Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Encounter 31

R E N

"Nako gHorl! May fansclub na kayo dito ni Yoongi sa Pinas!" Inilayo ko sa tenga ko ang phone, parang mababasag na yung eardrums ko dito kay Medz eh.

"Yieee~ artista kana neng!" Ngayon naman si Jen, kung pwede lang ilusot ko yung kamay ko sa phone ko para sabunutan silang dalawa, ginawa ko na.

Tapos na ang shift ko, nasa locker room pa ako dahil biglang tumawag yung dalawa. Hindi rin ngayon pumasok si Kim. May problema ata.

"Ang hirap kaya ng sitwasyon ko ngayon dito, halos pati yung pagkain ko gustong malaman ng press" Sabi ko, narinig ko na lamang silang tumawa sa kabilang linya. Hindi parin kasi lumalamig yung issue tungkol sa amin ni Yoongi hanggang ngayon, pati yung trabaho ko naaapektuhan nadin.

Although natutuwa ako sa iba kong pasyente, masaya daw sila para sa'kin dahil sobrang gwapo daw ng boyfriend ko.

Meron namang ibang.... Hindi natutuwa, lalo na sa social media. Kaya nga, ayaw ng Bangtan na magbukas muna ako ng social media account ko, dahil nag-aalala sila sa akin.

Pero hindi rin ako sumunod, social media lang kasi ang paraan ko para makausap ko yung pamilya at kaibigan ko sa Pinas.

"Kaya mo yan Girl, alam naman naming kaya mo yan eh. Kinaya mo ngang ipaglaban ang ex mo dati eh, mas kakayanin mong ipaglaban si Yoongi hottie ngayon" Napailing nalang ako sa sinabi ni Jen, HOTTIE daw kasi, mali kaya. Sobrang hot dapat!

"Alam ko, pero nakakapagod din kasi, hindi naman kami palaging nagkikita dahil masyadong mainit yung mata sa amin"
Narinig kong bumuntong hininga si Jen,"malapit nga kami, pero parang ang layo padin" Dagdag ko pa. Mahal ko si Yoongi, kaya kong magtiis para sakan'ya, nakakalungkot lang talagang hindi kami makalabas minsan dahil sa pinagbabawalan nga kami.

Pero naiintindihan ko naman.

"Ren, alam naming mahal mo s'ya. Malalagpasan n'yo rin iyang dalawa" Ani Medz, pilit pinipagaan ang kalooban ko.

"Ren, sigurado ka bang hindi mo na mahal si Angelo?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni Jen, bakit naman s'ya biglang napasok dito.

"Hoy gaga! Bat nasali yung hayup na iyon dito?" Ngayon naman si Medz ang nagtanong, oo nga, bakit nasali iyon?

"Kinukulit n'ya ako, kung totoo daw bang meron ka ng iba. Aba! Syempre hindi ko sinagot! Gago s'ya pagkatapos n'yang pagtaksilan ka ngayon magtatanong-tanong s'ya"
Galit na galit si Jen, naiimagine kong humahaba na naman ang nguso nito dahil sa galit.

"Dapat sinabi mong ikakasal na s'ya" Kung pwede ko lang talagang sabunutan itong si Medz ginawa ko na, masyadong advance!

"Hayaan mo nalang s'ya Jen, wag nalang natin s'yang isipin. Masyado na akong stress at ayoko nang makidagdag pa s'ya" pinal na sabi ko. Bigla tuloy akong napaisip. Paano kung magkita ulit kami ni Angelo?

Umiling-iling ako, wala na akong pake sakan'ya. Tapos na kami, at masaya na ako ngayon.

Pagkatapos ng tawag namin ay lumabas narin ako ng hospital, nag-unat unat muna ako bago ko ilagay yung mask ko.

Pang night shift kasi ako kahapon kaya maaga pa ngayon ang labas ko, atsaka wala pang masyadong tao.

"Ay kabayo!"
Sigaw ko nang biglang may sumundot sa magkabilang tagiliran ko.

"Kabayo ka pala eh"
Napatingin ako sa dalawang lalaking nasa likuran ko lang pala, naka-mask din ito tapos naka-sumbrero at shades pa.

"SOPE!"
Tinakpan ni Yoongi yung bunganga ko, tapos si Hobi naman ay inilagay ang pointing finger n'ya sa gitna ng labi n'ya.

"Bakit nandito kayo? Baka mamaya may makakilala sa inyong dalawa"
Nag-peace sign pa si Hobi sa akin bago guluhin yung buhok ko, tapos si Yoongi titig na titig lang sa akin.

Enebe

"Sinundo kalang namin, sabi kasi ng HONEY mo nasabi mong wala ngayon si Kim. Kaya andito kami para sunduin ka"
Ini-emphasize pa nito yung salitang "honey". Lihim akong napangiti sa dalawang gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon, nakakataba ng puso.

Dumiretso kami sa may parking lot, umakto talagang parang body guard yung dalawa dahil may pa hawak-hawak pa sa isang tenga nila tapos yung isang kamay naman pinanghaharang nila habang nasa gitna nila akong dalawa.

Habang ako ito, tawa lang ng tawa sa ginagawa nilang dalawa, ang ku-kyut kasi nila, yung guard ko kasi. Ang ga-gwapo!

Pagkarating namin dun, binuksan ni jimin yung pinto habang paulit na sinasabing: "copy, andito na si Honey, copy"

Habang yung lima tawa lang ng tawa dahil masamang titig ang ipinukol sakaniya ni Yoongi. Kasama pala ang buong bangtan sa pagsundo sa akin.

Ano bang gagawin ko sa pitong ito?

"I'll kill you"
Mas lalo pa naming ikinatawang lahat dahil sa sinabi ni Yoongi.

"I love you too" Ngayon naman si Jimin ang bumabat kay Yoongi, kaya si Yoongi ayun, namatay na sa kilig.

yoonmin iz here!

Pero SOPE PARIN AKO!

magandang brand kasi ng Sabon yun!

--

Dumiretso kami sa resthouse nila, dahil namimiss na daw nila ako at gusto lang nilang makipag-bonding, which is really great for me dahil miss na miss ko na din sila. ipinagpaalam narin ako ni Yoongi kay lola na dito muna ako sa resthouse nila at si lola pumayag agad.

"parang lalo kang gumaganda ngayon Ren ah" naramdaman kong nag-init ang pisngi ko dahil sa compliment ni Jimin. jusko! eh si Jimin iyon eh!

"huh hindi naman ah? lalo kayang lumaki yung eyebags n'ya" sinamaan ko ng tingin si Jungkook na ngayon ay malakas na tumatawa, kaya ang ending ngumiti nalang ako dahil ang sarap sa tenga ng tawa n'ya.

pero totoo naman, nagsasabi lang ng totoo si Jungkook. nakaka-stress kasi yung sunod-sunod na nangyari.

"iba talaga kapag pusa ang nag-alaga sakan'ya" ngayon naman si hoseok ang nagsalita, may dala itong sprite at sabay umumpo sa tabi ni jungkook, bahagyang tumawa ang mga ito habang focus parin sa paglalaro ng PSP ang NamJin.

himala nga dahil hindi nila kasama si Taehyung, speaking of alien saan na naman kaya nagsusuot ang isang 'yon? wala s'ya dito sa sofa o kahit sa kusina. asan na naman kaya iyon?

napatigil lamang ako sa pagtingin sa paligid nang maramdaman kong may mahahaba't malalambot na kamay ang humawak sa aking magkabilang pisngi.

''patingin nga"
iniharap ako ni Yoongi sakan'ya, naka-pout pa ito at nanliliit ang mga mata n'ya habang nakakunot na naman ang kan'yang noo. ginalaw-galaw pa nito ang ulo ko at para bang kinakabisado ang buong mukha ko.

"hindi naman ah, maganda naman ang jagi ko"
my face turned into red and my heart is skipping a beat when he smiled at me and pouted his cute liitle lips.

jusko po! hinay-hinay lang Yoongi, baka lumabas na yung puso ko.

"magsilayas kayo, napaka PDA n'yo" bulalas ni Jin na nakatalikod sa amin at busy sa kakalaro ng psp. bahagyang tumigil si Namjoon at mapang-akit na tinignan si Jin.

"hyung, wag kang mainggit, andito naman ako eh"
kumindat pa si Joonie tapos parang ewan na tumawa si Jin at tinuro-turo pa si Joonie. yiee~ kinikilig 'yannnn~

"mga Hyung!" napatingin kami kay taehyung na may hawak-hawak na isang ticket sa kamay n'ya habang talon ng talon na parang bata. he's biting his lips and really excited walking towards us. he just can't help it.

"ano iyang hawak mo?"
tanong ni Joonie dito, ibinigay naman ni taehyung kay jungkook ang isang ticket.... teka ticket ito sa hot air balloon ride.

"sa bulsa ni PDnim"
teka andito si PDnim?

"andito si PDnim?"
sabay pa kaming dalawa ni Yoongi na nagtanong kay V na ngayon ay tango ng tango. tinignan ng lima yung ticket at tuwang-tuwa na parang mga bata, para silang nanalo sa lotto.

sobrang priceless ng mga itsura nila.

"andyan s'ya pinasok lang yung kotse n'ya,nasa bakuran kasi ako eh" paliwanag ng gwapo naming alien, mas lalo kaming nagtaka sakan'ya, ano na namang ginagawa n'ya sa bakuran. "naglaro ako ng langgam"
narinig kong tumawa ang iba n'yang ka-miyembro habang ako ito, hinihilot yung sintido ko.

"nakong bata ka! maghugas ka doon ng kamay mo bago ka kumuha ng pagkain ah!"
utos sakan'ya ni Eomma Jin, maya-maya pa'y narinig naming bumukas ang pinto at iniluwa nito si PDnim.

agad itong nilapitan ng Bangtan, tuwang-tuwa. nakaramdam ako ng pagka-awkward nang magtama ang aming paningin, ngayon nalang ulit kami nagkita simula noong sinabi n'yang huwag muna kaming magkita ni Yoongi.

agad akong tumayo at bahagyang nag-bow sakan'ya, pero nagulat ako nang bigla n'yang i-pat ang aking ulo. parang sariling anak n'ya. parang sobrang nagiging emosyonal na ako dahil nangingilid na ang luha ko.

"It's nice to see you again here Ren" Hindi ko napigilang yakapin si PDnim, hindi ko alam basta gusto ko lang. Namiss ko rin s'ya.

"Teka nakanino yung Ticket, ninja moves itong si taehyung eh" Bungad na tanong ni PDnim pagkatapos n'ya akong yakapin.

Walang nagsalita, tikom ang bibig ng pito at may nakakalokong ngiti sa labi ng mga ito. Itago ba naman daw.

Palipat-lipat ng tingin sa isa't isa, tss. Mga luko-loko talaga.

"Bahala kayo, para sainyo pa naman iyon"Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ni PDnim, napabangon pa nga si Yoongi at nanlalaki yung mata. "Hindi tayo pupunta doon kung walang magbabalik ng ticket"
umangal ang mga ito tapos biglang tumayo si Jungkook.

inismiran n'ya si PDnim at parang cowboy na tumayo, syempre ang mga gago engganyong-engganyo habang pinapanood ang maknae. "hindi mo kami matatakot dahil nasa sa amin ang alas" malakas na tawanang ang bumalot sa lugar nang ilabas ni Jungkook yung ticket mula sa loob ng pants na suot n'ya.

winagayway pa nito yung ticket at inamoy-amoy. mabango kaya yung ticket na galing sa loob ng pants n'ya?

parang ginawa nitong baril ang ticket, tangkang babarilin nito si PDnim. maangas pero natatawang nakatingin kay PDnim.

"sige ituloy mo yan Jungkook, walang galaang magaganap ngayon" banta ni PDim sa amin,napalunok ng laway si Jungkook tapos nilibot ang tingin sa amin.

at kunwaring binaril si Yoongi, na ikinatawa ng lahat maliban kay Yoongi. "tangina, bakit ako, nananahimik ako, gago ka ba?"
inis na reklmao ni Yoongi, halos mamatay na sina hoseok sa kakatawa.

no chill si Yoongi ngayon.

Jungkook bit his lower lips to prevent his self from laughing outloud for Yoongi's priceless expression. "okay lang yan para wala na kaming kaagaw kay Ren" ani Jungkook at tumawa ng malakas. mga luko-loko talaga, hilig asarin yung pusang magilagid.

syempre, nangunguna sina Jimin sa pagtawa natapon na nga yung sprite ni hoseok sa damit ni Jimin, pano ba namn si liit nahulog sa upuan, kumapit kay hoseok, edi ang ending natapon sakan'ya yung sprite.

hindi ko ata mai-imagine ang buhay ko kapag wala ang weird pero sobrang gwapong Bangtan.

mas lalo lang akong nababaliw sa mga kalokohan nila, lalo na sa pusang magilagid. mas lalo akong nababaliw sakan'ya. yiee~

ehem si Yoongi magilagid ehem.

--

"Wow! So beautiful....like me" Sino pa bang malakas ang confidence sa bangtan? Syempre ang worldwide handsome!

Dismayado itong tinignan ni Joonie bago umiling. "Wala ka na talagang pag-asa hyung"
Wasted na sabi ni Joonie bago himasin ang likod ni Jin.

Andito na kami sa hot air balloon fest, actually tapos na talaga ito, last week pa. Pero nagpa-book pala si PDnim ng resort malapit sa hot air balloon ride na sasakyan namin maya-maya lang.

Halos hapon narin ng makarating kami, medyo malayo kasi ito.

"Whoooo! Ang ganda sa taas!" Napatingin kami kay Hoseok na weird na nagsasayaw ngayon.

Nag-peace sign pa ito at nag-pout. "Practice lang para mamaya"

--

"Nervous?" Yoongi asked with his smirk in his lips.

"Konti lang"Sabi ko at nag-sign pa ng kaunti sa aking daliri. He giggled and pinched my cheeks.

"Don't worry I'm here so you have nothing to be afraid of"
He winked at me and then bit his lips, leaving me speechless and flattered at the same time.

"Umayos nga kayong dalawa, sarap n'yong ihulog mamaya mula sa taas eh" Pabirong pagbabanta ni Jimin, sus! Selos na naman si liit.

Katulad parin ng dati, hindi mawawala sa leeg ni Yoongi ang nakasabit n'yang  camera. Maya-maya pa'y tinawag na kami, maayos na daw ang sasakyan naming hot air balloon.

Nasa isang open field kami, malamig din ang simoy ng hangin. Kami lang naman ang tao dito na mas maganda para sa akin.

Sobrang laki ng lugar, kitang-kita doon ang nalalapit na palubog na araw. Pinapasok na kami sa loob ng hot air balloon, may isang staff kaming kasama para sa pagma-manage paliparin ng hot air balloon.

at dahan-dahan na kaming umaangat sa taas, patungong north dahil sa south kami nanggaling. siksikan kami sa loob pero ang saya, kasi ang ingay nila, tapos naghaharutan.

si Hoseok kanina pa pumapalakpak, sobrang tuwang-tuwa,

"hyung isigaw mo na yung gusto mong isigaw" sabi ni taehyung kay hoseok, cute itong nag-pout at mas lalo pang pumalakpak.

"ang ganda sa taas"
sigaw ni hoseok, tapos weird pang tumili. "kasing ganda ni Ren!"
ikinatawa nila ito, pero para sakin ay ikinapula lang ng pisngi ko. jusko! ikaw ba naman sabihan ni Hoseok ng maganda hindi ka kikiligin?

"Hyung tumalon kana, patay ka kay gilagid" everyone laughed when we saw Yoongi's cute nose scrunch and slighlty pout his lips.

"wala patay nagpacute na"
ani Jin na sinuklay ang pawisang buhok. wala na gwapo na masyado ni Jin.

"Hoseok Hyung talon na, una ulo" ani jungkook, kaya ayun binatukan s'ya nito, pero hinalikan din naman. ganun daw talaga pagmahal mo, gusto mo ng sapakin kaya sinapak mo na pero mahal mo padin.

my eyes was filled with amusement when I saw how the sun is setting, it was very beautiful and breathtaking. dati, kaming dalawa lang ni Yoongi ang nanonood ng sun set ngayon kasama na namin ang buong bangtan.

which made it more beautiful and memorable.

mas maganda pala itong panoorin mula dito sa aming pwesto sa taas, napatingin ako kay Yoongi na kinukuhaan pala ako ng picture ngayon habang kagat ang labi nito. cute

"ang ganda 'no?"
tumango tango ako kay Yoongi na ngayon ay nakatingin din sa papalubog na araw. agad akong umiwas ng tingin nang magtama ang mata naming dalawa, biglang nag-init ang pisngi ko. lagi nalang n'ya akong nahuhuling nakatitig sa kan'ya.

"pero wala ng mas gaganda pa habang nakikita kitang masaya" parang gustong tumalon ng puso ko papunta sa ibaba dahil sa sinabi ni Yoongi, nalunok ko na ata ang dila ko dahil hindi ako makapag-salita. I heard him chuckled then pinched the tip of my nose.

"ang sakit n'yo sa mata!"
umiling-iling na lang ako sa pagsigaw ni jimin na nasa tabi lang pala namin, tinawanan na lang namin s'ya. feeling bitter lang ang peg n'ya ngayon.

"ang gwapo-gwapo ko pakshet!"
hindi ko mapigilang humalakhak dahil sa sinigaw ni Jin sa ibaba, hanggang dito ba naman ay dala parin n'ya ang mataas na confidence n'ya.

oo na nga jin. oo na. gwapo ka naman talaga!

"hindi ko alam pero lagi nalang akong nakakasira ng gamit! Bakit?!" mas lalo pang lumakas ang tawanan namin dahil sa sinigaw ni Joonie, pumiyok pa ito dahil hindi n'ya rin mapigilang matawa sa sarili n'yang tanong.

kasi hindi rin namin alam ang sagot.

"TATANGKAD DIN AKO! AKALA N'YO BA! WHO YOU KAYO SA'KIN KAPAG TUMANGKAD AKO!" masakit na yung tyan ko sa kakatawa tapos dinagdagan pa ni Jimin? jusko! parang mawawalan na ako ng hininga.

okay lang yan Jimin, habang may buhay may pag-asa.

Ako nga hindi na umaasang tatangkad pa eh.

"pinapangako kong didiligan ko ng tubig araw-araw si Jimin para lumaki na agad s'ya" malalim na boses ni Taehyung ang bumalot sa taas, nag echo. Ano ito parang halaman lang?

eto yung sinasabing friend support eh, sige Taehyung susuportahan kita d'yan.

"papaluin ko ang pwet ang hindi makasunod sa darating pang dance step!" nanguna yung malakas na tawa ni Jimin dahil kay Jungkook, habang si Jin binatukan ang maknae, paano tinamaan.

"I'll always give hope to everyone" my heart flatters and softened as ice cream on what he Hoseok shouted, he made a massive heart in his hand and wave it on the sky.

everyone looked at me, waiting for me to shout something. "I hope these great days won't end"
pumiyok pa ako sa pagsigaw, tumingin ako sa kalangitang unti unting dumidilim. "sana ipagmalaki din ako ng magulang ko!" natigilan ako sa sinigaw ko, hindi ko alam. kusa nalang itong lumabas sa bibig ko.

Yoongi's hand brushed mine, he held it and squeezed it. "I'm so proud of you Jagi" his cute pouty lips formed into a genuine smile, that brought a thousand of butterfly on my stomach.

"masyadong makasarili si hyung" ani jungkook, ni-pat niya ang aking ulo.

Yung feeling na s'ya yung maknae pero mas matangkad s'ya sa'kin. Nasaan ang hustisya!?

"We're proud of you Ren, and we always will" sumakit yung ilong ko sa magandang accent ni Namjoon, pero aaminin kong sobrang nakakataba ng puso yung sinabi n'ya.

nakangiti silang pito sa akin, giving their best smile for me. Yoongi squeezed my hands again.

"You'll never bring us down!"
huling sumigaw si yoongi, labas na labas yung gilagid nito at nakikita ko ang maganda nyang noo dahil nililipad ng hangin ang buhok n'ya.

muli itong tumingin sa akin at kinagat ang labi n'ya. "you'll never break us apart!" sigaw pa niya, tapos tumingin ulit sa akin at abot tenga ang ngiti.

"oh, walang magki-kiss ah" pinangunahan na kami ni Jimin na ikinatawa lang naming lahat. Jimin the bitter lang ang peg?

--

"taya!" bahagya akong tinulak ni taehyung tapos nagumpisa na silang tumakbo ni Jungkook. naisahan ako.

nagumpisa na akong tumakbo para habulin ang mga ito, pero mas lalo lang binilisan nina Joonie, ang duya lang dahil malalaki ang hakbang na nagagawa nila, samantalang ako ito, hingal na hingal na.

tinawanan lang ako ng mga ito tapos naririnig kong sumisigaw si Jiminie ng: "tama na, wag na tayong tumawa wala na talaga akong makita"

dahil masunurin ang mga ito, syempre hindi sila sumunod at mas lalo lang tumawa. poor Jimin.

sinubukan kong habulin si Jimin, pero small but terrible ito. lihim akong napangiti nang makita kong tumigil si Yoongi at halatang pagod na sa kakatakbo.

alam kaya n'ya kung bakit kami nagtatakbuhan?

o nakikitakbo lang s'ya? hahahaha.

hinimas ko ang pawisan n'yang likod, kawawa naman ang isang ito. hingal na hingal ito.

"okay ka lang?"
umiling ito.

"bakit ba kasi tayo natakbo? pucha nakakapagod na eh!"
napa-hilot nalang ako sa sintido ko, sabi ko na eh. wala na naman itong kaalam alam kung anong nangyayari.

pero mas okay na rin iyon, dahil matataya ko s'ya.

I cleared the lump in my throat. "kasi, ang totoo n'yan naglalaro kami ng taya-tayaan"
seryoso lang itong nakatitig sa akin. "at ako ang taya, pero ngayon ikaw na!" bulalas ko dito bago magumpisang tumakbo ulit palayo sa kan'ya.

"what the- humanda ka sa'kin Ren kapag nahabol kita!" mas lalo lang akong natawa dahil sa banta n'ya.

nagsimula narin itong tumakbo pero maya-maya pa'y humiyaw ito dahil sa pagod. "ayoko ng tumakbo, hihiga nalang ako"
Pinal na sabi ni Yoongi at humiga na nga lang sa damuhan habang nakatingin sa kalangitang punong-puno ng bituin.

"ay wala na, kill joy si Hyung" Pang-aasar ni Jungkook, umayaw iyan kasi taya s'ya.

Lumapit na rin ako dito at humiga sa tabi n'ya, nakanguso pa itong tinignan ako at bahagyang iniangat ang ulo ko para maiunan n'ya sa akin yung braso n'ya.

Parehas naming tinignan ang magandang kalangitan, ang ganda nilang tignan.

Naramdaman ko na lang na tumabi na samin ang anim, pinagitnaan nila akong pito. sabay-sabay naming pinagmasdan ang kagandahan ng langit.

Tahimik lang ang lahat,walang umiimik.

Ito yung katahimikan na sobrang komportable ako, katahimikang ramdam ko ang pagiging malaya.

Hanggang sa....

"Alam n'yo ba na ang constellation ay isang area sa celestial sphere, kung saan ang group ng stars ay nagfo-form ng imaginary outline or pattern, kadalasan nirerep-present nito yung mga mythological creatire or person or mga hayop"
Tinignan namin ng masama si Namjoon, tama ba namang magbigay ng trivia habang nag-e-emote kami dito.

"Namjoon, okay lang kahit di ka na magbigay ng trivia" Humahaba na naman yung nguso ni eomma.

"Namjoon alam kong matalino ka, pero manood nalang tayo ng stars, okay?" Ngayon naman ay si Hoseok ang nagsalita, lagi kong naririnig na nagunguna yung tawa nina Jimin at Jungkook isama na rin yung windshield na tawa ni Jin.

Muling namayani ang katahimikan.

Biglang umupo si Namjoon at parang hindi mapakali. "Pero alam n'yo ba na-"

"Namjoon humiga ka nalang!" Sabay-sabay naming utos kay Joonie na wala ng nagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro