The Final Encounter
R E N
Days
Weeks
Months
And then it became Years....
Years have finally came, two years. Two and a half years to be exact. It's been two years since everything happened like a page on stories, it flew up.
Two years na simula ng iwan ako ni Yoongi sa ulan, isn't it ironic, ako ang tumatakbo sa mga problema ko noon. ngayon ay ang taong mahal ko naman ang naglakad paalis ng tuluyan sa buhay ko.
"Ren, ano tulala lang ang peg? Bigay mo na ito sa customer"
Ma-awtoridad na utos ng nanay ko.
"Yes ma'am!"
Two years, sobrang dami ng nangyari sa loob lang ng mahigit dalawang taon. Tulad ng plinano ko, pagkatapos ng kontrata ko ay umuwi na ako sa bansa at hindi na nagplanong bumalik pa.
Sa mga natirang bwan ko sa Korea ay hindi naging ganoon kadali, pero nagamit ko naman ang naipon ko upang makapag-pundar ng isang maliit na cafe dito sa amin.
Para kina Papa.
At dahil malakas ang kita namin, naisip kong magtayo na ng iba pang branches sa iba pang lugar dito sa Pilipinas.
Sabi nga nila, good things comes to wait. Pero hindi naman pwedeng maghintay ka nalang hanggang sa amagin ka. I've tried everything para maging successful at useful ako sa pamilya ko, at para malibang.
"Hi freeny!"
I mentally rolled my eyes when I heard her voice. Andito na naman s'ya para manggulo.
"Wag kang malikot baka matapon ito" Pagsusungit ko dito. Agad kong nilapag sa table ng customer yung order n'ya.
"Eto na po sir.... Y-yung order n'yo" Napatigil ako at masinsinang tinignan yung customer.
"Ano ba naman itong lalaking ito, balot na balot, ang init init naka-jacket pa. Haler! Summer na po, feeling n'ya siguro ay nasa korea s'ya". Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa pagiging judgemental ko na naman.
"Attitude ka gHorL"
Hinampas ko ng tray si Medz na nasa likod ko lang pala. Bwisit talaga itong babaeng ito! Ang ingay-ingay.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito, bawal na libre huh, papaputol ko na kay tatay 'yang kamay mo kung magkataon" Pananakot ko dito na ikinatawa lang n'ya. Bakit ko pa nga ba s'ya tinatakot eh hindi naman yan natatakot sa pagbabanta ko.
Tulad n'yan tawa ng tawa, sige mamatay ka d'yang mag-isa sa kakatawa mong bwisit ka.
"Hay nako! Pakasalan mo na kasi yung jowa mo!" Konti nalang talaga, konti nalang sasapakin ko na s'ya.
"Ano papakasalan ko yung fictional character?" Napailing ito.
"Hirap talaga pag-tumatandang dalaga, tsk. Wala kang shift ngayon sa hospital?"
"Mukha bang meron?" Pamimilosopo ko dito kaya nakatanggap ako ng malakas na hampas. Tangina, habang tumatagal lalong lumalakas itong amazonang ito!
I'm still serving people as a Nurse, actually, kakauwi ko lang kahapon galing sa isang charity namin. I don't know, sobrang saya lang makitang nakangiti yung ibang tao.
Gusto ko lang makitang nakangiti sila at masaya. Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi ko mabitawan ang pagiging isang Nurse.
Tumutulong lang ako kina mama sa cafe kapag ganitong walang pasok.
Isn't it ironic, ako itong nagpapasaya, pero ako rin itong hindi makita yung tunay na magpapasaya.
"I wish Jen is here" Nakabusangot na sabi ni Medz. I wish too. I really miss her.
Pagka-balik ko ng bansa ay si Jen naman ang umalis, they migrated in Australia. Doon na daw s'ya magiistay at maghahanap na ng jowa n'ya.
Mapait akong napangiti habang nakamasid sa buong lugar, sa lahat ng nakamit ko sa buhay ko, hindi ko alam pero parang may kulang parin.
"Ang weird ng lalaking iyon 'no!" Pinalo ko yung kamay ni Mendz nang ituro n'ya yung lalaking balot na balot.
Kulang nalang maging lumpia s'ya.
"Wag ka ngang ganyan, loyal customer ko 'yan kaya umayos ka" Sambit ko dito.
Isang linggo narin s'yang pumupunta dito, his presence are really intimidating, parang may kung ano sakan'ya.
Sa isang linggo n'yang pagpunta dito sa cafe, lagi s'yang nakadungaw lang sa bintana, o hindi naman kaya ay nagbabasa ng dyaryo. tapos may suot-suot pang mask. Hindi kaya may sakit s'ya?
Hanggang sa nasanay na akong palagi s'yang nandyan, parang sobrang peaceful lang n'yang tignan. Paranag wala s'yang pinagdadaanan sa buhay n'ya. Pero never kong nakita ang mukha n'ya dahil balot na balot s'ya takot atang maarawan ang isang ito.
Hanggang sa isang araw hindi na s'ya dumating, alam ko namang palagi akong naiiwan. Pero tangina, hindi na talaga s'ya dumating.
Lumingon-lingon ako sa kapaligiran, pero wala talaga s'ya, naramdaman ko ang biglang pagbigat ng dibdib ko. Kahit gabi na at madilim na sa labas ay naghihintay parin akong baka sakaling dumating s'ya.
But he never came.
Tangina, ang sakit talaga kapag nasanay ka na sa presensya ng isang tao, tapos bigla nalang s'yang mawawala.
Kinabukasan..... Maaga akong bumangon at tinignan kung andito na ba ulit yung lalaking nakakaintriga.
Paano ko nasabing lalaki? Dahil halata naman sa hugis ng katawan n'ya, parang magkasing katawan lang sila ni Yoongi, pero mas lamang yung unknown guy.
Yoongi na naman.
Luminga-linga ako sa paligid, marami ng customer, pero wala s'ya. Napabuntong hininga ako, bakit ba umaasa akong darating pa yung unknown guy na iyon.
"Sinong hinahanap mo?"
Ani mama.
"Uhm. Yung customer po nating weirdo? Dumating na ba s'ya" Para bang may kung anong tumusok sa aking puso nang umiling si mama.
Bakit ko ba nararamdaman ito? Siguro ay nasanay lang tlaga ako sa presensya n'ya.
"Wag mong sabihin anak na, may pumalit na d'yan sa puso mo?". Hindi ako nakasagot sa sinabi ni papa.
Can I love somebody else again?
Simula noong iwan ako ni Yoongi, kahit kailan hindi na ako pumasok pa sa relasyon. Hindi dahil sa takot ako, pero dahil nagbabakasakali akong babalik s'ya.
Na hahanapin n'ya ako.
At sabihing mahal parin n'ya ako.
But he never came back....
Nabalitaan ko nalang na pumasok na s'ya sa military ilang bwan ang nakakalipas ng pumasok din si Jin.
It made my heart wrench, kahit ngayon. Pero ngayon sinasanay ko na ang sarili ko, damn. Ang tagal na, baka nga nakamove on na s'ya, at ako nalang ang naiwan.
Napasabunot ako sa sarili ko. Ugh! Bakit ko ba inaalala iyon, nagmo-move on na nga ako eh.
Tumakbo ako papunta sa favorite place nung weirdong customer, tumingin tingin ako sa bintana ngunit hindi ko s'ya makita sa labas. Darating pa kaya s'ya?
Ewan. Ang weird din ng feeling ko, pakiramdam ko, pakiramdam ko ang weird kapag wala s'ya dito o hindi ko s'ya nakikita.
Masyado na akong nasanay na nakikita ko s'ya ng tahimik at nagbabasa lang ng dyaryo n'ya.
Wag naman sanang may crush ako sa isang lalaking hindi ko nga makita ang mukha dahil sa balot na balot s'ya. Hays! Ren ano ba!
Nakasalampak ang balikat kong umalis sa pwesto ng weirdo. Mukhang hindi na nga s'ya darating.
Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya't nabunggo ko yung isang customer.
"S-sorry po"
"Ako ba ang hinahanap mo?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong muli ang boses n'ya. Tangina. Ganun ba ako ka-obvious na hinahanap ko s'ya? Lihim akong napangiti dahil sa wakas nandito na s'ya.
"A-ah k-kayo po pala sir, welcome po" Nahihiyang sabi ko dito. Malapad ang ngiti ko, nakita ko na s'ya. Lumuwag yung pakiramdam ko. Akala ko ay hindi na s'ya darating, na-late lang pala.
"Miss sabihin mo. Paano kung may taong gustong bumalik sa'yo, kasi mahal na mahal ka parin. Tatanggapin mo pa rin ba s'ya" Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit nakaramdam ako ng dissapointment? May gusto na pala s'yang iba.
Sandali akong nag-isip. Kung may babalik ulit?
"Kung mahal mo s'ya bakit hindi diba?" Hindi ito nagsalita at nagbabasa parin ng dyaryo n'ya. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat n'ya.
"Alam mo sir, kung ako, tatanggpin ko s'ya. Alam mo kung bakit, kasi minsan lang magbigay ng second chance ang tao at minsan ka lang din magbigay ng second chance na malay mo hindi mo pagsisihan sa huli" Nakangiti kong sagot sakan'ya At bumalik sa counter.
Dahil hindi lahat ng gusto nating bumalik, babalik pang muli.
Never waste the time.
--
"Ren!" I rolled my eyes on her.
Ano na naman ngayon? "Ren, nakabili na ako ng ticket ng concert ng bangtan dito!"
Hindi ako nakasagot habang si Medz ay talon lang ng talon.
Gaano na ba kayaman ang babaeng ito at nakakabili na ng concert ticket.
"Dalawa ang binili ko, isa para sa akin. Isa para sa'yo"
Hindi ako nakasagot, tangina, yung puso ko. Ang bilis ng tibok nito dahil sa excitement at kaba.
"A-ano ka ba alam mo namang busy ako diba? Paano naman ako makakasama sa'yo?" Pagmamaktol ko dito, gusto ko narin makita ang mga anghel ko. Pero sobrang dami ko kasing ginagawa.
"Ano ba Ren, minsan lang sila magconcert sa pinas. Tsaka ghorl, hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance na maka-attend sa concert nila. kahit naman hindi na sila kumpleto dahil nasa military parin si Yoongi-"
"Wag mo ng banggitin ang pangalan n'ya" Mapakla kong sabi dito. Oo na bitter na kung bitter, hindi pa ako totally nakakamove on sakan'ya dahil hanggang ngayon umaasa parin ako kahit alam kong wala naman na talaga ako sakan'ya.
Ibinigay nito sa akin yung concert ticket. Tangina ang yaman talaga ni Medz, nasa pinakaunahan talagang pwesto ang binili n'ya.
Shet! Kitang kita ko nun ang bangtan kung magkataon. Pero dapat ba talaga akong pumunta?
Nakatingin parin ako sa ticket, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil pagkatapos ng maraming taon, makikita ko na ulit sila sa personal. Sa skype nalang kasi kami nagkakamustahan minsan, at aaminin kong mas lalo silang gumagwapo habang tumatagal.
Siguro hindi parin nakakalabas ng military si Yoongi, hindi pa nababalita eh.
I let out a deep sigh because of nervousness and unease I feel. Tangina, habang naririnig ko ang boses ng libo libong armies na nasa loob ng arena ay hindi ako mapakali. Mas lalo akong naeexcite na kinakabahan na parang natatae.
"Girl, chill ka nga lang masyado kang kabado eh"
Medz gigled and raised her army bomb. Suot suot pa n'ya yung headband ni chimchim.
Samantalang ako? Si shooky ang suot ko. Okay lang yan, hindi naman iyon malalaman ni Yoongi dahil wala s'ya dito. Napangiti ako dahil sa kapilyahang naisip ko. Tsk. Kahit kailan talaga ren! Kahit ilang beses mo pang i-deny, mahal mo parin s'ya.
Napatingin ako sa dalawang magkaibigang katabi ko ngayon. Kanina pa sila hindi mapakali at gusto ng lumabas ang bangtan.
"Hi! Ako nga pala si Ren!" Pagpapakilala ko sakanila, hindi ko alam ang gaan ng loob ko sakanila.
"I'm Frances"
Pagpapakilala ng isang babaeng maganda sa akin, she have short hair and almond eyes with her thick eyebrows.
Nakangiti ito sa akin, mas lalo pala s'yang maganda kapag nakangiti ng ganito. Parehas kaming maganda.
"I'm Leovine, Lei for short"
I think he's a bisexual. Sa pananalita palang at pagkilos n'ya eh.
"Oh my gosh! Gusto kong makita si RM, siguradong patay ako sa jowa ko kapag nalaman n'yang pumunta ako dito"
Sabay kaming tatlong natawa dahil sa pagsigaw at pagsasayaw na weird nitong si Lei.
And, there we go. Nagsitaasan ang balahibo sa buong katawan ko nang bigla kong magsalita si RM. Tangina nagmimic test palang ang gwapo na.
Si Lei naman 'eto, kulang nalang maglumpasay na sa sahig dahil sa kilig.
Sabay sigaw ng: "omg! RM ang dami mong pictures sa'kin! Sinave ko galing pinterest, ang gwapo ng boses mo, lumabas na kayo please!"
Masaya s'yang panoorin noon sa youtube, ang sarap magtanong kung anong pakiramdam na makasama sa concert nila.
Pero ngayon alam ko na, alam ko ng pwede akong mamatay pagkatapos ng araw na ito. Kasi makikita ko na ulit sila at makakasama na ako sa ocean wave ng army bomb.
The concert goes on, nakaka-excite lalo na kapag sumisilip yung abs nila. Hindi ko na nga marinig yung sarili kong sigaw dahil sa libo libo ba naman kaming sabay sabay na sumisigaw at nagchi-cheer sa anim na ito.
Yes. Anim lang sila dahil wala si Yoongi. Humingi rin sila ng pasensya dahil anim lang sila ngayon dahil nga nagseserve parin si Yoongi. Pero mas masaya sana kung kumpleto parin sila.
Napansin ako ni Jimin kaya umupo s'ya sa tapat ko at nagwink sa akin. Tangina. Yung puso ko, ngayon ko lang ulit sila nakita ng ganito kalapit.
Yung buong pagkatao ko sumisigaw at nagdidiwang dahil nakita ko na ulit sila.
Ayoko mang matapos ang concert nila, pero parang ang bilis lang ng oras at ngayon ay magpapaalam na ulit sila.
Pwede bang i-extend?
"Hello manilaaaaaaaaaa!"
Sigaw ni Jimin kaya't naghiyawan ulit kami.
"Hello my futureeeeee!"
Sigaw naman ni Medz, taenang 'to. Inlove na inlove talaga kay Jimin.
"Sorry to say, pero kailangan na ulit naming magpaalam"
Napa-awwwww naman kaming mga armies. Taena, hindi pwede, mag-stay muna kayo please!
Narinig ko ang paghikbi ng katabi ko ring si frances, ang babaw pala ng luha n'ya. Ni-tap ko ang kan'yang likod at bahagyang natawa sakan'ya.
Pero ganoon talaga, lahat may katapusan. Lahat may hangganan.
"Mahal namin kayo amiiiii!"
Sigaw ni Jhope.
"Mahal din kitaaaaaa!"
Sabay-sabay naming sigaw. "Mahal namin kayo, pakasalanan n'yo na kami!"
Birong sigaw ko.
"Pero bago matapos ang lahat, gusto naming ialay ang isang awiting ito para sa isang taong napaka-espesyal sa amin"
Narinig ko ang hiyawan ng lahat, pero naistatwa ako nang tignan ako ng bangtan at inayang paakyatin sa stage nila.
"Omg ghorl! Go na!"
Pagtulak sa akin ni Medz. Wala akong nagawa kundi maglakad patungo sa stage, inalalayan naman ako ng mga body guard at tinulungan din ako nina taehyung at sinalubong ako sa isang mahigpit na mahigpit na yakap.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko dahil sa galak na nararamdman ko dito sa aking puso. Walang mapagsidlan habang yakap-yakap ko silang anim.
Pinunasan ni Jungkook yung luha ko at iniharap sa tahimik na tahimik na armies. Hindi ko sila makitang lahat dahil sa spotlight na nakakasilaw at masakit sa mata.
"Ren has been part of the darkest and greatest valley of our lives" Namjoon stated as his voice cracked and his tears are running down his cheeks again.
"She means a lot to us"
Jimin look at me, wiped my tears away. Hindi parin s'ya nagbabago, sweet parin at maliit hahahaha.
"At gusto ka naming pasalamatan para doon"
Ngayon naman ay si Jin ang nagsalita.
"And because of that may gusto kaming ipanood sa'yo"
Kumunot ang noo ko, naguguluhan ako sa sinasabi nila. Pero kahit na ganoon ay humarap parin ako sa isang malaking screen at tahimik na nanood.
It was all black and then the picture of the eight of us flashed at the screen. Ito yung panahong nag-camping kami, pero bakit eto pang picture namin kung saan magkatinginan kami ni Yoongi. ano na namang trip ng mga ito? Aasarin na naman ba nila ako?
And then something played on the background it was soft sound and acoustic.
And then Another video flashed. It's the seven of them.
We are glad we met her....
Ang galing talaga ng tadhana, pinakilala n'ya yung taong makakapagbago ng buhay namin, ng bawat isa sa amin.
it was cut again. at biglang lumabas sa screen si yoongi na kumakain.
"gaano mo kamahal si Ren?"
rinig kong tanong ni jhope sa likod ng camera.
"more than my sleep"
sagot ni Yoongi na mas lalo lang nagpabilis ng tibok ng puso ko kasabay ang pag-awww ng armies.
nagplay din doon yung gabing kumakanta kaming dalawa ni Yoongi ng maybe the night, that was the time na nag- hot air balloon kami, bakit hindi ko man lang napansing gising pa pala ang mga ito at kinukuhaan kami ng video.
may nagplay muli dito, pero, ito yung time na. wait? 'eto ba yung na hospital si Yoongi? napasinghap ako nang marealize ko kung anong pinapakinggan at kinakantiyawan nila.
the seven of them are listening to my voice message for Yoongi, pulang-pula si Yoongi at paulit-ulit na tinatakpan ang sariling mukha habang naririnig nila yung voice message ko. tangina, hindi ko alam na ganyan pala s'ya kiligin kapag kinakatiyawan ng anim.
It was cut again. And then again, Jin was filmed. "Yoongi and Ren? Ah, they've been through a lot actually"
Jin continued.
"ang dami kong nakitang kaweirduhan ni Yoongi dahil kay ren, she really test his patience lalo na kapag ginigising o iniistorbo ni ren si yoongi sa pagtulog, pagktapos ay pinag-aegyo pa. oh ano ren? kala mo di ko alam ahhh! lasing lang ako nun, pero nakita ko kacutan ni yoongi nung lasing s'ya"
his windshield laugh, enveloped the place. pumalakpak pa si jin bago mag-cut ang video.
"Ang daming bagay na pinarealize sa akin ng ating couple of the year" Ngayon ay si taehyung na ang nagsalita. "Noong time na nasa hospital kami dahil nabaril si Ren, nakita ko kung gaano nagalala si Yoongi hyung sakan'ya at kung paano s'ya lumuhod sa harap ng pinsan ni Ren. Doon ko narealize na may nararamdmaan na talaga si Hyung sakan'ya, dahil kahit kailan hindi n'ya iniyakan ang isang babaeng hindi naman n'ya kaano ano, hindi s'ya nagsasayang ng luha sa mga taong hindi importante sakan'ya" Napasinghap ako, bakit hindi ko alam iyon? Naramdaman kong tuloy tuloy sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa mga nalaman ko, pero bakit ngayon pa? Bakit kung kailan wala naman na kami?
"si Ren, masasabi kong napakatibay n'yang babae, kahit anong mangyari at kahit buhay pa n'ya ang kapalit, gagawin n'ya para sa mga mahahalagang tao sa buhay n'ya, sa swag couple ko naramdaman at naintindihan, na kapag nagmahal ka, mamahalin mo lahat sakan'ya. kahit yung kaweriduhan pa n'ya"
dagdag pa ni taehyung na nagpa cute pa sa harap ng camera, at nilabas ang boxy smile n'ya.
Naramdaman ko ang pagtap ni Namjoon sa aking likod.
Ngayon naman ay si jungkook ang lumabas sa screen. "Pinaka hindi ko makakalimutang memories sakanilang dalawa?" Pagtatanong nito, para banag may nagtanong skaan'ya sa likod ng camera.
Sandali itong nagisip. "Natatawa ako kay Yoongi hyung, nung first date nila ni noona. Para s'yang tangang natataranta at nagpapatulong sa amin kung saan makakahanap ng sweet cakes na gustong gusto ni noona" Hindi ko napigilang mapahikbi nang marinig ko iyon.
Akala ko ba? Akala ko ba nadaanan n'ya lang iyon sa pagpunta n'ya sa hospital? Hindi ko mapigilan yung bigat at at sakit at galak na nadito sa puso ko hindi ko maintindihan. hindi ko maintindihan yung nararamdmaan ko.
"Sa inyong dalawa, nako! Sakit kayo sa ulo! Pero mas masakit yung walang ulo" Biglang natawa si Jhope sa video, kaya narinig ko din ang ilang paghagikhik ng armies na nanonood din.
Pero bakit kailangan may ganito? Bakit kailangan pang ibalik ang sa amin ni Yoongi? tapos na kami hindi ba? wala na kami? iniwan na n'ya ako at ayaw na n'ya akong muling makita pa.
"I hate snakeu! Pero seryoso, para sa inyong dalawa matuto kayong magpakumbaba. Marami pa kayong haharapin in the future, palagi kayong magtiwala sa isa't isa dahil iyon yung magiging pundasyon ng pagmamahalan n'yo" Napayuko ako bigla. Tiwala. Iyon Yung hindi namin nabigay sa isa't isa.
This time si namjoon naman ang nagsalita.
"Malaki ang naging kasalanan ko sa dalawa, hindi kinaya ng kagwapuhan ko. pero sila ang nagpatunay sa akin na ang pagmamahal, hindi nasusukat sa materyal na bagay, hindi iyan sa dami ng naabot mo sa buhay o pagiging mapagmataas"
"Iyon ay sa pagiging simple n'yo sa isa't isa, at sa pagmamahal na ibinibigay. Kaya sainyong dalawa, palagi n'yo lang suportahan at pakinggan ang bawat isa. malalagpasan n'yo lahat ng pagsubok ng magkasama. Strong power thankyou!" Hindi ko lubos maintindihan, bakit pa nila sa akin pinapakita ang mga ito, gulong gulo na ako. Bumabalik na naman lahat ng masasakit na nangyari sa aming dalawa ni yoongi.
"Ako aaminin ko, ideal girl ko si Ren pero dahil may bro code kami at nakita ko kung paano magselos si hyung, nagparaya ako. Gusto ko lang na ingatan n'yo ang isa't isa at nagpapasalamat ako dahil pinakita n'yo sa akin yung tunay na kabuluhan ng pagmamahal"
"Ibang-iba si hyung, tuwing kasama n'ya si Ren. Tumatawa s'ya kahit sobrang corny na ng joke ni Ren, at nahuhuli ko s'yang nakangiti habang tinitignan si Ren, nagagawa ni hyung na igive up yung paborito n'yang pagkain para lang ibigay kay Ren" lihim akong napangiti dahil sa narinig kong sinabi ni jimin sa video. naaalala ko tuloy nung kinain ko ang ice cream ni yoongi, akala ko magagalit s'ya pero kiniss n'ya Lang ako solve na s'ya.
I was still schock at the moment, hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Dahil sa ginagawa at pinapakita nila mas lalo lang akong naasang babalikan ako ni yoongi.
Please tama na. gusto ko ng maka-move on, katulad ng matagal na n'yang ginawa, pero dahil sa ginagawa nila, bumabalik lang ang lahat at umaasa na naman ako.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumugtog ang kanta nilang "miss right".
"ARE YOU READY ARENAAAAAAA!"
Sigaw ni Hobi kaya't lahat ng filipino armies ay nagsihiyawan at excited na iwinagayway ang army bomb.
Nagsitaasan yung balahibo ko dahil kitang kita ko dito sa taas ng stage kung gaano kaganda ang army bomb kapag pinagsama sama.
https://youtu.be/UL0ECRo-rks
"Inaalay namin ito sa aming miss right, na naging matibay ng mga panahong hindi namin kayang maging matibay para sa sarili namin!" Sigaw ni Namjoon at tinuro ako ng anim bago magsimulang magrap si rm.
Inakbayan ako ng mga ito, pero hindi ko maiwasang tumingin sa likod na patuloy na nagfa-flash yung mga picture naming walo. Lalo na naming dalawa ni yoongi.
May isang picture ako doon, nakangiti ako at hindi alam na kinukuhaan ako ni Yoongi. Sa tingin ko ayon yung panahon na magka-away pa sila ni RM at nasa dressing room kami.
Inakbayan ako ng anim at inaliw at sinayaw sayaw pa ni Jimin. Susulitin ko na ang pagkakataong ito, habang nakikialiw pa ang ibang armies. at habang kasama ko pa ang bangtan.
Parating na ang second verse kung saan part na ni Yoongi, naghanda na si hobi sa tingin ko ay s'ya ang kakanta. Hinawakan n'ya ang kamay ko at tinignan ako ng kaakit akit n'yang mga mata.
"Mic test, hello hello"
Narinig ko ang tilian at hiyawan ng buong paligid. Pero parang napako ang mga paa ko habang kaharap si jhope, hindi ko magawang lingunin yung boses na narinig ko.
Yung malalim na boses na iyon, yung sexy at mapangakit na boses na iyon. Naramdaman ko ang mga luha kong patuloy lang sa pag-agos, hinanap ko s'ya kahit saan, lumingon ako, lumingon ako. Pero hindi ko s'ya makita, hindi ko makita kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Even the weather is good,
I think I'm perfect with you
Wanna walk together? Wanna walk together?
Even the weather is good
I think I'm perfect with you
You're someone
who only exists in novels
It's you
Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko, dahan dahan kong tinignan kung saan nanggagaling ang boses ni Yoongi.
Napasinghap ako at natakip ko ang aking bibig gamit ang kamay nang makita kong kumakanta ito, naka-tuxedo ito, at naka army cut parin.
Rinig ko ang paghikbi ko kasabay ng pagbalik lahat ng sakit at masasayang naranasan ko kay Yoongi. Bumalik lahat, kasama yung hindi ko mabaon sa limot na pagmamahal ko sakan'ya.
Hanggang ngayon s'ya parin ang nagmamay-ari ng puso ko.
Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko, hindi ko mapaniwalaang ang lalaking hinahanap at hinihintay ko, andito na ulit sa harap ko at kumakanta.
Akala ko ba nasa military parin s'ya? Pero.... Pero bakit andito s'ya?
How can a person be like this?
I start to feel like I'm the only one living in this world
You pass by my side
A sweet wind called you
is blowing in my heart
Even if you don't put on makeup
You probably l put on your perfume called Attraction
I never believed that there was a god
But now you make me believe
because to me, you're a goddess
Whether you're young or old,
whether you have a hidden child
I don't care
because I love you
If I'm with you, anywhere we go is a flower garden
Instead of holding designer bags,
hold my hand
Instead of jealousy and envy, you understand my nature
with you, I draw our future
In between our couple shoes are a pair of baby sneakers
He's rapping the english version of miss right, ngayon mas naintindihan ko na ang ibig sabihin nito. Mas naintindihan ko na kung ano yung mensahe ng kanta.
Tumigil ang lahat nang tuluyan na s'yang makalapit sa akin. Tanging ang yabag nalang ng sapatos n'ya ang naririnig sa buong lugar.
I step aback when he's about to hold my hand. I'm still on shock, hindi parin nagsi-sink in ang lahat sa akin. lahat ng nangyayari at kung totoo ba ito o nananaginip lang ako ng gising.
Mapait itong napangiti sa akin at humarap sa lahat ng taong nasa arena.
"This woman, is the love of my life" Narinig ko ang pag-aww ng mga tao, nakatingin lamang sa akin si Yoongi, mas tumaba yung cheeks n'ya ngayon at mas lalo s'yang gumwapo.
"Sa totoo lang, ayoko talaga sakan'ya. Ang kulit kasi n'ya, ang ingay, may pagkamasungit tapos parang baliw kapag kasama yung bangtan" Mapait akong napangiti. bakit n'ya ba lahat sinasabi ito. Alam ko naman nung una ayaw na talaga n'ya sa akin.
Dahil ayoko rin sakan'ya noon.
"Pero nagbago lahat ng iyon, hindi ko alam kung paano. naiinis ako tuwing ginigising nalang ako pero mawawala iyon kapag nakita kong s'ya pala ang gumigising sa akin. Basta isang araw nalang narealize kong ayoko palang mawala s'ya sa akin" Ang malagkit nitong tingin sa akin ay hindi n'ya tinanggal, para bang kaming dalawa lang ang nandito.
"But I lost her two years ago"
My heart slump into pieces when I heard him sobbing.
"Narealize ko, narealize kong hindi ko pala kayang mabuhay sa mundong ito ng mag-isa at hindi ko makitang may kasama akong ibang babae at hindi s'ya" Lumuhod ito sa harap ng mga armies, habang patuloy na umiiyak katulad ko.
"I'm sorry, kung hindi ako bumalik two years ago. I'm sorry Ren" Pinilit ko s'yang patayuin pero hindi talaga s'ya tumayo at nanatiling nakabow.
"I'm sorry kung hindi ako nagtiwala nung mga panahong kailangan natin iyon. I'm so sorry kung ako yung naging mas mahina sa ating dalawa at iniwan kita dahil lang sa galit ko. Patawarin mo ako" pinunasan ko yung luhang kanina pa walang tigil sa pag-agos, tanging hikbi nalang naming dalawa ang maririnig sa buong paligid.
Kahit hindi s'ya magsorry, matagal ko na s'yang pinatawad. Dahil mahal ko s'ya, hindi ko kayang magtanim ng galit sakan'ya.
Mas lalo lang tumindi yung pagmamahal ko nang makita ko s'ya ulit, mas lalo lang akong nahuhulog sakan'ya
"Hayaan mong ayusin ko ang lahat at itama ang pagkakamali ko sa'yo, hindi ako mangangako pero sisiguraduhin kong mas pakikinggan kita at mas pagkakatiwalaan kita" Mas lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi n'ya.
Naramdaman kong niyakap ako nito ng mahigpit na mahigpit.
"Tumayo ka na d'yan"
Pinilit ko s'yang itinayo pero nagpumilit itong lumuhod lamang sa harap ko. Habang nakayakap sa mga tuhod ko.
"Alam kong bibigyan mo parin ako ng pagkakataon" Kumunot ang noo ko. Hindi naman porket mahal ko parin s'ya ay pagbibigyan ko s'ya.
"P-paano mo naman iyan nasabi, masyado ka parin kumpiyansa na babalik ako sa'yo" Naiinis kong sabi sakan'ya, kahit alam ko sa sarili kong matagal ko naman na s'ya gustong bumalik.bagkus na sagutin ay tinawanan lang ko nito. Yung anim ay nakatingin lang sa aming dalawa at umiiyak na din si Jhope at Jimin.
Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko?
Nakaluhod parin si Yoongi, nilabas nito yung phone n'ya habang ako ay nagtataka lang sa kung ano bang ginagawa n'ya. Itinapat n'ya ito sa mic, napasinghap ako nang biglang magplay ang isang pamilyar na boses.
"Miss sabihin mo. Paano kung may taong gustong bumalik sa'yo, kasi mahal na mahal ka parin. Tatanggapin mo pa rin ba s'ya?"
Ngiting ngiti si gilagid ngayon, hindi n'ya maitago ang tuwa nang sumunod na nagplay ang record.
"Alam mo sir, kung ako, tatanggapin ko s'ya. Alam mo kung bakit, kasi minsan lang magbigay ng second chance ang tao at minsan ka lang din magbigay ng second chance na malay mo hindi mo pagsisihan sa huli"
Gulong-gulo ang isip ko, ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Paanong may-record n'yan? hindi naman s'ya yung-? Wag n'yang sabihing? nanatili lang ako at hinayaan s'yang magpaliwanag.
"Pagkatapos kong mag-serve sa military, dumiretso agad ako sa pilipinas ofcourse bighit knew it maliban lang sa media. Hindi namin pinaalam na nakalabas na ako, para hindi mo malaman. kinausap ko at humingi ako ng tawad sa mga magulang mo Ren" Hindi ko mapigilang maluha dahil sa narinig ko, all this time, ang lapit lang pala namin sa isa't isa. Pero bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko alam na nagkausap na pala sila nina mama? Bakit nila inilihim sa akin ang lahat?
"And yes, I was that weirdo guy na palaging bumibisita sa'yo, pero torture sa akin iyon Ren dahil habang nakikita kita, mas lalong gusto kong sabihin sa'yo ang lahat. Gusto kitang yakapin at sabihing nangungulila ako sa'yo" Tuloy-tuloy lang ang mga luha nito, paano ko s'ya hindi nakilala ng mga panahong iyon?
dahan-dahan n'yang kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Damn. I mis this guy, heaven knows how much I missed him.
"At hindi lang iyon ang pakay ko" Naguluhan ako sa sinabi nito.
"Kinuha ko ang kamay mo sa mga magulang mo, kinuha ko na yung blessing nila" Mas lalong bumilis yung tibok ng puso kong akala ko magiging matamlay na lang. Para bang.... para bang ngayon ko nalang ulit naranasan itong ganitong saya, yung galak.
at ngayon alam ko na yung nawawalang parte sa buhay ko.
pakiramdam ko naging jelly yung tuhod ko nang magka-spotlight sa isang parte ng audience, sa taas. andun silang lahat, lahat pati si lola, si jen, sina mama at si kim. tangina. plinano nila itong lahat?
I bit my lower lip when I looked at yoongi, inilabas n'ya ang isang maliit at kulay asul na box, kahit s'ya ay hindi n'ya mapigilan ang humikbi at manginig. mas lalo lang akong naiyak nang makita ko na yung isang singsing at may maliit at makintab na bato sa gitna.
napaluhod nalang ako habang takip-takip ang bibig ko. I can't hide my emotions anymore, pakiramdam ko sasabog ako, pero ngayon, dahil ito sa galak na nararamdaman ko.
"Ren, we only live once. pero hindi ko na ulit sasayangin yung natitirang panahon ng buhay ko ng hindi kita kasama, you are.... the love of my life at hindi na ulit kita pakakawalan pang muli"
his voice cracked, nanginginig ang kamay n'ya dahil sa kabang nararamdaman.
magkatapat kaming dalawa, nakaluhod kami parehas, nakagat ko na ata yung dila ko dahil hindi ako makapagsalita at puro hikbi lang ang maririnig.
he looked at armies, he wave and gave the warmest smile and then he stared at me, like I was the only beautiful thing in this world.
"gusto kong maging legal tayo sa harap nila"
sambit nito.
bumuntong hininga ito.
"pero kung ayaw nila, wala akong magagawa at wala silang magagawa. at isa pa, I'm the one who'll decide for my life" then he wink at me, he seductively lick his lips and kissed the back of my hand again.
"pero kung sasagutin mo ako, dalawa na tayong magdedesisyon para sa buhay na tatahakin natin" narinig ko ang pag-aww ng armies, pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko dahil sa pagbanat na naman n'ya. damn. mas lalo s'yang gumagaling sa mga banat n'ya.
napalingon kaming lahat nang biglang kantahin ng sabay sabay ng armies yung chorus ng "miss right" kasabay nito ay ang maganda at sabay sabay nilang pag-wave ng army bomb nila, sinabayan narin sa pagkanta ito ng anim na mas lalong nagpakilabot sa akin.
ramdam ko ang pagtaas ngbalahibo ko, pero hindi ako nakaligtas sa tingin ni Yoongi, parang glue yung titig n'ya. Tumigil ang lahat at tumahimik muli ang kapaligiran, para bang hinihintay ang sagot ko.
parang ito na ata yung pinaka mahirap na tanong para sa akin, para sa buong buhay ko.
Yoongi chuckled.
"mukhang nakuha ko na ang permiso nila" he said and laugh lively yet sexy.
"ikaw nalang ang hinihintay" napatingin ako sa lahat, umiiyak na ang bangtan at kabang kaba si yoongi.
"GO NA SIS, BOOM KARA KARAKA!" bahagya akong natawa nang marinig ko ang sigaw ni mendz, tangina ang ingay talaga. I cleared my throat and smile at Yoongi.
"a-ang tagal tagal kitang hinintay, a-akala ko kinalimutan mo na ako" paguumpisa ko, pero nararamdaman ko na naman yung nagbabadyang luha ko.
"Noong umalis ka, nung iniwan mo ako. napatawad na agad kita, d-dahil hindi ko magawang magalit sa'yo Yoongi, hindi ko kayang kalimutan ka ganun nalang kahit anong gawin ko"
dagdag ko, nakatingin lang s'ya sa akin, tumatagaktak ang pawis.
"we only live once, pero kung ang makasama ang magilagid na katulad mo"
"malugod kong tatanggapin iyon. YES Yoongi, I'm going to marry you-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman kong niyakap ako nito ng mahigpit na mahigpit kasabay ng pagiyak n'yang muli. hinalikan n'ya ng paulit-ulit yung noo ko bago tuluyang ilagay yung singsing sa ring finger ko.
kasabay no'n ang biglang pagkanta at pagtatapos ng bangtan ng kantang miss right. tumayo na kaming dalawa ni Yoongi pero hindi parin ito bumibitaw sa pagkakayakap sa akin at umiiyak lang kaming dalawa.
sa pinaka last na lyrics ay pinalitan ito ng bangtan ng
"you're his miss right"
"miss right!"
hiyaw ng armies.
"now you're going to be his mrs. right!" pagtatapos ng bangtan ng kanta, narinig ko na lamang ang masigabong palakpakan at hiyawan ng mga tao. ipinagdikit ni yoongi ang ilong naming dalawa at nag "eskimo kiss"
ngayon masasabi kong buo na ako, dahil natagpuan ko na ang aking mr. right, ang aking missing piece at aking magilagid na pusa.
"kiss!"
hiyaw ng lahat, agad akong napatakip ng mukha dahil sa hiya, hindi ko pa nagagawang makipag kiss sa harap ng maraming tao kahit kailan.
para bang nangungusap ang mata ni yoongi at humihingi ng permiso, lumingon ako sa audience kung saan nandoon sina mama, may spotlight parin. naka-thumbs lang ang mga ito, tapos si kim hinahampas hampas yung jowa n'ya dahil sa kilig.
"oh, walang aawat ah walang aawat!" hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni jungkook, itong batang ito, gusto talaga kapag mga kissing scene.
"I guess that's a yes"
dahan-dahan akong tumango sa pilyong tanong ni yoongi at ipinikit na ang mata. hanggang sa maramdaman kong lumapat sa akin ang malambot nitong labi. hinapit nito ang bewang ko papalapit sa kan'ya at mas lalong pinalalim yung halik. sulit pala yung two and a half years na paghihintay ko sakan'ya.
"okay! reception na po ang sunod nating venue guys!"
rinig kong anunsyo ni Jin at tumawa ng malakas.
and now, I can finally say that I found my way home, we made it together, we made it home. because this man is my home, I feel home in his arms.
hindi man naging maganda ang huli naming pagkikita two years ago, magandang simula naman nang magkita kaming muli. bakit simula?
dahil magsisimula pa lang ang buhay ko bilang kan'yang "Mrs. Min".
-THE END-
A/n: omg! Thankyou Lord natapos ko na yung pinaka una-unahan kong novel at ff kay yoongi.
Sobrang naiiyak ako kasinsobrang nagpapasalamat ako sa mga suporta at nag-push sa akin na i-continue ko ito, wala mang sumuporta na kapamilya ko dito sa daang tinatahak ko, I finally made it.
Sana po suportahan n'yo pa yung mga upcoming stories or ff ko, maraming slamat talaga! Please vote and comment! I love you and to God be the glory.
Word count: 6031
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro