Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Encounter 42

R E N

Waking up every morning isn't that great like before, but what's the worst scenario is waking up reminisce every moments we had, the night that ended everything, realizing everything was gone, he was gone, and I am all alone by myself.

"Ah shit here we go again"
I sat and snuggle up on the wall, weeping my fresh tears streaming down my cheeks.

Bakit ba araw-araw nalang akong umiiyak? Parang wala ng bago, dalawang araw na silang umalis sa bansa pero heto pa rin ako.

Palaging umiiyak kapag naaalala ko yung araw bago sila umalis.

"Ren" Naramdaman ko ang isang mahigpit na yakap mula kay Jimin, simula pagka-gising ko ay hindi ko na nakita si Yoongi.

Kanina ko pa s'ya hinahanap pero wala s'ya sa kubo, after what happened last night.

Naghahanda na ang lahat para sa pag-alis namin dito pero kahit boses ni Yoongi ay hindi ko parin naririnig.

"Wala na si Hyung"
Napabitaw ako kay Jimin dahil sa sinabi n'ya, hindi ito makatingin sa akin ng direcho.

Anong ibig n'yang sabihin?

"What do you mean?"
Nanginginig na ang buong katawan ko, napahigpit ang pagkakahawak ko sa balikat n'ya dahil  hindi parin ito nagsasalita, tangina mas lalo akong kinakabahan, mas lalo akong natatakot dahil sa sinasabi n'ya.

"I-I'm sorry Ren, wala na kaming nagawa sakan'ya, I'm so sorry" Narinig ko ang paghagulgol nito at ang pagbaon n'ya ng mukha ko sakan'yang leeg. Shit! What happend?

Ano bang nangyari? Tangina!

Naramdaman kong nangingilid yung luha ko at mas lalong sumisikip yung dibdib ko, ang daming tanong na pumapasok sa utak ko, at habang patagal ng patagal ay mas lalo akong kinakain ng takot at kabang nararamdaman ko.

"Shit! A-ano bang nangyari? Pwede bang ipaliwanag mo ng maayos, tangina kinakabahan ako" I stuttered, mahinang pinapalo yung dibdib ni Jimin dahil hindi parin ito nagpapaliwanag.

Napatingin ako kay Joonie nang lumapit ito sa amin at pinitik yung tenga ni Jimin, kaya natawa si liit at nag-peace sign sa akin. Nagsalubong ang kilay ko, hindi ko sila maintindihan.

"Nauna na s'yang umalis sa amin kanina, kaya wala na talaga s'ya dito sa beach house"
Doon lang ako nakahinga ng maluwag, akala ko ay may nangyari ng masama kay yoongi.

Maybe He didn't want to see me again.

Tinignan ko ng masama si jimin na ngayon ay nagpupunas ng luha n'ya habang tumatawa. Bwisit s'ya, nadali n'ya ako sa drama n'ya, ang galing umarte akala ko kung anong nangyari.

"Bwisit ka, pinag-alala mo ako, akala ko may nangyaring masama kay Yoongi" Hindi ko mapigilang maluha dahil sa sobrang stress at kaba tapos dahil narin sa nangyari kagabi.

Naramdaman kong niyakap ako ng dalawa, pinapagalitan pa ni RM si Jimin. Kakainis! Natakot ako, sobra.

"Sorry, I'm not not going to do that again" Ani jimin at hinalikan yung noo ko.

"I just want  to see you smiling again, before we leave"
Dagdag pa nito. Hindi naman ako natatawa sa ginawa n'ya, tinakot lang n'ya ako ng sobra at pinag-alala.

"Hoy liit! Ano na namang ginawa n'yo kay Ren?" Narinig ko ang pagbaba nina hoseok mula sa taas, mas lalo tuloy akong naiyak dahil sa pagbaba nila.

Nage-emotional breakdown na ata ako. Kung emotional break down ang tawag dito.

Ang sakit kasi eh, nawala na sa akin yung taong mahal na mahal ko, tuluyan na n'ya akong iniwan, tuluyan na s'yang bumitaw sa akin kagabi. Pagkatapos ngayon, aalis narin sila para sa comeback nila.

What a great timing eh?

Lahat sila aalis, maiiwan akong luhaan, nasasaktan at siguradong mami-miss ang pito, lalo na s'ya.

Naramdaman ko nalang na niyakap na ako ng anim, para akong naging palaman dahil pinagitnaan talaga nila ako at pinitpit sa higpit ng yakap nila.

"Eto kasing si Jimin, pinapaiyak si Ren" Panunumbong ni Joonie. Tinignan nila ng masama si Jimin na tumatawa lang.

"Sorry na nga ih"

--

Nabalik ako sa reyalidad nang biglang tumunog yung phone ko, nag-text sa akin si head nurse, pinapapunta n'ya ako ng maaga sa hospital.

Napabuntong hininga ako nang tignan ko ang repleksyon ko sa salamin, mas lalo lang lumalim yung mata ko, shacks! Nakakahiya lalo na sa mga pasyenteng nakakaharap ko.

Namamaga din yung mga mata ko kakaiyak buong araw,  mas lalo akong pumapanget.

Nagmadali akong pumasok sa trabaho ko, tinatamad ako, gusto ko nalang humilata sa kama ko buong araw, gusto ko nalang iiyak ang lahat ng sakit dito sa dibdib na nararamdaman ko.

Pero hindi naman pwede iyon, may tungkulin din ako, at may pamilyang naghihintay sa padala ko.

"Maaga ata pasok mo?"
Napatigil ako nang makita ko si lola sa labas na nagtatapon ng basura. Matagal taal na din nung huli kaming nakapag-usap, naminiss ko na rin s'ya.

"Goodmorning po lola, pinapapasok po ako ng maaga ng head nurse namin eh, magpapa-alam na po ako"
Sabi ko dito at bahagyang nag-bow, kitang kita ko sa mga mata n'ya yung awa sa akin, sa totoo lang ayokong nakikitang naaawa sa akin tung mga tao, paliramdam ko kasi napakahina ko.

"Umiyak ka na naman kagabi ano?" Hindi ako makatingin ng diretso kay lola, narinig ko ang pagbuntong hininga nitong muli.

"Halika" Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin ako nitong pabalik sa loob ng kwarto ko, pina-upo ako nito sa harap ng salamin.

Kinuha yung blush on at lipstick ko, starting to bring magic on my face, nakapikit lang ako habang nilalagyan n'ya ng make-up yung mukha ko, dumilay lang ako nang alam kong tapos na s'ya.

Mapait akong napangiti nang makita ko kung gaano kagaling si lolang mag-make up sa akon, nagkakulay muli yung maputla kong mukha.

Pero yung buhay ko, hindi na ata magkakakulay pang muli.

"S-salamat po lola"
Her eyes were gleaning whilst looking at me.

"Alam kong masakit parin hanggang ngayon ija, pero sana magpakatatag ka" Sabi nito habang nakangiti sa akin, tumango nalang ako, dahil ayoko ng magsalita pa pakiramdam ko kasi awtomatikong tumutulo ang luha ko kapag pinaguusapan si yoongi, o kapag naaalala ko s'ya.

Ayoko namang masira yung make-up ni lola.

"Hindi talaga lahat ng tao magi-stay sa buhay mo, yung iba para bigyan ka lang aral at yung iba, para mas lalo kang maging matatag sa darating pang pagsubok sa buhay mo"
Bigla ko tuloy nakita si mama at si papa kay lola, alam na alam talaga ng mga magulang kapag may dinadamdam tung anak nila, kapag alam nilang nasasaktan o nahihirapan yung mga anak nila.

Pinigilan kong huwag umiyak nang yakapin ako nito ng mahigpit na mahigpit. "Umuwi ka mamaya ng maaga ah, ipagluluto kita ng masarap na dish"
Bahagya akong natawa dahil sa alok nito, mas lalo ko lang namimiss ang pamilya ko sa Pinas.

Ganitong-ganito din si mama, mahilig akong suyuin sa mga pagkaing paborito ko.

"Sige po, bibili narin po ako nung cake na paborito ni lolo"
Para bang nanalo ito sa lotto at pumalakpak pa dahil sa sinabi ko.

Nangako ako kay lola, noong unang beses kong natikman yung paboritong cake ni lolo, yung gabing natapunan ko yung coat ni Yoongi.

Kahit saan ako tumingin naaalala ko talaga s'ya, naririnig ko parin yung boses at mga tawa n'ya. And it's killing me.

It's my second yet the hardest heartbreak I had.

--

K I M

YOW WAZZAP MGA REPA CHONG!

May boyfriend akong chingchong!

Joke! Gwapo yun si moncher ko eh, cute cute pa. Kakainlove tuloy lalo.

Napabuntong hininga ako nalang ako habang tinitignan kung gaano ako kagwapo, este kung gaano kagwapo yung picture  ng boyfriend ko.

Parang first time ko 'tong magkaroon ng pov, mabuti nalang talaga mabait yung author ng story na 'to, tapos maganda pa, oops, joke lang! Huehuehuehue.

Nakuha ng isang babaeng pumasok sa hospital yung atensyon ko, ang taray kasing maglakad, maganda rin yung outfit n'ya dahil simpleng doll shoes at square pants at white t-shirt lang ang suot nito.

Pero nadismaya ako nang makita kong mas nangunguna pa yung mahaba n'yang nguso at malaki n'yang eyebag.
Pero kapansinapansing may make-up ang mukha nito, hindi katulad ng nakaraang araw, maputla.

"Wow, sasabihin ko na sanang maganda yung nakita ko, kaya lang ikaw lang pala iyan"
Kunyare ay dismayado kong sabi kay Ren nang makalapit ito sa akin.

Kumunot ang noo niya at nagpout pa sa akin. Sus! Kahit kailan pa-cute talaga itong pandak na 'to eh. Huehuehuehue.

"Wow! May pa-make up si yorme, parang hindi tayo broken heart ah" Pang-aasar ko sakan'ya, pero tulad ng dati parang wala pa rin s'ya sa mood.

Namiss ko na tuloy yung dating ren, kulang nalang ipagsigawan n'ya sa lahat ng taong maganda talaga s'ya, at weird at the same time na sumasideline na baliw sa kanto.

Dalawang araw na simula noong officially break na sila ni papa yoongles aka love of her life at the one that got away n'ya. Pero eto parin s'ya, wasted as fvck at parang wala ng pake sa sarili n'ya.

Grabe magmahal 'tong babaeng to! Hanga ako sa pagmamahal n'ya, kaya n'yang magsakripsyo kahit sariling kasiyahan na n'ya ang mawawala.

Damn. Sana all kayang mag-sakripisyo, kasi yung takoyaki ko nga hindi ko kayang ibigay at i-sacrifice para lang kainin ng boyfriend ko. Hays.

Tapos hindi ako tumataba? Ano ito? Lokohan?

"Maganda ako 'no! Exotic na kaya tong ganda ko"
Lihim akong napangiti dahil sa sinabi nito, eto na si Ren, ayan na naman yung exotic 'daw'
n'yang ganda na s'ya lang ang nakakaalam.

Kunyari ay naghanap-hanap ako tapos ay humarap sakan'ya.
"Huh? Wala naman ah" Binatukan niya ako kaya tinawanan ko lang s'ya, kahit kelan asar talo, tapos kapag s'ya nangaasar game na game eh?

Dumiretso na kami sa locker room para makapag-palit na ng aning napakagandang uniform.

"Si lola nag-make up sa akin" Naka-ngiting sabi n'ya, alam n'yo yung isa pa sa hinahangaan ko sa babaeng ito? Kahit na alam n'yang nasasaktan na s'ya, nagagawa n'ya pa ring ngumiti sa ibang tao.

Oo na, nagbabakasakali lang na ilibre ako nito ng takoyaki, kaya lang malabo dahil kuripot din yung isang ito.

Hirap kapag parehas kayo ng kaibigan mo na kuripot eh, walang gustong manlibre sa isa't isa kasi parehas kayong nagtitipid. Chos!

"Magka-clown kasi ako mamaya sa mga bata, kaya nagpa-make up ako".
Nag-"nayyyy" ako sa corny niyang joke na s'ya lang naman ang tumatawa.

"Akala ko nga ikaw yung scarecrow sa palayan eh"
Biro ko dito.

"Tangina mo"
Napahalakhak ako dahil napikon ko na naman ang ating magiting na bida.

Lutong pa ng mura n'ya. Akala ko talaga mahinhin itong babaeng 'to nung unang nakilala ko eh, 'yon pala weird at puro kalokohan ang alam.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong nag-ring, nag-excuse agad ako nang makita ko kung sino ang caller ko.

"Yiee aga naman ng call n'yo ng jowa mo" nakakalokong ngumiti sa akin si Ren. "Kurutin ko yang singit mo eh" Dagdag niya na ikinatawa ko lang.

Medyo lumayo muna ako kay Ren para sagutin yung tawag na hinihintay ko.

"Uy insan!"
Bungad ko pagsagot palang ng tawag n'ya. "Kamusta na?"

Bahagya itong tumawa, hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong ko para tumawa s'ya.
"Ayos lang"

"Iyan naman palaging sagot kapag kinakamusta diba"
Narinig ko ang paghalakhak nito sa kabilang linya.

Siguro komedyante ako sa past life ko, hilig nilang tumawa sa mga sinasabi ko eh kahit seryoso naman ako.

Seriously? Am I joke to you?

Palagi nalang akong hindi siniseryoso.

"Mas okay na ako ngayon dahil nandito na ako sa South Korea" Namilog ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang sorpresa n'ya.

Shet!

"Shit bakit di mo sinabing pupunta ka dito, edi sana nasundo kita sa airport"
Dismayadong sabi ko, napatingin ako kay Ren na tapos ng magbihis, hinihintay nalang akong matapos yung call.

"Malamang, may surprise bang sinasabi?" A great philosopher said. Oo na sige na, galing mamilosopo ng pinsan ko, sarap tapusin ng buhay, chos!

"Osige na, time to work. Chat mo nalang ako minsan kung kailan tayo ulit makakapag-bonding okie?" Sambit ko dito

"Okay, see you soon"
Hindi na ako sumagot at pinatay na yung call.

Tumingin ako kay Ren na nakatulala na naman ngayon sa kawalan. Napakamot nalang ako sa batok ko, minsan nakakapag-alala na rin ang babaeng ito eh.

"Ren" Bahagya ko s'yang tunapik sa balikat. "Let's take our duty"
Sambit ko dito kaya't ngumiti din sa akin at sabay na kaming naglakad palabas ng locker room.

------

A/n: Sorry for this lame chapter, huhuhuhu. By the way, kamusta ang pagbabasa ng story ko huehuehuehue.

At itatanong ko lang din kung sa tingin n'yo ba gumawa pa ako ng iva pang bangtan ff? Thankyou guys sa support!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro