Encounter 37
R E N
"Gusto mong makatulong diba?" ma-awtoridad ang boses nito. Hindi ako makasagot, hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
"As the leader of the band, gusto kong hiwalayan mo na si Yoongi, set him free. palayain mo na si Yoongi" my lips are trembling and cheeks finally soaked with my fresh tears, umiling iling ako sakan'ya. bakit ko gagawin iyon?
paano n'ya nagagawang sabihin ito sa akin, akala ko ba masaya sila para sa akin, para sa aming dalawa ni Yoongi?
"b-bakit mo sa'kin ito sinasabi ngayon? bakit Namjoon?'' napakuyom ang aking kamay, pinipigilan ang sarili ko. sa dami ng tanong na nasa isip ko, ito lang ang lumabas sa bibig ko.
hinilamos n'ya ang kamay n'ya sa kan'yang mukha. "dahil sa tingin ko ito ang tama-"
''tama? anong tama ba ang pinagsasabi mo? bakit ko gagawin ang inuutos mo? mahal ko si Yoongi at alam kong alam n'yo iyan. bakit kailangang kayo pa?'' hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko.
"bakit kailangang kayo pa ang humadlang?" halos pabulong na tanong ko, nanghihina ako, hindi ako makahinga dahil sa sakit at sikip ng dibdib ko.
''dahil ako ang leader nila Ren, kilala ko sila, matagal na kaming magkakasama at hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan namin" iniangat ko ang aking mukha, pinipigilan ang sarili kong umiyak, pinapatahan ang sarili. Pero hindi ko kaya.
"hindi ko hahayaang ikaw lang ang maging dahilan para mawala lahat ng paghihirap namin" wala na atang mas sasakit pa sa sinabi n'ya, ang sakit. paulit ulit na tinutusok yung puso ko, paulit-ulit inaapak-apakan.
"kaya ka ba umiiwas dahil dito? kaya ba huh?" gusto ko s'yang saktan, ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko, damn shit wala man lang kahit isa ang lumabas.
"OO! at kung kailangan kong gumawa ng paraan para maghiwalay kayo gagawin ko!" my teeth gritted, this is not Namjoon I'm talking with. he's not like this!
"then fvck this shit! gago ka pala eh! bwisit ka!" bulyaw ko sakaniya at pinaghahampas s'ya sa dibdib habang patuloy paring umiiyak. "pagkatapos mo kaming paglapitin, pagkatapos mong gawan ng paraan para magkatuluyan kami, tapos ngayon sasabihin mo sa akin 'yan-"
"oo Ren! mahal ko sila, mahal ko ang grupo ko! ayokong masayang lahat, at handa akong gawin para manatili kami"
"Puwes pasensya kana, mahal ko din si Yoongi, at hinding hindi ko s'ya iiwan" pagmamatigas ko, aalis na sana ako, pero hinila n'ya ang braso ko papalapit sakan'ya.
"ANO TATAKBO KA NA NAMAN? tatakbuhan mo na naman 'yang problema mo?" nanlalaki ang mata nito, pero kita ko doon ang sakit. "grow up Ren, harapin mo naman yung problema, wag mong takasan at magpanggap na wala lang!" bulyaw niya sa akin, hindi ko maintindihan. alam kong mahal n'ya ang Bangtan, pero bakit kailangan kong iwan pa si Yoongi?
Bakit iyon pa?
"hindi kita maintindihan Namjoon, bakit kailangan mong gawin ito, mahal ko si Yoongi handa ko s'yang ipaglaban-"
"hindi sa lahat ng oras Ren! hindi mo ba nakikita o nagbubulag-bulagan ka lang?" napatigil ako sa sinabi niya, hawak-hawak n'ya ako sa braso, nag-umpisang tumulo ang luha n'ya, na mas lalong nagpapahirap sa akin.
akala ko si PDnim lang ang hadlang, pati ba naman s'ya?
"mas lalong dumadami yung bashers n'ya dahil sa'yo, pinagtatanggol ka n'ya sa lahat ng nang-aapi at naninira sa'yo. SINASALO N'YA LAHAT! habang ikaw, mahimbing na natutulog. mahal ka n'ya to the point na nakakalimutan na n'ya ang sarili n'ya. hindi na s'ya makapag concentrate para sa comeback namin dahil sa'yo!" napaupo ako sa damuhan dahil sa sinabi n'ya, was that true?
pabigat na ba talaga ako?
napaka-sama ko ba dahil doon?
bakit kailangan mong saluhin lahat Yoongi?
"WAG KANG MAGING MAKASARILI! isipin mo din s'ya, lahat ng pinaghirapan n'ya" rinig kong sabi nito, pero masyado nang okupado yung isip ko. sobrang bigat na ng dibdib ko
all this time? was it me? was it me being selfish?
ang ginawa ko lang naman ay ang mahalin s'ya pero bakit mali pa rin, bakit hindi parin tama?
"tama ang nararamdaman n'yo Ren, sadyang mali lang talaga ang panahon at pagkakataon" masyado bang mahirap ibigay yung hinihiling ko? na makasama ko lang si Yoongi? na hindi s'ya mawala sa tabi ko?
is that wrong? is it too much to ask for?
"Ren, kung mahal mo talaga si Yoongi, hindi mo hahayaang mawala lahat ng pinaghirapan n'ya at yung bagay na minahal n'ya" tinignan ko s'ya ng masama, yung taong akala ko magiging kakampi namin ni Yoongi, s'ya pa yung taong pilit na maghihiwalay sa amin.
"wag mong hayaang mawala lahat ng paghihirap n'ya para lang makatuntong dito, para lang makuha n'ya yung minimithi n'ya. wag kang maging pabigat Ren, wag kang maging hadlang sa pangarap n'ya at sa bangtan" mariing na sabi nito bago pulutin yung mga punong kahoy na nalaglag, napayakap nalang ako sa aking tuhod, nilabas lahat ng sakit at kirot sa dibdib.
Kaya ba tumututol narin sa amin si PDnim, dahil sa akin?
Ako ba talaga ang dahilan ng lahat? Kung tutuusin ako naman talaga, dahil kung hindi naman ako dumating sa huhay nila, mapayapa parin ang buhay nila ngayon.
Kapag ba tinigil ko kung anong meron sa amin Yoongi maayos ang lahat?
Pero paano ako? Paano kami ni Yoongi? Paano naman yung sariling kaligayahan ko?
Tumayo na ako, tinulungan ko si Namjoon maghanap ng punong kahoy, hindi kami nagpapansinan, hindi ko mapigilang magtanim ng sama ng loob sakan'ya, naiinis ako sakan'ya,
Kahit alam kong para rin ito sa Bangtan, hindi ko mapigilang magalit kay Namjoon.
Gugustuhin ko nga ba talagang mawala yung bagay na gustong-gusto ng taong mahal ko?
Ako ba talaga ang hadlang sa mga pangarap nila? Sa lahat ng pinaghirapan nila?
Sumisikip lalo ang akong dibdib, gustong kong sumigaw, isigaw lahat ng galit na nararamdaman ko.
"Jagiya!" Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang boses na iyon.
Lumingon ako kay Yoongi na tumatakbo papalapit sa akin, bakit kailangang sa paglapit n'ya ay s'ya namang may taong naglalayo sa aming dalawa?
May pagaalala sa mga mata niya, hinawakan n'ya agad yung mga kamay ko pagkalapit n'ya sa akin.
Kaya ko bang palayain ang lalaking mahal ko?
"Kanina pa kita hinahanap, akala ko naligaw ka na" Mapait akong ngumiti.
"Kasama ko naman si Namjoon" Nagpout ito pagkatapos ay kumunot ang noo.
"Kahit na, kanina pa ako sa'yo nag-aalala, hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko" pagmamaktol niya na parang bata. "Ayos ka lang ba?" Takhang tanong nito. Marahan akong tumango.
Hindi sumabay sa amin sa paglalakad si Namjoon mas nauna s'ya sa amin, mas mabuti na iyon, hindi ko alam kung anong ihaharap ko sakan'ya dahil masama parin ang loob ko.
Hanggang sa sumapit ang gabi, nakatayo na ang tent naming walo, nakagawa na ng apoy sina Yoongi.
"Wow, mallows" Nanlalaki yung mga mata ni taehyung, tinikman yung mallows at hotdog na nasa stick.
"Wag mong kainin yan ah, lulutuin pa natin yan sa apoy" Paliwang ni Jin.
Nang maayos na ang lahat ay nagsimula na kaming iluto iyon sa apoy.... Maliban kay taehyung.
"Taehyung, asan yung marshmallows mo? Ba't hotdog nalang natira" Nginitian lang ako ng gago at nag-peace sign pa. Sa tingin ko alam ko na kung nasaan na yung mallows n'ya.
"Nagutom ako eh, kinain ko na" Tumawa pa siya at kinamot ang ulo.
"Oh, bibigyan kita" Ani Jungkook, kinuha niya yung isang mallows na nasa stick n'ya at binigay.... Hindi kinain n'ya lang ito at tumawa kay Taehyung.
'Tong batang ito paasa eh. Nag-pout tuloy si taehyung na mas ikinatawa lang ni Jungkook.
"Taran!" Sigaw ng maknae at inilabas yung isang pack ng marshmallow.
"Abay- nasa sa'yo pala yang marshmallow na 'yan!" Sigaw ni Jin na ikinatawa ng anim, habang ako masaya ko lang silang pinagmamasdan.
May isang tanong na nasa isip ko ngayon. "Lahat kaya sila, gusto rin kaming paghiwalayin ni Yoongi?"
"Eh kasi eomma, alam kong mangyayari to kay taehyung eh" Paliwanag ni Jungkook tapos kumuha ng mallows at sinubo n'ya sa bibig n'ya.
Sa likod ng masasayang ngiting ipinapakita nila, isang kasinungalingan ang nakatago. Nahihirapan na pala sila dahil sa akin,
Ako ang rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, ako ang may kasalanan kung bakit sila nahihirapan.
Pero wala na ba akong karapatang sumaya? Wala na ba akong karapatang maging maligaya?
Paulit-ulit na pinupunit yung puso ko pagkatapos ay parang inaapakan ito ng paulit-ulit, kahit anong gawin ko, kahit anong maging desisyon ko, may masasaktan parin.
Kumain din kami ng fried chicken na dala dala ni namjoon, inorder daw n'ya bago sila umalis ng dorm.
"Jagi" Tawag sa akin ni Yoongi, isinubo nito sa akin yung balat ng fried chicken na pinakagusto kong parte sa lahat.
Ang sarap nga dahil sobrang juicy at crunchy nito, tapos ang sarap pa ng kamay ni Yoongi.
"Thanks" Maikling sabi ko pero nararamdaman ko na naman yung kumakaripas na pagtibok ng puso ko, parang baliw.
Oo baliw, baliw na baliw kay Yoongi.
At patuloy pang nababaliw sa lalaking ito.
"Ako din Jimin, akin nalang yang balat" Ani hoseok at nagpa-cute pa kay Jimin, syempre si liit tumawa lang kay hoseok pero hindi binigay yung balat.
"Ang ganda ng buwan oh!" Sigaw ni Taehyung nakatingin at nakaturo sa buwan kaya lahat kami ay napatingin din.
"Oo nga, pero mas maganda pa din si Jagi" Pakiramdam ko ay namula yung pisngi ko dahil sa banat ni Yoongi, nakakailang banat na s'ya ah! Pero nakakainis kasi ang lakas ng tama sa akin!
"Huh? Hindi naman mahaba yung baba ni noona ah" Narinig ko ang pagtawa ng mga ito, gago talaga 'tong si jungkook eh.
"Gagu! Nakita mo bang mahaba baba n'ya? Sabi ko maganda hindi magkahugis!" Paliwanag ni Yoongi na ikinatawa ng mga ito, bat galit na galit Yoongi?
"Ay may joke ako!" Nakita kong umiling si Namjoon dahil sa sinabi ni Jin na tuwang-tuwa ngayon.
"Anong tawag sa buwang abnormal?" Nauna pa ang tawa niya bago yung sagot sa joke n'ya, nakangiti lang kami dito maliban kay Yoongi na patuloy sa pag-inom ng sprite.
"Ano?" tanong ni hoseok, interesadong malaman ang sagot.
"edi MOONgoloid" Parang may dumaan atang anghel dahil tahimik lang kaming lahat sa joke ni Jin, hanggang sa....
"AHahahahahhaaha" Halos mamatay na si Jimin sa kakatawa n'ya, hind ko alam kung ano bang nakakatawa sa joke ni Jin eh, pero nakakahawa yung tawa ni Jimin kaya natawa lang din kami.
--
Malalim na ang gabi, pero 'eto ako hindi pa rin dinadalaw ng antok. Kanina pa ako papalit-palit ng pwesto pero wala talaga. Sobrang daming pumapasok sa utak ko, sobrang dami kong iniisip.
Wala akong mahanap na cignal ng antok, Dismayado akong umupo at lumabas ng tent, tinignan ko ang tent ng pito, sa tingin ko ay tulog na tulog na ang mga ito.
Dahan dahan akong pumasok sa tent ni Yoongi, wala naman kasi itong zipper, nakabukas lang talaga ang tent na ito kaya madali akong nakapasok.
naalarma kaagad si Yoongi at biglang tumayo kaya't tinakpan ko agad ang bibig n'ya. sinenyasan ko s'yang huwag maingay.
Tinanggal n'ya ang aking kamay nang marealize n'yang ako ito, bumuntong hininga ito habang hawak-hawak ang dibdib. gulat na gulat parin.
"Akala ko kung sino" Bumuntong hininga siyang muli, natakot ko ata talaga siya dahil sa biglaan kong pagpasok.
"Sorry, nagulat ka ba?" Tinignan niya ako ng masama.
"Hindi natuwa ako" Pamimilosopo nito, matalim parin ang mga titig niya "hindi ka ba makatulog?" mabilis akong tumango, para akong batang nagsusumbong sa nanay n'ya at sinabing hindi ako makatulog.
Bahagya siyang tumawa, parang may fireworks sa loob ng katawan ko kapag naririnig ko yung tawa n'ya, lumalambot yung puso ko at mas lalo akong naguhulog sakan'ya.
Hinila ako nito palapit sakan'ya, unan ko ang kan'yang braso, tapos nakayakap s'ya ng mahigpit sa bewang ko, pati hita n'ya ay nakapatong din sa akin.
Kung pwede lang kaming manatiling ganito habang buhay, mas gugustuhin ko iyon.
He contagiously kiss my temple, bumibigat narin ang paghinga nito habang inaamoy yung buhok ko.
"Ang bango mo naman" pambobola niya sa akin, patuloy sa pagsinghot sa aking buhok. ngumiti ako, pinipigilan kong hindi ipakitang kinikilig ako.
"Kung ikaw palagi kong katabi sa gabi, hindi na ako matutulog" Sabi pa nito at mas isiniksik ko ang sarili ko sa dibdib n'ya.
Parang paulit-ulit na dinudurog yung puso ko sa tuwing naiisip kong baka paghiwalayin kaming dalawa.
Hindi ko kayang mawala s'ya,
Pero paano s'ya, paano yung Bangtan, paano lahat ng pinaghirapan nila, lahat ng pagod na ibingay nila para sa pangarap nila. Kakayanin ko bang itapon n'ya iyon para sa akin?
Nanlaki ang mata ko nang marinig kong tumunog ang t'yan niya, wala sa sariling natawa ako, hindi ko alam gusto ko lang tumawa.
Kita ko sa peripheral view kong nakatingin lang ito sa akin at parang nahihiya dahil nagugutom na ang bulate n'ya sa tyan.
"Parang nagugutom ako" sabi niya, hawak ang kaniyang tiyan at naka-pout. pinahid ko yung luha sa gilid ng mata ko.
"Ano bang gusto mong kainin?" Medyo lumayo ako sakan'ya para magtama ang mata naming dalawa.
Sandali itong nag-isip. "Hmm.... Kahit ano"
"Kahit ano? Wala akong alam na pagkaing ganun" Pagbibiro ko sakaniya, nahahawa na ata ako kay Jin, ako lang yung natatawa sa sarili kong joke.
"Ano ba kasing gusto mo?"
"Ikaw ang gusto ko" Seryosong sabi ni Yoongi, nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya. Mas lumayo ako dito.
"Gusto mo akong kainin?" Napalakas yung pagsabi ko sakan'ya, sunod ko na lamang na narinig ay ang malakas na pagtawa ni Gilagid, parang pininturahan ng pula yung pisngi ko nang marealize kung ano ang sinabi ko.
Nakakainis, bakit ba ayun agad yung pumasok sa kukote ko?
Hinawakan pa ni Yoongi ang t'yan n'ya dahil sa sobrang saya n'ya.
"Stupid, masyado kanang nagiging berde ah" Panunukso niya sa akin kaya pabiro kong hinampas yung braso n'ya na mas ikinatuwa lang n'ya.
Eh kasi naman.... Okay, sige talo na ako. Wala akong maisip na dahilan eh.
"Babanat sana ako eh, kaya lang nauna ka" Sabi pa niya, eh alam ko bang babanat s'ya noon! Nakakainis!
"Tara kumain kana muna" Tatayo na sana ako kaya lang ay hinila ako nito pabalik sakan'ya.
"Bukas nalang" Kumunot ang noo ko, bakit bukas pa?
"Baka hindi ka niyan makatulog?"
"Makakatulog ako n'yan, andito kana sa tabi ko eh, masarap ang tulog ko panigurado" Abot tenga yung ngiti ko, mabuti nalang at mas isiniksik n'ya ako sa dibdib n'ya dahil kung hindi makikita n'ya kung gaano kapula ang pisngi ko.
"You sure?" paninigurado ko.
"Seryoso, seryosong seryoso ako sa'yo" Tangina, ano bang nakain ni Gilagid. Kanina pa banat ng banat, lakas ng epekto sa akin eh! Ang lakas mo Yoongi!
Bahagya itong tumawa at mahigpit akong niyakap, natatakot nga ako dahil baka madurog naman niya yung buto ko.
"Goodnight" He said and gave me smack kiss in my lips.
"Goodnight" Pipikit na sana ako nang bigla kong marinig ang hagikhikan sa labas ng tent.
Bumangon muna kami ni Yoongi at itinapat sa labas yung maliit naming ilaw,
"Goodnight!" Sigaw nina Hoseok at Jimin sa labas ng tent, may nakakalokong ngiti sa mga ito at akala mo'y nanalo sa lotto.
"Bakit andito kayo? Kanina pa kayo nandyan?" Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya, nakakinis talaga 'tong dalawang ito? Hindi ko alam na pinapanood pala kami.
"Hindi naman, ang ingay n'yo kayang dalawa. Tapos may kainan pa kaming narinig" Humalakhak si Hoseok, pagkatapos ay nag-apir pa sila ni Jimin.
chismoso talaga itong dalawang ito eh.
"Matulog na kayong dalawa, gabi na baka magising pa yung iba" utos ni Yoongi, pero nakasilay parin ang nakakalokong ngiti sa dalawa.
"Kayo dapat natutulog d'yan, hindi puro usap kainan, mamaya kung anong makain n'yo d'yan eh!" Bulyaw ni hoseok at kumunot pa yung noo n'ya.
May pagka-luko-loko talaga itong isang ito eh.
"Good night! Paka-bait kayong dalawa ah" Panunukso ni Hoseok na tumatawa ng malakas. Pakiramdam ko may iba pang meaning yung sinabi n'ya eh.
"Sige na, goodnight na. Matulog na para lumaki" Iling-iling kong sabi sa kanilang dalawa, lalo na kay Jimin. Pero tinaamaan ako sa sinabi ko, dapat pala matulog na rin ako para lumaki na ako.
"Sige Ren, sabihan mo muna sarili mo" Biro ni Jimin sa akin, humarap ito kay Yoongi at nagsukatan sila ng tingin, ano ito? Bro code?
"Yung alaga, patahimikin baka maghasik ng lagim" Tumawa ng malakas si Jimin at tumakbo paalis. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung ano bang sinasabi ni Jimin.
"Let's sleep" Pag-aaya ni Yoongi at humiga nang muli, niyakap ko s'ya ng mahigpit pagka-higa ko.
Yakap na nagsasabing mahal ko s'ya, bahala na kung anong mangyayari kinabukasan, bahala na.
Hinihiling ko sa tala at buwan, sana hindi na matapos ang gabing ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro