Kabanata 18
SABAY silang nagtungo ni Axel sa tahanan ng mga Escalante. Gulat na gulat ang mga ito nang makita silang dalawa na basang-basa sa ulan.
"Oh my, Kins! Anong nangyari?" nag aalala na tanong ni Lilac sa kaniya. Mabilis siya nito hinila sa kamay at pinapasok sa loob ng bahay. Dumako ang paningin niya kay Eliac nasa gilid ng hagdan nakatingin sa kanila.
Umiwas siya ng tingin dito at tinuon na lang ang atensiyon niya sa unahan paakyat patungo sa silid ng kaibigan. May ilaw na rin sa paligid pero hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan.
"Anong nangyari?" tanong ulit ni Lilac sa kaniya nang makapasok na sila sa loob ng silid. Saglit na tumingin siya sa likod ng pinto bago binalik niya ang tingin kay Lilac. Naghihintay ito sa kaniyang sasabihin.
Hindi siya makapagsalita. Ang ginawa na lang niya ay kinapa niya ang bulsa sa kaniyang likuran. Nagulat siya nang wala na ang notebook sa kaniyang bulsa. "Shit! Nasaan 'yon?"
"Ang alin?" nag tataka na tanong ni Lilac sa kaniya. Kinakabahan naman siyang nilingon ang likuran niya. Wala talaga.
"May napansin ka bang notebook sa likuran ng bulsa ko?"
Nagtataka pa rin tumingin si Lilac sa kaniya. "Wala ako napansin. Ano ba 'yon? May notebook ka bang nilagay d'yan?"
Tumango siya pagkatapos ay hinalamos ang mukha. Do'n naman kumuha si Lilac ng tuwalya at inabot sa kaniya. "Here, Dry clothes. Baka magkasakit ka niyan sa lamig."
BUMALIK sila sa salas nang makapagpalit na siya ng tuyong damit. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Naabutan nila sina Lupin at Cloud sa salas. Agad tumayo sina Cloud at Axel ngunit mas nauna makalapit sa kaniya si Cloud at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm glad you're fine."
Umalis siya sa pagkakayakap dito. Ngumiti siya rito. "Of course, I'm fine. I thought it was the killer but it wasn't. Si Axel lang pala," paliwanag niya.
Masamang tumingin si Cloud kay Axel. Umikot naman ang mata ni Axel. "I was worried about Kinsley. I went to their house to check her. Since, nasabi niya na umalis magulang niya. I tried to look through the window, after how many times I pushed the doorbell. That's the reason why I'm there."
"I didn't hear the doorbell. Masyadong malakas ang ulan."
"Kaya nga, sorry for scaring you." Lumapit si Axel sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya at tinitigan siya sa mata. Tumango siya.
"Anyway, bakit kayo nandito?" baling niya kala Cloud at Lupin.
Nag iingat din siya dahil kanina pa nakamasid sa kanila si Eliac. Tahimik nakikinig sa kanilang magkakaibigan.
"Bakit masama ba?" tanong ni Lupin. "Hindi," sagot niya.
"Just kidding. Nag aalala rin ako kay Lilac. Maganda siguro na magkakasama tayo. Naiilang ako sa 'min."
"You guys can stay here. Our parents are in out of town. I mean the real triplets," ani Bylac. Tumayo ito at pumasok sa loob ng kusina. Nang lumabas ito ay may bitbit itong bote ng alak.
"May balak pa kayo mag inumin? Someone just died!" reklamo niya sa mga ito. Hindi siya pinansin ni Bylac. Binaba nito ang alak sa coffee table. Umalis sina Axel at Cloud sa kaniyang tabi. May pag-uuyam na tinitigan niya ang mga ito.
Lumingon siya kay Lilac. "Guys," sinubukan ni Lilac kunin ang atensyon ng mga lalaki. Napasinghap siya. What the fuck is going on?
"It's not like we're used to it already. People die every day," ani Bylac sabay inom ng alak. Natigilan siya. Hindi siya makapagsalita. Inis na tinalikuran niya ang mga ito.
"Wait, Kins! Saan ka pupunta?" Habol ni Lilac sa kaniya. Nagpatuloy siya sa paglakad pagkatapos ay saglit nilingon ito. "Uuwi na ako. Mukhang nawalan na sila ng pakealam sa nangyayari," singhal niya. Hinawakan siya ni Lilac sa braso para pigilan.
"Don't go. 'Di ba ang usapan, we'll stick together? Please?"
She sighed. "Ok, but do'n tayo sa kwarto mo." Tumango si Lilac. "Got it."
MAGKATABI silang dalawa ni Lilac nakatulog sa kama nito. Naalimpungatan siya nang maramdaman naiihi siya. Napansin niya na hindi nakabukas ang ilaw. Sumilip siya sa bintana at malakas pa rin ang ulan. Mukhang hindi iyon titila agad. Sa tingin niya ay may bagyo pa.
Kinapa niya ang daan patungo sa bathroom sa loob ng silid. Maingat niya sinara ang pinto. Mabuti na lamang may maliit na bintana sa itaas kung saan nag bibigay ng liwanag sa loob ng kubeta. Sinimulan niya gawin ang ilang seremonya.
Naghuhugas siya ng kamay nang makarinig siya ng kaluslos galing sa labas. Hindi ito gano'n kalakas dahil maingay pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Dahan-dahan niya binuksan ang pintuan. Naabutan niyang mahimbing pa rin natutulog si Lilac sa kama.
Luminga-linga siya. Lumiwalas ang kaniyang pagmumukha nang makakita ng baseball bat sa gilid. Sobrang bilis din ng puso niya. Kinakabahan siya dahil nasa iisang bubong lang sila sa nag pakilalang Eliac sa kanila. Hindi siya nag dalawang isip na kunin ang baseball bat. Mahigpit niya itong hinawakan bago lumabas ng silid.
Nagtungo siya sa gilid ng hagdan. Kahit madilim ay may nakikita naman siya dahil may liwanag na pumapasok dahil sa ilang beses na pagkulog. Marahan siyang bumaba habang mahigpit ang kapit sa baseball bat. Malalim din ang bawat paghinga niya. Nang makababa siya ay bumungad sa kaniya ang salas. May bawas ang bote ng alak sa ibabaw ng coffee table. Agad niya binilang ang mga kaibigan.
Kinabahan siya.
Wala si Eliac at Bylac. Nasaan ang mga ito?
"Kinsley?"
Malakas siyang napasigaw sa gulat. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Nilingon niya si Lilac na halatang kakagising lang. Dumako ang tingin nito sa hawak niyang baseball bat. "Bakit may hawak kang ganyan?" kinakabahan nitong tanong sa kaniya bago agad nito kinuha sa kaniyang kamay.
Magsasalita pa sana siya nang marinig nila si Lupin nag mura. Sabay silang lumingon ni Lilac sa tatlong kaibigan.
"Fuck! Bylac!" malutong na mura ulit ni Lupin. Ginugulo nito ang buhok. Naguguluhan na lumingon si Cloud sa kanila. Si Axel naman ay biglang napatayo sa gulat. Lahat sila ay dumako rito.
"Bakit?"
May takot na umatras si Axel sa kinauupuan nito kanina. Hindi maalis ang tingin sa sofa. Kuryusidad na lumapit siya rito at sinilip ang tinitingnan nito. Agad siyang napatili sa nasaksihan. Narinig niyang umiiyak si Lilac sa kaniyang tabi. Hindi niya namalayan nakalapit na pala ito sa tabi niya.
"What the fuck? Bakit may paa ng baboy d'yan?!" sigaw ni Lupin. Muntikan pa ito masuka dahil sa dugo na tumutulo sa sahig.
"Guys, wala si Bylac," saad ni Cloud sa kanila. "What?!" gulat na sigaw ni Lilac. Lumingon-lingon pa ito.
"Wala rin si Eliac," saad niyang nakatingin sa mat ani Lilac. Namayani ang malutong na mura sa buong kasambahayanan. Lumingon sila kay Lupin nang mahina itong bumubulong at ginugulo ang buhok.
"Lupin!" tawag niya rito. May luhang tumingin ito sa kanila. "I shouldn't have agreed to Bylac," anito. Do'n na siya binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang katawan. Tanging tumatakbo na lamang sa kaniyang isipan ay si Eliac.
Kung si Eliac nga ba ang binata na iyon.
HINILOT niya ang sintido. Naririndi siya sa ingay ng ulan pati na rin ang kanina pang pag-uusap ng kaniyang mga kaibigan. Tumatakbo ang oras na hindi nila alam kung saan pupuntahan si Bylac. Mariin niyang pinikit ang mata at inalala ang lahat nangyari sa kanila. She needed a clue.
"Wala man lang nakapansin sa inyo na umalis si kuya? Si Eliac?"
"Baby, he's not Eliac. Ikaw na rin nagsabi, 'di ba?"
"Sa tingin ko may pangpatulog 'yong alak na ininom namin."
"But si kuya ang nag bigay ng alak sa inyo."
"Shi—"
Napatigil sina Lupin at sabay na lumingon sa kaniya nang bigla siya tumayo. "I think I know where Bylac is," anunsyo niya sa mga ito. Nabuhay ang pag-asa sa mga mata nito nang marinig ang kaniyang sinabi. Humawak sa braso niya si Lilac. Umiiyak pa rin ito.
"Saan?"
Sinabi niya kung saan nakatayo ang dating kakahuyan. Nawala iyon sa isipan ng mga kaibigan niya dahil kahit sabihin nasa Solomon pa rin sila. Maraming nagbago sa lugar.
"Ano pa ang ginawa natin? Puntahan na natin si kuya." Hinawakan niya ang kamay ni Lilac. Halatang nanginginig ito. Alam niyang kailangan na nilang puntahan si Bylac dahil ang bawat oras na lumilipas ay mahalaga. Baka may masama nang mangyari sa kanilang kaibigan ngunit hindi pwede silang sumugod na hindi man lang handa.
Kinuha niya ang baseball bat nasa gilid ng sofa. Napansin niya na tumayo rin si Cloud at nagtungo sa loob ng kusina. Lumabas ito na may dalang ilang kutsilyo. Gulat napatili si Lilac. Pinagsabihan ni Lupin si Cloud bago kinuha ang isang kutsilyong hawak nito.
Mahigpit na hinawakan ni Lupin ang kamay ni Lilac pagkatapos ay hinalikan ang noo nito. "We'll save your brother. This time, no one will die."
Nilingon niya si Axel nakatingin din sa kaniya. Tumango siya rito bago sila lumabas. Ginamit nila ang sasakyan ng pamilya Escalante. Tinahak nila ang daan sa malakas na ulan para puntahan si Bylac sa dating kakahuyan. Umaasa nando'n ang binata. Dahil kung wala, hindi na niya alam ang gagawin.
Pagod na siya sa nangyayari sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro