Encounter 25
R E N
"Nakita n'yo ba yung pusa ko?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong ni Namjoon pagkadating namin ni Yoongi sa sofa, wala naman s'yang alagang pusa ah? nakaupo ang mga ito ng normal sa sofa.
Ewan ko lang kay Jungkook na nakaupo sa babasaging sala table ngayon, gusto talagang center of attention? Ganern?
Weird talaga nito eh, nagmana ata sa tatay n'yang si alien taehyung.
Wag lang nilang subukang paupuin d'yan si Namjoon, sigurado pag hinawakan palang yan basag yan. Chos!
Tinignan nila kaming anim, tinuro pa ni jungkook si Yoongi at pangiti ngiti, "eto na pala ang mahal kong pusa eh" Anong mahal? Pinakamamahal ko yan maknae.
Tinarayan lang s'ya ni Yoongi at umupo sa gilid ng sofa at nakadikwatro pa. Sosyal!
"Anong pusa mo? Pusa ko 'iyan, mahilig pa yang kumain ng daga" Sabi naman ni hoseok, pag-agawan daw ba si Yoongi? Ano ba bangtan! Pusa ko s'ya. Akin nalang para walang away.
Ay.... Akin na pala s'yaaa ~yieeee!
Akin na nga ba?
"Tigilan n'yo ako, dinala ko pa yan ng s'yam na buwan sa sinapupunan ko" Ngumuso nguso pa si Jin kay Yoongi na ikinainis lang ni gilagid.
"Ano ba hyung! Alaga ko yan mahilig pa ngang kumain ng kapwa pusa n'ya eh" Muntikan na akong matawa dahil sa sinabi ni Taehyung, tinawanan lang ito ni Jimin at Jungkook. Nagsuportahan ang mga pinaka-bata.
"Baka naman kahawig lang, kasi sa'king pusa yan eh"
Ngayon naman si Jimin na busy sa paglalaro ng phone n'ya pero may nakakalokong ngiti sa mga labi n'ya.
"Ano ba hindi n'yo ako pusa 'no!" Inis na bulalas ng nagsasalitang pusa-- ay ni Yoongi pala tinawanan lang namin s'yang lahat, bwisitin ba naman daw ang pusa ng ganito kaaga.
"Hindi ka nga pusa, pero kumakain ka ng pusa"
Jungkook's mischievous smile formed in his pinkish lips. Sumipol sipol pa si Jimin na pang-sexy at tinignan kami ng anim ng nakakaloko.
What?
Wala naman kaming ginawa eh.
Muntikan lang. Huehuehuehue.
Kumuha muna ako ng isang basong tubig sa kusina bago bumalik, masamang titig ang ipinukol ni Yoongi kay Jungkook na ngayon ay malakas na tumatawa.
"Bakit hindi ka ba kumakain ng siopao Hyung? Ibang pusa ata ang iniisip mo eh" Pagpapalusot ni Jungkook, syempre si Mr. Genius na magilagid ay hindi nagpadali dito.
"Makuha ka sa tingin ah"
Banta ni gilagid. Sa tingin ko ibang pusa kasi iniisip ni gilagid.
"D'yan mo siguro nakuha si Noona" tangina 'yan Jungkook. Ako naman ang tumingin kay maknae ng masama.
"Witwiw!" Dahil hindi pa magawang sumipol ni Hoseok ay sinabi nalang n'ya ito, kaya tumawa nalang kami sakan'ya.
"Hindi naman gawa sa pusa yung siopao ah"
Pagtatanggol ko kay Yoongi at umupo sa tabi ni Jimin, katapat ng inuupuan nina Yoongi.
They're grinning like an idiot. "Ehem. May collaboration ata na nangyari sa inyo" Panunukso ni Namjoon.
"Nagkaisa na kasi sila kagabi, act as one na daw kasi sila"
Muling sumipol si Jimin at ginaya naman ni Jhope. Tss. Mga luko-loko
"Wala ngang nangyari okay? Natulog lang kami, that's it!"
Na-dissapoint naman ang mukha ng anim, guys ano ba? Gusto n'yo na ba agad maging ninong?
Charot maharot, baka sa singit ako'y makurot.
"Ambagal talaga"
Pagpaparinig ni Jimin at nakatingin parin sa nilalaro n'ya sa phone, napa-ismid nalang ako dahil sa kalokohang naisip ko.
"Oo nga kasing bagal ng internet ni Jimin" Narinig ko ang pag- 'owwwwwwww' ng anim dahil sa pang-aalaska ko tapos nagsasayaw pa si Jhope habang nakatayo sa sofa at si taehyung naman nagdub pa ng paulit ulit. I like that gucci boy
Itinuon ko ang atensyon ko sa nilalaro ni Jimin habang umiinom ng tubig dahil kita ko sa peripheral view kong pinapatay na ako ni Yoongi sa mga titig n'ya.
Patay ako!
Baka tuluyan talaga ako nito mamaya.
Napalunok ako ng laway nang mapansin kong nag-smirk ito sa akin at para bang sinasabing 'sige lang Ren, wag mong tigilan. Humanda ka mamaya'. Look.
"Shut up Ren!"
Kaya napatigil kaming lahat sa pagtawa at pinagpatuloy ko ang pagubos ng tubig ko.
His signified smirk shows.
"Shut up! Baka kainin talaga kita at ikaw ang maging umagahan ko" Kinilabutan ako sa sinabi nito, Tumaas ang balahibo sa aking katawan. Nabuhos ko ng wala sa oras yung iniinom ko sa mukha ni Jimin na mukha ng wasted ngayon habang ang lima ay naghihiyawan na tapos si Jin ay weird pang sumisigaw.
Tangina kasi, pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon dahil sa sinabi ni Yoongi, bloody hell Yoongi!
Tapos bigla s'yang mag-wa-walk out?
Jusme porsantos!
Tinignan ako ng masama ni Jimin na halatang galit na galit na at parang bulkang sasabog dahil pati phone n'ya ay medyo nabasa, tapos hindi pa naman ako nagto-tooth brush.
Pilit akong ngumiti dito at nag-peace sign at kumaripas ng takbo.
"RENNNN!"
Malakas na sigaw nito, paktay ka talagang pasaway na bata ka!
--
"Ren okay lang talaga sa'yo na mag- wrap ng lumpia?"
hindi, hindi 'to okay Hoseok. dapat ikaw gumawa nito. chos. Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si Hoseok na nagniningning ang mga mata ngayon.
Tsk. Palibhasa hindi marunong magluto.
Pero okay lang, kung s'ya naman ang paglulutuan ko, kahit araw araw pa okay lang.
"Ren, dalian mo sa pagbabalot ah. Magpapakulo na ako ng mantika" Nag-salute pa ako kay eomma Jin at nagpatuloy sa pagbabalot ng lumpia.
Sinabi ko kasi sa kanilang isa sa mga paborito kong kainin sa Pilipinas ay yung lumpiang shanghai, kasi sobrang sarap talaga nun! At nag suggest ako na subukan din nila.
Akala ko nga ayaw nila eh, pero kinuha agad ni Yoongi yung wallet n'ya at niyaya ang iba na mamili.
At ang mga batang gwapong makukulit, mas excited pa sa salitang excited. Lalo na si Taehyung!
"Anak ng- taehyung wag mong kainin iyan hindi pa luto yang lumpia wrapper!" Para kasing tanga na naman at kumain ng isang buo yung lumpiang hindi pa naluluto.
Hay jusko po!
"Ay, hindi pa ba 'yon luto?" Tinawanan lamang s'ya nina Hoseok, dali-dali n'yang iniluwa yung lumpia, at tumawa pa sa sariling kalokohan n'ya.
"NAMJOON! Ikaw na naman ba ang sumira ng kawali?"
Ano pa nga bang ine-expect namin, nahihiyang ngumiti si Namjoon at nag-peace pa, pulang pula sa galit si eomma.
"Gago ka, ayusin mo 'yan o hindi ka kakain?" Pinukpok pa ng kawali ni Jin si Namjoon.
"Jiminieee? Pwede paabot ng tubig na malapit sa'yo?" Malambing ang boses ko, hindi parin kasi ako pinapansin ni mochii namin eh.
Nakaupo kasi ako sa sahig at nasa maliit na table lang itong ginagawa ko tapos si jimin katapat ko lang. tinarayan ako nito at padabog na iniabot sa akin ang tubig, wushu. galit pa din yung isa sa mga boylet kong gwapo?
bahagya akong lumapit sa kan'ya, my lips slightly pout as I look at his face. "galit ka parin sa'kin?"
malambing kong tanong atsaka s'ya nginitian, hindi n'ya ako pinansin. galit nga talaga si liit sa akin.
"hala ano yan?"
kumunot ang noo niya at tumingin sa akin na tinuturo ang kan'yang mukha. "bakit anong meron sa mukha ko?'' hinawak-hawakan pa nito ang mukha n'ya at magkasalubong ang mga kilay. ang cute naman ng nilalang na'to.
kahit galit na ang gwapo padin, bakit kaya ang unfair ng mundo?
"wala ang gwapo kasi eh". napatigil ito sa sinabi ko pero kita ko ang dahan-dahang paglabas ng ngiti niya. sabay banat nito ng- "alam ko" confident na sabi ni Liit at hinawakan agad ang mukha n'ya na para bang nahiya. aysus!
"aray!" pinalo pa ako nito sa braso sabay tawa ng malakas. tangina anong ginagawa ko sa'yong pandak ka?
matagal din bago naka-recover si liit sa pagtawa n'ya, akala ko nga bukas pa s'ya matatapos eh. "jimin? kilala mo ba yung nakatira sa kabilang bahay?"
pagsisimula ko ulit ng panibagong topic sakan'ya, mukhang hindi naman na s'ya galit sa akin eh. pinagpatuloy ko ang pag-wrap sa lumpia.
marahang umiling si liit sa akin. "hindi. bakit? kilala mo ba?" curious nitong balik tanong sa akin.
"hindi rin eh"
Nagkatitigan muna kami ng klang segundo pero muli kong narinig ang pagtawa niya ng malakas sa KORNIK kong joke. ewan ko ba bumibenta sa isang 'to eh, tsaka kay Jin. hindi pa ito nakontento at muli akong hinataw, aba! nakakarami na 'to ah.
"ehem"
sabay kaming lumingon kay Yoongi na papalapit sa amin, nakalagay ang dalawang kamay sa kan'yang bulsa. bakit simpleng gestures lang n'ya sobrang hot at cool na n'ya at the same time?
tinignan ako nito ng masama tapos umupo sa tabi ko. "may jelly S dito" bahagya akong natawa dahil sa corny jokes ni Namjoon na bahagya pang nakalabas ang dila habang busy sa pag-aayos ng nasirang hawakan ng kawali.
masyado n'yang sineseryoso ang pag-aayos, dahil kapag hindi? wala s'yang kiss kay eomma, ay este lumpia pala, huehuehuehue.
napukaw ang atensyon ko kay Yoongi nang walang paalam nitong inihiga ang kan'yang ulo sa aking hita, ramdam ko ang mabigat niyang ulo at malambot n'yang buhok. walang pasubaling bumilis ang pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan s'yang nakahiga ngayon at nakapikit ang mga maliliit n'yang mata.
Dahan-dahan kong ini-adjust yung pagka-upo ko para makahiga ng maayos si Yoongi.
"Wag kang malikot"
Walang ekspresyong pananaway niya habang nakapikit padin.
Edi sige. Sabi mo eh.
"Jiminiee, pabigay na 'tong iba kay Jin para maluto na n'ya"
Mabilis naman itong sumunod, tinignan kong muli si Yoongi dahil naka-awang na ang bibig nito, sa tingin ko tulog na tong isang ito.
Napangiti ako habang tinitignan s'yang mahimbing na natutulog sa aking hita, medyo nangangalay narin ako pero ayokong maistorbo ang tulog n'ya.
"Sweet naman n'yan noona". Mapanloko ako tinitigan ni Jungkook, pagkatapos ay umupo sa tapat ko.
"Ang sakit n'yo sa mata!"
Atungal ni Taehyung alien, sus! Selos ka lang eh.
"Ikaw talaga, nagseselos ka na naman andito naman ako eh"
Ani Hoseok na hinalikan pa yung leeg ni taehyung at niyakap s'ya mula likudan.
Kayo nga ang masakit d'yan sa mata!
"Kayo ang masakit d'yan sa mata, sa harap ko pa kayo naghahalikan d'yan" Bahagya akong nag-pout, tinawanan lang ako ng dalawa.
"Bakit sweet din naman si Hyung sa'yo ah, ganyan lang 'yan pero love na love ka n'yan"
Muling sumipol si Jimin, lihim kong tinignan si Yoongi na natutulog parin hanggang ngayon.
Bigla akong naisip kung bakit n'ya ako nagustuhan, kung kailan pa? At kung bakit ako? O kung mahal n'ya ba talaga ako.
Nang matapos ako sa ginagawa ko, tinapik ko ang braso ni Yoongi dahil kailangan ko ng tumayo.
"Yoongi gising ka muna, tatayo na ako, tutulungan ko na si Jin"
Tinapik ko siya ng dahan-dahan pero kumunot lang ang noo n'ya, hinuli n'ya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
Nilagay n'ya iyon sa kan'yang dibdib at bumalik sa pagtulog n'ya, ramdam ko tuloy ang pagtaas at pagbaba ng dibdib n'ya.
Gusto ko sanang manatili kami sa ganoon, kaya lang kailangan kong tulungan si Jin, baka mahampas din ako nun ng kawali.
ginising ko s'yang muli pero ayaw n'ya talaga.
Nauubos na ang pasensya ko, minumura lang n'ya yung mga kamiyembro n'ya kapag ginigising s'ya, bumuntong hininga ako. Ayaw mo talagang gumising na gilagid ka ah.
"YOONGI BANGON NA!"
Malakas kong sigaw at niyugyog s'ya ng malakas, rinig ko ang pagtawa ng iba dahil sa ginawa ko lalo na ng napabangon agad si Yoongi.
Jusko ang hirap talaga n'yang gisingin.
Magkasalubong ang mga kilay nitong tinitigan ako. I even heard him cursed silently.
"Bakit naninigaw ka? Gusto ko pang matulog eh" Reklamo nito at hihiga na sana ulit pero pinigilan ko ng kamay ko at binatukan s'ya ng malakas.
"Kanina ka pa namin ginigising na gilagid ka, magluluto na kami. Kung gusto mo doon ka matulog sa sofa". Inis kong sabi sakan'ya, nakakapikon kasi ang tagal gumising, halikan ko s'ya d'yan para magising eh.
Kaya lang gising na s'ya.
Nagtatawanan lang ang anim sa napanood nilang eksena namin.
"Nakahanap na ng katapat si Hyung" Pumalkpak pa si Taehyung habang suot-suot sa ulo n'ya yung plastic.
Problema na naman ng alien na ito?
"Bakit hindi s'ya minura ng malakas? Hahahaha samantalang ako ang lutong pa ng pagkakamura sa akin"
Mas lalo pang lumakas ang tawanan nila dahil sa sinabi ni Hoseok, kunyari nasaktan ito pero maya-maya'y nakisabayan na sa pagtawa.
nagkamot pa ng pwet si Yoongi at parang matandang naglakad papuntang sofa, he's cute while looking at him, pouting and murmuring something.
parang mga batang nakaabang sa likod namin ang lima, nanlalaki ang mga mata tapos naka 'o' ang bibig habang nagluluto kami ni Jin.
"ouch!" nalaglag ni jungkook yung kinuha n'yang bagong lutong lumpia, paano ba naman kasi kinuha n'ya agad eh kakatanggal lang nun sa kawali.
"ayan! matakaw ka kasi, nalalag tuloy" ani jin hindi pa ito nakuntento at binatukan pa n'ya si Jungkook na ngayon ay hinihipan yung kamay n'ya. kinuha ito ni taehyung atsaka hinipan ang daliri n'ya, mapang-akit pa s'ya nitong tinitigan at hinalikan pa ang kamay nitong napaso.
ang sakit n'yo sa mata!
"may naiingit na isa d'yan oh" pang-aasar sa akin ni Jimin, tinarayan ko lamang s'ya at tinanggal ang daliri n'yang sumusundot sa aking tagiliran.
naramdaman ko na lamang na niyakap na pala ako nito mula sa aking likuran at hinalikan ang buhok ko, jusko Jimin! bakit ganiyan ka sa'kin? mas matamis ka pa sa candy.
"okay lang yan, andito naman ako eh, diba Ren" narinig ko ang sexy nitong pagtawa sa aking tainga, hinayaan ko lang s'ya dahil nasanay narin ako sakan'yang sobrang sweet n'yang nilalang. kung pwede nga lang iuwi ko na s'ya sa bahay ko eh at gawing human teddy bear.
"hyung oh! si Jimin"
Pagsusumbong ni namjoon na naka-akbay kay Jin, ano 'tong peg namin ngayon? by partners?
"so ako pinabayaan n'yong mag-isa?" bahagya kaming natawa kay Hoseok na naka-pout, lumapit s'ya sa akin at niyakap ako sa leeg, jusko! isang gwapong araw? at isang sexy na lalaki ang nakayakap sa akin?
okay. pwede na akong mamatay.
joke lang, kakaumpisa palang namin ni Yoongi eh.
tatlong klase ang niluto naming lumpia, lumpiang shangai, tapos lumpiang may isda dahil mahilig sina Yoongi at Jin sa seafoods atsaka lumpiang toge.
Pinagtulungan na ng anim ang paghahain.
dumiretso ako ng sofa, pagkatapos naming magluto, doon ko natagpuan ang lil meow meow na cute na cute na natutulog ngayon, naka-pout yung lips n'ya tapos nakalagay sa gitna ng gita n'ya yung isang kamay n'ya.
my heart flattered seeing him cutely sleeping. sobrang liit n'ya. ang cute! jusko! hindi ko tuloy mapigilang mas lalong mahulog sa kan'ya.
umupo rin ako sa sofa, tutal may space pa naman. liit kasi ni lil meow meow.
bahagya kong tinapik ang balikat n'ya.
"Jagiya? gising na kakain na tayo" medyo nilapit ko yung mukha ko sakan'ya, jusko dapat pala hindi ko 'yun ginawa dahil nate-tempt akong halikan s'ya ngayon.
kapag ba hinalikan ko s'ya imumulat n'ya yung mata n'ya? gusto kong sabunutan yung sarili ko sa naisip ko. tss. masyado na ata akong naaadik sa paghalik sakan'ya.
umungol s'ya at iniba ang pwesto n'ya, ngayon naman ay nakaharap s'ya sa kisame.
"Yoongi, gising na. nakahain na pagkain hinihintay na nila tay-" pinutol nito ang pagsasalita ko.
"hayaan mo sila, edi sabay tayong kumain. mas okay yun sa'kin dahil masosolo na kita sa wakas" tangina Yoongi! hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya, naka-cross ang mga braso nito at nakapikit pa din.
parang sirang plaka yung utak ko, nag-paulit-ulit yung sinabi ni Yoongi. sobrang lakas ng tama sa akin.
hingang malalim Ren, hinga.
act normal.
"tss'' tangina bakit yun lang nasabi ko? parang galit pa. ang tanga ko naman! jusko wala akong masabi bwisit kasi itong si gilagid eh.
"bakit ka ba sa sofa natulog? ang laki kaya ng kama mo doon"
gusto kong sabunutan yung sarili ko, nagkaroon ata ng sariling isip yung labi ko.
nakita ko ang pagkunot ng noo nito, pero tulad nga ng sinabi ko. hindi parin n'ya binubuksan yung maganda n'yang mata. tamad na tamad bumangon.
"sabi mo dito ako sa sofa matulog, tapos ngayon magrereklamo ka?" he said with his hoarsely voice, natigilan ako, hindi ko maman alam na susundin pala niya ang sinabi ko. Masyado palang masunurin ang lalaking ito.
"kiss me" Lalo akong natigilan sa utos n'ya.
"h-huh?"
nawala na ata yung utak ko, parang biglang nag-blangko yung isip ko. tapos yung puso ko parang baliw dahil ang bilis na naman ng tibok eh inutusan lang n'kya akong halikan-
tangina.
"tss. just kiss me so I'll open my eyes for you"
damn this hot guy. he's really driving me insane.
"uhm ano uhm-"
"Just do it"
wow! lakas naman nun maka-nike, endorser ba s'ya nun.
nanlalamig yung mga kamay ko, at hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. shet!
huminga muna ako ng malalim, dahil wala din naman ako choice, AT GUSTO KO RIN NAMAN IYON.
dahan-dahan akong tumungo palapit sakan'ya, inilapat ko ang palad ko sa makisig n'yang dibdib at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya, I slowly close my eyes and slowly locked my lips into his. it's warm and seductive. I can feel that he's smirking right now.
hihiwalay na sana ako sa pagkakahalik sa kan'ya nang bigla n'yang hinawakan ang likod ng ulo ko at ipinulupot ang isang kamay sa bewang ko, nanlaki ang mga mata ko lalo na nang mabilis n'yang naipasok ang dila n'ya sa aking bibig. ang bilis ng tibok ng puso ko.
He deepened our kiss, it's like he's hungry and missed my lips, I answered his kisses, passionately. Nakaka-adik.
dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata n'ya at inismiran ako pakiramdam ko ay pulang-pula ang pisngi ko sa mga oras na ito.
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!'' mas lalong namula ang pisngi ko nang makita ang anim na nagtatalunan pa at masayang nagpalakpakan sa aming dalawa ni Yoongi.
may pa-confetti pa si Jungkook tapos nakabuka ng malaki ang bunganga nina taehyung at hoseok at sinasalo ang confetti.
Shit! bakit ba laging wrong timing ang mga anim na ito?
tinago ko ang sarili ko sa dibdib ni Yoongi, ramdam kong pulang-pula ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang kahihiyan.
"kaya pala ang tagal n'yong dalawa ah"
Ramdam ko ang pang-aasar sa tono ng pananalita ni Jin, nakakaloko kaming tinitigan nito jusko! Nanayili akong nakatago sa dindib ni Yoongi, habang si Yoongi naman ay parang tinatago nga ako, wala akong mukhang maiharap sakanila, hiyang-hiya ako! Nakakahiyan nakita nilang naghahalikan kami! shet!
nakita ko na lamang na inis na inihagis ni yoongi ang unan sa anim na lalo lang lumakas ang tawa.
"gago kayo! nahihiya tuloy sa inyo si Ren" Malakas parin ang tawanan ng anim, ayaw umawat sa panunukso. bwisit talaga nakakahiya tapos tumatawa pa sila.
lamunin mo na ako ngayon din lupa!
nagkakantyawan pa ang mga ito at paulit-ulit na kinakanta ang-
"naka-score na si muning!"
jusko!
bakit ba sobrang galing ng anim na iyon sa pag-timing sa aming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro