Chapter 4
Pagkababa ni Empress sa may lobby ay hinanap niya ang tinutukoy nitong restaurant at nang makita yun ay agad siyang pumasok doon para hanapin ang baklang nakausap niya kanina. Ayon dito nasa pangangalaga daw nito ang luggage niya na iniwan niya sa security guard ng bar kagabi.
Hanggang ngayon ay kumikirot pa ang ulo niya dahil sa nainom kagabi she was really drunk last night dahil na rin sa matinding sama ng loob.
Pagkalagpas niya sa may information desk kung saan makikita ang logo at pangalan ng gusali, Demoirtel Palace. Yun ang nakasulat doon.
Namataan niya ang isang lalaki na naka puting polo at itim na trouser. He looked very decent on his outfit at lalaking lalaki kung umasta but when he walks towards her ay nakapilantik naman ang mga daliri nito at bahagya pang kumekembot ayun confirmed! Beki nga ang hitad.
"Hi Miss Empress, so kumusta ang pakiramdam mo? Nakatulog ka ba ng maayos sa napakagandang kwartong inokupa mo kagabi?" Nakangiting salubong nito sa kanya.
She raised her eyebrows at pinakatitigan ito. Bakit ba siya dinala doon ng baklang to? Tanong ng isip niya.
Iginiya siya nitong umupo sa pandalawalahang mesa at nag order din ito ng breakfast para sa kanya.
"Sino ka ba?" Walang gatol niyang tanong sa kaharap.
"Kainin mo muna yang breakfast mo girl. Mamaya ko ipapaliwanag sayo why I brought you here." Malanding sagot nito at saka ito humigop ng kapeng inorder nito.
At dahil gutom na din talaga siya dahil pasado alas nuwebe na ng umaga ay talagang inatupag na niya ang pagkain. Fried rice, egg na sunny side up at tapang bangus ayun perfect sa agahang may hang over pa.
Nang maubos niya ang pagkain ay hinarap niya ito at nakahalukipkip at taas noong tinignan niya ito.
"Now what? spill it out." She told him.
"Ang payat mo girl pero para kang kargador kung kumain." Natatawang turan nito at itinakip pa ang palad sa bibig nito.
Napataas ang kilay niya dito. At nanlait pa ang baklang toh. She thought.
"Eh bakit ba sa gutom ako eh." She answered at inirapan ito.
Napatawa ito sa sinabi niya at saka biglang umunat ng upo bago seryosong binalingan siya.
"Anyway I heard you're rants to your ex-boyfriend last night. At ngayon napatunayan kong wala palang pinipili ang mga naloloko dahil kahit napakagandang babae pala ay chinicheat pa rin." Tugon nitong tawang tawa pa.
Bigla niyang naipukpok ang kamao sa lamesa dahil sa inis dito.
"At tawang tawa te,?" Sigaw niya dito, nakaramdam tuloy siya ng inis para sa baklang kaharap niya ngayon.
"Oppsss.. sorry easy lang girl Im just stating the fact. Anway kaya kita dinala dito dahil mayroon akong offer for you. I have here the contract you can read it para malaman mo. Nakasaad diyan ang rules at kung magkano ang pwede mong kitain." Tugon nito.
"Teka anong contract ang pinagsasabi mo? Sino ka ba at bakit mo ako dinala sa lugar na to?" Takang tanong niya dito dahil ni hindi pa nga niya ito kilala ay inaalok na siya ng contract.
Kung isa itong modelling agency ay hindi siya pwedeng pumirma dahil exclusive model siya ng Harrison Modelling Incorporated.
"Oh sorry Empress, by the way my name is Hugo." Sabay lahad nito sa palad.
Tinaasan niya ito ng kilay at bahagyang tinapunan lang ng tingin ang palad nitong nakalahad pa but she didn't accept it, she even folded her arm in front of her chest tinitignan lang niya ito.
"Sheett! Ang tarush mo gurl ha." He smirked and inilapag sa harapan niya ang documents na nakasilid sa brown envelope.
"Do you think magiging interesado ako whatever is written in that goddamn contract of yours?," Saad niyang nakakalokong tumawa.
"I know dear. But Im not losing my hope dahil alam kong bibigay ka din eventually, especially now that you broke up with your rich boyfriend." Nakataas na kilay ding sagot nito at ginaya pa siyang humalukipkip din.
"So what's with you, you little frog kung nagbreak kami ng jowa ko? Ginusto ko ba na lokohin niya ako?!" She hissed biglang kumulo ang dugo niya sa sinabi ng palakang baklang nasa harap niya ngayon.
Ngali ngali niya itong sabunutan. Naku nanggigil talaga siya dito.
"Oppss... dear Empress wag kang pikon dahil pag nagipit ka sa akin ka din lalapit remember that dear." He said at saka tumayo na.
"Basahin mo yang contract para magka idea ka. Hihintayin ko ang pagbabalik mo dear Empress. At yung luggage mo pala kunin mo sa information desk." Tugon nito at saka malanding naglakad palabas ng restaurant na yun.
Naiwan siyang ngunguto nguto dahil sa inis sa baklang hitad.
Magmula ng maging modelo siya she suddenly changed her character mula sa pagiging mahiyaing skwami she tried to be more sophisticated and finesse lady yung tipong ingat na ingat kumilos para di mahalatang galing siya sa squatter lalo na nung naging sila ni Luke iningatan niyang malaman ng iba where she really came from dahil kilala ito sa lipunan ng mayayaman. Madalas siyang isama nito noon sa mga parties and she always pretended that her parents is working abroad.
Luke knows everything about her life, alam nitong pokpok ang nanay niya at isa siyang anak sa pagkadalaga that she never met her father. And he didn't judge her dahil doon bagkus tinanggap siya nito ng buong buo kaya naman mas lalo niya itong minahal. Pero bakit nagawa pa rin siya nitong lokohin? Tanong ulit niya sa isip.
Tinitigan niya ang envelope na nasa harap niya. Wala na noon si Hugo nakaalis na subalit hindi pa siya makatayo dahil mistulang nakaramdam siya ng pang hahapo.
Wala sa sariling binuksan niya ang envelope at inilabas mula roon ang makapal na dokumento.
She quickly read the said contract at nanlaki ang mga mata dahil sa nabasa. Nakasaad dun na ang trabahong inaalok ng mahaderang bakla ay pagiging hooker or slut o whore at kung ano pang tawag sa pagpopokpok. Biglang umakyat ang dugo niya sa ulo dahil sa nabasa.
Rampage Society ang tawag nila doon sa organisasyon na yun na kung saan magkakaroon daw ng bidding para sa mga hookers at kung nagkasundo ang bidder at ng lider nilang si Madame x ay sigurado na ang langit para sa maswerteng bidder.
It also indicated there na very confidential lahat ng files at pati background ng hooker kaya wala daw dapat ipag alala.
Marami pang nakasulat doon but the words she remembered ay yung nasa huling clause na sinasabing "money is the password"
Lahat ng client doon ay mga mayayaman at mananatiling secured ang identity ng mga ito. The said business is also an underground business that run through the high-technology system na kung saan doon sa site na yun mangyayari ang bidding.
Pag pumasok ang kahit sinong babae sa Rampage ay magiging buhay prinsesa ang mga ito dahil everything is provided.
Napakuyom siya sa kamao dahil sa sobrang inis sa offer na yun.
And then she suddenly stand up at wala sa loob na naglakad palabas bitbit ang kontrata hindi siya makapag isip ng mabuti kaya naman sa paglabas niya at mamataan ang hardin na malapit sa pool area ay agad siyang nagtungo doon.
Naupo si Empress sa isang bench paharap sa pool at wala sa loob na naihilamos ang kamay sa mukha.
Doon unti unting dumaloy ang alaala ng nakaraan....
"Luke please stop this foolishness tanggalin mo na yang kamay mong nakatakip sa mata ko." Natatawa niyang tugon habang nakapiring naman ang palad nito sa mata niya.
"Wait babes konti na lang, we're almost there." Sagot nitong inalalayan siyang maglakad and then they stop at doon na nito tinanggal ang piring sa mga mata niya, it was there 1st anniversary as couple at dinala siya nito sa isang beach sa Palawan para doon daw sila magcelebrate. Luke is one loving and sweet boyfriend at kahit pa madalas niya itong awayin dahil sa kabaliwan niya minsan ay nanatili itong nandyan para sa kanya at iniintindi siya that's the reason why she loved him so much.
Nabungaran niya ang isang maliit na lamesa sa gitna ng napakatahimik na buhanginan na kung saan tanaw na tanaw ang payapang karagatan.
She was surprised by what she is seeing. Ang ganda ganda lang.
Mistula siyang naengkato at nakatulala lang habang yumakap naman mula sa likuran niya si Luke.
"I love you my super irritable baby." Bulong pa nito na lalong nagpalakas sa pintig ng puso niya, tuloy di niya napigilang lumuha.
"I can't believe na gagawin mo to Luke. You surprise me." Teary eyed niyang tugon dito at hinawakan ang kamay nitong nakapulupot sa baywang niya.
"I always wanted the best surprise for my one and only queen babes."
He said at hinila na siya papunta sa naghihintay na table for two na nakalatag lang sa buhangin.
After nilang kumain ay nagbukas pa ito ng wine for them.
Titig na titig sa kanya si Luke na para bang gusto na siyang ihiga sa buhanginan. She knew what he wants and of course she wanted that too pero gusto muna niyang ienjoy ang napaka romantic na setting na yun beside minsan lang yun mangyayari.
"Pwede ba Mr. Jackson stop looking at me like that." Pasuplada niyang tugon dito pero bahagya namang nakatawa.
"What's? Am I not allowed to look at my girlfriend this way hmmnn?" Sagot naman nitong tinungga ang hawak na wine ng diretso bago tumayo at lumapit sa kanya.
"Shall we dance my'lady?" Alok nito at inilahad ang palad.
"Ang weird mo babes. Wala namang music ah." Natatawa niyang pahayag dito pero tinanggap naman ang palad nitong nakalahad.
And there they dances in the sound that only they can hear the sound of their hearts na pareho ang itinitibok.
****
Napapitlag siya ng bigla nalang niyang maramdamang may kung anong tumama sa paa niya at nung tignan niya iyon ay isang maliit laruang pambata.
"Ay sorry po miss." Tugon ng batang babae sabay abot sa laruan nitong nasa paanan pa niya.
The child is about 6 or seven years old and she was pretty. Kumunot ang noo niya ng maisip na bakit may bata roon eh ang pagkakaalam niya ay pugad ng kalapating mababa ang lipad ang nasabing lugar.?
"It's okay ne. Bakit ka nandito?" Bigla ay tanong niya dito dahil sa curiosity.
"Kasi po si mama sabi niya dito muna daw kami titira kasi po wala na po kaming bahay. Pinalayas na po kami doon." Inosenteng paglalahad nito.
Bigla ay parang kinurot ang puso niya dahil parang nakita niya ang sarili sa bata nung mga panahong wala na silang matakbuhan ng mama niya. Lalo tuloy nadagdagan ang lungkot na nararamdaman niya.
"Ahh y-yung mama mo dito ba nagtatrabaho?" Tanong ulit niya dito at yumukod pa para magpantay sila ng bata.
"Opo. Kayo din po ba? Kasi pareho kayo ni mama maganda." Turan pa nito at saka siya nginitian.
Suddenly she felt she wanted to take her out of that place kung pwede lang sana like her mom used to do when she was still alive to always protect her sa ganoong uri ng trabaho pero bakit parang sinusundan siya ng anino ng nakaraan?. Binura na lang niya ang kahit anong nasa isip at tumungin ulit sa bata.
Nang maya maya pa ay may biglang tumawag dito na ikinalingon nito at saka ito biglang tumakbo sa kinaroroonan ng isang babae.
She's almost her height, slim at may itim na itim na buhok na bumagay sa magandang mukha nito at kahit medyo nanlalalim ang mga mata nito dahil siguro sa puyat ay mababakas pa ring isa itong diyosa dahil sa angkin nitong ganda.
Tinawag ito ng batang mamu kaya marahil ito ang ina nito.
She saw them left kasama ng isang matandang babae para silang nagmamadali.
She just sigh and stand up para umalis na doon.
*abangan ang next chapter*
Please please vote po
Pls. Follow my co-writers story din
adeyyyow
bluefairy1828
QueenRegina1994
VBomshell
Please listen to this song guys.
Invisible
https://youtu.be/rdnUDZu0dno
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro