Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Nakakarindi ang sigawan ng mga tao pagkatapos kong mabalibag ang isang lalaki na may malaking pangangatawan. Napailing ako. Kalalaking tao natalo ng isang babae. Ni hindi manlang ako pinagpawisan. Tinignan ko ang lalaki na nakadapa sa sahig, inaabangan ko kung tatayo pa. Nang gumalaw siya, susuntukin ko pa sana pero bigla siyang umiyak at pinapatigil ako.

"Stop! Stop! You win!" Naiiyak niyang sabi habang nakaprotekta ang kamay niya sa mukha niya.

Mas lalo pang nagsigawan ang mga tao. Halos lahat ay isinisigaw ang code name ko. Tsk. Tumalikod na ako sa lalaking hindi tumitigil sa pag-ngawa. Sinalubong naman ako nang mga miyembro ng Red Skull, sila ang nagpakilala saakin ng street fight na ito at nang makita nila ang mga laban ko ay pinipilit nilang pasalihin ako sa grupo nila.

Inabot saakin ng isa ang Leather Jacket ko. Isinuot ko naman agad.

"As always, nice fight, Silver." Sabi nang nakakataas sa grupo. Halos gabi gabi ako nandito at nakikipaglaban kung kani kanino, at lagi rin akong kinukulit nang mga red skull pero hindi ko pa din alam mga pangalan nila. Well, I really don't care. They don't know me either. Hindi nga rin nila alam ano itsura ko. I always wear my mask and a hood everytime i go here.

"Here's your price." Inabot sakin ang pera na nakabalot sa itim na tela. Ito ang dahilan bakit madalas ako pumupunta dito at nakikipaglaban. Kailangan ko ng pera. Mag isa lang ako sa buhay, Wala akong pamilya, ni wala nga akong sariling bahay. Kaya kailangan ko gumawa ng paraan para mabuhay. Kahit gustuhin ko man mamatay dahil wala naman akong purpose sa mundong ito ay mayroon paring pumipigil at iyon ang gusto kong malaman kung bakit pinipigilan ako ng mundo na mamatay.

"For a girl, you really have a skill to fight." Inakbayan ako nang leader ng Red Skull. Agad ko naman iyong tinabig at pinipilipit ang braso niya. Napangiwi naman siya pero agad din siyang nakawala.

"I'm not joining your group. I'm doing fine alone." Mataray kong sabi. Hell, I don't need a Group. Pabigat lang ang mga yan. Pero hindi ko rin matatanggi na ang Red Skull ay isa sa mga malalakas na Street Fighters. But nah, I don't want to join.

Kase pag sumali ako sakanila, kailangan kong alamin ang mga pangalan nila at kailangan lagi akong sasama sa mga pupuntahan nila. It's like i needed to be friends with them and that's the reason why i don't like to join their group, or any group to be exact.

No friends, no drama!

"O c'mon! If its not because of us you are still stealing food, money..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "and clothes somewhere." Lumipat muli ang mata niya sa mukha ko. "In short, you're nothing if we didn't help you."

"Yep and i'm thankful for that." Naglakad ako palapit sakanya at nang makalapit ako, tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. "but don't forget that i'm the one who beat the emperor and put your group position in the highest rank."

Sa tingin ko ay naalala naman niya ang ginawa ko dati dahil naging inosente bigla ang reaction niya. I smirk. "Your group is nothing if its not because of me." Hindi naman sila ganun kakatakutan ng iba kung hindi dahil saakin. Takot lang sakanila ang iba dahil sa alam ng mga tao ay miyembro nila ako.

"Scar, hayaan na muna natin siya. One day, she will change her mind." Sabi ng isa niyang kagrupo. You wish. I rolled my eyes at inayos ang maskara ko. Mabuti pang makaalis na dito, i already got what i need.

"And one day, we will see what is behind that mask and hood. One day, silver." Tinignan ako ng seryoso sa mata ng leader nila na kilala sa code name na scar.

Hindi naman ako nagpatinag. Tinignan ko siya ng matalim. You'll die first before you know. Kahit anong tago o ipakita niyang matapang siya, alam kong kinalibutan siya sa tingin ko.

Hell, Sino ba namang hindi matatakot sa kulay ng mata ko?







Pagka uwi ko sa maliit na bahay ko agad kong itinabi ang pera na nakuha ko at dumiretso sa banyo. Hinubad ko na ang suot na hood at maskara at tumingin sa harap ng salamin. Tinanggal ko ang tali sa buhok at ang contact lense ko sa isang mata.

Napatingin ako ng seryoso sa sarili ko sa harap ng salamin. My eyes is Silver and Violet, my hair is white or i don't know maybe it's silver too.

Sa itsura kong ito alam kong hindi ako normal na tao. Madalas ay nakakaramdam din ako ng kakaiba. I feel powerful sometimes, too powerful that needed to be control.

Wala na akong pamilya o kasama sa buhay. Wala nga din ako bahay dati, mga gamit at pagkain. Lagi lang ako nasa lansangan at nagnanakaw para mabuhay.

I don't know. Wala naman kwenta ang buhay ko pero yung mundo ayaw pa ako hayaang mamatay. May pumipigil saakin at sa tingin ko ito yung sa katangian ko. Kung sino ba talaga ako, gusto pa ata ipalam ng mundo kung gaano kagulo ang buhay ko dati kaya umabot ako sa buhay na ganito ngayon.

Alam kong hindi ako nag iisa na hindi normal. Siguro wala pa akong nakikilala pero alam kong meron katulad nalang noon. May nagtanggal sa memorya ko dati noong bata ako. Natatandaan ko pero hindi ganun tumalab saakin ang ginawa na yun. May mga naaalala pa din ako ngunit hindi ito malinaw at kulang kulang.

Napatigil ako sa iniisip ko nang mapansin ko nanaman na umiilaw ang kwintas ko.

Isa pa tong nagpapagulo sa isip ko. Bigla nalang siyang umiilaw. Minsan nagpapalit din ng kulay sa itim at puti. Pero kahit sobrang naguguluhan na ko sa kwintas na ito hindi ko parin siya magawang tanggalin.

Napabuntong hininga nalang ako sa harap ng salamin. Fvck! I really need to know who the hell i am, or what i am. Kasi gustong gusto ko na mamatay pero pinipigilan ako.

"Sino ka ba talaga?!" Sigaw ko sa salamin. Para akong tanga dito pero gustong gusto ko na malaman kung ano ba talaga ako. Pagod na akong magtago lagi sa mga tao. Madalas ay hindi ako lumalabas ng may araw dahil sobrang agaw atensyon ang kulay ng buhok at mata ko.

Sa sobrang inis ko inihagis ko ang mga bagay na mahawakan ko. Ito nanaman. Nararamdaman ko nanaman ang malakas na aura sa katawan ko. Napatingin ako sa pader na hinagisan ko ng mga gamit. Halata ang pagka- crack doon at halos mabutas na.

See?! I'm not a fcking ordinary person! I have powers! And that's freaking scare me out.

Lumabas na ako ng banyo at hinagis ang katawan ko sa kama. Napatulala nalang ako. Inalis ko na ang mga kung ano ano na naiisip ko at hinayaan kong lamunin ako ng antok.

Ngunit ilang minuto palang ako natutulog ay may narinig akong nagsalita sa isip ko. An echo.


"If a ring comes to you, get it and it will lead you to find your true self."

•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro