Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Encounter 30

R E N

Inayos ko na yung pagkain nila sa lamesa, nilagay ko yung favorite flavor ng ice cream nila.

Baka kasi makatulong sa pagkawala ng init ng ulo nila, napag-desisyunan kong uuwi narin ako pagkalabas nila ng lab.

Mukhang wala narin naman na akong gagawin pa dito, at mukhang ayaw na akong makita ni Yoongi, uuwi nalang ako. Baka kung ano na naman ang masabi n'yang masakit sa akin.

Nang marinig kong palabas na sila ng lab ay pumunta na agad ako sa kwarto ni Yoongi, kinuha ko na yung bag ko.

Hindi ko alam kung anong maihaharap ko sakanila, lalo na kay Yoongi. Ang sakit kasi nung sinabi n'ya at patuloy paring nagpi-play sa utak ko.

Ang sakit, parang pinipiga yung dibdib ko, tapos sobrang sikip pa.

Mabuti nga andyan si Jimin para icomfort ako, pagkatapos kong umiyak ay sinabi n'yang sa kwarto nalang muna daw n'ya s'ya magi-stay dahil galit parin s'ya sa ginawa ni Yoongi.

"Wow! Favorite ice cream ko ito!" Mapait akong napangiti dahil narinig kong sumigaw si taehyung, naimagine ko tuloy na tumatalon na s'ya sa tuwa sa mga oras na ito, habang kagat-kagat yung labi n'ya.

"Favorite ko rin ito Taetae!"
Ngayon naman ay si Hoseok yung narinig ko, mas lalo tuloy akong naiiyak, siguro dahil sa tuwa at sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Shit! This is my favorite. Sinong naglagay nito dito?"
Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang marinig ko yung boses n'ya, mukhang masaya naman yung tinig n'ya. Sa tingin ko nagustuhan n'ya.

Kahit naman wala akong alam sa music, o kahit hindi ko s'ya matulungan sa bagay na gusto n'ya. Atleast napasaya ko naman s'ya sa paborito n'yang ice cream flavor.

Ang babaw, pero mahal ko s'ya at masaya na akong makita s'yang masaya.

"Si Ren ang bumili n'yan"
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa kusina dahil sa sinabi ni Jimin.

Dapat umalis na ako, marami pa akong gagawin, marami pa akong dapat tapusing record. Mabilis na akong naglakad pero nag-ingat akong hindi nila ako marinig. Sinabi ko naman kay Jimin na aalis na ako pagkalabas nila ng lab at sabi n'yang s'ya na daw ang magsasabi.

Hindi ko alam kung paano ako dadaan ng kusina na hindi nila ako napapansin, dapat pala kanina ko pa nilabas ang gamit ko para hindi na ako mahihirapan pa.

"Ren?" Napatigil ako sa paglalakad at alanganing ngumiti kay Jin lalo na nang makita n'yang dala ko yung bag ko. lahat sila ay nakatingin sa akin. "Aalis ka na?"
Hindi Jin, papunta palang ako sa kwarto ni Yoongi.

"Uhm. Oo eh, marami pa kasi akong gagawin" Sandaling tumahimik ang lahat, hindi narin ako nag abalang tignan pa si Yoongi dahil busy na s'ya sa pagsubo ng pagkaing niluto ko.

Ganoon ba kalaki yung galit n'ya sa akin? Dahil ba ito kay Namjoon kaya s'ya nagkakaganito?

"Galit ka ba sa amin?" Nakatungo si V, malungkot ang tinig niya at nakatingin lang sa nakababa n'yang ice cream.

"Hindi 'no Bat naman ako magagalit? K-kailangan ko lang talagang tapusin yung trabaho ko. Tsaka--"Sandali akong tumigil habang naghihintay sila sa susunod kong sasabihin.

"Hindi n'yo naman na ako kailangan eh" Naramdaman kong nangingilid na naman yung luha ko, hindi na ata ito mauubos. Masamang tinignan ni Hobi si Yoongi na sandaling natigilan at nilagok yung tequila na kinuha n'ya kani-kanina lang.

"Sinong may sabing hindi ka namin kailangan?"
Masiglang tanong ni Hobi, nag-make face pa ito parang pinapasaya ang paligid.

"Kailangan kaya kita! Kailangan kitang pakainin" Bahagya tumawa yung lima sa sinabi n'ya, ngumiti nalang ako, akala ko naman seryoso ang sasabihin niya.

Hindi na ako nakapalag dahil hinila na ako nito paupo habang si Namjoon naman tinanggal na yung bag ko.

Si Hobi at Jin ang katabi ko ngayon, tapos katapat ko si Yoongi na ang katabi ay si Namjoon.

"Kainan na! Hindi na masaya may nauna na kasi" Pagkanta ni Jin, tinignan s'ya ng masama ni Yoongi, tinamaan sa pagkanta ni Jin. tapos lumipat yung tingin sa akin ni gilagid.

Hindi ko s'ya tinignan, nakikita ko lang s'ya sa peripheral view ko, matiim ang titig nito pero hindi ko nalang s'ya pinansin.

Mahirap na baka kung ano na naman yung masabi n'yang masakit.

"Say ahh" Ani Jin, isnubo n'ya sa akin yung malaking parte ng crabs.

Hinimayan din ni Jin si Namjoon at isinubo ito sakan'ya, si Jungkook naman kumuha ng isang plato at inilagay sa tapat ko.

Aangal pa sana ako kaya lang nilagyan na nila ng pagkain, parang ayaw talaga nila akong paalisin.

"Ren, ready kana ba?"
Tanong sa akin ni Jimin, kumunot naman ang noo ko.

"Ready saan?"
Takang tanong ko.

"Maghuhugas tayo ng plato! Tutulungan mo ko dahil ako ang nakatoka ngayon" Bubuka palang sana ang bibig ko nang magsalita itong muli.

"Ayaw mo naman sigurong mabasag ni Namjoon Hyung yung mga plato diba?"
Wala akong nagawa kundi umiling. Kaasar, parang ayaw talaga nila akong paalisin.

"Taehyung, kumain ka muna bago 'yang ice cream" Lihim akong napangiti, nagustuhan talaga ni Taehyung yung binili kong paborito n'yang ice cream.

"Mamaya, ubusin ko lang ito eomma" Pahayag nito kay Jin, hindi ko alam dito kay Jin, may kamay naman ako pero sinusubuan parin ako nung pagkain n'ya, kahit parehas lang naman kami ng kinakain.

Tahimik lang akong kumain, habang sina Hobi at Jin ang nagsisimula ng ingay, kaya nakikitawa nalang din ako.

Mga abno eh, hindi tuloy ako makainom ng maayos.

Hindi parin kami nagpapansinan ni Yoongi pagkatapos naming kumain, tulong-tulong nalang din kami sa pagliligpit para matapos agad.

"Oh Namjoon ayusin mo ah, pagnabasag mo 'yang plato sa labas ka matutulog"
Malakas na tawanan ang namayani sa amin dahil sa pagbabanta ni Jin.

"Tama na, wag na tayong tumawa wala akong makita"
Wag na daw tumawa pero tawa parin ng tawa si Jimin? Imbes na tumigil kami mas lalo pa kaming natawa, syempre nangunguna yung evil laugh ni Hobi, pati yung windshield laugh ni Jin.

Hirap din pala pag singkit wala ka ng makita pag tumawa ka.

Umalis narin ang mga ito pagkaligpit nila at natira nalang kami ni Jimin."teka lang Ren ah"
mabilis din itong umalis, hindi ko alam kung saan pupunta.

tss. subukan n'yang tumakas, s'ya ang unang nagyaya dito. tinali ko muna yung maiksi kong buhok bago mag-umpisang maghugas ng plato.

ang hirap magtali ng buhok lalo na kapag maikli lang yung buhok ko, jusko ang daming hindi naiisama sa pagtali.

naghintay ako saglit, pero hindi na talaga bumalik si liit. bwisit s'ya naisahan n'ya ako sa paghuhugas ng plato tas tatakbo s'ya tss.

inumpisahan ko ng maghugas tutal naman walang balak yung liit na yun eh, tsaka para makauwi na ako. marami pa akong dapat tapusin.

sandali akong napatigil nang maramdaman kong may nakatingin sa akin, nilingon ko ito at doon ko natagpuan ang matatalim na titig ni Yoongi na ngayon ay nakasandal sa may pader, malayo sa akin at nakapamulsa.

may kung ano sa aking loob na kumirot habang tinitigan ko s'ya, paulit-ulit na namang nagpi-play sa utak ko yung mga sinabi n'yang masasakit sa akin. ako na ang bumitiw sa titigan namin.

"a-andyan ka pala, ilagay mo nalang dito yung ibang hugasin kung meron man" ma-awtoridad na utos ko sakan'ya habang patuloy sa pagsasabon ng mga plato.

bahala s'yang manigas d'yan, hindi ko s'ya papansinin kahit anong mangyari. akala ba n'ya hindi masakit yung mga sinabi n'ya kanina? sobrang sakit nun, dahil parang sinabi narin n'yang wala akong kwenta at walang pakinabang sakan'ya.

napaigtad ako nang maradaman ko ang hininga n'ya sa aking leeg, ang mga kamay n'yang nakapulupot sa aking bewang at ang ulo n'yang nakapatong sa aking balikat. sapat na iyon para maramdaman ko na naman yung mga lintik na paru-paro sa loob ng t'yan ko.

nakakainis! galit ako sakan'ya eh, nagtatampo ako diba?

mas bumilis ang tibok ng puso ko nang mas ibaon n'ya ang mukha n'ya sa aking leeg at ramdam ko ang mainit n'yang labi dito.

"Y-yoongi, wag ka munang malikot n-naghuhugas ako"
tinanggal ko yung kamay n'ya sa aking bewang pero mas lalo lang n'ya itong hinigpitan at hinawakan pa n'ya ako sa magkabilang wrist ko.

bumuntong hininga ako dahil mas sinisiksik n'ya sa'king leeg yung mukha n'ya, he started planting kisses on it, bahagya akong iniwas yung mukha ko nang hahalikan na n'ya yung panga ko. bahala s'ya, galit ako sakan'ya.

Mabilis ko na lang din natanggal yung kamay n'ya sa bewang ko dahil nabigla parin s'ya sa ginawa ko, ano sa tingin n'ya ang gagawin ko? palipasin yung ginawa n'ya at magpadala sa pang-aakit n'ya?

"mamaya nalang tayo mag-usap tatapusin ko pa ito para maka-uwi na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli akong hinapit nito sa pagkakayakap n'ya, kaya't napahawak nalang ako sa kamay n'ya.

"wag ka ng umuwi, dito ka lang" paos ang boses nito, begging for me to stay. "please" his voice cracked and buried his face on my neck.

nasaktan ako dahil yung salitang gusto kong marinig sakan'ya hindi n'ya man lang masabi. am I that worthless for him?

"hindi pwede" mahinang sabi ko "m-marami pa akong gagawin, tsaka ano pa bang gagawin ko dito? tapos naman na yung gawain ko, wala naman akong maitutulong sa inyo Yoongi, wala akong alam sa ginagawa n'yo" paglalabas ko ng hinanakit, pinigilan kong huwag umiyak, nakakapagod din kasi.

I heard him sighed then loosen his hug on me. hininaan ko lang ang boses ko dahil pakiramdam ko pipiyok na ako.

"maiisturbo ko lang ulit kayo, sorry" sunod nalang na nangyari ay marahan n'ya akong iniharap sakan'ya.

his dim eyes met mine, I adverted my gaze, he's holding me tightly on my shoulder. "hindi ka pabigat Ren, hindi ka nakakaistorbo-"
pinutol ko ang pagsasalita n'ya.

"anong hindi? eh kakasabi mo pa nga lang diba? sinabi mong hindi mo naman ako kailangan so I think that's a cue for me not to stay here any longer"
masakit yung mga lumalabas sa bibig ko, pero sakan'ya naman nanggaling ang lahat ng iyon. s'ya naman mismo ang nagsabi nun.

"Sorry" mahinang sabi n'ya habang nakatungo sa akin, dahan-dahan s'yang tumingin sa akin, namumula ang ilong. "galit ako nung mga oras na iyon, nadala ako sa-"

"so dahil galit ka, may karapatan ka ng saktan yung damdamin ko? ganoon ba?" wala na akong pake kung pumipiyok ang boses ko, mariin siyang umiling sa akin at napakamot sa likod ng tenga n'ya.

hindi ko naman kasi s'ya maintindihan eh, kung galit s'ya sabihin n'ya sa akin para naayos namin, para napag-uusapan. hindi naman ako manghuhula eh, hindi ko kayang makita at maramdaman kung anong kinagagalit n'ya.

hindi ako nito sinagot bagkus ay niyakap n'ya ako ng mahigpit na mahigpit.
"Sorry, I'm so sorry Jagi kung nasaktan kita. sorry, masyado akong nagpadala sa selos ko nang makita ko kayong magkayakap ni Namjoon"
napakapit ako sakan'yang damit, pinipigilan yung mga luhang patuloy na umaagos sa aking pisngi.

"hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko, kung ano bang meron kay Joonie na wala ako, para sakan'ya mo masabi yang mga hinaing mo. yung mga rants mo na dapat ako ang sinasabihan mo dahil ako ang boyfriend mo" nasaktan ako sa sinabi n'ya, hindi ko rin naisip iyon. pero ayoko lang naman na dumagdag pa sa mga iniisip n'ya.

"Ren sabihan mo naman ako kung ano bang pagkukulang ko, alam kong hindi ako magaling magpakita kung ano yung nararamdaman ko katulad nina Jin, pero gagawan ko ng paraan para sa'yo" umiling-iling ako sakan'ya tinignan n'ya ako at pinahid yung mga luha ko.

"wala ka namang dapat baguhin eh, ayoko lang na dumagdag pa ako sa mga iniisip mo, alam kong pagod ka na din" he stopped me by kissing me on my lips, it was passionate and wanting me more.

it was a longing kiss.

his lips brushed mine, feeling him breathing, gasping some air. "kahit na, akin ka lang Ren, ayokong mamigay ng akin. kung kailangan kitang ipagdamot gagawin ko" a silly smile formed on my lips, here we go again, Yoongi's being a possessive again.

but I love it.

I'm all yours Yoongi, I am.

"pwede bang sabihin mo kung galit ka sa akin Jagi? lagi nalang kasi tayong ganito eh. para naman akong manghuhula at iniisip kung galit ka ba at kung bakit" I heard his manly yet alluring laugh.

he kissed me on my temple, forehead and my hair and hugged me firmly. wala na yung galit ko, wala na bati na ulit kami.

"I'm sorry, sige susubukan ko para sa'yo" I hugged him back, secretly sniffing his manly perfume. "pero dapat kapag may problema ka o sa ating dalawa, gusto kong ako muna ang lalapitan mo, hindi si Namjoon o kahit sino sakanila" tumango-tango ako habang inaamoy yung pabango n'ya, sobrang namiss ko kasi eh.

"problema natin iyon, tayo ang dapat umaayos, tayo dapat ang nagdadamayan" napangiti ako sa sinabi ni Yoongi, parang ibang Yoongi ang kayakap ko ngayon.

"sorry for making you cry jagi"
he apologize and he showered my face with his sweet kisses, I giggled. then his pouty lips met mine, kissing me with full of love and forgiveness. you know what's the most beautiful part after our fight?

His hugs and kisses.

kahit yung paghuhugas ng plato ay nakalimutan ko na. bumitaw na ako dahil naalala kong may mga hugasin pa ako.

"maghuhugas na ako, kailangan ko pang umuwi" napa-pout ito dahil sa sinabi ko kaya hindi ko napigilang matawa sa cute n'yang ekspresyon.

"uuwi ka parin?"
cute na tanong nito habang naka pout parin. kunyaring nag-isip ako. "I'll help you on your papers, just please stay with me"
I smiled mischevously, bakit ba palagi nalang s'yang nagpapa-cute?

paano ako makaka-hindi nito ngayon!

hindi ko nalang s'ya pinansin at pinagpatuloy na yung mga hugasin kong kanina pa babad ng sabon. I felt his burning lips on my neck going down to my shoulder, hindi ko tuloy magawang makapag-concentrate dahil sa halik n'ya.


nakakapang-akit, nakakadala at nakakawala sa katinuan.

"your body wants me, are you sure you want to go home?"
napapikit ako nang marinig ko ang tinanong ni Yoongi, I'm not able to answer when he kiss and bite my earlobe. mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginagawa n'ya.

"Y-yoongi, naghuhugas ako ng plato" sabi ko sakaniya pero inismiran lang niya ako at gustong-gusto talaga ang ginagawa n'ya.

nagsukatan muna kami ng tingin bago ko s'ya marinig na bumuntong hininga at kinamot ang buhok n'ya.

"all right, I'm going to behave" pagsuko nito at tinulungan na ako sa paghuhugas ng plato, ako na ang nagsasabon habang s'ya naman ang nagbabanlaw at naglalagay sa dish drainer.

"si Jimin tinakasan ako sa paghuhugas ng plato eh" pagrereklamo ko, narinig kong bahagyang tumawa si Yoongi bago ako nito tinignan.

"silly" anito at narinig ko ang malalim niyang tawa.

"silly? diba yun yung maanghang na kulay pula?"
masama akong tinignan ni Yoongi dahil sa kornik kong joke, pero maya-maya ay nakita ko ring lumabas ang gummy smile nito habang umiiling sa akin

"SILI yun Jagi, hindi yun yung silly na tanga" seryosong sabi nito at umiling-iling pa sa akin, habang ako naman masayang tumawa lang dahil sa reaksyon n'ya at sa sarili kong joke.

self support ako mga besh!

"tss. wag ka ngang sama ng sama kay Jin Hyung, natutulad kana sakan'ya eh" sabi ni Yoongi, pero patuloy lang ako sa pagtawa.
"Atsaka kinausap ko kanina si liit sabi ko ako na ang tutulong sa'yo at wag silang istorbo"
napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya.

s'ya pala ang may kasalanan kung bakit hindi na pumunta si jimin. tss. pero okay na din, may kisses and hugs din naman eh. hindi narin masama huehuehuehue.

pagkatapos naming dalawang maghugas ay tinulungan naman n'ya akong magtanggal ng damit....











umulan kasi kaya tinulungan n'ya akong magtanggal ng sinampay, pagkatapos noon ay tsaka n'ya ako tinulungang gumawa ng kailangan kong gawin.

"hot choco and cookies at your service Jagi" nanlaki ang mata ko nang ibaba n'ya sa mesa n'ya yung tray.

"wow! ikaw gumawa?"
umiling siya bago ako halikan sa noo.

"nagbi-bake sina Jin Hyung at Namjoon, hiningian na kita. siguradong magugutom ka sa ginagawa mo" my heart flutters, it was skipping a beat. I geniunely smiled on him, this man is really making me fall for him deeper, to the point that I can't even recover.

I mouthed 'thankyou' on him and he just nodded and look at my paper works. it's satisfying to look at him, with his serious looks while looking at papers.

para s'yang isang masungit at cold hearted CEO. Katulad sa mga librong nababasa ko. I giggled on how wide my imagination is.

Mas maganda parin na isa s'yang mafia kung magiging character s'ya sa libro.

mabilis din namang natapos yung ginagawa ko at salamat iyon kay Yoongi, dahil sa tulong n'ya. akala ko talaga tutulugan n'ya ako eh, pero parang hindi man lang s'ya inaantok sa ginagawa n'ya at mas enjoy at excited pa nga kaysa sa akin.

--

"REN!" yakap agad ni Taehyung ang sumalubong sa akin pagkarating namin sa sala, busy ang mga ito sa paglalaro.... ng cookies?

ano na naman bang trip ng mga ito? nagsasayang na naman sila ng pagkain. inilayo ni Yoongi sa akin si Taehyung gamit yung palad n'ya, sabay pa kaming natawa ni Taehyung dahil sa ginawa nito. parang seseryusohin ata n'yang ipagdadamot n'ya ako.

"buti andito kana! maglalaro tayo eh!" kumunot ang noo ko, ano na naman kayang laro ang naisip ng mga gago. Parang batang tuwang-tuwa si Taehyung.

"okay, so ganito ang laro natin para sa araw na ito, kailangan n'yong maubos yung thirty pirasong cookies na ito, nang walang inumang tubig"
page-explain ni Jimin at Hoseok na silang host ngayon.

"yun lang pala eh, easy"
hmp. palibhasa malaki iyang sikmura mo Jin kaya nagagawa mo. paano naman ako? alam kong may sweet tooth ako pero hindi ko kayang ubusin ito ng walang tubig jusko po!

"don't worry-"
pinutol agad ni Jin yung sinabi ni Hoseok

"I'm not afraid"
pagtatapos ni Jin, tapos para na namang kabayo kung tumawa, pulang-pula ang mukha n'ya tapos nahihirapan ng huminga sa kakatawa.

napailing nalang kaming lahat dahil sa sinabi n'ya, habang sina Jimin at Jungkook nagsabay pa sa pagtawa. si Hoseok? ayun nakangiti pero parang wasted na.

nang umayos na si Jin at naka-recover na sa pagtawa n'ya ay nagpatuloy na ulit sa pagsasalta sina hoseok. "by partner naman ang game, kaya hindi kayo ganoon mahihirapan"
pagpapatuloy ni Hoseok.

"Si Jin Hyung at Namjoon Hyung ang unang grupo"
Pag-uumpisa ni jimin, nagyakapan sina Jin at tila ba'y tuwang-tuwa.

"sunod na grupo ay sina Taehyung at Jungkook"
hindi ko alam pero kinikilig ako nang ilapat ni Taehyung yung noo n'ya kay jungkook tapos pumikit pa yung dalawa habang nakahawak sa bewang ni taehyung si Jungkook. jusko! napaka PDA!

Jimin's smirk when he looked at me. "last group syempre ang couple of the year natin"
naghiyawan ang mga ito at sumipol-sipol pa si Jimin habang si Hobi parang ewan na nagsayaw.

"Mr. and Mrs. Min!"
sigaw ni jimin, naramdaman kong nag-init yung pisngi ko dahil sa paraan ni jimin na pagpapakilala sa amin tapos nagsisigawan pa yung anim hindi pito pala dahil nagtatatalon pa si Yoongi at tuwang-tuwa sa narinig n'ya. jusko!

bigla ko tuloy na-imagine, paano kung ikasal nga kami ni Yoongi, tapos magiging MIN na yung apilido ko. yieeeee.

kenekeleg nemen eke!

"pero bibigyan lang namin  kayo ng limang minuto para maubos iyan" napa-awang ako sa sinabi ni Jimin, eto na ba yung twist nito? parang ang hirap naman ata nun! "at ang pinaka-mahuhuling kumain at matatalo ay KAILANGANG HALIKAN SA PISNGI ANG PARTNER NILA" muling naghiyawan ang mga ito, may iba pa ba silang tinatagong twist d'yan?

dami nilang twist na nalalaman eh.

"and READY, SET AND BEGIN!" pagkasigaw nung dalawang host ay pinagkasya ko kaagad yung tatlong malalaking cookies sa loob ng bunganga ko, napaharap ako kay Yoongi na humarap din sa akin tapos bigla kaming natawa sa isa't isa dahil parehas kaming hindi mapagkasya yung cookies sa bunganga, yung dalawa pa nga lang sakan'ya hindi na kasya eh.

cute ng bunganga n'ya ang liit. huehuehuehue.

sina Hoseok naman may background music pa at inoobserbahan kami, halos maidura ko na yung panlima ko palang na cookies dahil sa sobrang tamis nito, jusko parang binabad naman ito sa asukal.

habang sina Jin ay parang easy lang sakanila dahil pathumbs up-thumbs up pa ang mga gago, habang sina Jungkook at Taehyung naman para hindi sineseryoso yung laro dahil ginagawa pang pangil ng dalawa yung cookies.

napailing nalang ako, sobrang weird talaga nila, nagfocus nalang ako sa cookies namin. pero nakakailan palang ako ay hindi ko na talaga kaya. parang gusto ko ng masuka sa sobrang kaubusugan.

"are you okay?"
naga-alala akong tinignan ni Yoongi, umiling ako at tinuro yung tyan ko.

"natatae ka?"
tinignan ko s'ya ng masama at hinampas yung braso niya.

"busog na ako hindi ako natatae" inis kong sabi dito na ikinatawa lang n'ya.

"ako nalang muna ang kakain, ipahinga mo muna 'yang tyan mo" hindi na ako nakapalag pa dahil sumubo agad ito ng dalawa pang cookies. pero nung umokay naman na ulit ako ay nagsimula na ulit akong kumain,

napatingin kami sa NamJin nang sumigaw ito ng FINISH! tapos bigla pang nag-announce si Hoseok na isang minuto nalang daw ang natitira para sa amin.

mas minadali pa namin ni Yoongi nang magsimula na ang mga itong magbilang, mas lalong nakakapressure!

" 3, 2, 1. STOP!"
humiyaw pa sina Jin habang kaming apat dito ay parang iniwan na lang ng kaluluwa namin.

"okay, ang talo sa round na ito ay sina-"

"teka! bakit parang iba yung texture nung cookies namin kesa sa cookies nina Jin Hyung?" Pinulot ni Taehyung ang isang cookies na nalaglag mula sa NamJin. takang-taka si taehyung habang naka-pout pa itong tinitignan ang pagkakaiba ng dalawang cookies.

yung dalawang madaldal kanina ay biglang tumahimik lalo na nang tikman iyon ni Yoongi.
"mas matamis pa yung amin kesa sakanila, hindi kaya sinadya n'yo iyon para mas mahirapan kami" napa-owww nalang kami, hindi ko rin naisip iyon,

"nagbibake sina Jin Hyung at Namjoon"

nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko yung sinabi ni Yoongi kanina. sina Jin pala ang nagluto kanina, sila ang may hawak at nakakaalam kung anong ingredients ang ginamit nila. at alam nila kung ano yung cookies na matamis kesa sa ordinary lang.

kaya ba mabilis na nilapitan nina jin yung unang bowl na puno ng cookies?

biglang umingay ang paligid tapos namumula na yung dalawang nanduya, ginagaya na nila si Jimin na nagchi-cheat din sa game nila. hinayaan naming magexplain ang dalawa.

"tanga kasi si Joonie, nilagay ba naman yung dalawang balot na asukal edi sobrang tamis"
si Jin lang ata yung nagkasala na pero tawa parin ng tawa sa ginawa nila.

jusko pagnagka diabetes talaga ako, puputulin ko yung ano nila.... yung kamay nila.

"eh, sabi ni hyung sayang daw eh, dahil sayang naman nagpa-game nalang HAHAHAHA"
isa pa itong genius n'ya ito eh. pati sa kalokohan ang galing din.

bagay talaga itong dalawa eh, sarap pagbuhulin.

"edi dahil nagcheat kayo, kayo ang taya" pinal na anunsyo ni Hoseok na ikinatuwa naming apat, nag-grouphug pa kami tapos si Taehyung nagsayaw pa ng renegade.

yes!tiktok!

sinabayan pa ito ni Jungkook. mga tiktoker! naks!

si Jin ang unang umangal sa anunsyo ni Hoseok tapos tinuro turo pa kaming dalawa ni Yoongi. "anong kami? eh nagvilolate din naman sina Ren ah"

"hoy Hyung ang mema mo" tumawa-tawa pa si Yoongi at inasar si Jin.

"bawal yung titigil yung partner kumain tapos ikaw lang, bawal iyon" Atungal ni Joonie tapos nakangisi pa sa aming dalawa. hindi ko naman alam na may ganun palang rule.

"bigyan mo kami ng reason kung bakit mo pinagpahinga si Ren at ikaw lang ang kumain kanina" ngayon naman si hoseok ang nagtanong, sasagot na sana ako kaya lang inunahan ako ni Yoongi.

"Syempre Mahal ko s'ya eh"
Mabilis na sagot ni Yoongi kaya naghiyawan nalang kaming pito, tanginaaaa kinikilig ako pucha. tapos bigla ba namang humarap sa akin at kumindat at naglip-bite pa tapos parang pinahid yung gilid ng labi n'ya.

mas lalo tuloy naghiyawan dahil sa DA MOVES ni Yoongi, Napahilata pa si Jimin sa sahig habang tawa ng tawa at pulang-pula. Kinilig din ang mokong!

pucha naman oh!

Ganoon!


ganoon ang sagutan!


tularan si MIN YOONGI!


Pumalakpak pa ang mga ito at hindi parin maka-get over sa da moves ni Yoongi. minasa-masahe pa ni taehyung yung likod ni Yoongi at paulit-ulit na sinisigaw ang: "MATALINO ANG MANOK KO!"

"okay dahil kayong apat ang talo, alam n'yo na ang kaparusahan n'yo" parang evil kung tumawa si Jhope sa amin, tapos si Jungkook nagmake face pa at weird ding tumawa.

"tangina hahalikan ko na naman si Hyung!" reklamo ni Joonie, sigaw ng sigaw, ayan duya pa kasi kayong dalawa ah.

"hoy ang arte mo, swerte ka na nga dahil hahalikan ka ng WORLDWIDE HANDSOME"
hindi ko na alam ang gagawin sa dalawang ito. pero gusto naman ng mga iyan yieeee~

nauna na sina jin para sa parusa, pulang-pula yung dalawa tapos weird na sumisigaw si Jin ng kung ano, feeling ko pinapatay na ni jin sa isip nya si Joonie eh.

inilapit nina Jimin yung mukha ni Jin kay Namjoon, sinabunutan muna ni Jin si Namjoon hindi yung sarili nya hanggang sa tuluyan na nitong mahalikan ang pisngi ni Joonie tapos tumakbo at kinuskos sa pader yung nguso n'ya HAHAHAHA.

si Joonie ayun, parang uod na nginudngod yung pisngi n'ya sa sahig, tapos taas baba yung pwet n'ya. kaya tawa lang kami ng tawa sa dalawa, nagtinginan sina jimin at nginuso kaming dalawa ni Yoongi.

sandaling nagtitigan ang apat, parang naguusap sila gamit yung isip nila. "okay, next na kayo MR. AND MRS. MIN"
Excited na sabi ni Jungkook na naka-smirk na, hahalikan na sana ako ni Yoongi pero iniharang ni Taehyung ang malaki n'yang palad sa nguso ni Yoongi.

hinila ako ni Jimin at hoseok at binulungan ako.
"tatalikod ka muna pag sinabi naming go, doon ka haharap at hahalikan si Hyung sa cheeks okay?" excited ang mga ito, parang sisilaban yung mga pwet nila sa sobrang excitement. tumango nalang ako sakanila at tumayo sa gitna, nakatalikod kay Yoongi.

alam kong nakangiti ng nakakaloko ang mga gago, sila pa ba? eh nangunguna sila sa panunukso eh.

"in 3, 2, 1!"

pagkasigaw palang ng mga ito ay agad akong humarap kay Yoongi para sana halikan s'ya sa cheeks. pero nanlaki ang mga mata ko nang sabay lang pala kaming humarap,

pero ang mas ikinagulat ko ay hindi ko s'ya nahalikan sa pisngi, kundi sa ibabang labi nito. nanlaki din ang mata n'ya at nagulat din katulad ko. habang yung mga gagong may pakana ay nagpa-confetti pa at hiyaw ng hiyaw.

Tapos nagbackground music pa ng wedding song, hindi naman sila masyadong excited 'no?

hihiwalay na sana ako, pero mas ikinabigla ko nang hapitin ni Yoongi ang bewang ko palapit sakan'ya at mas laliman pa ang halik namin. his hand started to cupped my cheeks then traveled along down to my back, tracing it.


"Gago hawakan n'yo kamay ni Hyung! naglalakbay na!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro