Encounter 18
R E N
"Ano masakit pa ba?" Umiling-iling ako kay yoongi, bakas parin ang pag-aalala sa mga mata n'ya.
Nakailang beses na nga s'yang tanong n'yan eh.
"Tara kain na tayo"
Pag-aaya sa amin ni Jin. Nag-bake kasi s'ya ulit ng cake namin dahil yung cake na dapat naming kakainin, ayun pinakinabangan ng sahig at ng mga damit namin.
Pinagpalit na din nila ako ng damit, ewan ko ba sa mga 'to, binilhan ako kanina nina hoseok at Namjoon ng bagong damit.
Sweet.
Nagsilapitan naman na sila sa maliit na lamesa, tumigil sa amin ni Jimin na nakangisi parin.
"Kaya mo bang kumain Ren, gusto mo pasubuan nalang kita kay hyung?" Mapang-asar itong tumawa at pasimpleng tumingin kay Yoongi na nasa tapat ko.
Jimin tama na. Sobrang hiyang-hiya na nga ako eh.
Ginulo ko ang magulong buhok ni Jimin at inilagay sa bewang n'ya ang kamay ko
"Nagseselos ka na naman eh" Pagbibiro ko sakan'ya, tumawa lang s'ya at para bang nahihiya dahil tinakpan n'ya yung mukha n'ya pero kalauna'y hinapit n'ya rin ang bewang ko.
"Hindi ba obvious?" Tinawanan nalang namin ang isa't isa, parehas kasi kaming mga mukhang ewan. Nauna na si Yoongi pumunta sa lamesa kaya sumunod narin kami.
"Ang hot nung chicken, kasing hot nung eksena kanina" Hinipan-hipan pa ni jungkook ang spicy chicken na kinakain n'ya. Tss. Nagpaparinig lang s'ya eh.
"Hot daw silang dalawa eh"
Natatawang pahabol ni Jin. Hini s'ya makakain ng maayos dahil sa pagtawa n'ya. Bakit ba pinapaalala pa nila yung nangyari kanina? Hiyang-hiya na nga ako ehhhh!
"Sorry na, hot kasi ako" mali ata ang sinabi ko dahil inismiran ako ng mga ito. Hay nako! Bakit ang tanga ko sa part na 'yon?
"Ehem. May tinamaan. Ehem" Ani hoseok na ikinatawa ng lahat maliban sa akin at ni Yoongi.
--
"1 2 3 and 4 5 6"
Hindi kami nag-aaral magbilang, nagpapractice lang ng sayaw sina Hoseok dito sa may practice room nila sa ibaba. Ang galing nga eh, ang laki pala ng bahay na ito ang daming pasikot-sikot.
Akala ko ba magpapahinga sila, Bakit nagpa-practice sila ngayon?
"Okay, break muna!" Sigaw ni Hoseok na ikinatuwa ng lahat lalo na si Yoongi.
Humiyaw-hiyaw pa si gilagid tas weird na sumayaw. Tumakbo s'ya palapit sa direksyon ko atsaka mabilis na humiga sa sahig.
Tumayo na ako at nagsimulang magbigay ng bottled water sakanila.
"Thankyou noona you're the best!" Niyakap pa ako ni Jungkook pagkabigay ko sakan'ya isang bottled water.
Ambango ng pawis n'ya.
Sana all mabango pag pinagpapawisan, pag ako kasi--er-- nevermind.
"Magpunas ka muna ng pawis mo ah, pawis na pawis ka"
Paalala ko dito at inabutan na ang iba pang members.
"Wala ba 'tong kasamang pagkain?" Reklamo ni Jin sa akin, wag kayo sa aking magreklamo hindi ako ang manager n'yo.
"Nasa may table ata Jin" Sabi ko nalang tapos pinagpatuloy ko ang pagbibigay, mabilis tumakbo sina Jin at jungkook, excited kumain.
"Thankyou my princess"
Kinindatan ako ni Namjoon sabay inom sa binigay kong tubig. Enebe!
"You're welcome my prince"
Nakangiti kong sabi sakan'ya bago tuluyang umalis sa harap n'ya. Nang masigurado ko nang may tubig na ang anim at hindi na nginangatngat ni taehyung yung bote n'ya ay bumalik na ako sa pwesto ko para ibigay ang natitirang bottled water kay gilagid.
"Yoongi tubig mo" Iniabot ko sakan'ya ang tubig, tinarayan n'ya muna ako bago n'ya kunin ang iniaabot ko tapos nagpatuloy s'ya sa pagtipa ng phone n'ya.
Napansin kong nakahiga si yoongi kahit walang sapin sa sahig. Magkakasakit tong lolo na 'to!
"Yoongi tumayo ka muna lagyan natin ng sapin yang hinihigaan mo" Kinuha ko yung sapin at hinintay s'yang umalis pero tinignan n'ya lang ako ng masama.
"Yoongi ano na? Magkakasakit ka n'yan sa ginagawa mo, tapos hindi ka pa ata nagpupunas ng likod mo" Dire-diretsong pangangaral ko. Walang ano-ano'y tumayo na din s'ya at bahagyang umusog sa akin habang patuloy sa pagtipa ng phone n'ya
Sino ba kasi yang ka-chat n'ya?
Bakit hindi n'ya magawang tigilan muna 'yan at magpunas ng likod n'ya?
"Magpunas ka muna ng likod mo, mamaya mo na ipagpatuloy 'yang pagcha-chat mo" Utos kong muli sakan'ya, may inis sa tono ng pagsasalita ko. Paano akong hindi maiinis, ayaw tigilan 'yang pagcha-chat n'ya tapos pangiti-ngiti pa.
Tss. Ayaw munang gawin yung sinasabi ko.
Ramdam kong tinignan n'ya ako, nakakunot ang noo at kinuha yung bimpo n'ya sa bag at pinunasan ang likod.
Napatingin ako sakan'ya nang matapos na akong maglagay ng sapin n'ya, hirap na hirap s'ya sa pagpupunas ng likod n'ya.
Lumapit ako sa likod n'ya.
"Akin na nga 'yang bimpo mo. T-tutulungan na kita"
Nag-aalangan n'ya akong tinignan, narinig ko s'yang bumuntong hininga at napakamot sa batok n'ya bago n'ya sa akin tuluyang ibigay yung bimpo.
Tahimik na ang paligid, wala na kasi ang iba dito at pumunta na ata sa kusina. Kaya kaming dalawa nalang ang nandito ni Yoongi. Kaming dalawa nalang!
Napalunok ako ng sarili kong laway nang tuluyang tanggalin ni Yoongi ang damit n'ya, parang nag-slowmo iyon sa mga mata ko at ang sexy ng pagtanggal n'ya.
Nilantad nito ang maputi, maganda at seksing likod ni Yoongi, hindi mapigilang manginig ng mga kamay ko nung ilalapat ko na yung bimpo sa maganda n'yang likod.
Dahan-dahan ko iyong pinunasan, at hindi inalis ang mga mata ko sa likod n'ya. Naramdaman kong parang mabigat na paghinga ni Yoongi kaya nilingon ko s'ya agad.
"Y-yoongi okay ka lang ba?" Nauutal kong tanong. Pucha. Bakit ba ako nauutal, Ren likod lang 'to ni yoongi! Likod n'yang maganda!
"Y-yeah" Simpleng sagot nito kaya bumalik nalang ako sa ginagawa ko, hanggang sa pababa na ng pababa ang pagpunas ko sa likod n'ya.
Napapikit agad ako ng mga mata ko at nakagat ang labi ko para mapigilan ang pagtili. Jusko! Kalma Ren kalma!
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil nakita kong bahagyang nakalabas yung boxer ni Yoongi!
Jusko! Nakita ko yung boxer ni yoongi.
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, halos magtubig na ang mga mata ko dahil gusto ko ng umiyak dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Ren?"
Pinigilan ko ang sarili ko nang marinig kong ako tawagin ni yoongi. Bumalik ako sa pagpupunas ng likod n'ya, pero ramdam ko yung pagtagaktak ng malamig kong pawis at ang malakas na pagtibok ng puso ko"
"Okay ka lang?" Inosenteng tanong n'ya habang nakatalikod sa akin.
Yoongi bastos makipag-usap ng nakatalikod humarap ka sa akin nang makita ko.... Ang mukha mo.
"A-ah a-ano a-no lang bigla lang sumakit yung ano ko.. Yung ulo ko" Sumakit kasi first time kong makakita ng boxer na suot na ng lalaki specially isang gwapo at sexy pang lalaki!
At natupad nga ang hinihiling ko dahil biglang humarap si Yoongi sa akin, muntik pa akong matumba dahil nakasandal yung kamay ko sa maganda n'yang likod.
Kitang-kita ko tuloy ang maganda n'yang dibdib at abs! Juskoooo! Nagkakasala na ata ako!
Malaking kasalanan 'to!
Baka hindi ko mapigilan 'yung sarili ko!
Ang ganda ng katawan n'yaaaaa!
Ang maiinit n'yang palad ay lumapat sa aking leeg, bahagya akong nakiliti dahil sa ginawa n'ya.
"N-nakikiliti ako" Tinanggal ko yung kamay n'ya sa leeg ko, nakatingin lang s'ya sa akin habang ako nakatingin sa maganda n'yang katawan.. Joke! Nakatingin din ako sa mga mata n'ya.
"Wala ka namang lagnat, uminom ka na ba ng gamot?"
Nakakunot ang maganda at makinis nitong noo at bahagyang naka-awang ang manipis n'yang labi.
"M-mamaya na, pupunasan ko muna 'yung likod mo"
Nag-aalangan s'yang tumango sa akin, inilapit n'ya yung bag n'yang kulay itim at kinuha ang isang gamit at yung tubig na binigay ko sakan'ya na hindi pa n'ya nababawasan.
"Uminom ka muna ng gamot"
Inilagay n'ya ang mga ito sa palad ko kaya kahit hindi naman talaga masakit ang ulo ko'y napilitan akong inumin iyon.
Sa susunod hindi ko na idadahilang sumakit ang ulo ko
"Ren" Ang malalim niyang boses ay sapat na para makaramdam ako ng kakaiba sa tyan ko.
Itinapat n'ya sa aking mukha ang phone n'ya na may naka-display na mga mamahaling restaurant.
Takha ko s'yang tinignan. Bahagya s'yang ngumiti habang naka-pout parin sa akin.
"Naghahanap lang ako ng magandang restaurant na pwede nating kainang walo" malumanay n'yang pagpapaliwanag sa akin kahit wala naman akong tinatanong.
Ibig sabihin ba nun wala talaga s'yang ka chat? Ibig sabihin nag-hahanap talaga s'ya ng restaurant at wala talaga s'yang kausap?
Ibig sabihin kami lang ng grupo n'ya ang iniisip n'ya kanina?
Para akong tangang pangiti-ngiti dahil wala naman pala s'yang kausap, para bang nakahinga ako ng maluang, at he same, nakaramdam di ako ng hiya dahil mali naman pala ang iniisip ko.
He gasped some air.
"sa tingin mo? Ano kayang magandang restaurant na kainan?" Hindi ako agad nakapag-salita, hindi ko lang kasi talaga inaasahan na hihingin ni Yoongi ang opinyon ko tungkol sa mga ganitong bagay.
Ibinaba ko ang phone n'ya at umiling sakan'ya. "Wala naman akong masyadong alam dito sa Korea tsaka naisip ko ring ayos lang naman kahit hindi talaga tayo sa mamahaling restaurant kumain" Bahagya akong tumigil para tignan ang ekspresyon n'ya, pero parang sinasabi lang ng mata n'ya ang salitang "go on, I'm listening"
Kaya nagpatuloy ako.
"Eto naisip ko lang naman. Hmm. Ano kaya kung simpleng kainan nalang, katulad lang din kanina, si Jin ang nagluto. Ang akin lang kasi ang mahalaga naman magkakasama tayo, kayo"
Inilagay n'ya ang kan'yang daliri sa baba n'ya at nag-isip, pero hindi n'ya tinaggal ang madikit na titig n'ya sa akin.
Napangiti ako at namilog ang mga mata nang maalala ko si Lola.
"O kaya kumain tayo kasama si lola! Diba? Mas marami mas masaya, tsaka malungkot din si lola lalo na't mag-isa nalang s'ya sa buhay n'ya, siguradong matutuwa iyon kapag nakita kayong pito" Hindi ko mapigilang matuwa sa sarili ko habang nag-iisip isip din, sigurado akong matutuwa si lola kapag natuloy nga ang kainan na iyon. narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Yoongi sa akin at napa-iling-iling pa
Tangina! Totoo ba 'to? Si Yoongi tumatawa na naman? Dahil sa akin?
Achievement na naman!
"Okay sige, simple dinner it is" Mas lalo akong natigilan sa sinabi n'ya sa akin. Nakayitig lang ako sa kan'ya ng matagal, Tangina Yoongi ikaw ba talga 'yan?
"H-huy teka suggestion ko lang na-" pinutol ni Yoongi ang sasabihin ko.
"And I like your suggestion"
Ilang beses na ba akong pinamangha ni Yoongi ngayong araw na 'to?
"Guys tara laro tayo ng Dr. quack-quack!" Bungad sa amin ni taehyung na parang batang tuwang-tuwa at naka-lip bite pa.
Mabuti nalang mabilis na nagbihis kanina si Yoongi.
"Saan mo na naman nakita yang larong 'yan?" Parang matandang walang ganang tanong ni gilagid
Sandaling nag-isip si taehyung at cute na cute na ngumiti sa amin. "Uhm. Sa google" Bahagya akong natawa sa sagot ni Taehyung, hindi maitago ang saya sa boses n'ya.
"Dati ko 'yung nilalaro nung bata pa ako" Pag-amin ko sa kanila, nako halos mabali doon yung kamay ko sa kakapilipit at pulang pula ang braso ko sa tuwing uuwi ako ng bahay.
"Talagaa! Yehey! Edi game na kayo?" Excited na tanong ni taehyung tapos pumalakpak pa.
Parang bata.
Ramdam ko ang matalim na titig sa akin ni Yoongi lalo na nung tumango-tango ako kay taehyung bilang pagsang-ayon
Narinig ko pang napabuntong hininga si gilagid bago sumagot.
"Oo na ano pa bang magagawa ko?" Napipilitang sabi ni Yoongi at napakamot nalang sa buhok.
"Yehey!" Tumakbo palapit sa akin si taehyung at niyakap ako ng mahigpit at ibinaon ang mukha nya sa aking balikat.
"Thankyou Ren, the best ka talaga!" Napahagikhik nalang ako dahil para talagng bata si Taehyung, kinindatan pa ako nito at nag-lip bite.
tumingin s'ya kay Yoongi na masamang nakatitig sakan'ya, nag-peace lang si taehyung dito at walang ano-anong binuhat n'ya si Yoongi na parang bagong kasal
"Shit hoy! Ibaba mo ko!"
Napailing nalang ako sa dalawa, ang cute kasi nila eh kung sino pa mas bata s'ya pa yung nagbuhat sa matanda.
"Ren, sunod ka nalang ah" pahabol ni Taehyung, Tumango naman ako at tumayo narin.
Pagkadating ko sa sala, naglalaro na ang Bangtan, nakakatuwa ang reaksyon nila habang gulo-gulo ang posisyon nila habang si Jimin naman parang susuko na kung paano sila pagtatanggalin sa pagkakabuhol.
Halos umiyak na ito at paulit ulit na sinasabing "ang duduya n'yo"
Tapos ang mga gago, ttawanan lang ng malakas si Jimin
Gusto ko pa sana silang panoorin kaya lang tinawag ako ni Jimin. "Ren halika na sali ka na sa'min" Hindi pa man ako nagsasalita ay biglang nagsalita ulit si liit.
"Oh pano ba 'yan ulitan ulit ahhh, may bagong sali"
Sus! Ayaw mo lang mataya eh.
Lumipat kami ng venue sa rooftop, sinabi ko sakanilang may takbuhan din kasi iyon at hindi kami makakatakbo ng maayos sa sala lalo na't baka makabasag kami o makadali ng gamit.
Nag-umpisa na kaming maglaro, si Jungkook ang dr. Quak-Quack ngayon, nagreklamo pa s'ya nung una pero kalauna'y pumayag din. Aba wala s'yang magagawa s'ya ang taya eh.
Sinabi na sa amin ni Joonie na magsimula na sa pagbubuhol buhol dahil nakapiring na si Jungkook.
Si hoseok naman ang nag-instruct sa amin, ako ang Pilipino dito pero sila pa ang nagpapatakbo ng laro eh no? Pero nakakatuwa lang dahil ina-adopt nila yung larong pinoy, yung larong kinalakihan ko.
Nagkabuhol-buhol na ang mga braso namin,masakit syempre
"tangina ano ba 'tong larong 'to nakakapagod" Reklamo agad ni Yoongi, wala pa kami sa kalagitnaan ng pagbubuhol nagrereklamo na s'ya?
Si Jimin, nakacross ang braso tapos yung isang braso n'ya nasa ilalim kaya medyo nakatungo s'ya tapos hawak-hawak naman iyon ni Jin, tas yung isa wala pang hinahawakan.
"Jin Hyung lumuhod ka" Utos ni hoseok dito, nagpigil kami ng tawa dahil alam kong magrereklamo s'ya pagna-realize n'ya kung anong magiging pwesto n'ya
"Tangina n'yo! Bakit ganito naman yung posisyon ko!?" Malakas kaming nagtawanan habang s'ya pulang-pula ang mukha dahil sa galit o baka sa hiya? Ewan.
Paano ba naman nakaluhod s'ya sa harap ng 'ano' ni joonie, tapos sobrang lapit pa nila sa isa't isa.
"Hyung hindi ko rin ginusto 'to!" Reklamo naman ni Namjoon na pulang-pula din at tawa ng tawa sa posisyon nilang dalawa.
Nakataas ang isang braso ni joonie at ibinuhol sa braso ni taehyung na ngayon ay nakalagay sa likod ang dalawang braso at yung isa ay nakahawak kay hoseok.
"Umayos ka Namjoon baka gusto mong mawalan ka ng pagkain mamaya" Banta ni Jin kay joonie na ikinatawa lang naming muli.
"Ren punta ka doon sa likod ni Jin hyung, ipagitnaan mo ng paa mo yung kamay n'yang nasa likod" Seryosong utos ni hoseok na ngayon ay seryoso narin at medyo nagmamadali dahil kailangan na naming bilisan. Mahina lang s'yang nagsasalita dahil nag-iingat kaming hindi kami marinig ni Jungkook.
"Teka paano ako?" Reklamo ni gilagid na naka-talikod sa akin ngayon.
"Chill ka lang hyung" Bahagyang tumawa si Hoseok at tinignan kung okay na ang posisyon ko.
"Sige hyung, harap ka dito"
Naka-smirk si hoseok sa akin. Tangina nitong kabayong 'to! May masamang balak na naman ata!
Eksaktong pag-harap sa akin ni yoongi ay nawala ang ngiti n'ya sa labi nang makita ako.
"Compress kayo ah"
Kaya ayun ang mga gago nag-compress nga kaya mas nagkalapit yung katawan namin ni Yoongi.
"Kapitan mo yung kamay ni hyung jin sa baba ng hita ni Ren"ayaw man ni yoongi ay sumunod parin s'ya sa utos ni hoseok.
Narinig ko ang mahihina n'yang pagmura dahil halos nasa balikat ko ang tingin n'ya dahil nga medyo naka-bow s'ya dahil sa kamay nila ni Jin.
Kung bababa pa kasi ang ulo n'ya siguradong dibdib ko ang landing n'ya kaya s'ya ang nag-aadjust. At kaming dalawa ang nahihirapan dahil sa posisyon namin.
"jiminiee lapit ka pa ng konti tas ikot ka ng isa" Ginawa naman ni jimin yung utos sakan'ya.
"Ren, yung isa mong kamay iikot mo sa leeg ni Yoongi"
"Huh!" Pagpoprotesta ko kay Hoseok, nakakainis naman eh, nahihirapan na nga ako sa posisyon namin ngayon dahil ang bilis ng tibok ng puso ko tapos parang gusto pang magparinig ng bwisit kong puso kay Yoongi tapos madadagdagan pa.
"Ren dali na! Wala na tayong oras!" Napa-pout ako sa pagsigaw nila sa akin. Seryoso talaga sila sa larong ito.
"Ano ba Ren dalian mo na"
Wala akong nagawa nung sumigaw ng malakas si Yoongi, napa-pout nalang ulit ako at sumunod kahit labag sa kalooban ko.
Pagkatapos inabot iyon ni jimin tapos medyo nakabuhol din yung kamay n'ya at pinaka huli ay umikot si hoseok habang hawak hawak yung kamay ko kaya't nasa gilid namin s'yang dalawa ni yoongi at nakaharap sa amin.
At sabay sabay naming sigaw ang katagang:
"Okay na kami, Dr. Quack Quack!" Tinanggal ni jungkook ang panyong nakapiring sakan'ya, lumapit ito sa amin at nagulat sa posisyon naming lahat.
"Pucha ang hirap naman!" Pagrereklamo ni Jungkook na ikinatawa lang ng mga ito habang nag-kakamot ng ulo si jungkook at iniisip kung saan s'ya magsisimula.
Umikot ito at tinignan kami, malakas siyang tumawa nang makita n'ya ang posisyon nina Namjoon.
"umayos ka Jungkook ah, umayos ka!" rinig kong sigaw ni jin, nagbabanta kay jungkook, ang gago lalo lang lumakas yung tawa tapos tinulak ba naman ng bahagya yung pwet ni joonie kaya nahalikan ni Jin yung 'junior' ni Namjoon.
tumawa lang kami ng malakas habang nagsisisigaw yung dalawa, hindi ko makita yung dalawa dahil nakatalikod ang posisyon ko pero base sa imagination ko feeling ko namumula na ngayon sa galit si Jin ahahaha.
masarap sa tenga kong pinakikinggan yung tawa ni Yoongi. nakaka-relax.
"uy ganda ng posisyon n'yong dalawa ah" jungkook's playfully smiled at me. dalian mo nalang na bata ka para matapos na 'to.
"dalian mo nalang jungkook" humagikhik muli ang mga ito dahil sa iritang boses ni Yoongi.
tumango-tango si golden maknae at sinimulan na ang pagtatanggal sa amin sa pagkakabuhol.
naramdaman ko ang nakakalokong tingin sa akin ni jhope na nasa gilid lang namin ni Yoongi. tss. isa pa 'tong luko-lokong 'to eh masyadong pinahihirapan si gilagid. alam namang matanda na ang isang ito pinapahirapan pa.
"you're welcome" ngumiti pa ng nakakainlove este nakakaloko si hoseok sa aming dalawa ni Yoongi, biglang nagseryoso ang mukha n'ya at tumingin sa ibang lugar nang tignan s'ya ng masama ni Yoongi.
sige Yoongi patayin mo s'ya sa takot ng titig mo.
napasinghap ako nang bahagyang tumaas yung kamay ni yoongi na nasa hita ko. shit!
"Yoongi wag mong itaas yung kamay mo, ang sakit gago ka!" sigaw ni jin mula sa likod kaya nagtawanan ang anim, tapos sexy pang sumipol si jimin.
"shit sorry Ren, medyo nangangalay na kasi ako eh" ramdam ko ang mainit n'yang hininga sa leeg ko, tumango nalang ako sakan'ya dahil hindi ako makahinga sa biglang pag-init ng paligid. Mariin akong napapikit ng mata ko nang maramdaman kong lumapat ang mainit n'yang labi sa leeg ko, bigla kasing na-out balance si Yoongi dahil nangangalay na s'ya sa posisyon naming dalawa.
"sus! chansing kalang eh"
rinig kong pang-aalaska ni taehyung na ngayon ay tinataggal na ni jungkook sa pagkakabuhol.
"may camera ba kayo d'yan?" tanong ni Namjoon.
"sa tingin mo meron kaming hawak sa pagkakataong 'to Namjoon?" pilosopong sagot ni jin, galit parin si eomma?
"sinabi ko bang hawak?''
nag-ohhh naman kami.
"joke lang! ito naman wag kang masyadong magalit hyung, mamahalin pa kita eh"
at ang mga gago nag~ayiee sa NamJin. Tangina, landi n'yo hello? Respeto naman sa single.
tamang taga~ayiee nalang din tuloy ako dahil wala akong love life hahahaha.
"Hindi tsaka, gusto kong madevelop sina Ren at Yoongi eh ~ayieeee" sige, mahal mo naman sarili mo Jooniee support mo na din.
dahil pinangunahan ng gwapoging leader nila, nakisali narin ang iba sa pang-aasar. Sumunod naring tanggalin sina Namjoon at Jin.
tumingin muna sa amin si jungkook ng nakakaloko bago magsalita.
"sorry lovebirds pero tapos na ang maliligayang minuto n'yo, kailangan ko na kayong paghiwalayin"
Nakakalokong tumawa si Jungkook pero cute para sa akin dahil nangunguna yung bunny n'yang ngipin.
"Jungkook, wala namang nagtatagal dito sa mundo lahat sila aalis, lahat sila mawawala dahil ganyan ang buhay"pangangaral ni 'the great philosopher' Yoongi. Gusto kong palakpakan si Yoongi para sa isang makabuluhan n'yang pangangaral, pero sympre charot lang iyon!
napakamot sa ulo si Jungkook habang si hoseok naman ay humahagalpak ng tawa. mablis n'ya rin kaming natanggal sa pagkakabuhol namin, kahit kina hoseok ay mabilis nalang ding natanggal ni Jungkook.
"shet! ayoko na!" sigaw ni Yoongi kasabay ng pagtakbo naming lahat dahil hahabulin na kami ni jungkook. kanya-kanya kaming takbo para lang hindi maabutan ni Jungkook.
"HAHAHAHA taya ka na hyung!" sigaw ni jungkook nang mahawakan n'ya si Yoongi, ano pa nga bang inaasahan ko? Mahilis na nataya kaagad si Yoongi dahil nadapa ito at ngayon ay nakahilata nalang sa sahig habang sigaw ng sigaw.
tumawa kaming lahat, hindi talaga s'ya sporty eh. pero ang cute lang n'ya lalo na nang mag-pout s'ya at inayos yung buhok n'yang nagulo.
"ano pa nga bang inaasahan namin sa'yo hyung"umiling iling pa si taehyung at kagat-kagat ang labi n'ya.
magsisimula na sana ulit kami ng second round kaya lang biglang may nag-doorbell sa ibaba, kaya napilitan kaming bumabang lahat. masyado daw kasi naming mahal ang isa't isa kaya hindi namin magawang maghiwa-hiwalay.
"PDnim!" patanong ang pagkakasabi ko pero sina taehyung ay masayang sinalubong ito at niyakap pa ng mahigpit si PDnim.
"mag-ready na kayo, parating na ang make up artist n'yo"
kumunot ang noo ko sa sinabi ni PDnim, anong meron?
"Ren! andito ka pala!"
ani PDnimnakipag shake hands sa akin. may malawak na ngiti sa labi
"ay hindi, wala po ako dito" pamimilosopo ko kaya't binatukan ako nito ng pagka-lakas-lakas.. bilis naman kasing mapikon eh. Joke lang yun PDnim.
"dalian n'yo na ah, male-late na kayo sa fan meet"
Ma-awtoridad na utos ni PDnim bago tuluyang pumunta sa sala, tinignan ko ang pito, alanganingngumiti ang mga ito, nanahimik lang ako habang nakatingin sakanila, nanghihingi ng eksplenasyon.
nagkatinginan muna sila at parang nag-uusap sa utak nila.
"SURPRISE!" Biglang sigaw ng Bangtan, ang cute nga nila dahil lahat sila nakangiti, ewan ko ba sobrang cute nila at ang gwapo pa at the same time.
Nanatili lang akong tahimik, hindi ko pa lubusang naiintindihan kung ano ba talagang mayroon ngayon.
"meron kaming fan meet ngayon Ren, eh naisip din naming mag-celebrate kasama ka" Pag-uumpisa ni namjoon, may malapad na ngiti sa mga labi nila habang magkahawak ang mga kamay.
"hindi namin sayo sinabing may fan meet kami, alam mo kung bakit?" hindi ako sumagot kay Jin na pinipigilan ngayong matawa. "dahil surprise kasi"
tumawa ito ng malakas, habang kaming pito ay seryoso lang na nakatitig sakan'ya.
sige support ka namin d'yan Jin.
"atsaka, gusto kasi naming sumama ka sa fan meet namin, dahil ito yung first time mo" kinindatan pa ako ni jimin at nahihiyang tumawa. Hindi ako makapag-react, naguumapaw yung galak dito sa puso ko.
"gusto ka naming makasama ngayong gabi" hindi ko mapigilang mapangiti sa mapang-akit na boses ni Taehyung na nakalabas ang boxy smile ngayon.
"kaya nagpractice din kami kanina dahil gusto naming maayos ang performance namin kapag pinanood mo kami" ngayon naman si hoseok ang nagsalita, hindi ko mapigilang mapangiti at maging proud sa kanilang pito.
hindi nila alam kung gaano nila napapagaan palagi ang loob ko, kung paano nila ginagawang masaya yung araw ko. this is so overwhelming.
sumayaw-sayaw pa na parang ewan si jhope at sumali naman si Yoongi na enjoy na enjoy sa ginagawa n'ya, labas na labas pa ang gilagid nito.
"kaya, hindi namin sa'yo agad sinabi kasi gusto naming ma-surprise ka" si jungkook naman kahit ang hilig mang-asar, mahal na mahal ko rin 'yan. sobrang naa-appreciate ko silang pito.
at alam kong may malaking lugar na silang pito sa puso ko. lalo na ang isang iyon,
tumingin ako kay yoongi nang magsalita ito "pasasalamat narin namin iyon sa lahat ng effort mo sa grupo, at sa pagdagdag ng sakit ng ulo sa akin" malakas na tawanan ang namayani sa amin, para akong mawawalan ng hininga dahil sa kakatawa sa huling sinabi ni gilagid. mata-touch na sana ako sana ako kaya lang dinagdagan n'ya pa ng 'sakit sa ulo'
lumapit sa akin si taehyung at mahigpit akong niyakap, sumunod si hoseok na hinalikan pa ako sa noo tapos sumunod na rin si jimin na hinalikan ako sa pisngi. gago 'yun ah nakaisa.
"asan si Yoongi para s'ya naman sa lips ni Ren?''
Umiling nalang ako sa pang-aalaska ng anim, inirapan na naman tuloy ako ni Yoongi, akala ko pa naman hindi s'ya magiging masungit sa araw na ito.
lumapit na ang mga ito at niyakap akong mahigpit na mahigpit.
I'm pretty much blessed to have them in my life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro