Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

"ESTHER, Gumising ka."

Napabalikwas siya sa kaniyang pagkakatulog nang may mag salita sa kaniyang gilid. Gulat na pinatitigan niya ang isang hindi pamilyar na lalaki sa kaniyang harapan.

Katulad niya ay gulat din itong nakatingin sa kaniya. Namumula ang pisngi nito at agad na umiwas ng tingin sa kaniya. Lumayo rin ito sa kaniya na para bang may ginawa siyang masama.

"Binibini, kanina ka pa hinahanap ng iyong ina," marahan na bigkas nito. Kumunot ang kaniyang noo.

Tirik na tiriki ang araw pero ang hampas ng hangin sa kaniyang balat ay hindi masakit. Pinatitigan niya ito. Mas lalo siya nagtaka. Gusto niya tuloy biglang matawa sa ayos ng binata.

Naka-suot ito ng magandang uri ng puting kamiseta hanggang pulsuhan nito. Kulay itim naman ang pang-baba nito. May maayos din itong tabas ng buhok.

"Anong mayro'n? May si-no-shoot bang pelikula?" tanong niya. Inikot niya pa ang paningin ngunit agad din siyang nag taka. Doon lang siya may naalala.

Ito ang likod ng simbahan na pinuntahan nilang magkakaibigan ngunit bakit hindi na itong mukhang luma? At ang mga puno ay mukhang buhay na buhay. May ilang bulaklak pa siyang nakita nakatanim.

Mas lalo kumunot ang noo niya. May isang madre ang lumabas sa likod ng simbahan. Doon niya lang napagtanto na may ilang tao ang naroroon at iba ang kanilang mga kasuotan. Katulad sa binatang nasa harapan niya.

Binalik niya ang tingin dito. Nag tataka rin ito sa kaniya. Nanlaki ang mata niya nang makita kung ano ang suot niya.

"W-what?! What is happening?!"

Tumayo siya. Napansin niya na balak pa siya nito tulungan pero hindi niya ito pinansin. Nag palinga-linga ulit siya. Hindi niya makita ang mga kaibigan. Nasaan ang mga ito?

"Cloud? Cloud! Lilac? Gianna? Guys! Hindi nakakatuwa, lumabas na kayo d'yan sa pinagtataguan niyo!"

"Esther, anong pinagsasabi mo? Sino ang iyong mga—" Hindi nito natuloy ang sinasabi nang bigla siya lumingon dito.

"What did you just say?"

Nagulat ito pero agad din nag bago ang itsura nito nang bigla ito marahan natawa. "Ano ang iyong ibig sabihin, Esther? Saan mo natutunan ang wikang Ingles?"

"Sa school? I mean— what?" Umiling-iling siya. "Sino si Esther? Where's my friends? And who are you?"

"S-sandali lamang, binibini. Masyadong mabilis ang iyong mga binibigkas. Hindi kita maunawaan." Bumuntong hininga siya. Inalala niya ang mga nangyari ngunit wala siyang maintindihan. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Sino si Esther?" marahan niyang tanong. Kahit siya ay huminga ng malalim. She needed to get herself together.

Nag tataka man ay sinagot siya nito. "Ikaw si Esther, binibini. Esther Gajardo."

W-what?!

Biglang naalala niya ang pangalan nakalagay sa sulat. Nabura ang unang pangalan nito pero malinaw ang apilyedo niyang nakasulat dito.

Es— Gajardo.

Niyakap niya ang sarili nang humangin ng malamig at ang ilang dahon ay hinangin sa kanilang gawi.

Pinikit niya ang mata at pilit na inalala ang nakasulat. 1880. Umiling siya. Hindi, imposible.

Ako'y mag hihintay sa'yo sa ika-lima ng agosto sa likod ng simbahan ng Solomon.

"Anong araw ngayon?" kinakabahan niyang tanong dito. Ito ba ang nagpadala ng liham sa kaniya?

"Ika-lima ng agosto."

"A-ano ang taon?!" Hindi niya inaasahan ang biglang pagsigaw niya rito. Kahit ito ay nagulat sa kaniyang inasta.

"Mil Ochocientos Ochenta?" (1880)

Muntik na siya matumba sa kaniyang kinakatayuan nang marinig ang sinabi nito. Hindi man gano'n malinaw sa kaniya ang sinabi nito dahil hindi ito tagalog ay alam niya kung ano ang numero na sinabi nito dahil madalas niya ito marinig sa kaniyang lola't lolo.

"Esther?"

"S-sino ka?" Tumagal ang tingin nito sa kaniya na para bang hindi ito makapaniwala sa naririnig.

"Emmanuel Makandili, binibini?"

Marahan pa nitong niyuko ang ulo pagkatapos ay binalik ang tingin sa kaniya. Nag hahalo ang pag-aalala at pag-tataka nito sa mata.

"I.. I don't understand! Anong ginagawa ko sa taon na 'to?" Pabagsak siyang umupo sa damuhan ulit. Gusto niya maiyak. Siya lang ba ang napadpad sa taong 1880? O pati ang mga kaibigan niya?

Kung gano'n, nasaan sila? Bakit siya lang ang mag-isa ngayon? Ang huling pagkakaalala niya ay hawak-hawak niya sa kamay si Cloud.

"Aking hindi maunawaan nang maayos ang ibig mong sabihin, Esther."

Ginulo niya ang buhok sa frustration. "Hindi ako si Esther! Ang pangalan ko ay Kinsley! Hindi ako taga rito. Galing ako sa future!" Tinapik-tapik niya pa ang dibdib sa sobrang stress.

"Fu—fu—ture?"

"Oo, future!" Takte, ano ba tagalog ng future? Binalik niya ang tingin dito dahil nag squat ito para maging pantay sila.

"Basta galing ako sa taong 202–" tinigil niya ang pag sasalita nang mapansin seryoso itong nakikinig sa kaniya.

Doon niya lang napansin ang itsura nito. May kayumanggi itong balat. Makapal ang itim nitong kilay at kulay brown ang mata. Mahaba rin ang pilik mata nito.

"Bakit mo ako kilala?" tanong niya rito.

Tumikhim ito pagkatapos ay umiwas ito sa kaniya ng tingin. "Kababata ko si Esther."

"Naniniwala ka sa akin?" gulat niyang tanong dito. Hindi niya rin matago ang sayang naramdaman.

"Hindi. Dinadatungan ko lamang ang iyong sinasabi, binibini."

Umikot ang mata niya. "Whatever— nasaan pala tayo? at sino ang nag hahanap kay Esther?" Tumayo na siya sa pagkakaupo. Sinundan naman siya nito.

"Ang iyong ina. Kanina ka pa hinahanap ni Señora Carmen." Tumango siya rito at nauna mag lakad ngunit agad din siya tumigil dahil hindi niya alam kung saan patungo.

Narinig niya ito tumayo nang marahan bago ito yumuko sa kaniya at tinuro ang direksyon sa unahan. Sa pintuan nilabasan kanina ng madre.

Pumasok sila sa loob ng simbahan. Malaki ito at hindi katulad sa nakita nilang lumang simbahan. Mabuti na lang at wala silang nadaanan na kakilala ni Esther dahil hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito.

Nang makalabas sila sa simbahan ay natigilan siya. Pinatitigan niya ang malawak at abalang mga tao sa paligid.

"Wow." Hindi siya makapaniwala. Hindi ganito ang huling pagkakakita niya sa harapan ng simbahan.

Sinundan niya ang kalesa na dumaan sa kanilang harapan. May sakay itong dalawang babae naka-suot ng katulad niya.

"Ikaw ba ay ayos lamang, binibini?" tanong ni Emmanuel sa kaniya. Umiling siya but at the same time nodded.

Nahihirapan siyang i-proseso lahat nangyayari sa kaniyang harapan. "Wala na talaga ako sa amin, no?" wala sa sariling tanong niya.

Hindi siya sinagot ni Emmanuel bagkus ay panibagong tanong ang ginawad nito. "Ibig mo na bang makauwi sa inyong tahanan, Esther?"

"Ako ba'y iyong iiwan kapag naihatid mo na ako paroon sa amin?" Nagulat siya sa sarili nang bigla siya nakapagtagalog ng puro. Paano nagagaya na siya kay Emmanuel.

Pinatitigan siya nito, nag-iisip. Alam niyang imposible iyon mangyari lalo na't hindi katulad ng taon kung saan siya lumaki ang taong nasaan siya sa ngayon.

"Paumanhin, binibini ngunit hindi ko magagawa na manatili sa inyong tahanan. Gayunpaman, ako'y mangangako sa iyo na mangangamusta ako kinabukasan."

"S-salamat, Emmanuel."

KATULAD nang sinabi nito sa kaniya. Sinundo sila ni Mang Juan, ang kutsero ng kalesa ng pamilya nina Emmanuel. Papaalis na sana sila nang may matanaw siya sa hindi kalayuan.

"Sandali!" pasigaw niyang saad.

"Bakit, Esther?"

Hindi maalis ang tingin niya sa dalagang kaparehas niya ng kasuotan. Naka filipiniana ito. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay nito.

May pagkadilaw ang kaniya habang kay Maddy naman ay puti. Hindi siya makapaniwala nakikita niya ang isa sa kaibigan niya.

Kung tama ang iniisip niya ay siguradong ang iba niya pang kaibigan ay nandito rin.

"Maddy!"

Napansin niyang tumingin si Mang Juan sa kaniya pero hindi na niya ito pinansin bagkus ay pinanood niyang lumingon si Maddy sa gawi niya. Nanlalaki ang mata nito.

Tatawagin niya pa sana ito nang umiwas ito ng tingin dahil tinawag ito ng isang babaeng may katandaan.

"Sigurado ako, kaibigan ko 'yon," saad niya kay Emmanuel. Nakatingin din ito kay Maddy.

"Tama ka, kaibigan mo si binibining Josefina."

Mabilis siyang lumingon dito. "Josefina?" naguguluhan niyang tanong. Tumango ito sa kaniya. Pinatitigan niya ulit si Maddy. Nakatingin na ito sa kaniya.

"I can't talk to you right now but I'll find you," Maddy mouthed to her. Nag gestured pa ito ng exis at ilang beses tinuro ang ibabang lupa upang iparating ang ngayon.

Nilingon niya si Emmanuel. "Ipapaliwanag mo sa akin kung ano ang nalalaman mo sa kaniya," saad niya pagkatapos ay tinuro si Maddy.

PINATITIGAN niya ang isang malaking bahay sa kanilang harapan nang huminto ang sinasakyan nilang kalesa. Gawa ito sa kahoy at katulad ito sa mga bahay nakita niya sa Ilocos.

Nag mamadali na bumaba ang isang dalaga sa hagdan para salubungin sila. Ilang beses din siya nito tinawag sa pangalang Esther.

"Binibini, mabuti nakarating ka agad. Kanina ka pa hinahanap ng iyong ina," parang naiiyak na saad nito sa kaniya. Inalayan pa siya nito makababa sa kalesa.

Nakakunot naman ang noo niya dahil hindi niya kilala kung sino ito. "Ang ngalan niya ay Flor," bulong ni Emmanuel sa kaniya bago siya makababa. Tumango siya rito bilang pasasalamat. Pinagpagan at inayos ni Flor ang kasuotan niya. Naiilang naman siya na inawat ito.

"Mga binibini, ako'y paparoon na at may pinapaasikaso pa sa akin si ama."

"Ginoong Emmanuel, salamat po sa paghatid sa aming binibini." Inalis ni Emmanuel ang suot nitong sombrero at tinapat sa dibdib nito bago marahan na tumungo.

Humawak ang kamay ni Flor sa kaniyang braso. Parang kinikilig na marahan siyang hinihila siya nito habang siya naman ay tinuon ang atensiyon kay Emmanuel.

"Sige, bye!" Tinaas niya pa ang kamay dito. Sabay na lumingon sa kaniya ang tatlo. Do'n niya lang napagtanto ang nasabi. Pilit na ngumiti siya sa mga ito bago tumalikod. Sumunod naman sa kaniya si Flor.

Ramdam niya ang tingin ni Emmanuel sa kaniya sa likuran ngunit hindi rin nag tagal iyon nang marinig niyang lumisan ang kalesang sinasakyan nito. Nakahinga siya nang maayos ngunit agad din siya kinabahan nang patitigan niya ang kaniyang nasa harapan.

Hindi mawala ang paningin niya sa malaking bahay na kahoy nang papaakyat sila at pumanhik sa loob. Bumungad sa kaniya ang makalumang kagamitan. Lahat nang ito ay magagara. Sa museyo lang siya nakakakita ng mga gano'n kagamitan pati na rin sa tahanan ng kaniyang lola sa probinsiya.

Bigla tuloy siya kinabahan at baka makabasag siya kung hindi siya mag-iingat. Paniguradong wala siyang pera pang bayad sa mga kagamitan dito.

"Senyorita."

Mahahalata ang pagmamadali ni Flor. Hinila siya nito sa isang silid bago pa may makakita sa kanila na ibang tao sa loob ng tahanan nina Esther.

"Kailangan mo magpalit ng iyong kasuotan. Ika'y mapapagalitan ng iyong ina kapag nakita iyang madungis mong bestida," turan sa kaniya ni Flor. Nasilip niya tuloy ang sarili sa malaking salamin nasa loob ng silid.

Nakakapanibago na iba ang kaniyang kasuotan. Maski ang ayos ng kaniyang buhok ay kakaiba kaysa sa kadalasan niyang buhok nakalugay lang.

Tinulungan siya ni Flor magpalit ng damit. Hindi man siya sanay na may taga ayos ay hindi na siya nagmatigas ng ulo. Kailangan niya mag blend in sa panahon kung nasaan siya. Sisiguraduhin niya rin na mahahanap niya ang kaniyang mga kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro