Encounter 12
R E N
"Ito kasing si hyung eh, puro subo ayan tuloy mapapasubo tayo dahil sayo". Napakamot sa ulo si Jungkook, natatawa parin dahil sa kalokohan ni Hoseok na namumutla ngayon.
"Kasalanan ko bang biglang sumusulpot si PDnim" Bumuntong hininga nalang ako sakanilang dalawa. Magsisihan ba naman daw ngayon?
Ayan puro subo kasi pinag-uusapan.
Napa-subo tuloy kami ngayon, andito kasi kami sa sala, may pag-uusapan daw sabi ni PDmim. Di ko nga alam kung bakit kelangan pang sumigaw? PDnim hindi po kami bingi
Ang pinagtataka ko nga, bakit pa ako kasama sa usapan eh hindi naman ako kasali sa grupo nila. Andito lang naman ako dahil binibisita ko sila, 'yun lang.
"Hyung tara mag-usap tayo" Inakbayan ni Namjoon si Jin at naglakad na ang dalawa papunta ata sa kwarto nila.
"Hoy ano yan ah?" Napatingin sa amin ang NamJin, specially sa akin dahil ako ang nagtanong nun.
"Noona, baka magsusubuan na yung dalawa, yieee~" Itong si Jungkook pinaka-bata pa naman sa grupo pero ang daming alam.
"Kaya pala kayo magsosolo kayo ahhhh~" Hindi ko talaga matatanggi na nagiging berde narin yung pag-iisip ko eh, paano ba naman itong nga kasama ko, ang BEBERDE DIN!
Jusko!
Ayan tuloy batok ang inabot naming tatlo kay Jin, kahit masakit at malutong ang batok na natanggap namin ay nagawa parin naming humalakhak, at nakisabay din ang iba.
"Kayong tatlo, tigilan n'yo ang pagiging berde n'yo may pinapatulong lang sa akin si Jonnie"
Napa-pout na lang ako habang kinakamot yung ulo. Bahagya akong nakatingin kina jimin at jungkook na ngayon ay nakapout din.
Pucha! Bakit ang cute nilang mag-pout? Samantalang ako para akong tanga!
Nasaan ang hustisya dito?!
Kaya dahil sa nahiya naman ako sa mga kasama kong ALMOST PERFECT, inayos ko nalang mukha ko. Nakakahiya eh.
"At ikaw!" Bahagyang napa-urong si Namjoon dahil sa biglang pagturo sakan'ya ni Jin.
"Oh ba't nadamay ako?" Bahagya pang natawa si Joonie habang nakahawak sa kanang dibdib n'ya, patay kang bata ka.
"Anong ba't ka nadamay? Kung ano anong pinagtuturo mo sa mga 'to, tignan mo ang dami ng alam, pati 'tong si Ren" Ladies and gentelman, Jin the rapper!
Halos namumula na ang mukha ni Jin dahil sa kaka-saway dito kay Namjoon, bakit nakikita ko dito yung nanay ko?
Feeling ko magandang laban 'to kapag nag-rap silang dalawa ni mama eh.
"Bangtan!" Napatigil at napatingin lang kaming walo kay PDmin na ngayon ay kakapasok lang.
"Pinapunta ko kayo ngayon dito dahil gusto kong i-announce sa inyo na pupunta tayo sa isang bundok bukas, para sa shooting n'yo kaya mag-ready na kayo" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni PDnim. Kami? So ibig sabihin kasama ako?
"Yehey pupunta tayo ng bundok!" Gusto kong mag-isip pero di ko nagawa dahil kay taehyung na ngayon ay naglalakad na para bang unggoy, medyo naka-awang ang bibig nito at yung isang kamay nasa ulo at nangangamot-ngamot tapos yung isang kamay n'ya ay nasa dibdib.
Hay jusko po!
Sumunod naman sakan'ya si Jimin at si Hoseok na ginaya pa yung tunog ng unggoy, tapos si lolong akala ko mananahimik na lang habang buhay ay lumapit kay Hoseok at nagkunwaring kinakain yung kuto n'ya.
Ano pa nga ba si Jin, syempre kinunan ng video ang mga alien tapos sina Namjoon at Jungkook nakisali nadin.
Hayyyyy! Mga abnormal talaga, unggoy lang ba makikita sa bundok?
"Ren" Nabaling ang atensyon ko kay PDnim na ngayon ay tinawag ako.
"Yes po?" Lumapit ako dito nang magsenyas itong lumapit ako sakan'ya.
"Gusto kong sumama ka sakanila" Direktang sabi n'ya. Pero paano yung trabaho ko? Hini kaagad ako nakapagsalita, tula ba'y umurong ang dila ko.
"P-pero PDnim, may trabaho din po kasi ako eh-"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit ito.
"Diba sa susunod naman na araw, day off mo?" Napatigil ako dahil sa sinabi n'ya, pero paano nalaman ni PDnim?
Oo nga 'no? kung bukas sila pupunta? Pwede akong makasama sakanila!
"A-ah opo, pero kung umaga po kayo aalis-"
"Edi gabi tayo umalis, there's nothing wrong with that. Tutal naman gabi narin makakarating yung iba nating gagamitin" Si Bhoxz PDnim talaga hilig akong hindi patuluyin sa pagsasalita eh.
Hindi ako nakasagot agad, hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko. Natutop ang dila ko at hindi malaman kung anong dapat maramdaman.
"Noona pumayag kana!" Sabik na sigaw ni Jungkook na ngayon ay nakiki-isyoso pala sa amin, hindi lang s'ya, kundi silang pito.
"Pretty pleaseeee Ren!"
Pucha. Nagbu-beautiful eyes pa sa akin si Jhope habang naka lapat ang dalawang palad n'ya.
Nako po! Paano ako makakahindi sa ka-cute-an n'ya.
"Ren, sasama ka naman diba?" Isa pa 'tong si Jimin eh! He suddenly runs his cute hands in his hair, SEXILY take note! Sexily and damn hot.
In just a second lahat sila tinignan ako ng seryoso pero sobrang nakaka-akit, puchaa! Ano ba namang buhay 'to!
Walang gamitan ng charm!
Kasi nakakadala!
Bakit 'yung mga alien nilang galaw at mukha kanina kailangan mag transform agad sa mga nag-gagwapuhan at sexy type!
Napalunok ako ng laway nang makita kong nag-lip bite si yoongi at medyo nilabas n'ya ang dila n'ya tapos sinuklay pa ang buhok n'yang kulay itim gamit ang mga mahahaba at magaganda n'yang kamay.
TANGINA NAMAN OH!
Bakit ko pa ba s'ya dinidescribe eh habang dinidescribe ko s'ya mas lalo lang akong naaakit sakan'ya. Tangna!
"So ano sasama kaba o hindi?" Kita ko ang ngising pilit tinatago ni PDnim,
Sus! si PDnim kinikilig 'yan, tinatago lang huehuehuehue.
"Walang problema" Halos mabingi ako sa sarili kong sinabi, dahil kahit sarili ko hindi ko alam na sinabi ang salitang 'yon eh.
Sunod nalang na nangyari ay biglang naghiyawan ang mga ito at niyakap ako ni taehyung ng mahigpit, hindi lang s'ya pati si Jimin. My clingy boyfriend eh?
At dahil alam ko sa sarili kong marupok ako, niyakap ko din sila at palihim na napangiti.
Tapos sina hosoek at ang iba pa ayun nagbalik sa pagiging abnormal nila, nag-unggoy-unggoyan na.
Mukhang magiging masaya ang day-off ko.
--
"Saya natin ah" Nilingon ko si Kim na ngayon ay nakangiti sa akin.
Ganun ba kahalatang masaya ako?
"Lagi naman akong masaya ah"
Pagdadahilan ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin sinasabing nakakasama ko ang bangtan.
Ngumisi ito, para bang hindi naniniwala sa sinabi ko at hinahanap sa mukha ko ang sariling sagot.
"Pano may nagpapasaya na ata sayo eh" pilyang wika ni Kim, hindi ko tuloy mapigilang matawa pero at the same time kiligin.
Pero bakit mukha ni yoongi agad ang bigla kong naisip?
Weird.
"Aysus! Pumapag-ibig nga" Marahan akong umiling dito habang tumatawa. Kahit kelan ma-issue talaga ang isang 'to eh.
Madaldal na, maissue pa.
"Hindi nga gaga! Itulad mo ako sayo 'no?" Umiling nalang s'ya, nakasilay padin ang ngiti. marahan n'ya akong pinalo ng records na hawak n'ya.
"Ulol! Wag ako, kilala ko yang mukha mo kapag ganyan ka" Sabi pa n'ya bago tuluyang humiwalay sa akin at puntahan ang pasyente n'ya.
Hindi ko lang talaga mapigilang ma-excite mamaya, makikita ko na naman sila plus, makakagala at libreng pagkain pa!
Pero higit sa lahat makaka-bonding ko na naman ang pitong lalaking nagpapasaya sa akin.
Bakit pito? Kasi kahit ganoon si Yoongi, kahit mas malamig pa sa freezer namin o sa weather ng Korea ang trato n'ya sa akin, masaya akong nandyan s'ya.
I just found myself dreaming,like a silver and gold. Char!
Wag lang n'yang ilalabas yung gilagid n'ya, alam kong mang-aasar lang iyon.
Nang makauwi ako sa apartment ko ay pumunta muna ako sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit at yung mga isusuot kong damit.
Pakanta-kanta pa ako ng love maze nila dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang mag-isip kung anong mangyayari mamaya.
I'm so excited and I just can't hide it!
Kinuha ko ang phone ko dahil bigla iton nag-ring.
"Hel-"
"Oh my goshhhh! Ghorl! Kamusta kanaaaa?" Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng tili ni Jen.
"Ang sakit mo parin sa tenga"
Narinig kong tumahimik sa kabilang linya kaya bahagya akong natawa. "Oh ano bakit ka tumawag?"
"Grabe bawal bang mangamusta? Parang sobrang busy ka d'yan sa korea ah" Busy talaga.
"Oo eh, kayo ba kamusta kana d'yan? Pasabi kay Medz na miss ko na kayo"
"Wala ka pa rin bagong boyfriend?" Sandali akong napatigil dahil sa tanong n'ya at napangiti ako. Marami. Actually pito sila.
"Tss. Alam mong wala akong oras sa mga ganyan diba?" Eksaktong pagkasabi ko nun ay may kumatok sa pintuan ko, agad naman akong pumunta doon para buksan ang pinto. Pero hindi ko inaasahang isang kuminkintab na gilagid ang bubulaga sa akin.
"Bakit ba ang bagal mong kumilos? Alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay sa labas?" Halos matulala ako dito dahil sa pagra-rap nito sa akin.
Oh yoongi chill lang tayo okay? Masyado kang hot sa suot mo, baka di ko matantya gilagid mo.
napakunok ako ng aking sariling laway nang makita kong pasimpleng tinignan nito ang kabuuan ko. nakaramdam ako ng hiya dahil simpleng black jeans, black tshirt at white converse shoes.
hindi ko mapigilang mapatingin sakan'ya kasi parehas kami ng suot. I mean TERNO kami ng kulay ng damit, black na black din ang suot n'ya at pati bonnet ay kulay itim din.
shet!
"A-ah oo sige kukunin ko nalang bag ko" utal-utal kong sabi at sinaradong muli ang pinto.
"Uyyyy! Sino yun? Boylet mo? Gagi bakit ang gwapo ng boses kapag nagagalit?" Nakagat ko na lamang ang labi ko dahil nakalimutan kong nasa kabilang linya pa pala si Jen. Pucha hindi ko pa sakanila nakukwentong nakilala ko ang BTS at makakasama ko sila ngayon.
Secret ko muna 'to ngayon, ay hindi na pala secret kasi alam na din ni ate.
Tsaka 'yung yoongi na iyon? 'Yung nangunguna gilagid? Boylet ko? Nako! Malabong mangyari yun!
"Hindi loka loka, sige na I have to go. Bye i love you and I miss you" Sabi ko dito, may sasabihin pa sana s'ya kaya lang pinatay ko na kaagad yung tawag.
Nagmadali akong kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Bumungad sa akin ang gilagid-- I mean si yoongi na nakasandal sa pader habang naka-pout.
Sandali akong napatigil pero s'ya namang pag-tingin n'ya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at naglakad papunta sa pintuan ni lola.
Ngunit bigla akong tinawag ni yoongi kaya napatingin ako sakan'ya. "Anong gagawin mo?" Tatae yoongi. Tatae ako.
"Lilipad ako" Pamimilosopo ko kay gilagid, alam naman na n'ya 'yung gagawin ko magtatanong pa s'ya. Tinignan n'ya ako ng masama kaya tinignan ko din s'ya ng masama.
"Pinaalam na kita, you don't have to do that" Walang ekspresyon nitong sabi sa akin. Maglalakad na sana ito palabas nang makita n'ya akong dumiretso sa bahay ni lola.
Duh. Kelangan kong mag-paalam kay lola, hindi yung basta basta nalang akong aalis kahit na pinagpaalam pa n'ya ako.
"lola? aalis na muna po ako ah" pagpapaalam ko dito at bahagya s'yang niyakap.
"Osige, mag-iingat kayo ah. nako!napaka-swerte mong bata ka"
bahagya n'yang pinisil ang pisngi ko, umiling nalang ako sakan'ya bago tuluyang umalis.
kinawayan ko silang pito na ngayon ay nasa labas ng van at hinihintay ako, hindi ko matanggi kasi kahit ang simple nilang tignan ang gagwapo at hot nila sa mga suot nila.
jusko po!
bakit ba napaka swerte ng mga mata ko!
hindi ko mapigilan sa mga titig nila, lalo na ang napaka madikit, malagkit, nakaka-adik na tingin sa akin ni Namjoon, nakakapang akit pero nakakapang akit talaga. hirap i-explain kasi 'yung paraan ng pagtitig n'ya sakin sobrang nakaka-akit talaga.
"woahh! couple shirt sila oh"
ani jungkook na ngayon ay bahagyang binaba pa ang shades na suot nito at salit-salitang tumingin sa amin ni Yoongi.
ano pa nga ba, mag-uumpisa na naman ang golden maknae.
"witwiw! couple goals ohhhh!" kinagat ni Jimin ang ibabang labi n'ya at lumapit sa akin para akbayan ako. sa wakas may naakbayan na rin si Jimin na mas maliit sakan'ya.
buti nalang talaga maliit ako huehuehue.
"pinagpapalit mo na ba ako Jimin?" nag-pout si Taehyung at nagpa-cute kay jimin, anak ng tupa! parang ang sarap itakbo pauwi ni taehyung ang kyut-kyut!
umayos ka V ah! baka bigla kitang itakbo pauwi.
tinanggal ni Jimin ang pagkaka-akbay n'ya sa akin tapos tinignan n'ya si V. ayan na ang VMin.
"ipagpapalit? paano kita ipagpapalit kung sa umpisa palang wala namang tayo?" kunyari'y nasasaktan si Jimin tapos tinuro turo n'ya pa yung dibdib n'ya. humugot ba naman daw ngayon. sige push n'yo 'yang dalawa.
Di ako maka-relate kasi wala naman akong jowa!
"kung ganoon isusuko mo nalang ba ako? susuko nalang ba tayo?" ngayon naman si taehyung, pucha. alam kong magagaling talaga sila pero wag nilang galingan masyado.
"ayaw n'yo bang pumasok sa loob?" napatingin kami kay yoongi na papasok na sa loob ng van at nakasalpak ang earphone sa tenga n'ya.
Paano enjoy na enjoy kami sa panood kina jimin at taehyung, nagmadali na kaming pumasok sa loob nang biglang higitin ni Namjoon ang braso ko. napatigil ako dahil sa matamis na ngiti nito at ang paglabas ng magaganda nyang dimples.
pota.
kahit isang buwan at mahigit ko na silang nakasama, hindi parin ako nasasanay sa mga gwapong ito. jusko, ngayon palang pwede na akong mamatay!
his genuine smile is still in his lips.
"you look beautiful in your outfit"
kinindatan n'ya at tuluyang umalis. habang ako ay naiwang nakatulala, hawak-hawak ang dibdib at hindi pa rin nagsi-sink in ang sinabi ni joonie.
"you look beautiful in your outfit"
tangna!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro