Encounter 23
R E N
Nagising ako dahil sa lamig at malalakas na ulan galing sa labas, inunat ko ang aking kamay at mas binalot ng kumot ang katawan ko.
Mas lalong masarap matulog kapag gantong malamig.
Agad akong napamulat nang maalala ko si Yoongi, tumayo ako at binuksan ang ilaw at tumambad sa akin ang nakabaluktot na si Yoongi, nilalamig at nanginginig na.
Naawa ako pero hindi ko mapigilang ma-cute-an sakan'ya mukha kasi s'yang pusang nilalamig sa lansangan ehh.
"Yoongi!" Minulat nito ang mata n'ya at nanginginig na umupo, Tinignan ko ang heater ko pero hindi pala ito gumagana. Bakit ngayong umuulan pa nasira ang heater ko?
Nakakainis!
Shit! Wala na pati akong extra kumot!
"P-pwede bang share nalang muna tayo sa higaan? Shit! I-I'm going to die freezing right here" Hindi agad ako nakasagot. Si Yoongi yun eh! Tatabi sa'kin? Sa higaan? Matutulog kami? Ng magkatabi!
Oh my gosh!
My hands are trembling and a sudden fireworks inside my body, this night is really something!
Okay lang sa'kin kung wala pa akong feelings para sakan'ya eh, pero kasi iba na ngayon, baka bigla kong ma-rape 'tong gwapong nilalang na 'to!
Charot! Puro harot!
Dahan-dahan akong tumango sakan'ya, hindi ako makapag-isip ng maayos. mabilis naman s'yang tumakbo at humiga sa kama ko, tangina! Isa pa sa problema ko, ang liit lang ng kama ko dahil pang-isahang tao lang talaga s'ya!
Narinig ko ang bumuntong hininga si Yoongi, pero parang na-satisfied s'ya dahil sa init ng makapal kong kumot.
Uminom muna ako ng isang basong tubig, pinapakalma ko lang yung sarili ko kasi ang gwapo ng katabi ko! At first time kong may makakatabi sa kama. Kahit yung ex ko nga hindi ko nakatabi 'yun sa pagtulog eh.
At mabuti nalang hindi.
Feeling ko naman tulog na si Yoongi dahil mabagal na 'yung paghinga n'ya, nanginginig 'yung kamay kong humawak sa laylayan ng kama ko at umupo.
Calm down Ren. Calm down!
Jusko paano naman ako kakalma!
Nakatalikod sa akin si Yoongi, nasa likod n'ya si shooky habang nasa paanan naman n'ya yung stuff toy na si Koya. Grabee! Nasa paanan lang n'ya.
Maingat din akong humiga sa kama para hindi magulo si Yoongi, magkatalikudan kaming dalawa at tanging si shooky lang ang pumapagitna sa amin.
Bumuntong hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili ko,pero hindi ko talaga magawa, ramdam na ramdam ko parin ang panginginig ko pati ang malakas na kabog ng puso ko. The fact that Yoongi is sleeping here beside me, and I can here his hoarsely breath is enough for me to feel this twisted feelings.
Naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mata ko nang marinig kong tawagin ako ni Yoongi.
"Ren" His voice was husky, he knows how to seduce me right now.
"Hmm" Tamad kong sagot, nakapikit parin.
"Saan kayo.... Nagpunta kanina ni Namjoon?" Curious nitong tanong na nagpakunot sa noo ko, mahinhin lang ang boses niya. iniba ko ang posisyon ko, ngayon ay nakaharap na ako sa kisame habang s'ya ay nakatalikod parin sa'kin.
"Hmm. Sa public library lang, tapos binilihan n'ya ako ng payong dahil sinabi n'yang nasira n'ya yung payong ko"
Mahinahon kong pagpapaliwanag, sa totoo lang natutuwa akong kinausap n'ya ako, at least hinayaan n'ya akong magpaliwanag.
"Hmm. I was just worried about you earlier so I'm sorry if I acted really weird and a shit. Akala ko kung saan ka nagpunta dahil hindi rin alam ni Lola na umalis ka"
I bite my lips, trying myself not to smile with his simple explanation. Damn. How can I be so insensitive? Bakit hindi ko naisip na mag-aalala pala-
Wait, Is that right? Nag-alala si Yoongi?
"Let's sleep ihahatid pa kita bukas sa trabaho mo" Tinignan ko kaagad siya na mas niyakap pa ngayon ang kumot.
Yoongi, andito naman ako pwede mong yakapin.
Body heat!
"I-ihahatid mo ako?"
Hindi ko mapigilang ma-excite, mabuti nalang nakatalikod s'ya sa akin at hindi n'ya nakikitang ngiting-ngiti ako ngayon. ihahatid ako ni Yoongi sa trabaho!
"Teka paano mo nalamang may pasok na ako bukas?"
I heard him sighed. Mukhang naiinis na s'ya sa dami ng tanong ko.
"Tss. Oo, tsaka sabi ng doctor isang linggo lang pahinga mo, of course I counted the days! Stop asking stupid questions let's sleep" I bite my lower lip, my eyes were already teary for avoiding my self to scream out of this crazy feeling.
Parang gusto kong maglumpasay sa sahig dahil sa kilig. Na nararamdaman ko, tangina kasi ni Yoongi masyadong pa-fall tapos hindi naman ako sasaluhin!
Pumukit nalang ako at pinilit na makatulog ulit.
What a wonderful night indeed.
--
Naalimpungatan ako dahil sa bigat na nararamdaman ko, parang may nakapatong sa hita ko dahil hindi ko magalaw, may mga mabigat na kamay na nakapulupot sa bewang ko. Agad akong dumilat nang maalala kong katabi ko nga pala si Yoongi.
Lumayo ako ng bahagya para makita ko si Yoongi, naka-pulupot ang kamay nito sa akin at doon nakapatong sa isang braso n'ya ang ulo ko habang nakalagay naman sa dibdib n'ya ang mga kamay ko tapos yung mga hita n'yang si koya ang kayakap kagabi ay nakapatong na sa akin.
Ang gandang umaga naman ang sumalubong sa akin.
Medyo Naka-awang ang labi niya, habang seryoso at maamong natutulog sa tabi ko. Naririnig ko ang mahinang paghilik nito, pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.
Who would have thought na yung taong gusto ko ay makakatabi ko sa pagtulog?
Panis wala pang label 'yan? Pano kaya kung may label na? Iyon ay kung magkakaroon.
Dahil maaga pa naman ay naisipan kong matulog ulit, para akong baliw na nakangiti habang dahan-dahang inilalagay ang kamay ko sa bewang niya.
Bahagya akong tumigil at nagkunwaring tulog nang gumalaw ito at bahagyang umungol. Mas isinubsob nito ang ulo ko sa dibdib n'ya, mas lalo niya akong inilapit sakaniya. My eyes wided when I felt his manhood in my abdomen.
Oh shit!
Jusko po!
Narinig kong umungol ulit ito at kinamot 'yung mukha n'ya, medyo lumayo ako sakan'ya, na dapat pala hindi ko ginawa dahil gising na din pala si Yoongi at nakakunot ang noo'ng tinignan ako.
"AHHHHH!" Sa gulat ko sa pagsigaw n'ya ay nagsabay pa kami sa pagsigaw at natulak ko pa s'ya sa ibaba, pero nahawakan n'ya yung kamay ko kaya ang ending nahulog s'ya sa sahig at mahinang napamura dahil lumanding ako sa kan'ya.
ang sakit, ang tigas ng nalandingan ko.
"Tumayo kana!"
Ramdam ko ang galit at inis sa pagsigaw ni Yoongi, dahil sa pagkataranta ko ay agad akong tumayo pero hindi ko sinasadyang ma-tuhod yung 'junior' ni Yoongi.
I heard him groan in pain at napahawak nalang sa mukha n'ya, namilipit ito, masakit ata yung pag-tuhod ko.
"S-sorry h-hindi ko sinasadya" Natatarantang sabi ko, paulit-ulit akong nag-peace sign, pulang-pula ang mukha ni Yoongi, naminilipit parin hanggang ngayon.
"J-just stay away, baka ma-tuhod mo na naman" Hirap na sabi n'ya, tumango-tango naman ako. pucha naman! Bakit kasi ang clumsy ko shet! Sigaw ko sa isip ko, at palihim na kinurot ang sarili.
Tumayo lang s'ya noong maayos na s'ya at kaya na n'yang tumayo. Sinamaan muna niya ako ng tingin at nag-peace sign lang ako at alanganing ngumiti. Iika-ika itong naglakad.
Lalapit sana ako sakan'ya pero sinenyasan n'ya akong tumigil, "just stay away okay?"
Lito akong tumango sakan'ya at kusang lumayo.
Na-trauma na ata.
--
Hanggang sa makasakay na kami sa kotse n'ya ay wala parin s'yang imik. Magkasalubong lang ang kilay n'ya.
Nagpasalamat ako kay Yoongi pagkahatid n'ya sa akin at nag-sorry ulit, tinignan lang niya ako ng masama kaya pumasok nalang ako sa hospital, baka kasi mamatay ako sa titig n'ya.
hindi ko naman ginustong matamaan yung 'ano' n'ya, nataranta lang akong tumayo!
Mabuti talaga nakabalik na ako sa trabaho ko dahil tambak na ako ng gawain, kumain din kami sa labas ni Kim tsaka nagkwentuhan din kung anong nangyari habang wala ako.
Hindi rin kami nagsabay ni kim noong uwian, dahil alam n'yo na.... Sinundo ng jowa n'ya, ganoon talaga kapag may jowa ang kaibigan, mas gusto kong maiwan kaysa ang maging third wheel.
naglakad lang ako dahil malapit lang naman, tumigil lang ako sa paglalakad nang may biglang itim na van na tumigil sa harap ko.
Humakbang ako patalikod, bumukas ang pinto nito at lumabas ang dalawang matangkad na lalaki, may suot silang kulay itim na takip sa buong mukha nila at ang mga mata lang nila ang nakikita ko. naramdaman ko ang kaba lalo na nung tumakbo ito papalapit sa akin, sisigaw na sana ako kaya lang natakpan na agad nila ang bunganga ko at binuhat ako na parang sako papasok sa van.
Jusko!
Mahabaging langit!
Kikidnapin ba nila ako? Kukunin 'yung lamang loob ko? Wala naman akong pagkakautang ahh!
"Anong kailangan n'yo sa akin huh? ibebenta n'yo ba lamang loob ko? Kanino kayo nagtatrabaho? bakit n'yo ako kinidnap?" Hysterical at sunod-sunod kong tanong, mangiyak-ngiyak na ako dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. Pasimple kong kinapa ang loob ng bag ko, naghahanap ng peedeng proteksyon, pero cellphone, papel, at lipstick lang ang nakapa ko, isama na ang charger. Tangina!
"Too loud" Narinig kong sabi nung isang kidnapper na nasa pinaka-harap. Ngayon ko lang napansin na may kasama pa pala siyng iba, at naka-takip din ang mga mukha.
"Tumahimik ka!" Sigaw naman nung isa, narinig kong bahagyang tumawa 'yung katabi nito, sa inis ay sinapok n'ya 'yung lalaking tumawa sabay bulong ng:
"wag kang tumawa, mahahawa ang lahat!"
"Ehem ehem. May gusto lang kaming itanong sa'yo" malalim ang boses nito, napansin ko 'yung lalaking sinapok kanina ay nakatungo padin at parang nagpipigil tumawa.
Hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi pa nga ako nakaka-amin kay Yoongi eh!
Tsaka storya ko 'to ano?!
"Ikaw ba ang nambasag sa ARI-arian ni Min Yoongi?"
Diniinan talaga niya ang salitang "ari". kumunot ang noo ko at bahagyang nag-isip.
Ari-arian?
Narinig kong nagpigil ng tawa ang ibang kidnappers ko, teka mga kidnappers ba talaga sila, parang mga komedyante sila eh.
"Anong ari-arian? Wala naman akong binabasag ah"
Narinig ko ang malakas nilang tawanan, pucha ano 'to? Clown ako at yung kidnappers yung audience?
"Manahimik kang kabayo ka" kabayo, sinong kabayo?
"Tsaka? Gamit ko naman yun ah bakit s'ya magagalit?"
Inosenteng tanong ko, malalim paring nag-iisip, pero mas lalo lang lumakas ang pagtawa ng mga ito.
"Tangina n'yo ayoko na"
Napalingon ako sa likod, dahil doon nanggaling ang boses. meron pa palang tao sa likod?
Tinaggal n'ya yung mask n'ya sa mukha.
"Hoseok!" Sigaw ko, pucha! Ano na naman bang gimik nila ngayon?
"Hahahaha! Binasag mo yung-" hindi n'ya natuloy dahil tinakpan ni Namjoon yung bibig n'ya, shet! Si Namjoon at jungkook pala ang nasa tabi ko. Ano bang trip nila at naging kidnapper sila sa araw na ito?
"Nabasag mo yung ano ni hyung!" Sigaw ni jimin sa unahan ko kaya tinakpan ni Namjoon ang dalawang tainga ko habang sinasabing "wag kang makinig sakanila"
"Pucha! Inosente pala tong si Ms. Nurse natin" Natatawang pahayag ni jungkook na pumalakpak pa at inapiran pa si taehyung.
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung anong basag ba ang tinutukoy nila.
"Gagu!" Bulalas ko na ikinatawa lang nilang anim at pumalkpak pa, may kalapati ba dito?
habang yung isa nananahimik, feeling ko minunura na niya ako sa isip n'ya eh.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko dahil pakiramdam ko pulang-pula na at nangangmatis na ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yun ano.
"So noona? Naka-score kana ba?" Oo!
"Hindi 'no? Ikaw bata-bata mo pa ah" Hindi pinansin ni Jungkook ang sinabi ko at umiling ang mga ito.
"Wala mga hyung, mahina manok natin" Dismayado si Taehyung, si Jin naman hinihimas ang likod ni Yoongi.
Oo nga eh. nanghina nga s'ya nung natuhod ko yung ano n'ya kanina hehehehe.
"Guys ano ba, matapang si Hyung" Pagpapalakas ng loob ni Namjoon. "Inosente lang talaga si Ms. Nurse"Pagkatapos ay tumawa ito ng may laman. alam n'yo 'yun, sila lang nagkakaintindihan.
Sige okay lang ako dito eh, kahit hindi ko naman kayo naiintindihan.
"Sus! Si Ren inosente? Eh berde nga yan eh" Ani hoseok at tinuro-turo pa ako, naghiyawan tuloy ang anim. Ako na naman ang nakita.
"Feeling ko naka-score na 'to pasimple lang" Natahimik ako lalo sa dinagdag ni Hoseok, pucha ang galing mo bro!
Unbeli-BUBLE!
"Shut up!"
Inis na sigaw ni Yoongi na ngayon lang nagsalita, tinakpan nito ang mukha n'ya at nagkunwaring umiiyak. "Ang sakit kaya ng pagkatuhod ng babaeng 'yan"
hindi ko alam pero imbes na maawa ako sakan'ya mas lalo lang akong natawa. I know I'm bad girl.
Rawr!
"Teka paano nga pala nangyari 'yun? Bakit may tuhodang nangyari?"
Curious na tanong ni Jimin, hinihimas yung baba niya.
"Iyown ang tanong!" Pagsang-ayon naman ni alien. Guys please change topic na tayo.
Hindi ako sumagot kasi sobrang private na nun eh, secret ko nalang dahil ako lang talaga ang nakakaalam, I mean secret namin ni Yoongi.
Binato ni Yoongi si Jimin ng plastic bottle na wala ng laman.
"wag kang masyadong tsismoso liit!"
Oh! Easy lang Yoongi, triggered masyado. Puso mo baka malaglag sa'kin.
Yiee~
--
"Mas okay na wag mo nalang pansinin 'yong mga nasa article na yan sa social media"
Suhestiyon ni Namjoon, binabasa ko kasi yung comment nung ibang tao tungkol dun sa pagligtas ko kay Yoongi, which is hindi parin talaga nila alam kung sino ba talaga ang 'mysterious girl' na iyon.
At gustong-gusto talagang malaman ng reporters kung sino nga ba ang 'mysterious girl'
"Naku-curious lang naman ako, atsaka hindi naman ako nagpapa-apekto" Nandito kami sa sala ng dorm nila, kaming dalawa lang ni Namjoon ang nandito dahil yung iba nasa kwarto na nila si Jin naman at Yoongi nag-huhugas ng platong pinagkainan namin.
"Hindi naman sila makakatulong sa'yo ang mahalaga mag-focus ka lang sa sarili mo, at ang mas maganda pa hindi ka nila kilala" Tumango nalang ako sakan'ya, kinuha n'ya ang phone ko at pinatay iyon.
"Kaya mo yan ren, I know you can, wala kang ginawang masama, iniligtas mo si Yoongi Hyung" Pilit akong ngumiti dahil sa pagpapalakas ni Namjoon ng loob ko.
Kumuha s'ya ng bordeaux glass, at sinalinan n'ya ng red wine, we tossed and drink it.
Napapikit nalang ako dahil sa sama ng lasa nito, bahagyang tumawa si Namjoon na nakatingin pala sa akin.
"Sa totoo lang, hindi ko ine-expect na magiging ganito 'yung takbo ng buhay ko"
Umiling-iling pa ako at muling uminom kahit hindi ko gusto yung lasa.
"It's just like a flash, those people are like tornado, fast and trying to destroy me, walang tinitira" Inikot ko ang laman ng baso ko, bago ko lagukin ang lahat.
"Hey, take it easy" Ani Namjoon, pero hindi ko s'ya pinakinggan.
"Wala sila sa lugar ko, wala silang alam kung gaano ako natakot para sainyo, para kay Yoongi. But they are judging me like they knew me for the long time" I laughed sarcastically, I'm so wasted right now.
"I just save Yoongi, 'yung taong gu-- y-yung kaibigan ko, tapos masama pa ang tingin ng iba sa'kin?" I laughed sarcastically, poured and drink a red wine again. Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang loob ko at naggawa kong sabihin ito kay Namjoon. pero alam ko namang mas naiintindihan ako ni Namjoon.
"I thought you're not affecting yourself about this issue" Sinalinan ulit ako ni Namjoon ng wine.
"I lied. Mas madali pang magsabing okay ka kesa magsabing hindi talaga"
I heard him sighed, umayos ito ng upo at tinaggal yung jacket na suot n'ya. "Let them do what they wanted to but don't let yourself crash just because of their comments that doesn't make sense Ren, life is unfair and we should live on it to live, to survive!" Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan nilang manira, mag-comment ng mga bagay na alam nilang makakasakit din naman!
"You should rest now Ren" tinignan ko si Jimin na nasa gilid lang pala, nakikinig. Bakit kasi ang liit n'ya di ko tuloy s'ya makita.
"Namjoon wag kang maglalasing masyado ah, baka pagkabisaduhin mo na naman ako ng periodic table of elements" Malakas itong tumawa at nag-peace sign nalang sa akin, tss. Hirap talaga pag matalino kainuman luge ako!
Inubos ko muna 'yung wine ko bago ako sumama kay Jimin papuntang kwarto ni Yoongi, doon muna ako sa kwarto n'ya tutal sabi naman ni Yoongi na sa Studio room niya s'ya matutulog.
"Ambagal talaga ng manok ko!" Inis na sabi ni liit ng inihiga ako nito sa malambot na kama ni Yoongi, amoy na amoy ko s'ya kahit saan kahit wala naman talaga s'ya dito.
"Nagsasabong ka ba Jimin? Hindi ko alam na may manok ka pala" pagbibiro ko sakan'ya, narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya, damn. kahit yung tawa n'ya ang gwapo rin.
"Oo erp (pre), yung alaga namin mahina, mabagal kumilos" Teka kailan pa pumasok sa eksena si Hoseok.
Nakatayo siya sa may pintuan, nakapantulog na at at may mask pa sa mukha n'ya. Ang cute nga dahil may santa hat pa s'yang suot.
Santa hope is that you?
"Akala ko may alien na dito" Pagbibiro ko sa mukha ni hoseok, nag-pout naman s'ya at tinignan ako ng masama.
"Tinatawag n'yo ba ako?" Pagpasok ni taehyung sa eksena, naka-pogi sign pa ito habang kagat-kagat yung labi.
"Walang tumatawag sa'yo gagu!" Bulyaw ni Hoseok, kunyari paalis na si taehyung at nasasaktan kaya niyakap agad s'ya ni Hoseok at hinalikan sa leeg n'ya.
"Kung ako kay hyung, susunggaban na agad kita" Nagulat ako sa sinabi ni Hoseok sa 'susunggaban', para naman akong pagkain nun!
"Paano yung sunggab paano?"
"Ganito oh" Hoseok kissed taehyung's neck up to his Jaw and his cheeks.
My cheeks burned, bigla ko tuloy naimagine na ginawa sa'kin 'yan ni Yoongi, pucha!
"Tss. Matulog na nga kayong tatlo" Tumahik saglit 'yung tatlong gwapong pogi, umupo ako at tinignan silang nagtataka.
Nabigla ako nang yakapin nila ako ng mahigpit
"ikaw na ata ang pinaka matapang na nakilala namin"
Ani Jimin, na-touched ako dahil seryoso ang boses nila at nakangiti sila sa aking tatlo. Alam kong hindi sila nagbibiro.
Ginulo ni Jimin ang buhok ko at si Taehyung naman ay hinalikan ako sa buhok ko. "Kaya mo yan Ren, fighting?" Itinaas bahagya ni Taehyung yung dalawa n'yang kamao at cute na cute na ngumiti sa akin.
"Fighting!" Ginaya ko s'ya, nagba-bye na ang mga ito at nag-goodnight na din.
Iginala ko muna ang sarili ko sa loob ng kwarto ni yoongi, malinis ito at maayos sa gamit.
Kinuha ko yung malaking Shooky sa higaan ni Yoongi, I hugged it tightly like I was hugging someone.
I felt my tears streaming down my face, shit! Not again. I promised that I won't let myself affect on those people.
Nagdecide muna akong magpahangin, maganda kasi ang tanawin doon sa may sofa nila dahil may malaking salamin doon kita ang buong lugar.
Kahit hindi ako kilala ng mga tao, masakit parin makabasa ng mga hate comments.
Papunta na sana ako nang sofa pero narinig ko ang tunog ng keyboard sa studio ni Yoongi na medyo naka-uwang ang pinto.
Tinutugtog nito ang piano version ng 'I need u' tahimik ako nakinig at sumandal sa pinto.
Sa sobrang relax ko ay nakalimutan kong nakasandal pala ako dito kaya bumukas ang pinto at lumikha ng ingay.
Napatingin tuloy sa akin si Yoongi na napatigil na sa pagtipa ng keyboard n'ya.
"Hi" Nahihiyang bati ko dito, sayang natigil tuloy yung pagtipa n'ya sa keyboard, favorite song ko pa naman iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro