Encounter 22
R E N
I'm famous already....
I really am!
Bloody hell!
I looked confusedly at Yoongi when he immediately turned off the breaking news playing on radio. "Let's just turn it off, it's not going to help" Seryosong sabi nito, hindi tinanggal ang tingin sa daan.
Binuksan ko ang aking social media accounts, doon nakakalat ang picture kong nakatalikod habang iniligtas si Yoongi sa pagtama ng bala.
Tangina.
Hindi ko alam na magiging ganito kagulo ang buhay ko, I never wish to be in this kind of platform.
Wala akong kaalam-alam na habang natutulog ako ng mahimbing sa hospital ay kumalat na ang picture kong noong gabi ng aksidenteng iyon, but there's a good thing, hindi nila ako kilala dahil nakatalikod ako. Hindi nila ako nakita.
Kaya ang mga nakalagay sa mga dyaryo at social media ay: "hero without a cape saved Bts Suga from a bullet"
What the heck!
Halo-halong reaksyon ang nakikita ko sa social media ko, may nagpapasalamat, may napaiyak at na-appreciate sa ginawa ko at may mga bida-bida namang nagsabing nagpapasikat lang daw talaga ako.
What the hell man! Ikaw kaya barilin ko para sumikat ka?
Hindi ko alam na magiging ganito ang buhay ko, ganito kagulo, ang hiniling ko lang naman ay magkaroon ng masayang alaala sa South Korea, pero hindi ko sinabing maging famous ako.
Tapos may nagsasabi pang, masyado lang daw akong pasikat para mapansin din ako. Bakit ba hindi nalang kayo manahimik kung wala kayong masabing matino diba? Bakit kailangan n'yo pang i-down at i-bully yung iba.
Kung dati wala akong pakialam sa mga taong nabubully sa social media, ngayon nararanasan ko na.
Life is really a shit.
And it knows how to play.
"Stop scrolling on your phone, it won't help you, it will just increase your stress"
Kinuha ni Yoongi ang phone ko, tinabi n'ya ito sakan'ya habang patuloy parin sa pagda-drive.
Inirapan ko s'ya at nag-crossed arm."oo nga, dahil hindi mo naman sa akin sinabing mangyayari pala ito, hindi mo sinabing may nangyayari na pala at nadadamay ang pangalan n'yo dahil sa akin"
I felt my heart ache dahil sa sinabi ko, all I want is for him to be safe, pero bakit mas lalo lang nagulo?
Kaya pala hindi rin ako pinabayaan ng bangtan lalo na ni Yoongi, dahil alam n'yang mangyayari ito.
"Katulad ng sinabi mo life is a shit, life gives a fucking shit Ren, huwag mong patulan yung sinasabi ng ibang tao, just focus on yourself"
Pagpapalakas nito ng loob ko, sinuot na n'ya ang kan'yang mask para hindi s'ya makilala pagka-park n'ya ng kotse.
"Ang importante alam mo ang totoo, ang importante ay maayos ka lang" His eyes smiled on me before finally getting out of his car.
Sinundan ko nalang s'ya patungo sa supermarket, nag-suot din ako ng mask at tinali ko ang buhok ko. Natatakot kasi akong makilala nila ako.
Hindi ko alam basta natatakot ako, I felt Yoongi's hand touched mine, "you're fine as long as you're with me" Paninigurado niya, pinisil niya ang aking kamay at hinila na ako papasok.
"May gusto ka pa bang bilhin Ren?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang marinig kong magtanong si Yoongi na nasa likuran ko lang pala, naghahanap ng masarap na lutuin para sa hapunan namin. Sandali akong nag-isip at tinignan ang paligid.
Kumislap ang mga mata ko nang makita ko ang sushi, kinuha ko agad iyon at nilagay sa cart, habang si Yoongi ay naka masid lang sa ginagawa ko. "Ako na magbabayad nito ah" papiprisinta ko, umiling naman si gilagid.
"Ako na" pagpupumilit niya, kukunin ko sana sa cart namin yung sushi pero mabilis s'ya at naunahan n'ya ako. Itinaas n'ya ito at ako naman ang pilit umabot. Tangina Yoongi alam mong maliit lang ako tapos pinahihirapan mo ako?
Gusto n'ya s'ya palaging magbabayad kahit ako naman dapat talaga.
"Ako na!" Inis kong sabi sakan'ya pero bumubungisngis niyang inilalayo at mas tinataas pa ang kamay n'ya, talagang inilalayo sa akin 'yung sushi. hindi ko inaasahang maa-out balance ako sa kakaabot kaya't napadikit ang labi ko sakan'yang panga.
Napatigil kaming dalawa at nagkatinginan nalang sa isa't-isa, rinig ko ang nababaliw ko ng puso sa pagtibok nito habang si Yoongi ay seryoso lang akong tinitigan. Tangina!
"S-sorry, sige ikaw na lang ang magbayad"
Nauna na akong maglakad sakan'ya papuntang cashier. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
Tangina lupa kainin mo na akoo!
Narinig ko ang malalim na tawa ni Yoongi, pero hindi ko nalang pinansin.
Hanggang sa tuluyan kaming makalabas ay mabilis parin ang tibok ng puso ko, nakakatakot dahil pakiramdam ko maririnig ito ni Yoongi. tangina naka-score ako! Shet!
Pumasok na agad ako sa loob ng kotse, hindi ko na hinintay si Yoongi. Alam ko kasing pulang-pula parin ang mukha ko dahil sa nangyari kanina, narinig kong bumukas at nagsara ang pinto sa driver's seat.
"S-sorry dun sa k-kiss kanina" Ramdam ko ang pag-init lalo ng pisngi ko, sobrang nahihiya ako dahil sa ka-clumsy-han ko pero natutuwa dahil nahalikan ko si Yoongi, kahit sa panga lang.
"Tss. It's just a peck on my jaw, it's nothing"
Walang emosyong sabi ni Yoongi, nakaramdam ako ng kirot dahil sa sinabi n'yang iyon. Para kasi sa'kin napaka-big deal nun, achievement? Lalo na'g alam kong may espesyal akong nararamdaman para sakan'ya.
Sayang sana sa labi niya lumanding yung halik, lalanding nalang sa panga pa.
Ano bang ineexpect ko ang magdiwang s'ya dahil nahalikan ko s'ya? Duh. Ren, don't assume things.
Hindi porket magkasama kayo, inaalagaan ka n'ya at nag-aalala s'ya sa'yo ay gusto ka narin n'ya.
--
"Swswswswsw meow"
Pagtawag ko kay Tantan, kanina ko pa kasi s'ya tinatawag pero hindi ko talaga s'ya makita. Baka naman nasa dabarkads n'ya ulit? Pero mag-gagabi na eh, dapag nakauwi na s'ya.
Sandali akong napatigil at napatago sa likod ng pintuan ni lola, tahimik kong pinagmasdan ang likod ni Yoongi, nakaupo ito sa may damuhan.
Pinapatunog nito ang kainan ni Tantan, ang cute lang n'ya dahil mukha din s'yang pusang humihikab-hikab at palinga-linga para hanapin ang ka-uri n'yang pusa.
Napakagat labi ako nang lumabas si Tantan,pero may kasama itong isa pang pusa. Kulay black and white naman ang balahibo nito at para s'yang may heart shape sa t'yan.
Paghahatiin sana ni yoongi ang pagkain sa dalawa pero agad akong lumabas dala-dala ang isang balot ng cat food.
"Ikaw ah, sino yang kasama mo? Isa ba 'yan sa mga dabarkads mo o manliligaw mo?" Natatawang tanong ko kina TanTan, kinuha ko ang isa pang kainan sa pwesto ni Tantan.
"Sumagot ka!"
Nagulat ang dalawang pusa at tinignan lang ako, medyo umatras.
habang 'yung katabi kong pusa-este si Yoongi pala ay iritableng nakatingin sa akin. Para bang nawi-wirduhan sa ginagawa ko.
"Tss. Stupid" Bulong nito.
"Kung bubulong ka hindi dapat yung naririnig ko"
Tinarayan lang ako ni gilagid at s'ya na ang naglagay ng pagkain para sa kasama ni TanTan.
Masayang kumain ang mga ito, medyo lumayo kami sakanila ni Yoongi para magkaroon ang mga ito ng privacy nila.
Nagtataka kong tinignan si Yoongi kaya kumunot ang noo n'ya, "may nakalimutan pa pala akong pakaining pusa"
Gulong-gulo akong tinignan ni gilagid. "Yoongi kunin mo pa nga yung isa pang lalagyan"
Utos ko sakan'ya kahit nagataka s'ya ay kinuha naman n'ya.
Nilagyan ko kaagad ito ng pagkain pagkabigay n'ya habang s'ya naghahanap kung sinong pusa pa ba ang papakainin namin.
"Oh, lil meow meow kain kana din" Eksaktong pagtingin nito sa akin ay itinapat ko kaagad yung hinain ko sakan'ya.
Sinamaan ako nito ng tingin, habang ako ay tinawanan lang sa reaksyon n'ya. Hinawakan ko pa ang aking tyan dahil sa sakit na nito kakatawa.
nag-crossed arm naman si Yoongi at tinignan lang ako habang tumatawa parin ako.
"Sige tawa ka lang, sana mamatay ka"
Mas lalo ko akong humalakhak, nakakatuwa kasi s'yang panooring naiinis at napipikon.
Sa inis nito ay tinabig n'ya yung kainan kaya nahulog ito sa baba, "hoy gago ka!" Bulyaw ko at tinignan yung mga nakakalat na pagkain ng pusa sa ibaba.
Aalis na sana ito pero hinila ko s'ya pabalik, "at saan ka pupuntang pusa ka? Tulungan mo ako dito!" Nagpahila lang s'ya nagsimula na akong magpulot pero s'ya ay nakatayo parin.
Hindi mo mapupulot yan gilagid gamit 'yang titig mo.
Kung sa akin ka ba naman nakatingin edi mas okay.
"Ano walang balak?" Inismiran niya lang ako, inilagay n'ya sa kan'yang bulsa ang kaniyang kamay.
Damn. He's so cool.
"Yoongi! Magpupulot ka o magpupulot ka?" O mapapa- sa'kin ka?
Bahagya kong tinaasan ang boses ko, narinig kong bumuntong hininga ito at napakamot nalang sa buhok n'ya.
Good.
"Bakit kasi pinaglalaruan mo yung pagkain nila?"
Inis na tanong n'ya sa akin, gusto akong patayin ng mga titig niya.
Bumuntong hininga muna siya bago magumpisang magpulot.
"At bakit kasi tinapon mo?"
Kung hindi naman n'ya tinapon hindi naman kami magpupulot ngayon.
Umupo nalang si Lil Meow Meow at nagpatuloy nalang din sa pagpupulot ng pagkain ng pusa.
"Dilaan mo na yoongi, sayang yung pagkain mo"
Nandidiri niya akong tinignan habang tinawanan ko lang s'ya ng malakas.
"Gago!" Malutong na sabi nito at hinagisan ako ng cat food. I love you too!
"Oh ayan oh kainin mo"
Nagulat ako nang kumuha ito at idinikit ito sa bunganga ko. Tangina ampangit ng lasa.
Pilit kong tinanggal yung kamay n'ya sa bibig ko kaya lang hinawakan pa ng isa n'yang kamay yung likod ng ulo ko. Pucha ka talaga Yoongi.
Nagpupumiglas ako, kumuha ako ng ilan pang piraso at isinaboy sa mukha n'ya, kaya nabitawan niya ako. napaupo nalang ako pinunasan yung bibig pucha! Pakainin ba naman ako ng pagkain n'ya!
Paluin ko kaya yang pwet mong matumbok!
Babatuhin ko palang sana s'ya ulit kaya lang may tumawag sa phone n'ya, mukhang importante dahil seryoso ang mukha niya, nang matapos na ito ay tumingin ito sa akin.
"Aalis muna ako ah, kumain kana okay? May mahalaga lang akong aayusin" Hindi na n'ya hinintay na sumagot ako, lumabas na ito at sumakay na sa kotse n'ya.
Ganoon nalang 'yun? Hindi man lang n'ya ako tinulungang magligpit ng kinalat n'ya? Tapos wala pang kiss!
Wrong. Very wrong!
Okay masyado na akong wild. Taimtim ko nalang na niligpit 'yong mga kinalat ni lil meow meow.
"Hello"
"Ay pusang magilagid"
Dahil sa gulat ko ay naibato ko yung ilang piraso ng pagkain ng pusa sa taong nasa likod ko, I heard him groaned in pain.
My eyes grew bigger when I saw the man who is in pain now.
"Hala sorry- Namjoon?! Anong ginagawa mo dito?"
Nilapitan ko siya na ngayon ay nakahawak sa kaliwa n'yang mata.
"Hala! Sorry ikaw kasi nangugulat ka eh" Bahagya itong natawa pero halatang masakit pa din ang mata, pilit kong tinaggal yung kamay n'ya at tinignan ang mata n'yang nahihirapan idilat.
"Akin na, hipan ko"
Bahagya akong lumapit sakan'ya at hinipan ang mata n'ya hanggang sa maging maayos na s'ya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Kinusot nito ang naluluha n'yang mata. Kawawa naman ang prinsipe ko.
"Yayayain sana kitang lumabas eh" prankang sabi niya, may malawak na ngiti sa labi.
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi n'ya,
teka? Date ba ito? Magdi-date kami ng prinsipe ko?
"Huh? Anong meron?"
Pinagpag niya ang sweater n'ya bago ako sagutin.
"Kailangan ba may okasyon para yayain kita?" His manly laugh enveloped the place. "Ano sasama ka ba?" Isinandal nito ang kamay n'ya sa damuhan at tinignan ako na siguradong makakapagpapayag sa akin.
Ang mapang-akit n'yang ngiti. Bakit ba nila ako inaaakit?
"Basta walang math equation d'yan ah, walang memorization?" Tumawa ito ng malakas bago tumango sa akin. Aba! Mas mabuti ng magkalinawagan.
Mahirap na mapasubo ako sa math.
--
Masasabi kong masarap kasama 'tong si Namjoon eh, imagine dinala n'ya ako sa public library! Jusko! Tuwang-tuwa ako nang makita ko yung ga-bundok na libro. Parang gusto kong yakapain ng mahigpit si Joonie dahil sa ginawa niya.
"Woww! Pwede bang dito nalang tayo tumira?"
Narinig kong tumawa si Namjoon, inabot sa akin yung librong kanina ko pa hindi makuha dahil nasa pinakataas.
Natagalan kami sa library kaya madilim na noong nakalabas kami, which is good dahil hindi na kami masyadong makikilala pero nag mask parin si Namjoon.
Tumigil si Namjoon sa isang stall na may tindang ibat-ibang style ng payong, hinawakan n'ya ang kamay ko at pumasok kami sa loob.
"Pili ka na ng payong"
kumunot ang noo ko, bakit naman kami bibili ng payong? Parang hindi naman ata ako collector ng payong sa bahay ah, Teka baka s'ya ang collector sa aming dalawa?
Sandali s'yang tumitig sa akin at napakamot nalang ng ulo at kinagat ang labi n'ya dahilab para lumabas yung dimples n'ya. Yiee ganda!
"You know I ah-"He cleared his throat and bite his lips once again. "I actually murdered your umbrella, ako talaga ang may kasalanan kung bakit nasira 'yun" napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya, what the? Kaya pala pinupuntirya s'ya ng iba n'yang ka-members.
"Sorry okay? Hindi ko naman sinasadya eh, kaya para pambawi, ibibili nalang kita ng bago" Umiling ako, tangina ang mahal ng mga payong dito eh!
"Wag na! Mumurahin lang 'yung payong ko jusko inutang lang yun nung nanay ko sa bumbay kaya wag na"
Tumawa ito ng malakas, bakit? Anong masama dun?
"I insist, pumili kana para makabawi ako sa'yo, hindi ko mapigilang makonsensya sa aksidenteng paninira ng payong mo" Dahil wala akong nagawa namili na ako, mukhang hindi ko rin kasi mapipigilan si Namjoon. kumuha din si Namjoon ng isa, sinubukan n'yang buksan-mali pala pinuwersa n'ya ang pagbukas nito.
"Ay nasira" Dismayadong sabi niya nang matanggal yung isang bakal ng payong. Pucha! Nanira pa siya ulit ng payong.
Hindi ko mapigilang matawa habang pilit n'yang binabalik yung payong sa dating anyo, iyon nga lang mas lalo pang nasira kaya nilapitan na kami ng staff.
Sinabi n'yang babayaran nalang n'ya kaya pumayag yung staff, takte si Namjoon galaw kasi ng galaw nakakasira tuloy.
Dapat dito tinatalian yung kamay n'ya eh.
Pulang-pula ang mukha nito dahil sa kakapigil ng tawa paglabas namin sa stall. Triny pa nitong mag-explain, para ngang iiyak na eh, kawawa naman 'yung inosenteng bagay na nasisira lang ni Namjoon.
Ang masaklap pa namahaling payong pa nasira n'ya!
Pumunta din kami sa isang mall, sabi n'ya may bibilhin lang daw s'ya kaya pinaghintay n'ya nalang ako sa labas.
"For you, I hope you like it" nanlaki ang mga mata ko, kumikislap nang iabot ni Namjoon ang BT21 character.
"Thinker koala, KOYA!"
Niyakap ko ng sobrang higpit 'yung binigay n'ya sa akin, habang narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Namjoon.
"Did you like it?"
Tumingin ako kay Namjoon na nakangiti rin pala sa akin.
"I love it"
--
"Thankyou dito Joonie! Ingat ka" Pagpapaalam ko sakan'ya nang tuluyan akong makababa ng kotse n'ya. Gabi narin kasi kaya kailangan nadin naming umuwi.
Ayoko pa nga sana eh, ang sarap kasing kasama ni joonie lalo na't palagi n'ya kong nililibre hehehehe.
"Everything for you, my princess" He winked and salute at me before he start the engine of his car and drove away from me.
Pumasok narin ako sa loob nang tuluyan na s'yang makaalis, kumunot yung noo ko dahil hindi ko naman natatandaang nakabukas yung ilaw sa bahay ko bago ako umalis.
Dahan-dahan at Maingat kong binuksan ang pintuan ko.
"Bakit ngayon ka lang?"
Napaigtad ako dahil sa gulat nang may magsalita galing sa kusina.
"Y-yoongi?" Nakasimangot ito at may hawak-hawak na champagne. Damn. He's so hot right now.
Bumaba ang tingin n'ya sa paper na hawak-hawak ko na may lamang koya stuff toy. He looked at me in disbelief then drink his alcohol.
"Bakit ka nag-iinom?" Hindi s'ya sumagot.
"I was going to give you that" Napatingin ako sa malaking shooky stuff toy na nasa lamesa ngayon. "Pero mukhang hindi mo na kailangan, itapon mo nalang sa basurahan kung ayaw mo"Matigas ang pagkakasabi niya at padabog na ibinaba ang baso.
Hindi ko alam kung bakit na naman s'ya nagagalit, ayaw naman kasi n'yang mag-open sa akin, Yoongi paano tayo magwowork nito kung hindi ka nagsasabi?
Joke lang. Practice lang kung sakaling maging kami nga. huehuehuehue.
"Huy grabe ka naman, syempre gusto ko" Ibinaba ko din sa lamesa yung paper bag na hawak ko at kinuha ang isang malaking shooky, ang cute parang si Yoongi lang!
"Ang cute!" Pinisil-pisil ko pa ito at niyakap ng mahigpit, ang fluffy kasi eh tsaka parang nayakap ko na din si yoongi. Lalo na't galing ito kay Yoongi.
"Bakit ka nga pala nandito?" Nakaupo ito sa maliit kong sofa, umiinom pa rin.
"Nasiraan kasi ako eh, eh malayo pa kung pupunta ako sa dorm namin" Lihim akong napangiti, masamang ngiti dahil sa sinabi n'ya.
He cleared his throat. "Baka pwedeng-"
"Oo sige okay lang kahit dito ka muna matulog" Mabilis kong sagot, nginitian ko lang s'ya pero sa loob-loob ko nagwawala na at nagdidiwang na ang pagkatao ko. Kahit dito kana tumira ayos lang! Joke.
Tumango-tango nalang s'ya at tinigil na ang pag-inom ng champagne, kelan pa nagka-champagne dito?
"Si Namjoon ba ang kasama mo?" Nag-aalangan akong tumango sakan'ya, He bit his lips and murmured something.
"Alam mong gabi na pero nasa labas ka pa rin? Tapos hindi ka man lang nagsabi sa akin?" Para s'yang tatay na pinagsasabihan ako dahil hindi ako nagsabing gagala.
"Eh kasi-" Wala akong masabing excise, hindi ko naman kasi alam na uuwi pa pala s'ya dito 'no? Nakita ko ang kamao n'yang handa ng manuntok.
He sighed. "Huwag kang sama ng sama kung kani-kanino"
Panong kani-kanino? Eh hindi naman s'ya iba ah.
"Eh hindi naman s'ya iba ah? SI NAMJOON YUN" Pagpapaliwanag ko,diniin ko pa talaga si 'Namjoon'. his lips parted, he's very pissed right now and I didn't know why? Bakit ba napaka big deal nun?
Sinuklay nito ang buhok n'ya bago padabog na lumabas ng pintuan. Hinilot ko ang sintido ko, hindi ko maintindihan si Yoongi, hindi naman n'ya sa akin sinasabi kung bakit s'ya nagagalit kay Namjoon, kung bakit namin pinag-aawayan yung ganitong bagay?
Gusto kong maiyak dahil sa hindi pag-pansin sa akin ni Yoongi, dinidedma n'ya ako simula kanina pang pagpasok n'ya, hindi n'ya ako pinapakinggan- hindi s'ya nakikinig.
Tangina ang sakit!
"Yoongi, kumain ka pa"
Ilalagay ko sana sa plato n'ya 'yung sushi, pero iniwas n'ya yung plato n'ya.
Kinagat ko ang labi ko at kinain nalang yung sushi na dapat kong ibibigay sakan'ya. "Gusto mo pa ba ng sabaw?" Hindi n'ya ulit ako pinansin at nagpatuloy lang sa kinakain n'ya.
Hanggang sa matapos kaming kumain, hindi n'ya parin ako pinapansin, dati inaabot n'ya pa sa akin yung gamot ko pero ngayon ako na ang kumuha mag-isa.
Gusto ko s'yang tanungin, kausapin pero ano pang saysay? Hindi n'ya rin ako papansinin at pakikinggan. Hindi ko kayang ganito kami, ang sakit sa dibdib, ang bigat.
Tinignan ko nalang s'ya sa sofa na ngayon ay nakahiga na, pinagkakasya ang sarili n'ya at nakabaluktot, naka-crossed arm at seryoso ang mukha.
Wala bang goodnight d'yan?
Pinunasan ko yung luhang tumulo sa pisngi ko, bumuntong hininga ako bago tuluyang humiga sa kama. Tangina ang sakit talaga, matutulog ba kaming ganito? May sama ng loob sa isa't-isa?
Ang bigat lang sa pakiramdam.
Matutulog kaming may galit at may tampo sa isa't-isa. Matutulog kaming hindi nagkaka-ayos at hindi nagkakaliwanagan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro