Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

NANG matapos siya mag palit ay nagtungo siya agad sa balkunahe kung saan natanaw niya ang dalawang babae. May katandaan ang isa habang mukhang hindi naman magkakalayo ang edad niya sa sa babaeng katabi nito.

Parehas na may hawak ang mga ito na pang-burda. Kung hindi siya nag kakamali, ito ang ina ni Esther na si Señora Carmen. Nahigit niya ang paghinga nang lumingon ito sa kaniyang gawi.

"Esther, bakit ngayon ka lamang? Saan ka nang galing?"

Dumako ang paningin niya sa katabi nitong babae nang lumingon ito sa kaniya. Maganda ang nangungusap nitong mga mata. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa kaba na mabisto siya. Nang ibalik niya ang tingin kay Flor ay wala na ito sa kaniyang gilid. Iniwan siya nito. Lintek.

"Esther?" tawag ulit sa kaniya. Umayos naman siya nang tayo. "Ako'y namalagi saglit sa simbahan. Nais ko po sana mag dasal." Huminto siya. Hindi na niya alam ang idudugtong pa.

Mabuti na lang at hindi na siya nito sinuri pa bagkus ay niyaya siya nito sa tabi ng katabi nitong babae upang magpatuloy sa pagbuburda. Hindi siya marunong no'n.

"Ika'y ba nag dasal para sa iyong kaibigan na si Ophelia?" Kumunot ang noo niya nang lingunin n'ya ito. Nagawa pang lumagpas ang paningin niya sa katabing babae sa kanilang gitna.

Simula nang makarating siya ay hindi man lang nagawa nito mag salita. Hindi niya tuloy mawari kung kaano-ano ni Esther ito. Sa kasalukuyan naman kasi ay wala siyang kapatid.

"Esther, anak?" Nabalik ang tingin niya kay Señora Carmen. Doon niya lang naalala ang tanong nito. Ophelia? Sino naman si Ophelia?

"Paumanhin Señora, nandito po si Binibining Esme upang makausap si Binibining Esther," singit na saad Flor. Nakahinga siya ng matiwasay sa biglang singit nito sa kanilang usapan.

Tumayo siya at ngumiti sa ina sa panahon na iyon. She wanted to get out of there immediately as much as possible. "Kung sa gano'n, sige, Esther. Huwag mong paghintayin si binibining Esme."

"Salamat, ina." Marahan siya yumuko rito bilang pag galang bago sinundan si Flor. Hinawakan niya pa ang dibdib sa sobrang kaba. Nang malapit na sila sa salas ay do'n lang ulit siya kinabahan. Sino naman si Esme?

NANLALAKI ang kaniyang mata sa nadatnan sa salas. Gusto niya maiyak sa tuwa at sa ginhawa. Tatakbo na sana siya papalapit dito nang bigla siya huminto. Naalala niya na hindi siya pwede maging magaslaw sa panahon na iyon.

"Lilac— ang ibig kong sabihin, binibining Esme? Ako raw iyong gustong makausap?" marahan niyang bigkas habang lumalapit dito. May nakapaskil na ngiti ito sa mukha.

Muntik na niya hindi ito makilala dahil sa kulay itim nitong buhok. Hindi na kulay lila ang buhok nito at ang kasuotan nito ay mas bongga pa sa kaniya. Nang makalapit siya rito ay agad siya nito niyakap nang mahigpit.

Kahit siya ay humigpit din ang yakap dito. Two from her friends were here. Bigla siya bumitaw dito at pinatitigan ito sa mata. Kung nandito si Lilac? Nandito rin kaya ang dalawang kambal nito na sina Bylac at Eliac?

Niyakap siya ulit nito. "I'm glad you're okay. Kuya and I saw you earlier sa harap ng simbahan. Right now, he's been trying to look for others," bulong nito sa kaniya. Naluluha na tumango siya. "Also, we found out that our names are different in this era."

Bumitaw siya rito at tumango ulit. Napagtanto nga niya iyon. "Nakita ko si Josefina kanina," marahan niyang saad. Kumunot ang noo ni Lilac o Esme sa panahon na iyon. "Maddy," she mouthed. Paniguradong isa ito sa hinahanap ni Bylac. Tumingin pa siya sa gilid niya dahil nando'n si Flor.

Napansin iyon ni Esme kaya tumango ito. "Pumunta ka sa aming tahanan bukas. Ako'y may gustong ipakita sa 'yong mga bagong kasuotan."

SA isang madilim na silid ay nakagapos ang magkabilaan na kamay ng isang babae sa inuupuan nitong bangko. Nakatakip din sa mata nito ang isang maduming puting tela na may bahid ng pulang mantsa. Sinubukan nito kumawala sa pagkakatali. Kahit ang pagsigaw ay ginawa nito ngunit tanging kuliglig lang sa kalayuan ang maririnig sa loob ng maliit na kubo.

Nabasa ang tela sa mata nito dahil sa pinaghalong luha at pawis ng dalagita. Ngunit kahit anong gawin nito ay walang makakarinig dito. Nakatago ang isang maliit na kubo sa kakahuyan kung saan ito pinagdalhan.

Bihira lang na may dumaan na mamayanan sa tinitirikan nito. Lalo na kung sumapit na ang dilim. Mas lalong walang nag babadya na pumunta sa kakahuyan.

Natahimik ang dalaga nang makarinig ito ng isang yabag na paparating sa pinaroroonan nito. Pinakiramdaman nito ang paligid. Maliban sa malamig na simoy ng hangin tumama sa balat nito ay nakarinig din ito ng ilang pagaspas ng dahon.

Natigil ng babae ang paghinga nang may pumasok sa loob ng maliit na silid. Dahil sa kadiliman ay hindi maaninag ang itsura nang pumasok. Ang tanging mapapansin lang dito ay ang itim nitong anino sa sahig sa lupa. May hawak din itong isang itim na garapon, kung saan maingat nitong nilapag sa katabing lamesa. Lumingon ang pigura sa gawi ng babae kung saan nag panggap natutulog ito.

Ramdam na ramdam ng babae ang pagbilis ng tibok ng puso nito. Takot na takot ito at baka may gawing masama ang dumakip dito.

KINABUKASAN ay agad siyang nagtungo sa tahanan ng Escalante nang makapagpaalam siya sa ina. Katulad niya ay hindi nag-iba ang apelyido nina Lilac, maliban sa kanilang mga pangalan.

Nalaman niya rin kagabi na may dalawa siyang kapatid sa panahon na iyon. Isang nakakatandang lalaki na si Nimuel at isang nakakabatang kapatid na babae na si Dolores.

Si Dolores ang kasama ng kaniyang ina kahapon sa balkunahe. Nalaman niya rin na hindi ito nakakapagsalita habang ang kuya Nimuel naman niya ay nasa Maynila para mag-aral ng batas.

Ang ama ni Esther ay isang kilalang abogado sa Maynila. Natanong niya rin kay Flor kung sino si Emmanuel. Sinagot siya nito na walang pag-aalinlangan sa kaniyang katanungan.

Nalaman niya na kababata ni Esther si Emmanuel. Ang ama rin nito ay isang kilalang abogado at kalaban ng kaniyang ama. Pinagtataka niya kung bakit magkaibigan ang anak nito kung magkalaban naman pala sa korte ang ama ng dalawa.

Nasa daan ang kalesa nila ni Flor patungo sa tahanan ng mga Escalante nang matanaw niya si Emmanuel sa hindi kalayuan. Pinatigil niya ang kalesa at sinigaw ang pangalan ng binata.

Nasaway siya ni Flor dahil sa naging akto niya. Hindi raw ito isang kilos dalagita. Gusto niya umikot ang mata sa sermon nito sa kaniya.

"Binibini," tawag ni Emmanuel sa kaniya nang makalapit ito sa kanilang kalesa. Ngumiti siya rito at umusog sa kaniyang inuupuan para bigyan ng space ang binata. Nagtataka na tumingin ito sa kaniya.

"Dito." Turo niya sa kaniyang tabi. "Pupunta tayo sa kaibigan 'kong si Esme, tara!" Tapik niya pa ulit sa kaniya tabi. Alanganin na tumabi sa kaniya si Emmanuel. Kahit si Flor nasa nakaupo sa unahan ay mahahalata rito ang malaking katanungan.

Binalingan niya si Emmanuel nang magsimula na umandar ang kalesa. "Saan ka papunta? Bakit nag lalakad ka lang?" tanong niya rito.

"Ako'y patungo sa inyong tahanan."

"Nag lalakad?" gulat niyang tanong dito. Tumikhim ito at umiwas ng tingin sa kaniya. "Bago pumaroon sa inyo ay gusto ko sana kumausap ng ilang mamayanan sa atin. Sa susunod na buwan, ako'y tutungo sa Maynila upang mag-aral ng batas."

"S-sa susunod na buwan? P-paano ako?" Huli na nang mapagtanto niya ang sinabi. Parehas nang nagulat sina Flor at Emmanuel sa kaniyang sinabi. Pilit na ngumiti na lang siya para pagtakpan ang sinabi.

"Hangga't nandito ako sa Solomon. Hindi ko ibig na iwan ka." Bigla siya namula sa sinabi nito pagkatapos ay tumingin sa malaking tahanan. Nakatayo si Esme sa hindi kalayuan habang kumakaway sa kaniya.

Hindi niya sinagot si Emmanuel bagkus nang tumapat ang kalesa sa tahanan nina Esme ay agad siyang bumaba. Narinig niya na sinaway siya ni Flor sa biglaan niyang pagtalon.

Muntikan na siya matumba kung hindi lang agad may nakasalo sa kaniya. Nakarinig siya ng ilang pag singhap. Nang iangat niya ang ulo ay naabutan niya si Cloud. Yayakapin niya sana ito nang mabilis itong bumitaw sa kaniya.

Namumula na umiwas ito ng tingin sa kaniya. "Binibining Esther, ako'y malalagot sa iyong ina," pagalit ni Flor sa kaniya pagkatapos ay tumingin pa ito nang masama kay Cloud.

Nakarinig sila nang pagtikhim sa kanilang likuran. Nakababa na si Emmanuel at may mariin na tingin kay Cloud.

"Ginoong Alberto, magandang umaga. Ang aking kuya Esteban ay nasa loob ng kaniyang silid aklatan," ani Esme kay Cloud.

Bale Alberto ang pangalan ni Cloud sa panahon na iyon. At Esteban? Si Bylac ba iyon?

Lumingon sa kaniya saglit si Cloud o Alberto bago ito pumanhik sa loob ng tahanan. Bumalik naman ang tingin ni Esme sa kaniya at sa kasama niyang si Emmanuel. Ngumiti ito rito pagkatapos ay marahan hinawakan nito ang braso niya.

Habang paakyat sila ay patagong lumingon si Esme sa kanilang likuran. Bumuntong hininga siya. "I somehow told him who I am?" bulong niya rito. Nanlaki ang mata ni Esme at mas lalo siya nito hinila.

"Kami'y paparoon lang saglit sa aking silid," ani Esme pagkatapos ay bumaling ito kay Emmanuel. Mahina niyang binulong ang pangalan nito. "Luz, paki samahan si Ginoong Emmanuel sa silid aklatan kung nasaan sina kuya Esteban, Lorenzo at Alberto," utos ni Esme.

Tuluyan naman siyang hinila ni Esme sa silid nito. Bumuntong hininga si Esme nang masara nila ang pinto.

"I'm so nervous. Where the hell are we?"

HINDI mag maliw ang pag-iyak at pag-sigaw ng isang babae nang masabunutan ito sa buhok. Nakatakas ito sa pinaglalagyan nitong maliit na kubo. Takbo lakad ang ginawa nito makalabas lang sa kakahuyan. Hindi na rin nito inisip kung bakit gano'n ang kasuotan nito at kung nasaan ito.

Ang tanging nasa isip lang ng babae ay ang makalayo kung nasaan ito. Buong akala nito ay nakalayo na ito at nakalaya nang makakita ng ilang tao sa paligid. Ngunit, ang kasayahan sa puso nito ay agad din napawi nang may mag takip sa bibig nito at pilit itong nilayo kung nasaan ang mga tao.

Sumapit na ang gabi at kumikinang ang liwanag ng buwan sa kalawakan habang patuloy nag pipilit makawala ang babae sa kamay ng dumukot dito. Ngunit, wala nang lakas ang babae upang manlaban man lang.

Napatingin ito sa buwan nang tumulo ang luha nito. Magulo ang buhok at puro mantsa galing sa lupa ang buong kasuotan nito. Mas hinila ng pigura ang babae papasok sa loob ng kubo. Hindi mawari ng babae kung bakit nahihilo na ito. Nang makapasok sa loob ng kubo ay namalayan na lang ng babae ang tumutulong dugo sa ulonan nito.

Mariin na pumikit ang mata ng babae. Pilit nito inalala ang mga kaibigan. Ang kanilang mga asaran at tawanan. Ang pamilya nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam na aalis ito.

Malakas na tumunog ang kampana.

Sa tingin ng dalagita ay ito na ang katapusan niya at mukhang hindi pa nito malalaman ang dahilan ng lahat nangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro