Encounter 21
R E N
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, unang nakita ko ang nakakasilaw na ilaw. itatanong ko sana kung nasa langit na ba ako pero naramdaman ko kasing may pumisil sa aking kamay.
Awtomatiko akong napangiti nang bumungad sa akin ang maamong mukha ni Yoongi, bahagya akong natawa dahil naka-pout pa ito habang natutulog, hindi ko na kailangang pumunta ng langit dahil dito palang sa lupa ay nakita ko na ang anghel ko.
kapansin-pansin ang itim sa ilalim ng mata n'ya, parang ilang araw s'yang walang tulog na maayos. dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya pero kumunot ang noo nito at mas hinigpitan pa ang pagkapit dito.
napakagat ako sa aking labi nang maramadaman ko ang kirot sa aking likod, pinilit kong huwag gumawa ng ingay para hindi s'ya magising mula sa mahimbing n'yang pagtulog. nakahinga na ako ng maayos ngayon, dahil alam kong ligtas na s'ya, ligtas na si Yoongi, ligtas ang lahat.
Dahan-dahan kong hinawakan ang buhok ni Yoongi, medyo nanghihina pa ako pero wala akong pake, gusto ko lang masiguradong maayos s'ya at panoorin s'ya habang natutulog.
Susuklayin ko palang sana ang buhok n'ya gamit ang kamay ko nang bigla nitong hawakan ang aking kamay at dahan-dahang imulat ang mga mata n'ya.
Kinusot pa nito ang mata n'ya at tinignan kung tama ba ang nakikita n'ya, pumikit s'yang muli pero agad na nagmulat ulit ang mga mata n'ya.
"Ren? G-gising ka na ba? Totoo bang gising kana o nananaginip lang ulit ako?"
Bahagya akong humagikhik dahil sa reaksyon ni Gilagid, I really missed this man.
"Hindi. Tulog pa ako, nananaginip ka lang talaga"
Pamimilosopo ko dito at tumawa ng mahina, at ang gago pinisil nga ang pisngi n'ya at tinignan kung totoo ba o nananaginip lang s'ya.
Mas lalo lang akong natawa nang dahan-dahan siyang ngumiti at nanlaki ang singkit n'yang mata.
"Hindi na ako nananaginip sa pagkakataong ito Gising ka na Ren! gising ka na" Napatigil lang ako nang bigla ako nitong niyakap ng mahigpit na mahigpit.
Naramdaman kong ibinaon nito ang mukha n'ya sa aking leeg, gusto kong tumawa dahil nakikiliti ako pero makakasira lang sa eksena namin lalo na't naramdaman kong tumulo ang luha ni Yoongi.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at masaktan nang marinig ko ang maliliit n'yang paghikbi.
"I-I thought I'd lose you"
Paos at mababa ang boses niya, hindi ko rin tuloy mapigilang maluha dahil hindi ko naisip na masasaktan ko s'ya ng ganito.
Silang pito.
Alam kong may nagbago na, may nagbago na sa nararamdaman ko para sakan'ya.
Handa ko silang iligtas, handa kong ibuwis ang buhay ko lalo na kung para sakan'ya, dahil narealize kong mahal ko na ang lalaking ito, ang lalaking nangunguna ang gilagid n'ya, ang lalaking may gummy smile, ang lalaking nag-ngangalang Yoongi.
Hindi ko pa nagawang ibuwis ang buhay ko kaninuman, o kahit kay Angelo, at na-realize kong handa akong mamatay lalo na't kung para kay Yoongi.
Hindi ko alam kung paano n'ya mabilis na napalitan si Angelo sa pwesto dito sa puso ko, pero malinaw na sa akin ang lahat ngayon. Sa wakas nahanap ko din ang sagot alam kong s'ya na ang mahal ko.
Salamat dahil ginabayan ako ng gilagid niya.
Hindi bilang isang idol o fan kundi kung sino si Yoongi off cam at on cam.
"Naiinis ako sayo, you're really stupid huh!" Tumingin ito sa akin habang pinupunasan ang luha, lalo tuloy lumambot ang puso ko dahil nakikita ko s'yang umiiyak ngayon sa harap ko.
"Iniligtas mo ako kahit kapalit na ang buhay mo? Kahit alam mong pwedeng ikaw ang mawala!" Mas lalo lang itong nainis nang tawanan ko siya. Alam ko, matagal na talaga akong tanga.
Alam kong panira ng moment namin yung pagtawa ko pero kasi ang cute n'ya at the same sobrang nakakagalak sa puso ko, iniiyakan ako ng taong lihim kong minamahal.
"Importante pa ba yun? Ang mahalaga andito pa ako, kasama mo, nayayakap mo, nakakausap mo" At pwede mo narin akong mahalin pabalik yieeee~
"Please wag mo na ulit iyong gawin" Kusang gumalaw ang ulo ko para tumango sakan'ya.
Mas lalo lang s'yang umiyak at muling yumakap sa akin.
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iluwa ang anim pang mga gago na mahal na mahal ko din kasama si ate Alexa.
Pero mas mahal ko si yoongi yiee~
Naniniwala na ako sa poreber~
Natulala si Taehyung, kaya napatingin din sa akin si Jin, nabitawan n'ya yung pizza box na bitbit niya.
"Ren!" Masiglang sigaw ni hoseok , mabilis na tumakbo palapit sa'kin, at niyakap ako ng mahigpit.
"Aray-aray" Inda ko dahil natamaan n'ya ang sugat ko sa bandang tagiliran.
"S-sorry Ren, sobrang saya kong gising kana" malaki ang ngiti niya sa akin at pinaliguan ako ng halik sa mukha maliban nalang sa lips ko.
Inis siyang tinulak ni Yoongi na ikinatawa lang naming lahat, kung wala lang akong nararamdaman kay Yoongi baka isipin kong hadlang lang s'ya sa moment namin ni Hoseok pero hindi ko tuloy maiwasang umasa dahil sa kinikilos ni Yoongi.
Binibigyan n'ya ako ng pag-asang baka gusto n'ya ako kahit alam kong napaka-imposible nun!
Osige ako na ang umaasa! Tanga na nga, umaasa pa sa wala!
Sumunod nun ay sinugod narin ako ng Vminkook, niyakap ako ng mga ito ng mahigpit habang si V ay umiiyak.
hindi ko tuloy mapigilang umiyak din dahil iyak din ng iyak si taehyung, sumisikip ang dibdib ko dahil nakikita ko siyang nasasaktan. hindi ko s'ya gustong makitang ganoon, gusto ko lang palagi s'yang nakangiti, masaya at naguumpisa ng kawirduhan sa grupo
Ginulo ko ang buhok ni taehyung, at hinawakan s'ya sa magkabilang pisngi n'ya. Halatang mga walang tulog ang mga ito, dahil maiitim ang ilalim ng mata. Siguro dahil sa kakabantay sa akin.
"Wag ka ng umiyak, okay? Gusto ko palagi lang kayong masaya, yung tipong kumakain ka ng plastic ganon!" Bahagya siyang natawa sa pagbibiro ko, lumabas pa yung uhog niya na sininghot lang niya pabalik.
ayan! Ngumingiti na ulit s'ya.
"Noona! Ako yung kumakain ng plastic!"
Pagtatampo ni jungkook na naka-pout pa at nakapamaywang.
Oo nga! Pati nung lasing s'ya yung kawawang plastic ang pinagtripan n'ya.
"Hala! Sino ka?"Tumawa ang mga gago habang si Jungkook ay lalo lang nag-pout at parang nagtatmpo.
"Sige lang noona kalimutan mo na ako"Lihim akong napangiti dahil sobrang cute ni Jungkook kapag naka-pout.
"ito naman! Makakalimutan ko ba 'yang malaki mong ilong?" Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Jimin, at ang windshield laugh ni Jin.
niyakap ko si Jungkook ng mahigpit kahit medyo nanghihina pa ako pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo niya.
Tapos si jimin naman ang humalik sa aking noo ng maraming beses, ganun parin s'ya, palagi parin akong inaakit ng mga mata n'ya.
"Namiss kita sobra, to the point na papatayin ko na si Namjoon Hyung, kaya lang may isa kasi diyang mas naka-miss sa'yo" nakaka-lokong tumawa si Jimin at pumalakpak, pagkatapos noon ay hinalikan ako nito sa aking noo.
Ako na ata talaga ang pinaka swerte sa buong mundo.
"Hoy ba't ako nadamay?" Pagrereklamo ni Namjoon, humahaba na naman yung nguso. sinamaan s'ya ng tingin ni Jimin.
"Gago ka hyung! Muntikan mo ng masira yung manibela ng mamahalin kong sasakyan!" Humagalpak kaming lahat sa tawa habang si Namjoon ay napakamot nalang, pangiti-ngiti.
Patay Galit na naman Liit!
"Tama bang paglaruan 'yung manibela ko" Inis na inis na himutok ni liit.
Jimin easy ka lang, height mo maliit pa rin. Hahahaha!
"Goodmorning my princess"
Sexy ang boses ni namjoon, sexy rin may ari ng boses eh. Huehuehuehue.
"Goodmorning my prince"
"Excuse me ako ang prinsesa dito, I'm freaking handsome and I'm worldwide handsome!" Umiling-iling na lang kami dahil sa sinabi ni eomma Jin, nag-hair flip pa.
"We're glad you're finally back" nakangiti sabi ni Jin, he kissed me on the tip of my nose.
"Back to life" Tumawa ng malakas si Namjoon sa sarili n'yang joke, habang kami ay masama lang namin s'yang tinignan.
"Aray!" Angal ko nang lumanding sa akin ang kamay ni Ate Alexa, tangina nauna pa yung mga boys kong halikan ako tapos s'ya sasaktan lang n'ya yung braso ko.
Natigilan ako nang bigla siyang umiyak at niyakap ako ng mahigpit.
"Akala ko mawawala ka na sa amin eh, bwisit ka masyado mo kaming pinagalala tapos ang tagal mo pang nagising"
"Huh?"
"three days kang walang malay na gaga ka, sinabi pa ng Doctor na hindi naman daw malalim yung bala pero nahirapan daw silang tanggalin dahil baka may matamaan silang importanteng organs ng katawan mo" Mahabang pagpapaliwanag ni Yoongi, ibig sabihin tatlong araw din akong hindi nakapasok sa trabaho?
"Wow! Attentive si hyung, nakinig talaga sa Doctor"
Pumalakpak pa sina jungkook at taehyung kay Yoongi, manghang-mangha habang si gilagid, ayun tinarayan lang sila sabay sabing
"manahimik kayo may mga kasalanan pa kayo sa akin" Tumahimik agad ang mga ito at nagpipigil ng tawa nila.
"Tawagan ko sina uncle sabihin ko gising kana"
Tangina bakit ba nakalimutan kong mas lalo akong patay kina papa dahil sa ginawa ko?
--
At tulad ng inaasahan ko pinagalitan nila ako, sinermunan pero in the end umiyak si papa at mama. Sinabing mag-iingat daw ako at gamitin naman daw yung utak ko baka mabulok na talaga ng tuluyan, imagine nasa harap ko pa naman yung taong gusto ko tapos napahiya pa ako.
Bakit kasi kailangang i-loud speaker pa yung phone? Bakit kailangang maki-intriga ni Ate Alexa?
Tangina sobrang savage ng nanay ko, maglaban kaya sila ni Yoongi?
Si ate umiyak din kaya lang pucha, ang sabi ba naman "mabuti nalang hindi nasaktan sina yoongi"
Tangina mag-alala ka naman para sa akin ate bwisit ka!
Ako ang kapatid mo!
Galing eh mahal na mahal talaga nila ako eh 'no? Napahiya na ako tapos yung ate ko puro BTS alam. Sige okay lang talaga ako.
Pero kinausap naman nila ako ng maayos at katulad nila dito sa Korea, hindi rin nakatulog ng maayos sina papa, halos araw-araw umiiyak si mama habang nagdadasal na sana magising na ako.
Doon ko narealize na may mali din ako sa ginawa ko, hindi ko muna inisip na may mga taong mag-aalala sa akin kahit ang gusto ko lang naman ay ang kaligtasan nina Yoongi.
Pero minsan kasi, kapag nasa bibgit ka na ng peligro hindi mo na maiisip pa ang ibang bagay, iisipin mo nalang kung ano ang dapat.
Sa susunod na araw ay pwede na din akong idischarge, kailangan ko nalang daw magpalakas, ayun kay Doktor Lee.
Hindi ko alam na dito rin pala sa pinagtatrabahuhan ko ako nila dadalhin kaya ayun nag-chichikahan din kami ni Kim at pumupunta dito si lola para ipakain sa akin yung specialty
n'ya.
--
Mabilis na lumipas ang araw at tuluyan na akong pinayagang lumabas ng hospital, isang linggo akong naka-leave sa trabaho ko dahil nga kailangan ko pang magpahinga at hindi pwedeng mapagod agad o magbuhat ng mabibigat dahil baka bumuka yung tahi.
At nasabi ko na bang pinag-mumura ako ng magagaling kong kaibigan? Sinabi nilang hindi ko daw sinabing may pito pala akong boyfriend na gwapo at gwapo at gwapo talaga.
Hindi ko alam na sa ganoong paraan pa nila nalaman iyon.
Jusko! Sumasakit lang ulo ko sakanila.
"Omg! Bigyan mo naman ako ng isa! Kahit yung pinakamaliit nalang tapos palagi ko s'yang paiinumin ng cherifer dito sa bahay". Gago 'tong si Mendz eh, puro katarantaduhan yung alam.
"Alam kong mag jowa ako, pero reto mo naman ako sa isa sakanila please Ren". Ano 'to Jen two timer lang ang peg?
"Apo? May bisita ka dito sa labas" Rinig kong sigaw ni lola halatang masigla itong nasa labas ng kwarto ko, mabilis din nitong isinara ang pinto. tamad na tamad akong tumayo at lumapit sa pinto.
"Andyan na-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil ang gwapong poging mukha agad ni Yoongi ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pinto.
"What took you so long to open this damn door?"
Bungad na tanong niya sa akin habang nakakunot na naman ang makinis n'yang noo.
Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na s'ya sa loob ng kwarto ko at binuksan yung rice cooker ko.
Wow. Feel at home bro?
Bakit hindi nalang s'ya pumasok eh nakabukas naman pala ang pinto?
"Hindi ka parin kumakain?"
Mas lalong kumunot ang noo ni gilagid, inis at siguradong sermon ang aabutin ko.
Na naman!
"Eh kasi hinintay pa kitang dumating eh" Pagpapaliwanang ko na ikinatigil ni Gilagid, tumalikod nalang ito at napakamot sa likod ng tenga n'ya.
"Kumain na tayo halika na"
Ano raw? Halikan na?
Ilang araw narin kaming ganito ni Yoongi, araw-araw s'yang pumupunta sa bahay ko para paglutuan ako o kamustahin ako. Pagkatapos may dala-dala pa s'yang mga prutas para sa akin.
Flashback
"Apo may bisita ka!" Tinatamad man ay binuksan ko parin yung pintuan ko at hindi ko inaasahang si Yoongi ang bubungad sa akin.
Tangina! Ang baho ko pa naman!
"Kumain kana?" Napakagat labi ako at umiling sakan'ya. Shet! Bakit ang pa-fall ng tanong n'ya?
"Tss".
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito na ngayon ay pumasok na sa loob, wow! Bahay mo bahay mo?
Kinalkal n'ya ang ref ko at nagsimulang maghiwa ng ingredients.
"Uy, hindi mo naman kelangang gawin yan Yoongi, kaya-"
"Maligo kana lang, alam mong bawal kang magpalipas ng gutom diba atsaka iinom ka ng gamot sa tamang oras, anong oras na pero di ka parin umiinom" Kinagat ko nalang ang labi ko at kinamot ang batok ko, para bang kinikiliti ang tiyan ko.
"Ako ng bahala dito" paninigurado niya kaya tumango nalang ako, mahirap na, baka magbago isip ni gilagid.
"Pagkatapos may dala akong mga prutas, kailangan mo 'yan kaya dapat ubusin mo" Dagdag nito, hindi na ako sumagot dahil nasa loob na ako ng banyo.
Kailangan kong maligo ng tatlong beses para masiguradong mabango talaga ko ngayon! Charot.
Hanggang sa mga sumunod na araw ay ganoon parin ang nangyari, lagi akong pinagluluto ni yoongi, tinutulungan n'ya si lola sa pamamalengke at tinutulungan n'ya akong maglinis ng bahay, actually s'ya lang ang gumagawa ng lahat ng gawain ko dahil sabi nga n'ya-
"Bawal kang mapagod Ren, let me handle this for you"
Oh kabog! Sana label na ang susunod!
End of flashback
"Ren, kain na" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Yoongi na ngayon ay naghahain na.
Napaka-husband material naman!
Nasabi ko na bang nakilala na sila ng mga magulang ko? Sinabi pa nga ni mama na pakasalan ko na daw yung isa sakanila. Si mama talaga ambilis masyado, dahan-dahan lang naman baka mabigla naman si Yoongi kung magpropose agad ako! Charot ulit!
Puto nalang charot, pwede bang totohanin nalang natin?
Yieeee~
Ehem Yoongi ehem!
"Wow! Ang sarap naman!"
Sigaw ko sakan'ya kaya tinakpan n'ya ang tenga n'ya.
"Kumain ka nalang ang ingay ingay mo eh" Binelatan ko lang s'ya bago tuluyang umupo sa tapat n'ya.
"Hmm. Sarap!" Nung nagluto.
Sumilay ang ngiti niya sakan'yang labi at nagsimula na ring kumain, tinignan ko s'ya nang ilagay n'ya sa akin yung mga patatas na nasa plato n'ya.
"Ayaw mo ba?"
"Gusto mo ng patatas diba? kumain ka lang ng kumain"
Hindi ako nito tinapunan ng tingin at nagpatuloy lang sa pagkain, habang ako lihim na napangiti, pero deep inside nagwawala na ako dahil sa kilig.
Nilingon-lingon ko ang palagid kung may dala s'yang mga prutas. Nasanay na akong may dala s'yang prutas araw-araw.
"Mamamalengke palang ako mamaya, nagpasabay narin kasi si lola kaya mamaya pa ako bibili ng prutas mo"
Pagpapaliwanag niya at nagpatuloy muli sa pagkain.
"Ren, can you answer me honestly?" Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko at tinignan s'yang matapos uminom ng tubig n'ya. He looked at me intently, I looked away.
"Why did you save me? I mean what on earth you are thinking that time? You could have died-"
hindi ko na s'ya pinatapos, he's really into that topic.
"Shit happens in life Yoongi" Paguumpisa ko at hindi s'ya nilingon, patuloy ko lang ginagalaw ang pagkain ko. "Sometimes we can't figure out things until we try it"
I heard him scoffed.
"So you tried to kill yourself?" Iritable ko s'yang tinignan.
"Ofcourse not, idiot. You need to sacrifice in life, that's how life runs. You can't figure out things if you didn't try and you're going to sacrifice something for you to try that"
Natigilan ito at napangiwi sa akin.
"Exactly. life isn't fair Ren, what if something happened to you? Tandaan mong hindi porket may isinakripisyo ka, tama ang ginawa mo dahil minsan iyon pa ang nagpapahamak sa'yo" Mahina at madiing sabi niya, hindi na n'ya nagalaw ang pagkain n'ya.
"Tandaan mong may dalawang kalalabasan lang ang pagsasakripisyo, if it's good or not" Dagdag pa nito at umiling-iling pa sa akin.
What's the point of arguing about this thing? Tapos na diba? Nangyari na?
Halatang naiinis ito at frustrated dahil ginulo nito ang kan'yang magulo ng buhok.
"Sana bago mo gawin ang isang bagay, isipin mo muna ng maraming beses....ayoko lang mapahamak ka" he pointed out before leaving me, astonished, speechless, while hearing the loud beating of my heart.
Ayaw n'yang napapahamak ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro