Kabanata 17
HUMINTO sila sa paglalakad ni Lilac nang tumapat sa kanilang harapan sina Bylac, Lupin, Eliac at Axel sa kanilang harapan. Kakatapos lang ng contest.
Katulad ng sinabi ng vocalist sa banda nina Cloud. Tumatak talaga sa kanila ang kanta ng mga ito. Mas lumawak ang ngiti niya nang makita niya si Cloud galing sa likod ng stage. May bitbit itong electric guitar sa likuran.
"Congrats!" sigaw niya rito. Ang grupo kasi nito ang nanalo. "Ang galing ng vocalist niyo," saad niya pa. Tumaas naman ang kilay ni Cloud. Natawa siya.
"Anong ganap niyo after?" Lupin asked. Nag yakapan naman sila ni Lilac dahil sa lamig. Medyo pawisan sila dahil sa pagtatalon nila kanina.
"Gusto ko na umuwi," ani Eliac. Bumaling sila rito. Nawala sa kaniyang alaala ang nangyayari. Masyado silang natuwa ni Lilac kanina. Hindi nila nagawang hanapin ang mga kaibigan na lalaki.
"Kain muna tayo, dude!" saad ulit ni Lupin. Sumang-ayon sila kahit halatang hindi natutuwa si Eliac. Masinsinan niya ito tinitigan. Parang wala ito sa mood.
"Saan kayo kanina?" tanong niya. Bumitaw si Lilac sa kaniya pagkatapos ay lumapit kay Lupin at ito naman ang niyakap.
"Nagkahiwalay din kami, eh." Nagkamot ng ulo si Bylac. Mas kumunot ang noo niya. Akala pa naman niya magkakasama ang mga ito. Balak pa naman niya sana tanungin si Axel kung ano ang ginawa ni Eliac habang magkakasama sila.
"Kain muna tayo saglit tapos uwi na," ani Cloud. "Papakilala ko rin kayo sa banda," dagdag pa nito. Natuwa naman siya. Hinawakan niya ito sa braso but still, attentive sa ginagawa ni Eliac.
Sobrang hindi talaga siya mapakali. Pakiramdam niya may magsisimula na naman na mangyayaring masama.
NAGTUNGO sila sa malapit na kainan. Umorder lang siya ng noodles. Na-miss niya bigla 'yong mga luto ng kasamabahay nina Esther. Kahit si Flor ay na-miss niya. Sana nasa maayos lang ang kalagayan nito.
Nagkukwentuhan silang magkakaibigan. Nasa kabilang lamesa ang banda ni Cloud. Napakilala na sila ni Cloud sa mga ito. Ang pangalan ng banda nila ay Ecstasy. Bagay naman sa kanila dahil gano'n talaga ang nararamdaman nila habang kumakanta at tumutugtog ang grupo.
Natigilan siya nang lagyan siya ni Axel ng baboy sa noodles niya. Wala itong sinabi bagkus ay nagpatuloy lang sa pagkain. Nahihiya naman nag pasalamat siya.
Sa kasiyahan na kanilang naranasan kanina. Hindi niya akalain ay may kaakibat iyon na isang kahindik-hindik na balita nag patigil sa kanilang pagkain. Bumagsak ang tinidor na kaniyang hawak sa kamay nang marinig ang may-ari ng karinderya.
"May natagpuan na isang bangkay ng babae sa isang eskinita."
Rinig na rinig niya ang sinabi nito. Parang isang kampana na paulit-ulit kumalembang sa kaniyang tainga. Lahat silang magkakaibigan ay nagkatinginan sa isa't isa at panigurado siyang iisa lang ang kanilang iniisip.
"Hindi na gano'n makilala," saad pa ulit ng ale.
Patagong tiningnan niya si Eliac na abala sa pagkain sa paa ng manok. Napalunok siya. Paanong nangyari 'yon? Buong akala pa naman niya ay silang magkakaibigan lang ang target nito.
Naguguluhan siya. Hindi na niya alam kung ano ang totoo.
MAY pangamba sa kanilang loob nang umuwi sila ng gabing iyon. The whole time ay pasulyap-sulyap siya kay Eliac na tahimik lang. Alanganin nag paalam siya sa kaniyang mga kaibigan nang matanaw na niya ang kanilang tahanan.
Hindi mawala sa kaniyang isipan ang biglang nangyayari. Kakarating lang nila sa taong 1980 at ito agad ang bubungad sa kanila. Mas lalo siya natakot. Hindi niya mapigilan na dumako ang isipan kung nag papanggap bang si Eliac ang may kagagawan nito o may ibang tao sa likod nito.
Tahimik ang tahanan nila nang makauwi siya. Patay ang ilaw sa buong kabahayan dahil nag paalam sa kaniya na hindi makakauwi ang magulang ni Esther. Siya lang mag-isa ngayon sa bahay. Hinanap niya ang switch ng ilaw. Kinapa-kapa niya ang ding-ding.
Wala siyang cellphone kaya hindi niya magawang gumamit ng flashlight. Sa tahimik na paligid. Rinig na rinig niya ang ingay ng takbo ng kaniyang puso. Kinakabahan pa rin siya dahil hanggang ngayon ay naalala niya pa rin ang nabalitaan nangyari kanina.
Mas lalo siya natakot nang magulat siya. Biglang bumagsak ang malakas na ulan at umani ito ng kidlat. Binilisan niya kumapa sa ding-ding. Gumaan ang pakiramdam niya nang mahanap ang switch ng ilaw. Unti-unti bumukas ang ilaw sa loob ng kasambahayanan.
Pumunta siya sa kaniyang kwarto at iniwan bukas ang ilaw sa salas. Pabagsak siyang humilata sa kama. Iniwan niyang nakabukas kaunti ang pinto. Mas lalong lumakas ang ulan habang pinagmamasdan niya ang glow in the dark na mga bituin sa kisame. Tumatakbo sa kaniyang isipan ang lahat.
"Hindi pa rin ba ikaw tapos Isagani?" tanong niya sa hangin. "Ilang kaluluwa pa ang gusto mong makuha?" saad niya pa. Niyakap niya rin ang sarili dahil sa lamig. Nakita niyang nakabukas pala ang bintana sa kwarto niya. Tumayo siya at sinara agad ito.
Babalik na sana siya sa kama nang mapasigaw siya. Biglang namatay ang ilaw at biglang bagsak ng isang bagay. Mabilis niya kinapa ang daan at tinungo kung saan niya narinig na may bumagsak.
"Fuck!" malutong na mura niya nang bumagsak siya sa sahig dahil may nakaharang sa paanan niya. Kinapa niya ang dilim hanggang makapa niya ang isang maliit at makapal na libro. Nagtataka man kung paano napunta ito roon ay kinuha niya ito.
"What's this?" tanong niya sa sarili nang biglang bumalik ang ilaw. Bumungad sa kaniyang harapan ang hawak na brown na kuwaderno. Kumunot ang noo niya. Sobrang luma nito at familiar ito sa kaniya.
"Paano napunta rito notebook ni Emmanuel?"
Binuklat niya ito. May bumagsak sa sahig na lumang papel. Kinuha niya ito at umupo sa gilid ng kama. Sobrang bilis ng kaniyang puso. Nakikipagsabayan sa malakas na ulan at kulog. Bumuntong hininga muna siya bago maingat niya binuklat ang lumang papel.
"Isay. Isay?" naguguluhan niyang saad. Kilala niya si Isay. Ito ang kapatid ni Isagani. Tinitigan niya ang papel. Familiar sa kaniya ang sulat kamay. "D-don't tell me.. shit!"
Si Emmanuel ang kasintahan ni Esther? Gulat na gulat siya sa kaniyang nalaman. Parang kakasabi niya lang kay Lilac ang tungkol sa mga sulat ni Esther tapos ngayon malalaman niya na si Emmanuel ang nag susulat sa dalaga?
Bigla siya nalungkot. Naalala niya kung paano ilang beses sinabi sa kaniya ni Emmanuel na gusto nito mahanap ang tunay na Esther. Bakit hindi niya iyon nahalata? Buong akala niya talaga na magkaibigan lang ang dalawa.
No'ng una naman kasi ay wala itong sinabi na magtuturo sa kaniya na may relasyon ang dalawa? Maliban na lang kung wala naman talaga? Paano kung hindi pala alam ni Esther na si Emmanuel ang nag susulat sa kaniya? Naalala niya na walang mga pangalan iyon.
"Ano ba 'yan! Ang sakit sa ulo!"
Binalik niya ang tingin sa papel. Bigla siya napatanong kung bakit sinulat iyon ni Emmanuel? Ano ang gusto nito iparating sa kaniya?
"Kanino ba 'tong notebook?" Binuklat niya ulit ang makapal na notebook. Maingat dahil baka mapunit ito. Nakita niya na sulat kamay ito at itim ang tinta. Nang matigilan siya. Binalik niya ang tingin sa hawak na papel.
Isay.
Binalik niya ang tingin sa nakasulat sa notebook. Do'n lang nagtagpi-tagpi sa kaniya ang lahat. Ang notebook na iyon ay pag mamay-ari ni Isay na kapatid ni Isagani. Napagtanto niya rin na ito ang kinuhang notebook ni Emmanuel. Kaya pala familiar sa kaniya ang itsura ng notebook.
Simula makarating sila sa taon 1980. May mga bagay na hindi niya agad naalala. Nakalimutan niya na ito ang kuwaderno na pinabasa sa kaniya ng binata.
"Shit. Dito nalaman ni Emmanuel kung paano sila makakaalis."
Nilipat niya ang pahina sa dulong bahagi. Muntikan na niya mabitawan ang notebook sa kaniyang nabasa. Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi pa nakakatuwa ang palakas na palakas na ulan dahil nakakadagdag iyon sa kaniyang pagiging nerbyosa.
Napatayo siya agad sa kaniyang kinauupuan nang biglang namatay ang ilaw. "Wrong timing naman!" singhal niya.
Sinara niya ang notebook at sinuksok sa kaniyang bulsa sa likuran ng pantalon. Sinubukan niya kapain ang daan palabas ng kaniyang silid. Biglang kumulog at ang liwanag galing dito ay pumasok sa loob ng kanilang tahanan.
Saglit lang iyon dahil dumilim ulit ngunit nang kumulog ulit ng malakas ay napalingon siya sa salas dahil may narinig siyang kaluskos at muntikan na siya matumba. Itim na anino ang bumungad sa kaniya. Sa gulat niya ay hindi niya agad nagalaw ang paa.
Sa labas ng kanilang tahanan. Sa tapat ng bintana ay may itim na aninong hindi gumalaw sa kinatatayuan nito. Mas lalo siya kinabahan. Hindi niya alam kung nakita ba siya nito dahil nasa pinakagilid siya nakatayo. Luminga-linga siya. Inis na inis siya sa sarili dahil mukhang hindi gumagana ang isipan niya sa mga oras na iyon. Binalot siya ng takot sa buong katawan at nahihirapan mag isip nang maayos.
Ilang mura na ang pinakawalan niya. Nang dumilim ulit ay kinuha niya iyon dahilan para tumakbo patungo sa pinto para makalabas. Tanging nasa isipan niya sa mga oras na iyon ay puntahan ang tahanan ng kung sino man niyang kaibigan.
Bumabagsak ang ulan sa buo niyang katawan nang tuluyan siya makalabas. Hindi na niya inisip kung paano niya nagawang makalabas na hindi nadadapa sa dilim.
Tumakbo siya ngunit napasigaw siya nang may humila sa kaniyang baywang. "Ahhh! Bitawan mo ako!" sigaw niya rito. Sinubukan niya rin kumawala sa hawak nito at ready na rin siya sapakin ito.
"It's me. It's me!"
Mabilis siyang bumitaw dito. Inis niyang nilingon si Axel. "What the fuck!"
Tinulak niya ito sa dibdib. Parehas na silang dalawa nito basang-basa sa ulan. "Don't sneak at me like that! I thought you're Eliac!" singhal niya rito. Niyakap naman siya nito ng mahigpit.
"I'm sorry. I'm sorry!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro