Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Encounter 39

A/n: HI! I want to dedicate this encounter for gav_zz . Please stay support my story! Godbless! I purple u💜

Sakit ng previous chapter, tagos sa buto ko. Okay quiet na ako masyado na akong maingay.

Y O O N G I

I was flying so high before and now I have been dumped and broke the wings I built.

This feeling is shit! It hurts as fvck!

Ayoko ng pakiramdam na ito, ayoko ng pakiramdam na ibinibigay sa akin ngayon ni Ren, tangina.

"Hyung, ilang araw na ang nakalipas, pero sobrang kalat parin ng kwarto mo" Mas isinubsob ko lang ang ulo ko sa unan, narinig kong bumuntong hininga si Namjoon.

Ilang araw na ba ang lumipas simula ng makipag-hiwalay sa akin ang babaeng dahilan kung bakit mas ginaganahan akong gumawa ng musika? Ilang araw na ba simula ng mawala s'ya sa tabi ko.

Damn!

I miss her! Everything about her! Lalo na yung pagsuklay n'ya sa buhok ko gamit ang kamay n'ya, namimiss ko iyon, ilang araw akong hindi makatulog, nasanay na akong nasa tabi ko s'ya.

"Hyung, please get back to your senses, linisin mo na ang kwarto mo, napaayos na namin ang genius lab mo at napalitan na yung sirang computer"
Rinig kong paliwanag nito, buhay ako, buhay na buhay pero pakiramdam ko namatay na ang puso ko.

Pagkalabas kasi noon ni Ren sa lab ko ay sinira ko pati yung piano, stereo, basta lahat ng makita ko pinaghahagis ko.

"Just bring her back here, that's all I want"
walang emosyong sabi ko na dahilan para mapabuntong hininga ulit ito.

All I want is Ren, nothing more, nothing less.

"Paano namin s'ya mababalik eh text nga namin ayaw n'yang sagutin, ayaw naman naming biglain s'ya pag pumunta kami sa bahay n'ya. She also need time". Mahabang eksplenasyon ni Jin hyung , I don't care, I don't fvcking care! all I want is her to be with me.

"Kumain kana, pinagluto kita ng paborito mong karne, yieee" Muling nagsalita si Jin, may dala-dala itong malaking ngiti sa labi pinapagaan ang kapaligiran. tinarayan ko lang s'ya at binato silang dalawa ng unan ko.

"Hyung naman" hindi ko na pinansin si Namjoon

"Go away, don't disturb me anymore"
Sigaw ko sakanila, pilit pinapaalis yung dalawa, pero alam kong hindi parin umaalis ang dalawa.

"Puro wine nalang ang laman ng tyan mo, kumain ka naman, pumunta ka nalang sa kusina okay? Nagaalala na kaming lahat sa'yo" ani Namjoon, ilang araw na ako nitong hindi nilulubayan, para bang may karapatan s'yang guluhin ako.

lumabas narin ang mga ito pagkatapos nilang manggulo at walang mapala mula sa akin, fvck this feeling, ilang araw na pero para bang bagong-bago lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Umayos ako ng higa, hinaplos yung isang parte ng kama ko kung saan humihiga si Ren noon. Once again, I felt my tears fell down my cheeks.

--

I pulled my ass out of my bed when I felt my growling stomach, days past by pero hindi parin ako makapag-concentrate para sa nalalapit naming comeback, next week na iyon, pero ito parin ako broken and wasted.

Sigurado naman akong tulog na ang anim kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa kusina.

Pagkarating ko sa kusina ay napansin kong bukas pa ang ilaw sa sala, lumapit muna ako dito para patayin ang ilaw ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Hosoek.

"ano ba kasing ginawa mo?" pagtatanong nito kay Namjoon na nakatalikod sa akin ngayon, nakatungo ito at paulit-ulit na sinasabunutan ang sarili n'ya.

"huwag mong sabihing ikaw ang may gawa noon?" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Jimin, anong may gawa? ano bang ginawa ni Namjoon? mayroon ba akong hindi nalalaman?

gusto kong kumprontahin ang mga ito pero may kung ano sa akin na mas nanatili at nakinig. pakiramdam ko kailangan ko itong marinig.

"hindi ko naman kasi inaasahang ganito kalala ang mangyayari eh" panimula nito, tahimik ang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Namjoon. mabuti nalang talaga at may pader na nakaharang dito, hindi nila ako naikita.

"kilala ko si Yoongi hyung, alam naman nating kaya n'yang iwan ang lahat para kay Ren, kaya't kinausap ko si Ren no'ng araw na pumunta tayo sa Forest"
nag-igting ang panga ko at hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang aking kamao.

"and I told her to broke up with Hyung-" para bang isa akong bombang gustong sumabog dahil sa sinabi nito, gusto ko ng lumabas mula sa pinagtataguan ko pero nanatili ako.

"what the heck! Hyung ang laki ng gulong ginawa mo, bakit mo sila hinahadlangan?" tama! tama si Jungkook, bakit ba s'ya nangengealam sa aming dalawa ni Ren. this is shit!

"Hyung, alam mong mahal nila ang isa't-isa diba? bakit mo ginawa iyon?" ngayon naman ay si taehyung ang nagtanong, hayop ka Namjoon, ikaw pala ang dahilan. kaya ba ilang araw mo na rin akong hindi pinababayaan pagkatapos makipaghiwalay ni Ren?

dahil nakokonsensya ka?

"dahil para sa grupo rin natin ang ginawa ko, ayokong masayang lahat ng pinaghirapan natin dahil lang kay Ren lalo na at nagkakaroon sila ng issue ni Hyung"
mas mainit pa sa kumukulong tubig ang dugo ko ngayon, hindi na ako nakapagpigil pa at lumabas na sa pinagtataguan ko.

"hayop ka!"
Malakas kong sigaw kay Namjoon dahilan para mapatingin ito sa akin, malakas na suntok sa panga ang ibinigay ko dito. nagulat ang mga ito sa ginawa ko at sa biglang pagtumba ni Namjoon sa sahig.

"fvck you Namjoon, ikaw pala ang dahilan, paano mo ito nagawa sa akin?" nandidilim ang paningin ko gusto ko na s'yang patayin sa oras na to habang kinukwelyuhan ko s'ya at inaawat kami ng iba.

susuntukin ko pa sana s'ya nang biglang suntukin din ako nito sa aking mukha sanhi para mahiwalay ako sakan'ya at mapahiga din sa sahig. malakas ito kaya't dumugo ang ilong ko habang s'ya naman ay pinahid yung pumutok n'yang labi.

"Hyung ginawa ko lang iyon para sa atin dahil ayoko ng lumala pa ang nangyayari sa atin, sana isipin mo naman yung grupo natin, isipin mo naman lahat ng pinaghirapan natin"
sinunstok ko s'yang muli sa mukha n'ya, hayop s'ya wala akong pake sa eksplenasyon n'ya.

nasagi nito ang vase na nasa lamesa kaya't nabasag ito.

"you son of a b*tch wala ka paring karapatang pakielaman ang relasyon namin Ren, you're out of the line!" sigaw ko dito, naramdaman kong hinawakan ako nina Jimin at Hoseok sa magkabila kong braso.

"why can't you just let me explain! palagi ka nalang nakatutok sakan'ya and you can't even concentrate on our concert, sa tingin mo hindi ako magwoworied huh?" I scoffed and laughed sarcastically.
eh gago pala s'ya eh, sa tingin n'ya ba nakatulong ang ginawa n'ya. damn hell no!

tinulungan s'yang tumayo nina Taehyung at Jungkook habang si Jin ang nasa gitna namin at pilit kaming pinapatigil.

"HAHAHAHA and now you think makakapag-concentrate ako dahil sa ginawa mo? isn't my effort enough for all of you? damn you! minsan lang ako maging masaya sa buong buhay ko" sarkastikong sabi ko dito.  hindi ko mapigilang maglabas ng sama ng loob dahil sa ginawa n'ya. "Tapos ipinagkait n'yo pa!" Dagdag ko sa mga ito.

natigilan ang mga ito, walang maisagot si Namjoon sa sinabi ko.

"tama na ano ba! BTS is a team, hindi ganito, ang gulo-gulo n'yo!" sigaw ni Jin Hyung sa amin, pero wala akong pake, nakatingin lang ako ng masama kay Namjoon na pinapahid yung natuyo n'yang dugo sa gilid ng labi nya.

"babae lang si Ren, maaayos natin ito-" sarkastiko akong tumawa dahil sa sinabi ni Jin, mas lalo akong nasasaktan sa mga nalaman ko ngayong gabi, I feel so betrayed!

tapos sila pa? si Namjoon pa na parang kapatid na ang turing ko!

"babae? hyung babae? hindi lang s'ya babae! mahal na mahal ko s'ya and she means the world to me!" nag-echo sa buong lugar ang boses ko. sobrang sakit ng naramdaman ko.

nakita kong umiiyak na si taehyung, pinapahid nito ang mga luha n'ya. "tama na mga hyung, pag-usapan n'yo muna ito bago tayo magpahinga, dapat hindi natin pinapatagal yung away"
sumang-ayon dito ang iba habang si Namjoon ay nakatungo parin.

"mag-usap? no freaking way, wala tayong dapat pag-usapan"
nabigla ang mga ito sa inasta ko, marahas kong tinanggal ang braso ko kina jimin, tinuro ko si Namjoon na nakatungo parin ngayon. "dahil sakan'ya nawala yung babaeng pinakamamahal ko, nawala sa bisig ko yung kaisa-isang babaeng minahal ko ng ganito"
Diniinan kontalaga ang bawat salitang lalabas sa aking bibig.

marahas kong tinulak sina Jimin at Hoseok at pumuntang muli sa kwarto ko.

--

R E N

"Ren!"
napapitlag ako nang marinig ko yung pagsiagaw ni Kim
sa akin, umiling iling ito sa akin.

"sabi ko magra-round na tayo, for pete's sake Ren ilang araw ka nang ganiyan" umiling-iling ito sa akin, ilang araw na pero parang bagong bago pa rin sa isip ko lahat ng nangyari. ilang gabi na ako hindi makatulog tapos hindi pa makapag-concentrate sa trabaho.

"S-sorry Kim, hindi ko alam na nakatulala na naman pala ako. tara na nga" Paghingi ko ng dispensa at mabilis na lumiko sa kanang corridor.

"Saan ka pupunta? Dito tayo sa left corridor" Pagtatama niya at napailing na lang muli. Nag-peace sign ako sakaniya at palihim na sinabunutan ang buhok ko. Ilang araw na pero wala parin ako sa sarili ko.

Pucha Ren, Umayos ka nga!

"Nasa RIGHT person kana kasi iniwan mo pa" Biro nito, kahit ilang beses kong i-explain sa babaeng ito yung dahilan ko, hahanap at hahanap parin s'ya ng paraan para alaskahin ako.

"Ren!"
Sabay kaming napatingin sa kasamahan naming si Lee, hindi naman kami ganun ka-close pero hidi s'ya mahirap i-approach.

"Hi!" Bati nito.

"I was just going to ask you if you can take my unfinished paper works for me, I have to be home because my daughter is sick and-".

"O-ofcourse, you can leave it to me" Walang alinlangang sabi ko, gulat akong tinignan ni Kim, habang si Lee naman ay mahigpit akong niyakap.

"Oh my gosh! Thankyou, I owe you a lot. I promise I'm going to treat you next time" Mabilis akong umiling dito, hindi naman n'ya kailangang gawin iyon. Gusto ko lang makatulong sakan'ya.... At sa sarili ko.

To keep myself busy.

Lee bid goodbye to us and gave me the biggest smile of relief.

"Alam mo Ren, masyado mo ng inaabuso iyang katawan mo"
Inis na sambit sa akin ni Kim, hindi ko s'ya pinansin, araw-araw naman n'ya akong pinapagalitan.

"Paano tayo magkakarera ng wheelchair nito? Baka mamaya ikaw na ang itulak ko sa wheel chair?" Hindi ako sumagot.

"Kung hindi ka umiinom ng alak, hindi ka kumakain ng maayos kung hindi naman lagi kang tulala at wala sa sarili tapos ngayon kinukuha mo na pati yung trabahong hindi naman dapat sayo?" Tinignan ko s'ya ng masama nang batukan ako nito ng malakas. Pucha! Bakit kailangan may batok? Masakit iyon ah!

"Bakit may batok?"

"Baka sakaling magising ka sa katotohanan boi! Nag-aalala na ako sa'yo, dapat sa'yo nagpapahinga hindi yung ganito" Inis na inis na pangangaral niya sa akin, parang gusto na ngang iturok yung injection eh.

"broken hearted ka lang hindi ka suicidal okay!" dagdag pa nito kaya't umiling-iling na lang ako sakan'ya. Hindi ko naman pinapatay ang sarili ko, gusto ko lang maglibang.

"Eh kasi 'eto lang yung paraan, gusto kong makalimutan si Yoongi kasi kapag wala akong ginagawa, para akong mababaliw sa kakaisip sakan'ya, kahit sandali lang mawala s'ya sa isipan ko kasi kapag naaalala ko s'ya mas nasasaktan ako at bigla nalang umiiyak"
Mahinang pagpapaliwanag ko, nararamdman ko na naman itong puchang nagbabadyang luha.

Jusko ayoko na! Pagod na pagod na akong umiyak!

She sighed and murmured something, then shout frustratedly. Sa totoo lang, minsan nakokonsensya na 'ko kay Kim, siguro nahihirapan narin s'ya sa araw-araw n'yang pagpapa-alala sa akin.

Pero hindi ko kayang magpahinga, kasi kada pipikit ako si Yoongi ang naiisip ko, kapag didilat ako s'ya ang unang pumapasok sa isipan ko. Halos mabaliw ako sa kakaisip sakan'ya.

Nababaliw ako dahil sobrang namimiss ko na s'ya.

--

"Kim, may extra bag ka ba d'yan?" Iritable kong binagsak yung bag kong nasira ang zipper dahil sa biglang pagbukas ko dito.

Nakuha ko na ata yung kapangyarihan ni Namjoon na makasira ng bagay-bagay.

Mapait akong napangiti, sobrang namimiss ko na silang pito, ano na kayang ginagawa nila? Namimiss din kaya nila ako?

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong nagsalita si Kim. "Anong bag? Meron ka nga eh ang laki pa" Kumunot ang noo ko at muling tinignan yung loob ng locker room ko, pero wala akong makitang bag na sinasabi ni kim.

"Huh nasaan bakit di ko makita?" Narinig kong mahina itong tumawa.

"Tss. Ayan oh"
Tinuro niya ang ilalim ng aking mga mata. "Laki kaya" Pagbibiro nito kaya pinalo ko yung kamay n'ya. Gago talaga itong isang ito eh, tamang trip lang sa'kin.

"Gagu! Eyebags ko kasi yan" Tinawanan lang niya ako ng malakas at ni-pat ang aking ulo, wow salamat Kim, napakalaking tulong n'yan.

"Pasalamat ka tinulungan mo ako kanina" Inis kong sabi dito na nag-peace sign lang sa'kin, tinulungan kasi ako nito sa gawain ni Lee na ako ang tumapos.

Yiee~ alam ko namang mahal na mahal ako nito ni kim eh, kahit pinapagalitan ako n'yan, hindi parin n'ya ako natitiis.

Skrt!

pinahiram muna n'ya sa akin yung isa n'yang extra bag, jusko papahiramin din pala ako kelangan laitin muna eyebags ko tsk. inaayos ko na yung mga gamit ko at inilipat ito sa pinahiram na bag ni kim, hindi ko inaasahang malalaglag yung isang notebook kong dala kaya't pinulot ko iyon pero may lumabas ditong isang litrato kaya't kinuha ko iyon.

muli kong naramdaman yung kirot sa dibdib ko nang makita ko ang litratong pinadevelop ko last month, picture namin ni Yoongi sa aquarium museum. hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita kong labas na labas yung gummy smile n'ya.

I miss this man so much.

"Ren"
malungkot akong tinignan ni Kim nang makita n'yang tumutulo na naman ag walang kapaguran kong mga luha.

"Kim"
my voice cracked and forced a smile. "Diba may utang ako sa'yong sojou dati? tara libre kita" Pag-aaya ko sakaniya bago sumilay ang matamis n'yang ngiti sa labi.

--

N A M J O O N

I was looking at the window of a shop, I saw a cute couple t-shirt displaying it outside. mapait akong napangiti dahil sigurado akong sukat na sukat lang ito kay yoongi. napatungo nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

nakokonsensya ako sa ginawa ko sakanila, although hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, I don't know. alam kong mahal nila ang isa't-isa at mas lalo nila itong pinapatunayan sa akin. hindi ko masisisi si Yoongi Hyung kung talagang nagalit s'ya sa ginawa ko.

pero ayoko lang na madamay pa ang bangtan, at alam kong ayaw din iyon mangyari ni Ren. Mahal ko din naman ang Bangtan, pamilya ko na ito at ayokong masayang lahat ng pinagpaguran namin dahil lang sa issue na ito, ayokong masira yung pangalang binubuo parin namin hanggang ngayon.

napabuntong hininga nalang ako dahil sa sobrang frustrated ko ngayong linggong ito. hindi ko maisip kung sa paanong paraan ako makakabawi sa dalawa.

shit!

"mahal ko s'ya eh, mahal na mahal ko s'ya! pero kailangan ko s'yang pakawalan para sa pangarap ng grupo n'ya"
kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sigaw ng isang babae, parang pamilyar ang boses nito.

"tangina mahal ko s'ya, mahal na mahal ko pa rin s'ya hanggang ngayon, mahal ko s'ya pero gusto kong unahin n'ya yung pangarap n'ya bago ako " sigaw nito. napatigil ako sa paglalakad nang makita kong si Ren pala ito, kasama n'ya si kim umiinom.

"Ayokong mawala lahat ng iyon dahil sa akin, tapos ngayon, nasasaktan na naman ako" Humagulgol ito sa pagiyak at tumungo.

"oo na nga, tangina naman oh, sabi mo inuman pero ginawa mo pa akong care giver mong gaga ka" bulyaw din ni Kim, napailing nalang ako dahil akala mo ang layo nilang dalawa sa isa't-isa para magsigawan.

"ang sakit Kim, ang sakit-sakit dito oh" tinuro ni Ren ang kanyang dibdib at patuloy na umiiyak. lasing na lasing na ito at wala na sa katinuan n'ya.

hindi ko mapigilang maawa sa itsura ni Ren, it was like she never slept for days, she had this swallow eyes, dark circle around her eyes, she's on melancholy, para bang nabagsakan na s'ya ng langit at lupa.

I bit my lower lip, mas lalo akong nasasaktan habang nakikita ko s'yang umiiyak ngayon, pilit s'yang pinapatigil ni Kim sa paglagok ng sojou pero hindi ito nagpapatinag. bigla nalang s'yang matutulala tapos biglang hahagulgol ulit sa iyak at sasabihin ang mga salitang "mahal na mahal ko si Yoongi"

hindi ako napapansin ng mga ito kahit nasa malapit lang ako,pinanood ko muna silang dalawa habang patuloy na hinihilot ni kim yung sintido n'ya dahil sa pag-iyak ni Ren na dahilan para mapatingin sakan'ya ang ibang tao. mabuti nalang at madilim na at wala na masyadong tao sa labas.

"Ren, pag inuman inuman lang, walang iyakan" exactly! you got my point Kim! mahina akong natawa sa sigaw ni Kim kay Ren na nakasimangot sakan'ya, para bang hindi nito nakikilala si Kim. malakas na nga talaga ang tama ng babaeng ito.

"sana all may jowa"
biglang tumawa ng malakas si Ren pagkasabi n'ya nito pagkatapos ay pumalakpak pa. I miss her, I miss her laughing loudly like that.

"Lakas ng amats mo erp, nadamay pa pati yung pagkakaroon ko ng jowa"
Natatawang sabi ni Kim bago piltikin ang ng noo ni Ren.

"tara na nga umuwi na tayo, gaga ka. nilibre mo nga ako, pinahirapan mo naman ako paghatid sa'yong bwisit ka"
sabi nito pagkatapos ay sinubukan n'yang akayin si Ren na ngayon ay nakapikit na.

mabilis akong tumakbo nang muntikan nang matumba ang dalawa dahil sa pagewang-gewang na paglalakad ni Ren, nagulat pa si Kim nang tulungan ko s'ya sa pag-aalalay kay Ren, na-starstruck ata sa kagwapuhan ko.

"Ako na ang maghahatid sakan'ya pauwi kim, pasensya na atsaka salamat" hindi ito nagsalita, para bang nagaalangan.

"Kanina ka pa ba d'yan?"
Umiling ako sakaniya.

"s-sigurado ka ba? lasing na lasing s'ya eh"
I gave her a genuine smile for her assurance. napatingin ako kay Ren na naka-pout ngayon at pinapalo-palo ang braso ko.

"ikaw! napaka bad mo, pero gwapo ka padin" hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi n'ya, walangya palang malasing ang isang ito! Nakangiti na ito ngayon habang nakapikit.

totoo yung sinasabi nila eh, nakakapagsabi ng totoo ang mga lasing. "hmp. pero mas gwapo parin si Yoongi" dagdag nito na ikinatawa ni Kim ng mahina. oo na nga! iba talaga kapag inlove, hay! ano ba kasing ginawa ko?

Okay lang atleast inamin n'yang gwapo ako.

Sa panahon kasi ngayon, mahirap ng makahanap ng tunay na nakakakita ng kagandahan ng isang tao.

nagpaalam na rin si Kim pagkasakay ko kay Ren sa kotse ko, sinabi kong ihahatid ko na s'ya pero tumanggi s'ya kaya't hinintay ko munang makasakay s'ya ng taxi bago ako pumasok ng kotse ko.

bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Ren, ilang segundo ko din s'yang tinitigan bago mapagdesisyunang patakbuhin ang sasakyan ko.

--

"jusko, anong nangyari kay Ren?" nag-aalangan akong ngumiti kay lola na ngayon ay nag-aalalang nakatingin kay Ren na buhat buhat kong parang bagong kasal. Hindi ako nahirapan sa pagbubuhat kay Ren dahil parang kasing gaan lang s'ya ng papel. Kumakain pa ba ito?

"lasing na lasing po lola"
narinig kong bumuntong hininga ito pero hindi ko inaasahan ang sunod n'yang sinabi.

"napapadalas ang pag-inom n'ya, masyado na akong nag-aalala sakan'ya" tinignan ko si Ren na mahimbing na natutulog sa bisig ko, was that true Ren? napapabayaan mo na ang sarili mo?

is that how big your love for Hyung? for feeling really wasted?

tinulungan ako ni lolang ibukas ang pintuan ng apartment ni ren, dahan dahan ko itong inihiga sa kama at nilagyan ng kumot ang katawan.

--

R E N

parang binabarena sa sakit yung ulo ko, I groaned as I tried to sit on my bed.... wait, paano ako nakauwi kagabi? tangna wala na akong matandaan sa sobrang kalasingan tapos sobrang sakit pa ng ulo ko shit!

baka hinatid ako ni Kim? nakakahiya naman sakanya, itatanong ko nalang siguro sakan'ya kung anong nangyari.

napapitlag ako nang makita kong alas-diyes na ng umaga. shit! maaga pa naman pasok ko ngayon, pucha talaga! patay ako nito!

busy pa ako sa pagsabunot sa sarili ko nang biglang bumukas ang main door ng apartment ko at iluwa nito si Namjoon, sandali kaming nagkatitigan dahil top-less pa ito ngayon dahilan para makita ko ang makisig nitong katawan at ang malalaki n'yang braso.

jusko!

"what the heck are you doing here!" bulalas ko dito, hindi ko inaasahang makikita ko s'ya dito at sa ganitong sitwasyon pa. hay! mas lalong sumasakit ulo ko.

"ako naghatid sa'yo kagabi, mas matindi ka pa palang malasing" umiling-iling ito sa akin, nagsalubong ang mga kilay ko. ano bang ibig n'yang sabihin at bakit s'ya ang naghatid sa akin.

"umiiyak ka pala pag nalalasing". malakas itong tumawa at inilapag yung isang tray na may lamang soup sa maliit kong lamesa. himala di n'ya nasira yung tray.

"pa-paano?"

"wag ka ng magtanong kumain ka nalang" Nakangiti parin siya, labas na labas ang dimples at inilagay sa higaan ko yung tray, ano to breakfast in bed lang ang peg? tinitigan ko lang ang soup na nasa harap ko ngayon, hindi ko maiwasang magtanong, ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon.

"wala akong ganang kumain, late na ako sa trabaho ko-"
paalis na sana ako pero hinawakan ni Joonie ang braso ko.

"kumain ka muna, mas lalo kang pumayat. sigurado akong malulungkot si Yoongi Hyung kapag nakita ka n'yang pinababayaan ang sarili mo"
I scoffed, ano bang pake n'ya.

"ano bang pake mo Joonie, diba ito naman ang gusto mo? ito naman ang gusto mo diba, makipaghiwalay ako sakan'ya. ginawa ko na. pwede mo na akong lubayan"
hindi ko mapigialng maglabas ng sama ng loob sakan'ya, ang sakit kasi dahil hindi ko aakalaing s'ya pa sa lahat ng tao ang magsasabi nun sa akin.

"masaya kana ba?"
tanong ko dito, pero nakatungo lang s'ya at dahan-dahang umiling.

"sino bang magiging masaya kung sinuntok ako ni Yoongi Hyung, tapos nagagalit pa rin sa akin yung babaeng mahal n'ya" makabuluhang sabi niya na nagpatigil sa akin. nag-away ba sila ni Yoongi? doon ko lang napansin yung hiwa sa labi ni Namjoon.

"Ren, alam kong naiintindihan mo ako kaya ko ginawa yun-"

"alam ko, naiintindihan ko"
Sagot ko kaagad sakaniya ngunit nag-iwas ako ng tingin.

"sanay naman ako palagi ang umuunawa at nagpaparaya". dagdag ko pa, bitter na kung bitter pero hindi ko kasi maiwasang mag-tampo.

minsan na nga lang ako magka-love life tapos para talagang pinatikim lang sa akin yung saya, dahil kailangan kong magparaya para sa bagay na mas mahalaga para sakanila, para sa bagay na magpapasaya sa kanila.

pero paano naman ako? paano naman yung kasiyahan ko?

darating pa ba yung araw na magiging masaya ako?

na ako naman yung pipiliin?

"I missed you Ren, I missed you so much, miss ka na naming lahat" mapaklang sabi nito at para bang naiiyak na ilang sandali nalang, napatingin ako dito nang hawakan n'ya ang kamay ko. s'ya kaya namiss n'ya rin kaya ako? namimiss narin kaya ako ni Yoongi?

namiss rin kita Joonie, namiss ko ang bangtan, lalo na si Yoongi.

"I'm sorry dahil pinaglayo ko kayo, pero hindi ko pinagsisisihang ginawa ko iyon para sa bangtan" nasaktan ako sa sinabi n'ya pero atleast nagiging matapat s'ya sa akin.

"pwede ka namang pumunta sa bangtan kahit wala na kayo, welcome ka pa rin sa amin"
para bang nagalak bigla yung puso ko, makikita ko silang muli. pero, gusto parin kaya akong makita ni Yoongi?

"bukas, meron kaming performance, you're free to watch us pagkatapos hihintayin ka namin sa backstage"
mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi n'ya, makikita ko na ulit sila, mapapanood ko na ulit sila ng live!

hindi ko mapigilan ang pananabik para bukas, makikita ko na ulit ang pitong anghel ko. hindi na ako makapahintay para bukas, sana, sana talaga mabilis na matapos ang araw na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro