Encounter 3
Konting tiis nalang guysz, makikilala na natin si Yoongi! Kapit lang!
R E N
[dear john-taylor swift]
Long were the nights when my days once revolved around you
Counting my footsteps,
Praying the floor won't fall through, again
I started singing and plucking my color pink guitar. I'm still at the hotel dinala lang ito ng ate ko kasama ang iba kong damit. she really know me well, alam n'yang guusto kong mapag-isa kapag nalulungkot ako and I really appreciate the space they've given to me.
alam narin ng mga magulang ko, at tulad ng inaasahan ko galit na galit sila. but at the end, they still care for me and ask if I was okay to be alone, and I said yes.
gusto pa ngang habulin ng itak ni papa yung hayup na angelo na iyon, pero kinausap ko s'ya na wag ng gawin iyon.
Wala naring rason.
nakaupo lang ako sa kama habang tumutugtog pero ang mga luha ko, nagsisimula na namang tumulo.
My mother accused me of losing my mind, But I swore I was fine,
how ironic to remember when I introduced Angelo to my family and how mad they are because they knew he's a playboy. I tried my best for them to realize that they are wrong and prove how we love each other.
kahit na nasabihan na ako ni mama na nababaliw na ako.
I never listen. and now they are right.
and I wish that I heard them once before, that I should listen.
you paint me a blue sky
And go back and turn it to rain
And I lived in your chess game,
But you changed the rules every day
Wondering which version of you I might get on the phone
Tonight, well I stopped picking up, and this song is to let you know why
hindi naman ako magaling kumanta pero wala akong pake kahit pumipiyok-piyok pa ako ngayon at kahit ngongo na ako kumanta dahil sa barado kong ilong. I felt another tears streaming down my cheeks.
halos hindi ako nakatulog buong magdamag sa kakaiyak dahil sa nangyari, actually ilang araw na akong walang sapat na tulog at sapat na kain. ofcourse! nasaktan ako sobra to the point na gusto ko silang gantihang dalawa.
I want to hurt them, I want angelo to kneel down on my feet and ask for my forgiveness.
I want them to regret what they did to me.
But revenge won't change anything.
napatigil ako sa pagkanta dahil nanlalabo na ang aking pangin dahil sa mga luha ko.
"tama na Ren please, w-wag ka ng umiyak okay?" pagpapalakas ko ng loob ko pero hindi ito nakatulong dahil mas lalo akong naiiyak,
Dear John, I see it all now that you're gone
Don't you think I was too young to be messed with?
The girl in the dress, cried the whole way home, I should've known
pagpapatuloy ko sa pagkanta kahit puro pagpiyok nalang ang nangyayari sa pagkanta ko. napatigil akong muli nang marinig kong may kumatok sa aking pintuan, ayoko sanang buksan dahil siguradong ang pangit ng itsura ko ngayon, kaya lang may balak atang sirain ang pintuan ko.
"oh my goodness! ang baho mo!" bungad sa akin ni Medz pagkabukas ko ng pintuan. hindi ako nakapagreact agad dahil hindi ko alam kung paano nila nalaman kung nasaan ako at nahihiya ako sa kanila.
"at ang pangit pa" napatingin ako kay Jen na ngayon ay nasa likuran pala ni medz, she's smiling at me like nothing happened.
napatungo nalang tuloy ako at muling naiyak sa harap nila, I feel so ashamed to the both of them specially kay Jen. I consciously hug the both of them and cried out of my lungs, I felt their hands on my back and tapping it.
"I'm sorry, sorry. ang tanga tanga ko. sorry. sorry kung hindi ako nak-nakinig sa inyo" hirap kong sabi ko sakanila dahil sa paghikbi ko.
"you don't have to say sorry Ren, naiintindihan naming nagmahal ka lang at masyado mong minahal yung kumag na iyon" Jen brightened her smile more at me and it made me smile back at her.
Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ngayong alam kong hindi sila sa akin galit lalo na si Jen.
"atsaka alam naming may pagkatanga ka talaga minsan" the two of them laugh and I just pout at them.
nagpaka-tanga talaga ako.
Ako na ang dakilang tanga!
Hindi lang tanga,
naging bulag pa ako sa pagmamahal sa lalaking iyon.
"tsaka medyo lumayo kana ang baho mo talaga hindi ko na maatim yung amoy mo" kinumpas pa ni Mendz ang kamay n'ya na parang pinapalayo ako at tinataboy ako.
grabe! ganun na ba talaga kalala ang amoy ko?
inamoy ko naman ang sarili ko pati yung loob ng damit ko, pati kili-kili ko. hindi ko napigilang mabahuan din sa sarili ko. kelan nga ba ulit ako huling naligo?
pinapasok ko silang dalawa--- ay mali pala. kusang pumasok ang dalawa sa room ko at bahagya pa akong tinulak papasok sa loob ng room. lakas lang ng trip nila dahil feeling sa kanilang room.
wow.
Ako nagbabayad dito sa room na to diba? Tapos itutulak tulak lang ako?
si Jen na ang kumuha at namili ng damit sa wardrobe ko, tinaas taas pa n'ya yung damit sa magkabila n'yang kamay at seryosong tinitignan. feeling talaga sakan'yang gamit eh, basta basta nalang kumuha tapos tinapon lang sa kama ko yung mga hindi n'ya nagustuhan.
napatingin ako kay Medz nang may kunin s'ya sa isang supot."oh, gamitin mo yan sa malagkit at mabaho mong buhok tapos magbabad ka ha?" inabot nito sa akin ang isang malaking shampoo at ang favorite brand ko ng sabon.
hindi pa man ako nakakaalis, inabot naman sa akin ni Jen. "ayan ang isuot mo pagkatapos mong maligo. magbabad ka ah!" utos nito at tinulak tulak na ako papunta sa cr.
oo na oo na. maliligo na nga eh tinulak tulak pa ako.
nang makapasok ako sa loob ng cr ay tinignan ko ang aking sarili, 'awful' is the only word that I can describe for my self, sobrang gulo ng buhok ko, ang putla putla ko, may tira pang mga muta tapos may mga natuyo pang mga luha ko at sobrang laki at puffy pa ng mga mata ko.
it's very disgraceful to look at, so I started to take off my whiffy t-shirt and short of mine. I opened the shower and washed my body.
hindi ko parin maalis sa isip ko yung nangyari sa amin ni Angelo, kung bakit at anong rason o kung totoo ba yung sinabi ni Elise.
umiling iling ako at bahagyang sinampal ang sarili ko.
tapos na Ren! focus on the present and not on the past.
huwag lang talagang makikita ko silang dalawa dahil paguuntugin ko talaga sila at sasabunutan parehas.
mga ahas!
manloloko!
"ugh!" dahil sa inis ko'y nasabunutan ko nalang ang sarili ko.
wag na wag lang talaga silang magpapakita sa'kin! baka sa kulungan ang abot ko.
nang matapos akong maligo ay nagbihis na agad ako at pinunasan ko ng tuyong bimpo ang buhok ko at naglakad papuntang sala, naabutan kong nag-uusap ang dalawa at para bang seryoso ang mga ito. binigyan naman agad nila ako ng ngiti nang makita nila akong papunta sa kanila.
isang maiksing short at loose na damit na kulay itim ang suot ko.
Medyo guminhawa narin yung pakiramdam ko pagkatapos kong maligo.
"sa wakas bumango ka na din" bungad ni Jen at tumayo para salubungin ako, laking gulat ko ng hilahin ako nito paupo sa sofa. binuksan nito ang hair dryer at itinapat sa aking buhok.
lihim akong napangiti.
mabuti nalang talaga andito silang dalawa para gabayan ako dahil baka hanggang ngayon ay nagmumukmok padin ako.
Baka hanggang ngayon hindi parin ako nakakaligo.
"paano nyo nga pala nalamang andito ako?" tanong ko sa mga ito nang maalala kong hindi nila alam kung nasaan ako. "kay ate Len". maikling sagot ni Jen habang patuloy na pinapatuyo ang buhok ko.
Hindi man lang saakin sinabi ni Ate na sinabi na n'ya pala kina Jen na andito ako.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil naalala kong nakapatay parin pala hanggang ngayon.
"nagaalala kami sayo, nakapatay palagi yung phone mo tapos nabalitaan pa naming ilang linggo ka ng hindi umuuwi sa inyo" tumango tango nalang ako at lihim na napangiti.
"ayokong sabihin to sa'yo ren ah, pero I think that is enough time para magmukmok ka" ani Jen, pinatay nito ang blower at umupo rin sa tapat ko para magpantay kami ng tingin
"alam kong masakit yung nangyari, pero hindi naman pwedeng habang buhay ka nalang magmukmok dito at umiyak ng umiyak" dagdag pa nito.
"you need to slay ghorl!" napatingin ako kay Medz nang bigla n'ya akong hampasin sa braso. sige lang hindi masakit eh!
"maybe it's time for you to rise again ghorl! wag puro mukmok sayang mukha mo" ni-tap pa ni Jen ang baba n'ya at pinandilatan ako.
"Alam naman naming kaya mo yan, you're very strong woman Ren and you are more than this" Medz geniunely smiled at me and slightly pinched my cheeks.
"hindi ko lang kasi alam kung bakit sakin to nagawa ni Angelo" my voice once again cracked.
Why can't I just stop crying?
shit! I'mm not going to cry, I shouldn't.
"bakit sa tingin mo alam din namin?" I can't help but to laugh at Medz sarcastically voice. parang ang tagal din nung huli akong tumawa ng ganto.
I missed my old me.
sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano ulit ako magsisimula, saan, kung paano,Kung anong gagawin ko.
I lost my path, it feels like I'm all alone on a dark place.
nahihiya na akong umuwi dahil wala na akong ipapamukha pa sa pamilya ko, tapos yung anak nilang pasaway na niloko ng jowa ay hanggang ngayon ay wala paring matinong trabaho. ugh. I'm so dommed!
napatingin ako sa dalawa na ngayon ay nakangiti sa akin. "sa wakas tumawa ka na din" halos maiyak na sabi ni Medz na ngayon ay pinupunasan ang mga mata n'ya. tsk. iyakin talaga kahit kailan, si Jen naman ay pinat ang aking buhok.
"thankyou sa inyong dalawa ah, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo. despite of me being a stup-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pangunahan ako ni Medz.
"ayan ka na naman, wag mo ng isipin yun ang mahalaga ngayon isipin mo kung paano ka ulit magsisimula" I just nod at her and smile at them.
paano ko nga ba sisimulan ulit yung buhay kong sinira ng dalawang taong importante sa akin? paano ako ngayon babangon? paano?
Nabaling ang atensyon namin sa phone ni Jen nang mag-ring ito. Kinuha agad ito ni at ibinigay sa akin at sinabing "ate mo".
Kinuha ko agad yung phone at sinagot agad ito.
"H-hello?" Alanganing bati ko dito, natatakot akong pagalitan na naman ako nito.
"Ren umuwi kana dito" Ma-awtoridad na sabi ni papa sa kabilang linya. Akala ko si ate talaga ang kausap ko, iyon pala ay si papa.
Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko, takot kasi ako pagdating sa papa ko. Nakakatakot kasing magalit ang isang iyon.
"P-papa, kamusta na po" I bit my lower lip, I can't help to feel ashamed while talking to hin right now.
If his here right now, he would probably scold me because of how stupid I am.
"Umuwi kana dito please, nag-aalala na kami sayo" Ngayon naman ay nakonsensya ako dahil sa nakaka-awang tono ng pananalita ni papa.
Siguradong nag-aalala na talaga sila sa akin tapos hindi pa ako umuwi sa bahay namin.
Pero kasi natatakot talaga akong umuwi, nahihiya ako sakanila kasi wala akong maihaharap sakanila.
"O-opo papa, u-uuwi na po ako. Gusto ko lang po kasi talagang mapag-isa pa, sorry po talaga. Pero uuwi na po ako".
"Good. Dahil hinihintay ka na ng Korea. So you should go home right now" Magtatanong pa sana ako tungkol sa tinutukoy ni papa na korea pero binaba na nito.
"Ano daw?" Bungad ni Jen pagkabalik ko sa sofa.
"Pinapauwi na'ko tapos sabi hinihintay na daw ako ng korea?" Nanlaki ang mata ni Medz at pinagpapalo ako nito sa braso.
"Aray aray! Masakit Medz!".
"Omg! Baka natanggap kana sa pinag-applyan mong hospital sa korea!" Excited na sabi nito, siniringan ko lang s'ya dahil hindi naman talaga ako nag-apply doon.
Si Medz ang nag-apply tapos pinangalan n'ya sa akin, nalaman ko nalang nung sinabi n'yang may interview daw ako para sa hospital sa korea.
"Ikaw naman nag-apply doon hindi ako" Pagtatama ko.
"Gaga!" Napatingin ako kay Jen nang s'ya naman ang manghampas sa isa ko pang balikat.
Sige hindi masakit yung pagpalo n'yo eh diba?
Sige isa pa.
"Ano ka ba baka ayan na yung bagong buhay na hinihintay mo! Baka eto na yung paraan para makabangon ka ulit at madistract yung sarili mo" Ani Jen. Napaisip ako sa sinabi nito.
"Oo nga! Baka eto na yung hinihintay mong break, magpakalayu-layo ka at magpakasaya, gawin yung pangarap mong maging magaling na nurse. You deserve that Ren" Naglakad patungo sa kusina si Medz at kumuha ng isang basong tubig.
"Tapos humanap ka narin ng mga oppa, dapat yung mas hot, mas sexy, mas gwapo sa ex mong manloloko at nagtutuhog ng magkaibigan" Napatigil ako sa sinabi ni Medz, I felt my heart ache when she mentioned Angelo.
"Ayokong maghanap, lalandi na agad ako" I chuckled when I saw their priceless faces. Of course I won't do that!
Hindi naman ganun kadaling malimutan yung pinagsamahan namin ni Angelo at hindi naman ako kasing landi ng Ex-friend ko.
"Subukan mo lang, subukan mong wag mag-uwi dito sa pilipinas ng para sa amin ni Medz" We all laughed out loud. Silly, hindi pa nga buo ang desisyon ko tungkol sa South Korea, oppa agad ang nais nila.
Speed lang?
"But seriously, it would be a great opportunity for your career and for your broken heart" Jen said back at being a serious type.
"Let's go, ayusin na natin gamit mo para makauwi kana" Tumayo narin si Jed at nagsimula nang buksan ang aking wardrobe.
I sighed and stand up finally.
South Korea? Is it really a good idea to be there?
Is this a great opportunity for me?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro