Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Encounter 32

R E N

Nakakita na ba kayo ng robot na nagsasayaw?

O ng taong parang robot sumayaw?

Ako lang naman yung pangalawa, sa mga oras na ito. Para akong tangang robot na nagsasayaw sa harap ng pito.

Ewan ko ba!

Hindi ako lasing pero ang lakas ng tama ko.

Lakas ng tama ko kay  Yoongi!

Yiee~

Ang harot ko masyado!

"Whoo! Ang galing mong sumayaw Ren, pwede kanang maging robot!" Bigla akong natawa sa sinabi ni Taehyung, tss. Palibhasa malalambot yung katawan nila!

Ngayon ko lang napansing, titig na titig sa akin si Jhope, medyo naka-awang ang bibig nito tapos parang dismayado habang pinapanood akong magsayaw.

Bakit ba nakalimutan kong masyadong magaling si Hoseok sumayaw at nakakatakot s'yang mag-intimate ng mga nagsasayaw.

"Tigasan mo pa Ren!"
Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga ito dahil sa sigaw ni Jin, wow Jin ah. Wow.

Andito na pala kami sa resort, meron kasing terrace dito, medyo malaki at merong ihawan kaya eto kami ngayon, nagba-barbeque party with matching Tequila and wine.

Maya-maya pa'y lumapit narin sa akin si Yoongi at sinabayan ako sa pagsayaw ng "chicken noodle soup" ng gwapong pogi naming Hoseok.

"Iba talaga pag inlove!"
Pangangantiyaw ni Namjoon. Sus!

"Couple goals!" Sigaw ni Jimin na kinukuhaan kami ngayon ng video.

"Tama na yan, kainan na!" Masiglang sabi ni eomma Jin, nagsilapitan narin kami maliban kay Yoongi na patuloy parin sa weird na pagsasayaw n'ya.

Kinuha ko nalang din ng pagkain si Yoongi tapos umupo sa tabi ni Jimin.

"Hi beautiful" Bungad sa'kin ni Jimin tapos ni-lick pa ang lips nito.

"Hello liit" Nawala ang ngiti nito at masama akong tinignan habang ako ay masayang tinawanan lamang s'ya. Pero maya-maya'y ngumiti din ito sa akin at para bang masayang-masaya s'yang nakikita akong tumatawa.

"Yoongi"
Pagtawag ko kay gilagid na nagsasayaw parin sa gitna.

"Yoongi!"
Ulit ko sakan'ya, pucha parang bingi si gilagid, hindi ako pinapansin.

"Yoongi!"
Sigaw kong muli sa pangatlong pagkakataon, pero hindi parin ako pinapansin.

"Tawagin mo kaya gamit yung tawagan n'yo?"
Suggest ni taehyung, hindi ko alam kung bakit n'ya naisip iyon pero sinubukan ko na din.

"Jagiya" Tawag kong muli dito, nawawalan na akong pasensya.

"Yes Jagi?"
Narinig ko na lamang na nag-tawanan ang anim, hindi ko alam kung ano ba minsan nakakain ni Yoongi, ewan basta ang sweet n'ya kasi na parang pasimple lang pero- ang lakas ng epekto sa akin.

"Tawag mo ako Jagi?" Pagtatanong nito, habang yung anim, titig na titig lang sa aming dalawa.

Parang nanonood lang ng movie eh?

"Kakain na tayo"
Sabi ko dito, he cutely nod his head then finally looked at the barbeque.

"Sabi sa'yo Ren eh, effective yung sinabi ko sa'yo" Taehyung winked at me before he drink his coke.

Kumunot ang noo ni Yoongi pero umiling na lang ako sakan'ya. Secret nalang namin iyon Yoongi.

Ayaw palang tawagin sa pangalan n'ya, gusto jagiya!

Nanood din kaming walo ng movie after naming kumain, sinabihan namin sila ni Yoongi na wag masyadong magpakalasing.

Lalo na si Jin! Jusko baka hanapin naman n'ya si Patrick at maghanap pa sa dagat!

Nakakatakot kainuman itong mga ito! Lalo na si Yoongi! Bigla nalang nang-aakit!

Alam ba n'yang sobrang naakit ako sakan'ya tuwing nili-lick n'ya yung lips n'ya? Jusko!

Tinulungan ko nalang din maghugas ng plato si Jin, pagod narin kasi yung iba, tsaka ang maknae line, ayun naglalaro ng tagu-taguan sa loob ng kwarto nila, diba parang ewan lang?

Dumiretso agad ako sa sofa pagkatapos naming maghugas ng plato, sandali akong napatigil nang may nagpop-up sa notif ko.

It's another comment, from somebody I didn't even know. Nag-comment ito sa isang article na nasa social media nadin.

Kung saan nandun ang litrato naming dalawa ni Yoongi.

His comment goes like this: "stay away from them, cause you'll just ruin their career"

"You are not even worth it for them"

It wrenched my heart, wala akong balak sirain sila, o ang samahan nila. Mahal ko sila at ayokong malayo pa sakanila.

But am I that destructive to them?

Ako ba ang nakakahadlang sakanila?

Mahal ko si Yoongi, gusto ko s'yang suportahan sa lahat ng gusto n'ya.

may nakita pa akong isang nagbigay pa ng komento niya. "I'm also a fan, and all I want for them is their happiness. and we can't do anything if she's his happiness, we just need to support them"

umiling na lang ako, nangako ako kina Yoongi na hindi ako magpapa-apekto sa kanila, at palaging titingin sa brighter side. mabuti nalang may mga tao paring nakakaintindi ng sitwasyon ko, at mas sinisikap nilang intindihin kami kesa sa husgahan.

agad kong tinago sa bulsa ng short ko yung phone ko dahil sa biglang pagtawag sa akin ni Yoongi, na ngayon ay nasa sala at nagtitipa sa piano. I smiled bitterly at him.

"are you okay?" I nodded.
"come here with me, gusto kong pakinggan mo itong mga kanta ko para sa'yo" pag-aaya niya sa akin pero hindi nakatuon ang tingin n'ya sa akin kundi sa piano na kanina pa niya tinitipa.

what did I do to deserve this kind of man?

niyakap ko s'ya sa kanyang leeg at ipinatong ang baba ko sa kanyang likod, dahilan upang mapatigil s'ya sa pag-pipiano. para bang maluluha ako, hindi ko maintindihan, nasasaktan ako kapag naiisip kong iiwan ko sila.

ayokong dumating yung araw na iyon.

"hey, are you really alright?" inosenteng tanong niya, magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

"tss. para sa'kin ba talaga 'yang ginagawa mong kanta? niloloko mo lang ata ako eh" binago ko na agad yung topic.

pinaupo ako nito sa tabi n'ya bago s'ya uminom ng wine n'ya. sandali akong tinignan nito. "they're all for you Ren, all of them is for you" I was left speechless, akala ko ay nagbibiro lang s'ya.

hindi siya nakatingin sa akin, pero halatang namumula ang mukha n'ya. hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil kinikilig si gilagid.

"I'm not even lying" aniya bago tumingin sa aking mga mata. "I can't even lie to you" eto na naman yung puso kong parang lalabas na konting konti nalang dahil sa nakakaakit na ngiti ni Yoongi.

"you're my inspiration, that's why" dagdag pa niya, wala akong magawa kundi isubsob yung mukha ko sa malaki n'yang braso.

"Yoongi, kinikilig ako sa'yong bwisit ka" pag-amin ko, narinig kong tumawa ito at hangin lang ang lumalabas. Mahigpit ako nitong niyakap at hinalikan ang aking buhok.

bakit mas lalo s'yang nagiging clingy kapag nalalasing s'ya?

ipinarinig n'ya sa akin yung mga ni-compose n'yang kanta, at wala akong masabi dahil sobrang ganda ng mga ito tapos sobrang ganda pa ng kamay n'ya habang nagtitipa s'ya ng piano.

at masasabi kong para sa aking nga talaga iyon, may ibang lyrics kasing idinidiscribe sa akin.

"kanta tayo?"
pag-aaya niya, ramdam ko ang excitement sa boses niya, napaawang ang bibig ko. I heard him chuckled before his fingertips touch the Ivory of piano. sandali akong nag-isip.

"alam mo ba yung kantang maybe the night ng Ben and Ben?" tanong ko dito, sobrang cute n'ya dahil sa pag-pout ng labi nito at parang nag-isip.

"hmm. I think I heard it before"
sabi niya at nag-umpisa ng magtipang muli. tumayo ako para kuhain yung gitara sa gilid at nag-umpisa na ding mag-strum.

I want to lay down by the fire with you
Where souls are glowing, ever warmer too
Your love surrounds me like a lullaby
Singing softly, you are mine oh mine

s'ya ang nag-umpisang kumanta, tapos titig na titig s'ya sa akin nung binanggit n'ya yung 'you are mine oh mine'.

this man is driving me crazy, and I don't want him to stop. Because we're going to drive reckless.

Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I have never been more certain
I will love you 'til we're old

ako ang naging second voice n'ya, hindi n'ya tinanggal yung titig n'ya sa akin, kung ice cream lang ako tunaw na siguro ako. what I hate the most when he's drunk? he's seducing me, intentionally or unintentionally!

and I love it.

Maybe the night holds a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down, just be near
Stay together here

let's stay like this forever Yoongi, without everyone, without the scoop, just us. kung pwede lang tayong magtagal ng ganto, o kahit habang buhay pa. masaya na ako, basta ikaw ang makakasama ko.

"dito ka nga sa'kin!"
hindi na ako nakapalag nang ibaba n'ya yung gitarang hawak ko pagkatapos ay paupuin n'ya ako sa hita n'ya habang nakapulupot ang braso ko sa leeg n'ya.

sandali kaming nagtitigan, hindi ko kasi ineexpect na gagawin n'ya ito. nabalik lang ako sa reyalidad nang magtipa na s'yang muli. iwinagayway ko ang kamay ko sa hangin habang kumakanta kami.

he's laughing at me whilst he's singing, his eyes on me, only me. looking at me intently. this night is incredible, I could live with it forever with him.

"ang likot mong kumanta" komento pa ni gilagid tapos tumawa nalang kaming dalawa atsaka ko nilagok yung natitirang wine ni Yoongi sa baso.

"wag kang uminom"
sabi nito at inilayo sa akin yung baso n'ya. kunot noo ko s'yang tinignan. he chuckled and looked at me full of disbelief.

"remember when both of us got drunk?" tumango ako, still clueless on what's running in his pretty mind. he came closer, brushing his hot lips on my ear. does he know it's turning me on?

"we almost lose control"
my face turned into red on what he whispered, then he laugh out of his lungs then kiss me on my shoulder. I almost forgot, lalo na na nung gabing umamin s'ya sa akin, we almost lose our control!

"sabi ko nga eh, hindi ako pwede" his manly laugh echoed.

--
"Kayong dalawa ah, hilig n'yong magsolo" Nagpout pa si liit sa amin, hindi na kasi kami sasabay sakanila pauwi sa dorm.

Ihahatid na ako ni Yoongi sa bahay, namiss ko na din si lola.

"Hyung, hindi sila solo. Dalawa sila dalawa!" Napakamot nalang ako dahil sa sinabi ni Jungkook.

"Paunahan tayo ng sasakyan" Batok ang inabot ni Namjoon kay Jin, ewan ko ba sa mga ito!

"Paunahin kita paliparin pabalik sa dorm eh" Nakanguso na naman si Eomma Jin tapos namumula na naman sa galit.

"Magiingat kayo, wag kung saan saan pupunta para hindi tayo pagalitan ni PDnim" Paalala ni Jin sa amin kaya't tumango nalang kami.

Nagpaalam na kami sakanila dahil ibang way yung dadaanan namin, tahimik lang si Yoongi habang nagmamaneho, napatingin lang ako sakan'ya nang hawakan n'ya ang kamay ko.

He interlock our fingers and kiss the back of my hand. There's something on me that was tickled on his kiss.

"Did you like it?"
Kumunot ang noo ko, anong nagustuhan? Yung hand kiss n'ya?

"Mas bet ko kung sa lips mo ako hinalikan" Nagulat ako nang bigla s'yang magpreno at itabi sa gilid ng kalsada yung kotse at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Naka-awang pa ang bibig niya pero alam kong tuwang tuwa ito. His eyes can tell.

Pwede bang magsabi s'ya hindi yung bigla bigla s'yang pumi-preno d'yan.

"What are you talking about?" Takang tanong niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko, pagkatapos ay narinig ko na lamang ang malakas n'yang pag-tawa n'ya.

Gusto kong mainis sakan'ya dahil tumatawa s'ya na hindi ko alam kung ano bang nakakatawa, sa sobrang saya n'ya ay pumalakpak pa si gilagid.

Gusto kong mainis pero heto ako at nakangiting parang tanga habang pinagmamasdan s'ya.

"Ano ba kasi yun? Usong mag-share Yoongi" Takang tanong ko sakaniya, pero ang gago patuloy padin sa pagtawa. Sige hintayin ko muna s'yang matapos tumawa.

"Ano ba kasing pinagsasabi mo d'yan?" Balik tanong niya sa akin. Anong pinagsasabi ko? eh sinagot ko lang naman ang tanong n'ya.

"Ang tinatanong ko sa'yo ay kung nagustuhan mo ba yung mga na-compose kong kanta para sa'yo" Ramdam kong biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito, natigilan ako at napatitig nalang sakaniyang malakas na tumatawa ngayon.

What the- iba pala ang tinutukoy n'ya! ren ano bang pinagsasabi mo?!

Narinig ko na naman yung malakas n'yang tawa nang takpan ko yung mukha ko gamit yung kamay ko. Nakakahiya yung sagot ko!

"Eh kasi naman ikaw eh, hindi mo nililinaw yung tanong mo!"
Pabiro kong hinampas yung malaking braso n'ya habang s'ya pulang pula na sa kakatawa.

"Hindi ka naman kasi nagtatanong eh, dapat nilinaw mo kung anong tinatanong ko"
Paninisi din niya sa akin.

"But you can always tell me, where do you want me to kiss you"bHis signified smirk formed in his little yet alluring lips. "I'm going to give your request my princess" He said huskily.

He's about to come near me to give me a kiss, suddenly he stopped because of his seatbelt. Being a hindrance in his way.

He pouted his lips which made me laugh. Hindi na ata makapag-hintay ang mahal kong pusa, mabilis din nitong natanggal yung seatbelt n'ya.

He held my chin and gave me a quick kiss on my lips. Akala ko tapos na iyon, pero muli nitong inilapat ang labi n'ya sa akin at makailang ulit akong hinalikan.

Para s'yang drugs, nakaka-addict at hindi ko kayang makatagal kapag wala s'ya.

"Where do you want me to kiss you?" Tanong ulit niya, pero muling bumulong ito sa aking tainga. "Too slow Jagi. I'm going to decide for you" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumapat ang mainit n'yang labi sa aking leeg, pababa sa aking balikat.

He's seducing me.

His signified smirk showed, then bite his lower lips before he kiss the tip of my nose.

"Let's stop this, baka hindi kita maiuwi kay lola" Sabay pa kaming natawa dahil sa sinabi nito.

"Seatbelt mo suotin mo"
Utos ko gawa ko eh, ako na ang nagbalik ng seatbelt n'ya. Dapat safety first palagi. Pero syempre, bahagya kong kinurot yung cute n'yang cheeks which made his nose scrunch.

--

Nagkatinginan kami ni Yoongi nang makita namin ang cute na bata na naglalaro dito sa sa bahay ni lola kasama si Tantan.

Maingay kasi yung bata, tapos akala n'ya ata kabayo si tantan dahil sinasakyan pa nito ang likod ng pusa, kaya ang ending natutumba lang din s'ya.

Sa tingin ko ay nasa limang taon palang ang batang lalaki, chubby ang cheeks nito, kulot ang maitim n'yang buhok tapos sobrang singkit ang mata n'ya.

Sarap itago sa bag ng batang ito!

"Annyeong"
Bati dito ni Yoongi, halatang nagulat yung bata nang makita n'ya si Yoongi. Agad nitong niyakap si Yoongi kaya natumba ang dalawa.

Natigilan ako sandali, pinanood si Yoongi na masaya ngayon kasama yung cute na bata. Para silang mag-ama, hindi ko alam na mahilig pala s'ya sa bata.

"Annyeong! What's your name?" Lumuhod ako para makausap ko ng maayos ang bata, ramdam kong nakatingin sa aming dalawa si Yoongi.

"Park Hye Go"
Biglang lumambot yung puso ko ang makitang kong ngumiti ito at bahagyang nag-bow sa akin. May nakikita pa kaya s'ya kapag ngumingiti?

"Nako, mabuti andito na ang lovebirds!"
Bulyaw ni lola, tumakbo papalapit sakan'ya ang bata at niyakap ito.

"Lola! Andito si Min Yoongi! Picturan n'yo po kaming dalawa" Bahagya akong natawa dahil halos maiyak na ang bata dahil sa sobrang saya nito, hindi na nagsayang ng oras si yoongi. Kinuha n'ya ang phone n'ya at nagpicture silang dalawa.

"Ren, picture tayong tatlo"
Ani Yoongi sabay ng paghila papalapit sakanila, pinagitnaan namin ang cute na paslit, close up ang picture namin at magkakadikit yung mga pisngi namin.

Parang family picture lang.

"S'ya ang nag-iisa kong apo, wala kasi ang magulang n'ya ngayon dahil may importanteng lakad kaya pinaiwan muna sa akin" Pagpapaliwanag sa amin ni lola.

"Apo, s'ya si Noona Ren, girlfriend ni Yoongi Hyung"
Nanlaki ang mata ng bata, parang hindi ata makapaniwala.

"Ibig sabihin totoo po yung issue sainyong--"
Pinutol na agad s'ya ni Yoongi, nakaluhod parin ito at ginugulo ang buhok ng bata.

"Oo, kaya secret lang natin yun ah. Tayo lang ang nakakaalam nun" Agad dinng tumango ang bata tapos tumingin sa akin at hindi ko inaasahang yakapin ako nito.

Dahil maliit lang s'ya hita ko lang ang nayayakap n'ya. Pero sobrang cute pa din n'ya.

"Wehhh! Haba naman po ng hair n'yo noona'' masiglang sabi ng bata na ikinatawa naming tatlo, hindi lang mahaba sobrang haba.

"Sobrang haba"
Pagtatama ko dito na ikinatawa lang n'ya. Buti pa s'ya natatawa s'ya sa mga biro ko.

"Kung pwede sana, papabantay ko s'ya sainyong dalawa, may importante kasi akong lalakarin ngayon eh, kung ayos lang sana, pakitignan tignan muna s'ya" Natigilan kaming dalawa, bubuka palang snaa ang bibig ko nang biglang magsalita si Yoongi.

"Kaya lang po may pasok ata ngayon si Ren, ako nalang--"
Nakita ko ang paglungkot ng itsura ng bata. Pinutol ko na agad ang sinabi ni Yoongi.

"Hindi okay lang, day off ko naman ngayon eh" He looked at me if I was telling the truth so I smiled at him.

Day off ko naman talaga ngayon, okay lang kahit maghapon pa kaming mag-alaga sa bata. Tsaka sigurado akong matutuwa ang bata kapag dalawa kaming mag-aalaga sakan'ya.
Tulad ngayon talon s'ya ng talon dahil sa tuwa at excitement n'ya.

"Buti po talaga umabsent ako school!" Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sinabi ng makulit na bata, ayaw na n'yang bitawan si Yoongi sa pagkakayakap n'ya.

--

"Inaantok kana ba?"
Rinig kong malambing na tanong ni Yoongi kay Hye Go na panay na ang hikab.

Umiling ang bata, pero parang pipikit na ang mata. Kakatapos ko lang maghugas ng plato, habang yung dalawa ay busy sa paglalaro ng mga laruang dala ng bata.

Kanina pa umalis si Lola, sinabi n'yang i-lock ang bahay kapag aalis kami at wag masyadong pupunta sa mataong lugar dahil baka ma-scoop na naman kami ni Yoongi.

"May gusto kang puntahan?"
Pag-iiba ng tanong ni Yoongi, agad akong napailing habang nakikinig sakanila. Alam ni Yoongi na hindi s'ya pwedeng masyadong maglalabas sa publiko lalo na kaming dalawa.

"Talaga po? Pwede ba tayong pumunta sa malaking aquarium!" Nanlalaki ang mga mata ng bata, habang idinidiscribe kung gaano kalaki yung aquarium.

"Oo naman!"
Napailing ako sa sagot ni Yoongi sa bata. Mabilis kong hinigit si Yoongi palayo sa bata para kausapin s'ya.

"Yoongi, alam mong bawal tayong lumabas, lalo na kung magkasama tayo. Alam mong mainit ang mata sa atin ng publiko diba?" Mahinhin kong pagpapaalala sakan'ya, habang s'ya pangiti ngiti lang sa akin.

"Alam ko"
Maikling tugon nito. Alam naman pala n'ya eh, bakit kailangan pa naming lumabas.

Hindi naman sa ayaw ko, at pagiging KJ pero para narin iyon kay Yoongi, iniingatan ko ang image n'ya. Lalo na't nalalapit na yung pagrelease ng album nila.

Bilin na bilin pa naman sa aming dalawa iyon.

"Alam mo naman pala eh, edi mag-stay nalang tayo dito. Manood nalang tayo ng movies o-" I wasn't able to finish talking when Yoongi put his pointing finger on my lips.

"Gusto ng bata eh, pagbigyan na natin s'ya. Minsan lang naman s'ya nandito" Malambing ang boses nito at pilit akong kinukumbinsi habang nilalaro ang kamay ko.

"Kahit na Yoongi, alam mong bawal tayong lumabas diba?"
May diin na sabi ko, bakit ba ang kulit ng isang ito? Ayaw makinig sa akin.

Siguro kapag nagka-anak ito sa hinaharap, spoiled na spoiled sakan'ya.

Napa-buntong hininga nalang ako at siniringan s'ya.

"Bahala ka, gawin mo kung anong gusto mo" Inis kong sabi sakan'ya at tinungo na muli ang lababo.

Padabog kong binuksan ang faucet at nilabhan yung basahang ginamit ko kanina. Ramdam ko parin ang matatalim na titig sa akin ni Yoongi.

"Jagi, galit ka ba?"
Malambing ang boses nito, feeling ko ay naka-pout s'ya ngayon.

Naramdaman ko na lamang na niyakap na ako nito mula sa aking likuran.

"Hindi ako galit, kaya nga pinapayagan na kita diba?"
Sarkastikong sabi ko. Ayoko lang naman na magka-issue na naman dahil sa akin.

Ayokong ako ang maging hadlang sakanila, ayokong madagdagan yung stress nila lalo na't masyado na silang busy.

"Diba nilabhan mo na yang basahan kanina?"
Natatawang tanong nito sa akin na dahilan para mapatigil ako sa gingawa ko.

"Paki mo ba, gusto kong labhan ulit eh" Bakas parin yung inis sa boses ko, kaya napatigil si Yoongi sa pagtawa n'ya at narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya.

"Minsan lang naman kasi-"

"Kaya nga, umalis kana kung aalis kayo. Maiiwan nalang ako dito, gawin mo kung anong gusto mo!" Madiing sabi ko, mas lalo itong napabuntong hininga at kinamot pa ang likod ng tenga n'ya.

"Pano kung ikaw ang gusto ko?" Biglang banat niya sabay tawa ng malakas n, hindi kontuloy mapigilang mapangiti habang nariinig ko ang pagtawa niya. Wala na, bati na naman tuloy kami. Nakakainis kasi eh bakit ba ako ngumiti? Tsk.

Impit akong napatili nang halikan nito ng paulit-ulit yung leeg ko, hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa kiliting nararamdman ko, bahagya kong inilayo yung mukha n'ya sa leeg ko habang tawa s'ya ng tawa sa ginagawa n'ya.

"Yoongi nakikiliti ako!"
Dapat kunyari naiinis akong sasabihin yun pero para pang natatawa ang kinalabasan dahil nakikiliti na talaga ako.

"Noona!"
Mabilis kong itinulak palayo sa akin si Yoongi dahil sa pagsigaw ng cute na batang biglang sumulpot sa kusina. I heard Yoongi's groan.

Hawak-hawak pa ng cute na bata yung laruan n'yang malaking truck.
"Diba po pag love n'yo si Hyung, sasama dapat kayo?"
Cute na cute niyang tanong habang nakapout pa ang lips n'ya.

Mas lalo tuloy nawala yung inis ko kay Yoongi.

"Ehem. Oo nga"
Kunyari paubo-ubo pa si gilagid pero sumasang-ayon naman sa bata, at nagpaparinig pa s'ya.

"Kasi po, hindi po yun masaya pag po wala kayo"
Malungkot ang tono niya na mas lalong nagpalambot sa puso ko, para bang nahihiya pa ito dahil hindi ito makatingin sa akin ng derecho at patuloy lang na inaayos yung truck. Kahit maayos naman.

"Tsaka po, iiyak po si Yoongi Hyung pag po wala po kayo" Gusto kong matawa dahil sa pagkainosente ng batang ito. Habang si Yoongi nakasandal lang sa lamesa habang naka-cross ang braso. At nakatitig lang sa aming dalawa.

"Pano yung iyak Hye Go?" Tanong ni Yoongi dito at ang inosenteng bata ay nagmake face na parang iiyak habang naka-pout pa at kunyari talagang umiiyak s'ya.

Hindi tuloy namin mapigilang tumawa ni Yoongi dahil sa ka-cutan ng batang makulit na ito.

"Ganun po kasi si appa ko eh, iyak po s'ya tsaka lungkot pag po wala si eomma" Putol-putol na pagpapaliwanag nito habang pinaglalaruan yung hawak n'yang laruang truck.

"Masyado na po kayong nakakarami. Eh, sasama na po ba kayo?" Mas lalo kaming natawa dahil sa prankang pagtatanong ng bata, ang cute lang n'ya tapos parang inip na inip na sa aming dalawa.

"Sige kiss mo si noona  para pumayag na ako" Pagpapa-cute ko dito, nakita kong nagtakip pa si Yoongi ng kanyang mukha gamit ang palad n'ya at namumula.

Hinalikan nga ako ng bata, ang cute nga dahil nagpakarga pa ito para lang mahalikan n'ya ako sa cheeks. Tapos narinig kong tumawa ito ng sobrang cute.

"Yehey! Pupunta na tayo sa Aquarium!" naglikot yung batang makulit habang kalong-kalong ko, hindi mapakali sa sobrang excitement n'ya.

"Eh si Jagi, walang kiss" Napatingin kaming dalawa kay Yoongi na nakapamaywang habang naka-pout tapos para bang nagpapa-awa sa akin.

Tinakpan ng bata ang mata n'ya at sumubsob sa aking balikat habang tumatawa. "Bibigyan ko ba ng kiss si Hyung?" Natatawang tanong ko sa bata, sandali itong nag-isip, TAKE NOTE: cute na cute s'yang nag-isip.

Tumatawa siyang umiling-iling kaya ang ending mas lalong nagpa-cute si Yoongi sa amin at para bang pusang mangangagat dahil nakalabas na agad yung gilagid n'ya este ngipin palang maliliit.

"Pano ba iyan hindi daw eh"
I stick my tounge out making his nose scrunch and running toward us.

Kaya ang ending tumakbo narin ako habang kalong-kalong ko si Hye go na patuloy pa din sa pagtawa habang nakatingin kay Yoongi na patuloy parin sa paghabol sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro