Encounter 26
R E N
Awkward.
Ito na ang masasabi kong nararamdaman ko sa mga oras na ito, sobrang tahimik lang ng paligid pagkarating namin sa dining table habang may mga nakakalokong titig sila sa mga mukha nila.
Jusko!
Bakit naman kasi sobrang ganda ng timing nila?
"Kamusta?" Bungad na tanong sa akin ni taehyung, kumunot ang noo ko. "Kamusta masarap ba yung lips ni Yoongi Hyung" Gago 'tong batang 'to ah, narinig ko pa ang pagtawa niya bago kagatin ang ibabang labi.
"Gagu!" iyon nalang ang nasabi ko dahil pakiramdam kong namumula na naman ang pisngi ko.
"Payong kaibigan lang" Uminom muna ng tubig si Namjoon bago magsalita. Nag-smirk pa ito sa akin at sa katabi ko ngayong si Yoongi. "Dapat sa kwarto n'yo ginagawa yan, para tuloy tuloy" Isa pang gagu 'to eh. Malakas na tawanan ang bumalot sa lugar, mas lalo tuloy akong nahiya, hindi nalang ako sumagot o umimik pa, it's making me feel more uncomfortable.
Pero maganda 'yang suggestion mo Jooniee ah.
"Stop teasing us, naiilang na sa inyo si Ren" Pananaway ni Yoongi, which I should be thankful for. ngumiti lang ng nakakaloko ang mga gago, para bang nag-uusap sila sa isip, pero tinikom na ang bibig.
O akala ko lang talaga.
"Sorry noona, sobrang hot kasi ng eksena n'yo kanina eh" Sinamaan ng tingin ni Yoongi si Jungkook kaya biglang sinubo ni golden maknae yung kinakain n'ya, pero mabilis ding iniluwa yung pagkain niya nang mapaso.
"I told you, Stop it already" Yoongi reminded, his voice was stern and full of authority.kunot noo niyang pinagmasdan ang iba't ibang klase ng lumpia.
Ang cute n'ya.
"Eto oh, isda yung flavor nito, pero hinaluan namin ni Jin ng ibang seafood" Kinuhaan ko s'ya ng lumpia at inilagay sa plato n'ya.
Naka-uwang ang bibig ni Yoongi at para bang manghang-mangha. "Seryoso? Seafood ito?" Labas na labas ang gilagid niya at parang batang tuwang-tuwa dahil natupad yung hiling n'ya.
Tumango ako "naalala ko kasing paborito n'yo ni Jin 'yung seafood eh kaya gumawa din kami" I wink at him, giggling, he was really mesmerized and looking satisfied.
"Kaya kumain kana, pinaghirapan ni Ren yan Hyung" dagdag ni Jimin na nag-wink pa sa akin habang sarap na sarap sa kinakain n'ya.
"Yah! Niluto ko din kaya yan" Maktol ni Jin na punong-puno ngayon 'yung bunganga, nagtalsikan pa nga ang iba.
"Kaya nga, ang sarap nga ng luto mo eh. Pakiss nga" hindi ko mapigilang mapangiti sa NamJin na pasulyap-sulyap pa sa isa't isa. bahagyang tumawa si Namjoon nang makitang bahagyang namumula si Jin. jusko Namjin!
"Thankyou" Napalingon ako kay Yoongi na ngayon ay ngiting-ngiti ito sa akin. Napa-high five nalang ako sa isip ko. Achievement ito! Napasaya ko si Yoongilagid!
"Ren pwedeng patikim n'yan?" inosenteng tanong ni Taehyung na nakatingin sa masarap kong lumpiang shanghai habang naka-pout pa. Hinati ko iyon tapos nilagyan ng sauce at isnubo sa kanina pa nakabukas na bunganga ni Taehyung.
Tumango-tango s'ya sa sarap at nag-thumbs up pa, tinanggal ko ang natirang sauce na nasa gilid ng labi n'ya.
"Hyung, ano nga ulit tawagan n'yo?" Punong-puno pa ang bibig ni Hoseok nang magtanong siya.
"Honey" Pakiramdam ko ay may kumiliti sa akin, simpleng tawag palang n'ya ang lakas na ng epekto sa akin. Ganito ba kalakas epekto sa akin ni Yoongi?
Tumango-tango si Hoseok. "Masyadong matamis. Pero mas gusto ko yung mas matamis, itatawag ko sa future jowa ko. Hmm. SUGAR" Narinig ko ang malakas na pagtawa ng iba, lalo na si Jimin na tumatalsik pa sa amin yung ibang pagkaing nasa loob ng bibig niya.
"Ako naman, Coco Honey" Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Taehyung, lakas maka-brand nun nung tagpi-pisong biscuit ah.
"Ano ba 'yan akin nga 'yun eh" parang batang nagmamaktol si Jimin. "Honey butter naman sa'kin". Hindi ko alam kung ano bang trip nina Jimin eh.
"Sa'kin butter, because she'll be all that's BUTTER" umiling kaming lahat at nagpatuloy nalang sa pagkain, habang mag-isang tumawa sa joke n'ya si Jin, kornik kasi. Makunat pa. Matter yun Jin, matter hindi butter.
"Ibig sabihin butter tawag mo sa'kin?" Nang-aakit ata 'tong si joonie eh, inaakit nya si Jin. NamJin! Enebe!
Hindi pa nakuntento si Namjoon at kinindatan pa si Jin na nangangamatis na ang pisngi dahil kay Namjoon. kaya sinubuan nalang n'ya si Namjoon na muntik nang mabilaukan.
"Sa'kin naman, isang kilo harina" napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Namjoon na malakas na tumatawa lang ngayon, takip-takip ang bibig. What the hell Joonie? Ang weird nun! habang yung ibang miyembro ng BTS, as usual, humahagalpak sa tawa dahil sa sinabi ng gwapoging leader nila.
Ano ito? Magluluto lang ang peg?
"What? Eh sobrang tamis n'yo eh" tumatawa parin si Namjoon, hindi maka-get over katulad ng iba.
"Diabetes ang itatawag ko sakan'ya" Mas lalo pang lumakas ang tawanan namin dahil sa sinabi ni Jungkook, pumapalakpak pa ang lahat, akala mo may kalapati dito sa loob. maging si Yoongi ay parang mamamatay na sa kakatawa, kahit hangin lang ang nalabas sa tawa niya.
Tanginang 'yan, mas weird pa pala ang isang ito! Tinuluyan na.
"Eh sobrang sweet n'yo eh sa sobrang sweet pwede ng magkasakit. Atleast ako, advance mag-isip" Pumalakpak pa si liit dahil sa sobrang saya n'ya, at tuluyang nalaglag sa kinauupuan niya.
Sobrang weird nila..... Pero mahal na mahal ko parin talaga sila, lalo na yung lil meow meow ko. Yieeee~
--
Pagkatapos naming kumain, nagtulong-tulong na kaming magligpit, maliban kay Namjoon dahil sabi nga ni Eomma Jin: "baka makabasag na naman si Namjoon"
At dahil sa maganda ako, oo. Nakuha ko na ata yung mataas na confidence ni Jin, to the highest level!
Ako na ang nagprisintang maghugas ng plato. Alam kong pagod din kasi ang mga boys dahil inaasikaso na nila ang panibago nilang album na malapit ng mai-release, gusto kong makapag-pahinga naman sila.
Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya nilingon ko ito at bumungad sa akin ang matatalim na titig ni Yoongi, tinignan ko ang paligid, mahirap na baka nanonood na naman ang iba at mag-umpisang mangantiyaw.
"Nasa kwarto na yung mga iyon, wag kang mag-alala" He said with his cold tone, nakapamulsa pa ito at bahagyang lumapit sa akin.
Kinuha n'ya 'yung isang sponge at tinulungan akong maghugas ng pinggan. Tinignan ko lang s'ya, isa rin pala s'yang matigas ang ulo.
"Sabi ko magpahinga na kayo, atsaka busy kayo sa album n'yo" Hindi siya nakinig at patuloy lang sa paghuhugas ng mga pinggan.
"Bakit? Pagod karin naman ah" Hindi ako nakasagot, alam kong pagod ako pero mas pagod sila. "And besides, This is the only time that I will spend with you alone" I felt my cheeks redden of what he said, a small smile formed into my thin lips
This man really knows how to wake up the butterflies in my stomach.
Binalot kami ng katahimikan at tanging ang tunog lang ng mga plato at agos ng tubig sa gripo ang naririnig namin pagkalipas pa ng ilang minuto, hindi ko nga maintindihan si Yoongi eh. Parang hindi s'ya mapakali, tapos maya-maya s'ya bumunbuntong hininga.
"R-ren?"
"Hmm" Bubuka palang sana ang bibig niya, pero hindi n'ya natuloy. He comb his hair using his wet hands because of frustration.
He walked away hearing him silently cursing. What's his problem?
Maya-maya'y bumalik din ito, nabigla ako ng idinikit n'ya malalpit sa lababo ang isang stick note, pagkatapos ay nagmamadali s'yang tumakbo paalis.
A wide smile reaching my ears formed in mine while reading his notes.
"Sunset Garden, Tomorrow afternoon after your work"
I bit my lips preventing myself to laugh at his next note.
"Ps: I'm at my genius lab. I love you honey"
Impit akong napatili dahil sa kilig na naramdaman ko, pinalo ko pa yung lababo dahil sa kilig, ewan ko ba sobrang simple lang nito pero sobrang laki ng epekto sa akin.
Eto ba yung kanina pa n'ya gustong sabihin na hindi n'ya masabi? napailing nalang ako dahil sobrang cute ni Yoongi, binasa ko pa ng paulit-ulit 'yung sticky note.
Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng plato, excited akong pumunta sa genius lab ni gilagid. Pero mas naeexcite ako para bukas.
Teka? Ibig sabihin ba nun magde-date kami?
Hindi na ako kumatok sa genius lab ni gilagid, medyo nakabukas naman kasi, tsaka gusto ko s'yang gulatin.
Daha-dahan akong pumasok, pinilit na huwag mag-ingay. Inilibot ko ang tingin ko dahil hindi ko s'ya makita kahit saan-
"Ay pusang kinalbo!" Bulalas ko nang bigla akong gulatin ni Yoongi na nagtatago pala sa likod ng pintuan n'ya, napahawak nalang ako sa aking dibdib at tinignan siya ng masama.
Bwisit na pusang ito oh!
Hangin lang ang lumabas nang tumawa ni Yoongi, mabilis ako nitong niyakap dahil hindi parin ako nakakarecover sa pang-gugulat n'ya.
He kissed my hair a thousand times and just can't stop laughing because of my face.
Ikaw ba naman gulatin? Tangina ako nga mangugulat sakan'ya eh.
"Nagulat ka?" Hindi yoongi, natawa nga ako eh, sobrang nakakatuwa yung pang-gugulat mo.
"Hindi, Sobrang saya ko pa nga eh, ulitin mo pa saya saya mo eh" Pamimilosopo ko dito pero si dakilang gilagid ay tumawa lang ng tumawa at mas siniksik ako sa leeg n'ya.
Sharap!
"Nag-cocompose ako ng kanta, marami kasing pumapasok sa isip ko" proud nitong sabi, kitang-kita ang saya sa kaniyang mukha. hindi ako nakasagot at napangiti nalang dahil nakakamangha talaga si Yoongi, sobrang talented niya.
"Talaga? Pwedeng parinig?" Excited kong tanong sakan'ya pero nadismaya ako nang cute na cute s'yang umiling sa akin.
ang duya.
"Hindi pa pwede, kapag nabuo ko nalang s'ya" Mas lalo akong nadismaya.
"Duya, kahit konti lang please" Nag-puppy eyes pa ako at nagpout pa sa kan'ya. Please sana gumana. He bit his lips and close his eyes, tinalikuran niya ako at tumawa ng mahina
"Wag mo ngang gawin'yan, nate-tempt ako sa'yo!" Okay, gawin ko pa daw charot!
Sinabi ko sakan'yang magpahinga s'ya muna s'ya kaya heto, naka-unan s'ya sa hita ko habang nakaupo ako sa malaki n'yang sofa.
Naka-awang pa ang bibig n'ya at nakapout tapos hawak-hawak n'ya yung isang kamay ko habang yung isang kamay ko naman ay sinusuklay yung itim na itim n'yang buhok.
Everything feels surreal kahit totoo naman, isang pangarap na hindi ko inaasahang darating bigla sa buhay ko, ngayon nasa kamay ko na, natutulog pa sa hita ko.
Tama ang nilandingan ng ulo mo Yoongi.
Every moment with him is perfect, I mean, kahit makita ko lang s'yang ganito natutulog sa hita ko, masaya na ako dahil ang makita lang siya, ang makasama ko lang siya ay sapat na para sa akin.
Simple gestures, simple things with him is huge for me, at alam kong masaya ako dahil kasama ko s'ya, and I think that's the most important thing.
Bahagya kong tinapik ang pisngi n'ya. "Jagiya, gising na kelangan ko ng pumasok sa trabaho" Mabilis nitong minulat ang mga mata n'ya, parang dati lang ayaw na ayaw n'yang ginigising s'ya, ayaw na ayaw n'yang ginugulo yung tulog n'ya.
"Anong meron?" He ask with his deep seductive voice. Damn.
I giggled. "Papasok na ako sa trabaho, tsaka kelangan ko pang umuwi dahil kukunin ko yung gamit ko sa bahay" Mahabang pagpapaliwanag ko, mabilis nitong pinikit ang mga mata n'ya at nagtulugtulugan.
lihim akong napangiti at bumuntong hininga
"Jagiya" He sighed.
"Can we stay a little longer?" He demanded as his lips pouted.
Ayoko ding humiwalay sayo Yoongi, pero mahal ko din ang trabaho ko, pero syempre mas mahal kita.
"No, I'm sorry. Kelangan din ako ng pasyente ko" He sighed again and cutely rub his eyes.
"Pasyente mo rin naman ako ah" Tss. Hindi kita pasyente 'no, kasi ikaw ang doctor ko, ang gumamot sa duguan at wasak kong puso.
He made a weird sound out of frustration before leaving m.y lap. "Okay. Sige ihahatid na kita" He then gave me a light kiss then we leave his lab together
--
Nagpa-alam na ako sa mga gwapong poging members ng bangtan, sa totoo lang ayoko ng umalis sa dorm nila. Gusto ko nalang mag-stay doon, pero Hindi naman pwede.
"I'm not taking a no for an answer for tomorrow" He smirk at me before looking at the road again.
Papunta na kaming bahay, kukunin ko lang yung gamit ko atsaka maliligo narin.
I smirked. "hindi naman talaga ako tatanggi" Kumislap ang mga mata niya at abot tenga ang mga ngiti, Kitang-kita ko na naman yung nangunguna n'yang gilagid.
"Alam ko, you can't deny at my charm Ren" Nagulat ako sa sinabi nito na ikinatawa lang n'ya. Ako? Hindi matanggihan yung charm n'ya?
Hell Yeah!
Pagkarating namin sa bahay, hinawakan pa nito ang kamay ko palasok. Enebe Yoongi!
Pero natigilan kami nang makasalubong namin si lola na may bitbit na may supot ng basura sa kamay n'ya, nabitawan nito ang basurahang hawak n'ya at tinuro pa ang kamay namin.
I gigled, "t-teka.... Wag n'yong sabihing-"
"Kami na po lola" Pag-amin ni Yoongi na napakalaki ng ngiti, itinaas pa nito ang kamay naming dalawa, pagkatapos ay nagkatinginan kaming dalawa at sabay pang bumungisngis.
"Ayyy! Natupad din yung Dinadasal ko!" We both laugh while happily looking at Lola, who's jumping right now because of happiness filling her heart.
"Oh! Lola dahan-dahan, puso mo" Pagpapahinahon ko kay Lola.
"Puso mo?" Tinuro ako nito. "Pagmamay-ari na n'ya" Yiee~ ang harot din pala nito ni lola eh.
"Yieeeee~" Sabay naming sabi habang si gilagid nakikitawa lang, si lola naman ihhhh! kinikilig tuloy yung kulot kong buhok!
"Oh kelan ang kasal?" Sabay pa kaming nabilaukan dahil sa tanong ni lola. Wala kaming kinakain pero nabilaukan kami?
Si lola kasi eh, hindi naman masyadong advance 'no? Samahan na natin ng isang anak na lalaki para mas advance charot!
"Lola,kakaumpisa palang namin kasal na agad?" Tanong dito ni Yoongi, medyo natawa pa, at napakamot nalang sa kaniyang batok.
"Aba! Eh bakit mo pala s'ya ginawang nobya kung hindi naman s'ya ang nakikita mong panghabang buhay na? Kung takot ka naman pala sa commitment?" Natahimik si Yoongi, kinagat pa nito ang labi n'ya at mas pinanatiling makinig sa sinasabi ni lola.
"Dapat kung papasok kayo sa relasyon, siguraduhin n'yong handa kayo sa commitment" Sandaling tumigil si Lola at tinitigan kaming dalawa ng maigi.
"Dahil ang pagmamahal, hindi yan puro fling, hindi yan puro laro. Dapat puno 'yan ng tiwala, pagiging tapat at handa kayo para sa isa't-isa" Kinuha nitong muli yung basurahang hawak n'ya kanina at tuluyan ng umalis.
Nagkatinginan kami ni Yoongi, nakuha ko ang punto ni lola. Alam kong tama ang sinabi n'ya, ang tanong....
Handa na nga ba kaming dalawa?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro