Encounter 15.2
R E N
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, nakahiga ako pero ramdam ko ang pag-ikot ng paligid at parang binibiak sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit.
Nanlalambot din ang buong katawan ko at masasakit ang mga ito.
Barado din ang ilong ko at bahagya akong umuubo. Shet! May sakit ata ako.
Hindi ako pwedeng magkasakit ngayon lalo na't pang-night shift ako sa trabaho ko. Hindi ako pwedeng magka-sakit!
Siguro sa sobrang pagod narin kaya ako nagkasakit, ilang araw na akong walang pahinga tapos hindi na ako nagpapahinga ng maayos dahil pagkatapos ko sa trabaho dideretso na ako sa bangtan o kung ano man ang gagawin ko.
Hindi na ata kinaya ng katawan ko.
Kahit nahihilo ako ay pinilit kong tumayo, pero isang malaking palad ng kamay ang pumalo sa aking noo pabalik sa pagkakahiga ko.
Nilamig ako sa nilagay nitong bagay sa noo ko, pinilit kong imulat ang mga mata ko para makita kung sino ito.
"Y-yoongi?" Utal at nanghihina kong tawag sakan'ya. Tumingin s'ya sa akin ng walang ekspresyon ang mukha. Halata sakan'ya ang malaki at maitim na eyebags sa ilalim ng mata n'ya.
"N-nagpahinga kana ba? Bakit-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil-- alam n'yo na pinutol na naman ni lolo ang dialogue ko.
"Nagpahinga ako, kakagising ko lang. Magpahinga kana alas-singko palang ng umaga"
Pinilit ko ulit bumangon pero tulad kanina, inihiga lang ulit ako ni gilagid.
"M-may shift ako ngayon"
Nanghihina kong sabi sakan'ya, nag-tss lang s'ya at ibinigay ang phone ko sa'kin.
"Night shift ka ngayon"
Malamig nitong sabi at tinarayan ako, takhang tumingin ako sakan'ya, paano n'ya nalaman eh wala naman akong natatandaang sinabi ko 'yun sakan'ya o kahit kanino kagabi.
"Huh? Sinong nagsabi? Paano mo nalaman?" I heard him sighed before answering me, iritable pa niyang kinamot ang batok n'ya.
"Chismoso si Jimin at Hoseok, nabasa nila 'yon nung nag-pop up yung pangalan nung Kim sa phone mo" Pagpapaliwanag nito at kinamot pa yung ulo n'ya gamit ang isa n'yang daliri. IN SASSY STYLE.
Yeah like a beautiful bitchy cat! Rawr!
Magsasalita palang sana ako kaya lang, ang sakit sa loob kong ulitin 'to pero pinutol na naman ni lolo yung dialogue ko. Sa totoo lang, hilig n'ya akong hindi patapusin sa pagsasalita.
"You're being too loud, stop asking question, just sleep. You need to rest, maaga pa"
Ayan hindi na ako nakapag-salita talaga, wala eh, tinarayan na ako.
Nagsalita na s'ya.
"Tangina, yung niluluto ko pala! Pucha baka ano ng ginawa dun ni hoseok bobo pa naman yun!" Nagpa-panic n'yang sabi sa sarili n'ya at parang matandang tumakbo palabas ng kwarto ko.
Napangiti nalang tuloy ako, gumaan yung pakiramdam ko dahil hindi n'ya ako pinapabayaan.
I mean nila.
Napatingin ako sa pinto nang tawagin ako ni Yoongi. "Ano palang gusto mong kainin?" Curious n'yang tanong, bahagyang nagmamadali
"I-ikaw" Kinamot ko pa ang braso ko dahil nangangati, napatigil si Yoongi at tinignan kung seryoso ba ako sa sinabi ko.
"Ano, gusto mo akong kainin?" Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya, ayokong makipag-talo sakan'ya ngayon.
"Sabi ko ikaw! Ikaw na bahala, takte nanghihina na nga ako, pinagsasalita mo pa ako" Reklamo ko sakanya at nag-iba ng pwesto ng higa, hindi ko na narinig na sumagot si Yoongi at namalayan ko nalang ang sarili kong nakatulog nalang ulit, hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog.
--
Naramdaman kong bumigat yung higaan, parang may kung sinong umupo dito, maya-maya'y naramdaman kong may yumakap sa akin, nakahiga narin s'ya at yakap-yakap ako sa bewang ko tapos yung hita n'ya nakapatong narin sakin.
Ang bigat pa naman n'ya.
Hinawakan n'ya ang buhok ko at sinuklay gamit ang kamay niya.
"Ang init mo parin"
Nag-aalalang sabi n'ya pagka-lapat n'ya ng palad n'ya sa leeg ko.
"Hoseok"Pagtawag ko sakan'ya.
"Yes?" Masiglang sagot naman n'ya. Kailan ba nawalan ng energy ang isang 'to?
Umiling na lang ako sakan'ya at ngumiti, nakakahiyang magsalita, nakakamatay pa yung hininga ko baka maagang mawala sa mundo ang gwapong katabi ko ngayon.
"Night shift ka mamaya tapos nilalagnat ka? Kaya mo bang pumasok mamaya? Pwede ka naman naming ipagpaalam nalang para makapag pahinga ka". Seryoso ang boses nito at patuloy parin sa pagsuklay ng kulot kong buhok.
Tumango nalang ako sakan'ya, duh. Nahihiya akong magsalita, halo-halong panis na laway, alak, steak at kung ano-ano pa itong bibig ko. Nahihiya ako sa mint n'yang hininga.
"Masyado mo kasi kaming inaalala, ayan tuloy nagkasakit ka, tapos sabi pa samin ni yoongi na ikaw pa naghatid sa kwarto namin"
Huh? Anong ako, pati s'ya 'no, s'ya pa nga nagbalibag saiyo hoseok!
"Alangan namang pabayaan ko kayo dun" Mabilis na tinakpan ni hoseok yung ilong n'ya tapos bahagya pa s'yang lumayo sa akin. Sabi na eh.
Nag-make face pa s'ya na parang sobrang nababahuan s'ya at parang nasu-suffocate. Grabe naman sobrang OA!
Ganun ba kabaho yung hininga ko?
"Ang baho! grabe Ren, ilang linggo kang hindi nag-toothbrush?" Tumawa-tawa pa ang loko loko, tapos kunyari pang umubo
"Ikaw mag-adjust ginusto mong tumabi sa akin eh. Ano ko mag-aadjust?" Pinigilan kong matawa, mukha kasi s'yang tanga sa itsura n'ya ngayon.
Nung feeling n'yang safe na s'ya, lumapit na ulit s'ya sa akin at niyakap ulit ako.
Yiee~ ikaw Hoseok ah, chansing ka sa'kin, okay lang chansing din naman ako hahahaha.
Chansingan tayo.
"Pero salamat Ren, sa lahat"
I felt his palm touched my burning cheeks. Sobrang hot ko pala, literal. "Sabihin mo lang sa'kin kung ayaw mong pumasok ah, ako ng bahala sa'yo" I chuckled and nod at him
gosh! Ayoko ng magsalita ulit! Baka matuluyan na s'ya.
"Hoseok!" Rinig kong padabog na binuksan ni Yoongi yung pinto, boses palang n'ya alam kong galit na galit na s'ya.
Naramdaman ko ang pagbigat muli ng higaan ko.
Malakas na tawa nina Jimin at Jungkook ang narinig ko sa may pintuan, tapos si Hoseok naman nakataas ang mga kamay at parang sumusuko habang tinatawanan si Yoongi. "Hyung huwag! Ayoko pang mamatay!"
Dito ba naman magharutan sa tabi ko, sige okay lang talaga ako eh.
"Hyung aray!" Nanghihina ako pero ang hirap magpigil ng tawa sa dalawang ito ngayon, piningot ba naman ni Yoongi sa tenga si Hoseok tapos parang baboy na pinapatay si hoseok kung makasigaw.
"Ang sabi ko gisingin mo, wag mong tabihan. Gago ka talaga!" Gigil na sabi ni Yoongi na ikinatawa lang namin. Labas na labas yung gilagid ni Yoongi, Pagkatapos ay umangat na din yung higaan ko.
Wala na sila parehas sa tabi ko.
Tinignan ko silang apat na ngayon ay nasa may pintuan, maya-maya'y dumating si Joonie may dala dalang pagkain.
Muntikan ng malaglag yung pagkaing dala n'ya, dahil biglang nabali yung hawakan ng tray na gawa sa kahoy. Mabuti nalang nahawakan agad nila.
"Hay! Isa ka pang tanga!"
Bulalas dito ni Yoongi, magpapaliwanag palang si joonie pero pinahinto na n'ya ito. "Tama na! Immune na kami sa pagsira mo ng gamit" Nakalimutan kong God of destruction pala ang leader nila hahahaha. "bwisit ka" Pahabol pa ni Yoongi bago kamutin ang tenga n'ya.
Yoongi sighed frustratedly. Sino ba namang hindi mapa-frustrate diba?
Si jungkook sigaw ng sigaw habang hinihipan yung kamay n'yang natapunan ng bagong lutong soup.
"Patay ka kay Jin kung nalaglag yung pagkain" Sabi ni jimin, tinakot-takot si Namjoon. Eto namang isa napakamot nalang at sinubukan ulit mag-explain pero sa pagkakataong ito si V na ang nagpatigil sakan'ya.
Teka kailan pa s'ya pumasok sa eksena?
"We don't need your explanation" Seryosong pahayag ni gucci boy pero maya-maya'y tumawa din. Parang tanga lang.
Humarap sila sa aking lahat, si Jimin tinulungan akong umupo, si V? Bigla akong niyakap at sabay sabing "magpagaling kana, may masyadong nag-aalala"
Kumunot ang noo ko, pero na-realize ko din. Masyado ko na silang pinag-aalala.
"Taehyung, wag kang tumabi sakan'ya baka mahawa ka ng lagnat n'ya" Ani yoongi na ngayon ay naka-sandal lang sa may pintuan.
Nagpout muna sa akin si taehyung, parang batang walang makalaro kaya nalulungkot. "Ipapahinga ko lang 'to, tapos okay na ako"
I winked at taehyung causing everyone to groan.
Buti nalang lumayo na s'ya, kung hindi mapapahiya ako dahil sa hininga ko.
"Shet, kami walang wink?"
Sabi ni Jimin at tumawa-tawa pa.
"Bias yan si noona" kunyaring nagtatampo si jungkook na naka-pout pa at puppy eyes.
"Ako nalang mag-wi-wink sayo jimin" Pagpi-prisinta ni V, tapos nag-wink, kaya si liit napaluhod nalang sa sahig dahil sa kilig n'ya habang humahalakhak.
"Napaka-- Yah! Bakit hindi n'yo parin pinapakin si Ren, nakahanda nadin doon yung pagkain n'yo sa baba" Kumislap ang mga mata ng pito, nagpa-unahang lumabas dahil sa sinabi ni Jin.
Napakamot ako sa ulo ko nang maalala ko yung pinag-gagagawa ni Jin kagabi.
Jusko! Ang hirap kapag ako yung natitirang matino, ako nakaka-alala ng mga kalokohan at ka-weirduhan nila eh!
Pero bago sila umalis nagsalita muna si Joonie, "hyung, ikaw na bahala kay Ren ah"
Kinindatan n'ya pa si Lolo bago tumingin sa akin at parang prinsipeng nag-bigay galang sa akin.
"Get well soon my princess"
Anito at hinalikan ang likod ng kamay ko bago tuluyang umalis at iwan kaming dalawa ni yoongi.
Tanginaaaaaaaaaa!
Bakit ganito si Joonie!
My princess?
Parang nung nakaraan, my girl lang ako ah. Wow nag-upgrade na ako?
Lumapit sa akin si Yoongi, tangina, ramdam ko na naman yung puso kong parang timang dahil ang bilis ng tibok n'ya.
"Ako na yoongi, kumain kana din" nagmamadaling sabi ko sakan'ya, hinigop ko na kaagad yung soup dahil sa pagkataranta ko sa presensya n'ya. "Ouch!"
Bulalas ko, ang laki kong tanga. Bakit nakalimutan kong hipan muna yung soup?
Kinuha ko agad yung tissue dahil halos maibuga ko na yung soup dahil sa init nito.
"Tss. Stupid" Mahinang sabi n'ya at umupo sa kama ko.
"Idiot" Sabi ko.
"Stupid idiot" Natawa ako dahil sabay na naman kaming dalawang magsalita pero tinarayan lang n'ya ako.
Swag.
Hindi parin kami nag-a-upgrade ni Yoongi.
Kinuha n'ya yung kutsara na hawak ko, hindi ko mapigilang matulala sakan'ya, ang gwapo kasi n'ya kahit seryoso yung mukha n'ya eh, tapos biglang nagiging cute kapag ngumiti.
Parkour!
Napangiti ako nung maalala kong nag-aegyo si Yoongi sa harap ko. Tanginaaaa yung puso ko.
"Is there something funny?"
Agad akong umiling sa tanong n'ya, hinipan n'ya muna yung soup bago itapat sa aking bibig.
"Ahh" Ngumanga naman ako para maisubo n'ya yung sopas.
"Hmmm. Sarap!" Parang bumalik yung energy ko dahil sa sopas, ang sarap kasi!
"Tss. Ingay mo"
Pero mas masarap yung nagsusubo-- er-- I mean yung sinusubuan ako ni Min Yoongi.
Hindi ko alam na may side pala s'yang ganito, I mean alam ko maalaga s'ya sa mga ka-miyembro n'ya. Pero sa akin kasi, ngayon lang nangyari na alagaan n'ya ako.
Tapos pagmulat palang ng mata ko s'ya na agad nakita ko diba?
"Y-yoongi ako nalang, kaya ko naman eh" Inilayo n'ya sa'kin yung kutsara nung tatangkain kong kunin sakan'ya, tinignan n'ya muna ako. "May lagnat lang ako, hindi ako baldado" Paninigurado ko dito kaya ibinigay narin n'ya agad yung kutsara.
Mabilis din naman akong natapos, iniwanan ako ni Yoongi ng gamot at tubig dahil lumabas na s'ya ng kwarto ko. Humiga nalang ulit ako kasi hindi pa naman kami aalis.
Doon lang ako nakahinga ng maayos nang tuluyan na s'yang umalis. Pakiramdam ko kasi biglang tumigil yung paghinga ko.
--
"Noona"Dahan-dahan akong tinapik ni Jungkook. "Gising na aalis na tayo" Agad akong napamulat at bumangon nang sabihin n'ya iyon.
"S-sige salamat. Magbibihis lang ako" Papunta na sana akong cr nang makita kong nandoon pa din s'ya, nakatayo.
"Bawal bang mag-stay ako?"
Ang gago binato ko ng tuwalya. Gago 'tong batang 'to!
Pilyong tinawanan n'ya lang ako,
nangunguna yung bunny n'yang ngipin, "biro lang noona, baka mapatay ako ni hyung eh"
Natatawang dagag n'ya at tumakbo paalis. Jeez. Yung batang 'yun!
Nang matapos ako ay lumabas narin ako dahil naayos ko na din naman yung mga gamit na dala ko. Medyo umayos narin yung pakiramdam ko.
Mabuti nalang magaling yung mga nurse ko.
Mas magaling pa sa'kin.
Yakap ni Jimin ang bumungad sa akin sa sala, jusko Jimin!
"Halika, tignan mo ang ganda ng tanawin doon sa kwarto ni Jin Hyung" Hindi na ako nakapalag dahil hinila na ako nito papunta sa kwarto ni Jin.
Pagkarating namin doon ay nandito din ang lahat, nakabukas yung mahahabang kurtina na ngayon ay nililipad ng malakas na hangin.
"Ang ganda!" Pumunta ako sa malaking bintana para tanawin ang magagandang bundok.
"This is so beautiful" Ani Jin, na nakataas pa ang kamay at pinapakiramdaman ang ang hangin. Sa kabilang gilid ng bintana ay nakita ko si Yoongi na masayang pinipicturan ang paligid.
Tuwang-tuwa ito at halatang nag-eenjoy din sa view ng paligid. Agad akong umiwas ng tingin nang mapatingin ito sa akin.
Shet! Ilang beses na n'ya akong nahuhuling nakatingin sakan'ya. Baka isipin ng dakilang gilagid na 'to na may crush ako sakan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro