ilang guardiya sibil ang nasa loob. Tinatanong ng Heneral kung saan at kailan huling nakita si G-gianna." Nabasag ang boses ni Arabella nang sabihin nito ang pangalan ng kaibigan. Mahahalata rito ang sakit.
"Katulad nila, hula rin ng mga ito na may pumatay sa kaniya." Hinawakan niya ang kamay ni Arabella. Alam niyang kinakaya lang nito mag salita kahit na sobra itong nahihirapan.
"Ngunit wala pang patunay dahil hindi katulad kung saan tayo nang galing. Mas mahihirapan tayo malaman kung sino ang may kagagawan nito pero sisiguraduhin ko, hahanapin ko kung sino ang pumatay kay Gianna," determinadong wika ni Arabella.
"We will help you find answers. Kung ano man 'tong nangyayari sa 'tin. Hahanap tayo ng kasagutan," saad niya.
"Nakita mo ba ang sulat ni Ophelia?" tanong ni Alberto. Tumango si Arabella at inilabas ang sulat nakatago sa saya nito.
"Ang sabi pa nila, may huling nakakita kay Ophelia sa palengke na balisa. Magulo ang buhok at kasuotan nito. Simula no'n ay hindi na ulit ito nakita pa." Hindi niya binitawan si Arabella habang nag ku-kwento ito sa kanila.
"May nakakaalam ba kung sino nakakita sa kaniya? Pu-pwede tayo mag tanong sa kaniya," suhestiyon ni Alberto. Parehas silang dalawa ni Arabella na sumang-ayon bago nag desisyon sila na puntahan ang nakakita kay Ophelia sa palengke.
BINALEWALA niya ang kanina pang tingin ni Flor sa kaniya. Patungo sila sa palengke. Nasa kabilang kalesa si Alberto habang silang tatlo naman kasama si Arabella ang nasa kalesa nila.
"Binibini, ako'y kinakabahan. Ano ba ang inyong pakay?" tanong ni Flor. Nakaupo ito sa kanilang unahan.
Tahimik na umiwas ng tingin si Arabella sa kanila kung kaya wala siyang nagawa at sinagot si Flor. "Gusto lang namin malaman kung sino ang pumatay kay Ophelia."
Nanlaki ang mata ni Flor at napa-hawak sa dibdib nito. Mahina pa itong nag dasal sa narinig. "Binibini, mapapahamak kayo sa nais ninyong mangyari. Ako'y malalagot sa iyong ina at ama."
"Kaya humihingi ako ng pakiusap na huwag mo itong mabanggit sa aking magulang."
"Ngunit binibini—" Pinigilan niya ito. "Ako'y nakikiusap sa 'yo, Flor." Hinawakan niya pa ang kamay nito at tinitigan sa mata para iparating dito na seryoso siya sa kaniyang pinapahayag.
"Hangga't mapapangako niyo na kayo'y mag iingat, binibini."
"Ako'y nangangako."
NAGTUNGO sina Lorenzo, Esme at Sullivan sa malaking aklatan sa bayan. Sinubukan ng tatlo makahanap ng aklat na sasagot sa kanilang katanungan patungkol sa kanilang pananatili sa nakaraan.
Isa-isa ang tatlo nag tingin ng mga libro. Makikita sa loob ng aklatan ang halos puro kalalakihan. Nakakuha pa si Esme ng ilang tingin bago sila tuluyan nakapasok sa loob.
No'ng unang panahon hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan upang makapag-aral. Kaya, gano'n na lamang ang tingin ng ilan nang makita nila si Esme kasama pa ang dalawang binata.
"Wala akong makita," ani Esme. Binalik ng dalaga ang aklat sa mga istante pagkatapos ay binalingan ang dalawang binata. Katulad ni Esme. Binalik din nina Lorenzo at Sullivan ang mga aklat na kinuha.
"Wala akong nakitang libro na makakapagsabi sa 'tin kung bakit tayo napapad dito," saad ni Lorenzo.
"Kahit ako." Huminto si Sullivan sa pagsasalita. Nag-isip saglit. "Pumunta tayo sa kakahuyan. Subukan natin makahanap ng clue na makakapagsabi kung sino ang salarin," dagdag ni Sullivan.
Umalis sila sa aklatan at nag tungo sa bukana ng kakahuyan. Kung maaari ay susubukan din nila pumasok sa loob ng kakahuyan na walang makakakita sa kanila.
SA kabilang banda naman. Ang grupo nina Esteban, Josefina at Emmanuel ay nag tungo sa simbahan. Nag hiwalay ang tatlo. Magkasama ang mga binata na sina Esteban at Emmanuel habang humiwalay sa kanila si Josefina para na rin mag ingat.
Kilala si Josefina sa simbahan at madalas nasa simbahan ang ina nito. Mabuti na lang sa araw na iyon ay wala ang ina ni Josefina.
Nagtungo ang dalawang binata sa likod ng simbahan. Kung saan ang mag kakaibigan huling pumunta no'ng nasa kasalukuyan pa sila. Naghanap sila ng clue makakapagsabi kung paano at bakit silang magkakaibigan napunta sa nakaraan.
Ngunit katulad ng kanilang mga kaibigan. Wala pa rin nahanap na kasagutan ang dalawang binata. Kahit ang likod ng puno ng mangga. Wala. Isa lang itong masaganang puno.
Habang si Josefina naman ay pumasok sa loob ng simbahan. May ilang madre pa ang kumausap sa dalaga. Magalang na nginitian at sinagot ni Josefina ang mga ito. Sinubukan ng dalaga mag mukhang masaya kahit ang totoo ay sobrang pagod na ito sa nangyayari sa kanila.
Bagsak ang balikat ni Josefina nag tungo sa likod ng simbahan. Umiling ang dalaga nang makita ang dalawang binata.
"Wala akong nakitang kakaiba," saad ni Josefina.
"Gano'n din kami. Kahit itong puno ay wala." Hinilot ni Esteban ang sintido nito dahil sa stress at pagod. Simula nang makarating ang binata sa nakaraan. Wala nang oras ito para mag pahinga dahil agad sila nag hanap ng kasagutan nina Lorenzo at Esme.
"Huwag kayo'y mawalan ng pag-asa. Ako'y tutulong sa inyo sa aking makakaya. Naninigurado rin akong makakahanap ang iba ninyong kaibigan ng kasagutan," ani Emmanuel.
Ngumiti sina Esteban at Josefina. "Salamat, Emmanuel."
NAGTUNGO sila sa palengke. Abala ang mga mamayanan sa pagbili ng kanilang ihahain sa lamesa. Kaliwa't kanan din ang ingay sa paligid.
Sinukbit niya ang kamay sa braso ni Arabella at sinundan nila si Alberto. Nasabi na ni Arabella kung saan nila makikita ang huling nakakita kay Ophelia at doon sila papunta.
Si Flor at ang kanilang kutsero ay saglit huminto sa bilihan ng baboy. Inutusan niya muna ito para hindi na ito sumama pa sa kanila.
Nasa bandang pinakadulo sila ng palengke. Sinilip niya rin kung saan ang labas nito. Lumingon siya saglit kay Arabella at bumulong.
"Sa kakahuyan. Kapag galing ka sa kakahuyan. Dito agad ang unang mararating mo. Ngunit—" Luminga-linga siya. Kahit si Arabella ay gano'n din ang ginawa.
"Dahil sa kaduluhan ay kakaunti na lang ang tao nakakagawi rito," si Arabella ang tumapos sa gusto niyang sabihin. Tumango siya at binalik ang tingin kay Alberto.
"Panigurado ako. Kung sino man ang salarin. Pinagmamasdan niya tayo sa kalayuan," aniya. Humigpit ang kapit niya kay Arabella dahil sa takot naramdaman.
"If everything is connected." Saglit na huminto si Arabella pagkatapos ay tinitigan ang likuran ni Alberto. Nasa harapan na ito ng isang tindahan. "Whatever the reason is, tayo na ang isusunod niya."
KINAGABIHAN. Sa mismong araw din no'n. Nagkita ulit silang magkakaibigan sa paaralan nila Alberto.
Nakapatong ang dalawang gasera sa ibabaw ng mahabang lamesa. Nag lapag din sila ng mapa sa bayan ng Solomon. Binulugan nila ang mga lugar na pinuntahan nila.
Habang sa kabilang banda ng lamesa. May mahabang papel. Nakalagay do'n ang mga nahagilap nila at hindi nasagap. Maski ang mga sulat ay idinikit nila.
Nakalagay din ang mga pangalan nila at kung kanino sila konektado sa isa't isa.
Mahilig si Esteban sa panonood ng mga detective series. Ang sabi ng binata ay nagaya lang ito sa isa pa nilang kambal na si Eliac na hindi naman nila kasama ngayon.
"Ano ang sabi sa inyo no'ng huling nakakita kay Ophelia?" tanong ni Esteban.
Si Alberto ang nagsalita. Ito kasi ang nakausap dito. Kapag kasi silang dalawa ni Arabella ay ayaw silang kausapin no'ng matandang lalaki.
"Bandang hapon niya ito nakita. Balisa. Magulo ang buhok at may maduming tela nakasuot sa leeg nito."
"Paanong nakakasigurado ang matandang lalaki na si Gianna 'yon?" tanong ni Sullivan.
"Ang sabi nito, no'ng una ay hindi niya makilala ang babae dahil sa madumi nitong kasuotan. Wala rin itong suot na sapin sa paa at para bang naguguluhan sa nangyayari sa paligid nito. Ngunit, nang titigan niya ito ay do'n niya naalala ang dalaga. Anak ni Doktor Macaranding."
"Isang beses nagamot ng tatay ni Ophelia ang matanda at nakita raw nito ang dalaga na dumalaw sa pa-libreng pagamot ni Doktor Macaranding," dagdag ni Arabella.
"Kung saan huling nakita si Ophelia ay malapit lang din sa kakahuyan. Sa tingin namin ay nasa malapit lang ang salarin," saad naman niya.
"At may pagkakataon na tayo rin ang isusunod nito, tama ba?" ani Esme.
Lahat sila ay natigilan sa sinabi ni Esme. Bumalik na naman 'yong naramdaman niyang takot. Hindi pa nakakatulong 'yong pagpasok ng malamig na hangin sa loob ng silid.
"Gabi na, umuwi na tayo," ani Lorenzo. Nagkatinginan sila sa isa't isa. Walang gustong tumayo no'ng una. Kung hindi tatayo si Emmanuel ay walang kikilos sa kanilang magkakaibigan.
NAGISING siya dahil sa boses ni Flor. Kinakabahan na bumangon siya at nag aalala na pinatitigan ito. Humawak pa ito sa dibdib na para bang hinihingal.
"Oh god, Flor? Mag hunus dili ka. Anong mayro'n?" tanong niya rito. Bumangon na rin siya sa pagkakahiga at nag aalala na nilapitan ito.
"Binibini," hinihingal nitong tawag. Umikot ang mata niya. "Come on, sabayan mo ako." Parehas silang dalawa nag inhaled at exhaled. Nang mahimasmasan na si Flor ay seryosong tumingin ito sa kaniya.
Bigla siya kinabahan.
"Aking naulinigan na kayong mag kakaibigan ay nag pa-plano mag aklas para patigilan ang mga matataas sa ating lipunan."
"Ano?! Saan mo naman nakalap 'yan? Tatay ni Esme ang Gobernacillo. We're not doing anything wrong." Sa sobrang stress niya ay hindi na siya gano'n nakapag-isip ng maayos. Napansin na lang niya magkasalubong ang kilay ni Flor.
"Binibini."
Tinalikuran niya ito at kinuha ang abaniko nasa gilid ng lamesa. Pinagpayan niya ang sarili. Napalakad-lakad din siya sa loob ng silid pagkatapos ay binalingan niya si Flor nang maalala niya ang ina.
"Alam ba ni inay?"
Umiling si Flor. "Hindi pa, binibini. Ngunit, panigurado akong hindi matutuwa ang iyong ina." Bumuntong hininga siya at sumang-ayon dito. "Kung gano'n paki dala kay Esme ang liham na ibibigay ko. Hindi kami maaari magkita muna habang may hakahaka umiikot sa paligid."
"Opo, binibini." Pinaypayan niya ulit ang sarili at bagsak ang balikat na umupo siya sa gilid ng kama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro