Chapter 15: Grizzy
Killian
It's already morning and it is time for our breakfast but Captain Wystan said that Prof. Shane asked to talk to me. I'm sure that it is about earlier at the portal. Alam kong tatanungin nila ako bakit ako naroon sa portal. Kahit na isa ako sa pinagkakatiwalaan dito, hindi parin ako pwede makaligtas sa mga rules. Naiintindihan ko naman sila, but I just did that to protect that stubborn woman. Sigurado kasing mas mabigat ang mangyayari sakanya kapag nakita nila na naroon sa portal room si Zelda, at isa pa. Maaaring malaman nila na siya ang hinihintay naming savior.
Hindi ko rin pwedeng sabihin na naroon ako dahil sinundan ko si Zelda at prinotektahan. Kaya iniisip ko ngayon kung paano ko makokonekta ang idinahilan ko kay Captain Wystan kanina. Alam kong seryosong usapan ito. Hindi ko naman sinasadya na marinig ang ikunwento ng fairy kay Grizelda. I really just want to help her pero hindi ko alam na magkakaroon din pala ako ng kaalaman. Tulad ng sabi ko, seryosong sitwasyon ito. Hindi ko pwedeng agad agad na sabihin ito sa royals dahil hindi naman ako ang kailangan na magsabi nito. It's Zelda's choice. She's the one who should tell them and tell the situation. I'm just here to help and protect her. Naiintindihan ko rin siya dahil hindi madali ang sitwasyon niya ngayon. Lalo na at maraming nakaabang na kalaban at inaabangan siya. That's why I decided that I will protect her. Kahit na alam kong mas malakas pa siya saakin.
But for now, I'm happy that she's here. The savior that we are waiting for. Her responsibilities is not easy but we're here to support her. Sa ngayon ay ipapakita ko nalang sakanya kung gaano kasarap ang magkaroon ng importanteng mga tao sa buhay, at kung gaano rin siya kaimportante. Napatawa ako at napailing. Bakit ba ang lakas ng epekto saakin ng babae na 'yon?
Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Prof. Shane ay nakita ko ang babaeng ilang araw ko nang iniisip. Napangiti ako. Alam kong iniisip niya rin ang nangyari, kilala ko na kung sino siya at nab-bother siya na ipagsabi ko ito. Kaya ipinakita ko sakanya na wala lang ito at hindi niya kailangan na mailang.
"Hi milady." I greeted her and smiled. Damn it. She's really beautiful. I can't believe that the powerful woman that we are waiting is in front of me. Hindi ko rin naman akalain na siya 'yon. But it is not impossible. Unang kita ko palang sakanya ay naramdaman ko na ang malakas na aura na nanggagaling sakanya. She just need to believe to herself para mag activate na talaga ang kapangyarihan niya. Galing siya sa malakas na pamilya at unique na mundo, kaya siguradong kayang kaya niya matalo kung sino man ang makalaban nito. Kahit pa man ang pinakamalakas na dark magic user.
As usual ay tinignan niya lang ako at nilagpasan. I smiled. I know she have a cold heart now. Pero alam kong pinapakita niya lang na ganun siya pero ang totoo mabuti ang kalooban nito. Yun nga lang ay madalas sumosobra na ang sinasabi nito. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko ang storya niya.
"Don't worry. I won't tell anyone, just be careful." Sabi ko bago pa siya makaalis sa harap ko. She really needs to be careful. Marami ang naghahanap sakanya. Marami ang gusto siyang makuha at marami ang gusto siyang patayin.
Dumiretso na rin ako sa opisina ni Prof. Shane nang makaalis siya. She's not really good at talking but I know she will overcome that.
Kumatok muna ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si Prof. Shane na seryosong nakaupo at para bang malalim ang iniisip. Napansin niya ako kaya umayos siya ng upo.
"Good morning, Prof. Shane." Bati ko at lumapit.
"You know the rules, Killian." He said.
"Yes sir and I'm really sorry about that." I said sincerely.
"Why?" He simply asked.
I took a breathe. Alam kong malabo nilang mapaniwalaan ang idadahilan ko pero wala akong magagawa doon. Kailangan kong ituloy kung ano ang nasimulan kong dahilan kay Captain Wystan.
"It's about the fairy. I just follow her and I didn't know that I'm already in the portal." I said calmly. Itinutukoy kong fairy dito ay yung Elemental fairy. Which is the fairy Godmother of Zelda. Kung hindi nila ako mapaniwalaan, sa tingin ko naman ay kaya ako matulungan ni Zelda by talking to her fairy. Ayun lang kung papayag siya.
Tinignan ko si Prof. Shane. Sa mukha niya ay hindi talaga siya naniniwala pero gusto niya ako paniwalaan ngunit walang ebidensya. Isa ako sa pinagkakatiwalaan dito kaya ganito rin ang reaksyon nito.
"Then where is the fairy now?"
"It disappears when we are in the Portal. I think it is only from other worlds." I said.
"Sa ngayon ay papalagpasin namin ito. Pero suguraduhin mo na hindi na muli mangyayari ito unless you have a permission. You are one of the best and strong enchanter here, you should not break trust from other people especially the Queen and King." Prof. Shane.
Tumango ako. "I understand. I promise that it will not happen again." Well, I guess, I'm lucky for now.
"It is not still finish. We still have to talk to other professors about this. For now, don't do anything that will lead to danger." He added. Tumango naman ako.
"Anyway, are close with the girl named Zelda? Sometimes, I saw you talking to her." He asked.
Napakunot naman ang noo ko. Hindi kaya nahahalata na nila? Hindi naman ako magugulat doon dahil iba talaga ang aura na dala-dala ni Zelda. Wala palang talaga siyang alam kung paano gamitin at hindi niya pa maintindihan.
"I'm trying to be friend with her." I answered.
"That's good. I think she's not really friendly. I just want her to feel home in our town. At isa pa, I can feel her strong aura. I'm sure that she's also carrying a powerful magic or abilities. I will talk to her soon."
She really is. She's not just an ordinary woman. She's our savior.
"Yes. I'll make sure that she will be happy being here even if there is war waiting for us." I said.
Prof. Shane smiled to me. Prof. Shane can described as a good father. He really cares for other people and love this town so much that he's willing to fight until the end to protect everyone.
"Anyway, this weekend Blayze will visit, make sure that the Academy is clean and the new comers will act right."
Napakunot ang noo ko sa narinig. Once in a blue moon lang pumunta dito sa Academy si Blayze. He's always in the mission and training in other worlds.
Blayze is the son of Yvaine and Maverick. He is one of the powerful enchanter. He is carrying an Elemental magic called pyrokinesis or mastery over fire. Napangisi ako. I can't believe that he will pay a visit this week. Matagal ko na rin siya huling nakita. Kahit may digmaan ay hindi siya nagpapakita. Hindi ko alam anong meron o anong pinaplano niya pero sa tingin ko ay naghihintay siya ng tamang panahon para humarap sa kalaban namin.
Naalis sa isip ko ang tungkol kay Blayze nang makita ko sa reaction ni Prof. Shane ang masayang mukha. I don't know. I think something came up? Alam kong lahat ng tao dito ay close kay Blayze at masaya talaga kapag makakasama namin siya ulit but I think there is really happened.
Or Blayze will come with a surprise?
I shrugged. Hindi ko nalang pinansin at nagpaalam na kay Prof. Shane na aattend na ako ng klase. It's our self defense class, mahirap na at baka mapag-initan nanaman ng ulo ni Captain Wystan.
Mabilis lang ang oras kaya sigurado akong nasa Gym na sila at tapos na ang Breakfast. Mabilis akong tumakbo papunta sa Gym at walang alinlangan na binuksan ang pinto nito.
Pagbukas ko nang pinto ay nakita ko sila nasa gitna at hawak ang kani-kanilang sword. May mga sword din na nasa itaas. Sa tingin ko ay ine-explain pa sa new comers ang gagawin. Nakatingin silanf lahat saakin kaya ngumiti ako at binati sila.
"Good morning." I greeted happily like I didn't interrupt what they're doing. I don't know I just like how Captain Wystan irritated at me. "Sorry I'm late, Captain." I said to him. He looked at me seriously, that's why I looked at him too.
He's really strict. He's always serious and always training with his sword. Ganun ko siya nakilala. Lagi din siyang ganyan makatingin saakin na para bang inoobserbahan niya ang mga galaw ko. He's always like that. Pero binabaliwala ko lang naman yun dahil sa tingin ko ganyan talaga siya.
Pero sa tingin ko mas lumala ang pag-obserba niya saakin nang mangyari ang sa Portal.
Obviously, he is suspicious with me.
Hindi ko alam bakit ganun dahil matagal na akong nandito at kasama ako lumaban pero ang tingin niya saakin ay kasama ako sa mga dark magic user.
I shrugged. Well. I can't blame him. He's really mad at dark magic users, especially dragons.
"Before I teach you the basic. I will show you how you should fight in the war..." Captain Wystan said. Oh I think what is this. "Killian, do you want to volunteer?" I smirk. He really likes to pick a fight between us.
He's so much older than me and he's holding a highest title, that's why I respect him.
But
I know that I can fight him.
"What?"
"Oh."
"Geez. Here we go again."
Nag-ingay nanaman ang mga kasamahan namin. Madalas talaga na nakikita nila kami ni Captain Wystan na naglababan. And trust me, they are all bored of this.
But now, I have someone to impress, so I think, I'll not be bored.
"I would love to." Sabi ko at lumapit sakanila. Kinuha ko naman ang isang sword na nakalutang. Bago ako pumunta sa harap ni Captain Wystan ay tumingin ako kay Zelda na nakakunot noo. Napatawa naman ako ng mahina roon. Napansin ko ang hawak na sword niya.
Napataas ang isang kilay ko. Oh. She's holding the dangerous sword. Napailing ako.
She's really different.
Mas lalo akong napatawa nang mapansin niya ako at inirapan. Hindi ko na ito pinansin at pumunta na sa harap ni Captain Wystan. Lumayo na rin ang mga kaklase namin at naupo. Sigurado ako na ang mga new comers lang manonood saamin. Ang mga seniors ay wala nang interes dito.
Why?
Because our fight will not finish until both of us became tired.
Walang natatalo saaming dalawa.
I know Captain Wystan are just being easy with me. But even if he goes hard, I know I can take it.
"I won't go easy for you today." He said. I chuckled. He always told me that before we start a fight.
"Bring it on, Captain." I said.
Pagtapos nito ay rinig namin ang tunog nang aming espada.
Hindi ko naman maitatanggi na mahirap kalabanin sa ganitong laban si Captain Wystan. Simula bata siya alam kong ito na ang gawain niya. And he's our captain for a reason.
Siya rin ang nagturo saamin paano gumamit ng espada at kung paano lumaban sa digmaan. Kaya siguro kung mahina ang loob ko na labanan siya dito ay matagal na akong talo sakanya.
Ngunit, kung itotodo niya ang pwersa sa pakikipaglaban saakin, matagal na siguro akong hindi nakakagalaw.
Alam kong ganito lang siya at may iniisip siya na kung ano kaya ganito ang trato niya saakin. Hindi ko alam ano ang tumatakbo sa isipan niya pero mukhang malapit na rin ang oras para mapag-usapan namin ang tungkol doon. Pero, mukhang hindi muna dahil sa nangyari sa portal. Dahil dun siguradong lumala ang tumatakbo sa isipan nito.
Ang mga tira niya ng espada saakin ay iniilagan ko, ang iba ay nilalabanan ko. Kung paano siya lumaban saakin dati ganun parin naman ngayon pero mukhang nagkaroon ng bigat. He's really mad at something. Sigurado akong dahil yun sa eksena sa portal kanina.
"Make sure that you're not one of them, because I will not hesitate to kill you if you are."
Hindi ko talaga alam ano ang mararamdaman ko dito. Gusto ko matawa pero hindi ko ginawa. He looks serious saying that. Nakakapagtaka lang talaga na ganun ang tingin niya saakin kahit na ilang taon na akong lumalaban para sa mundo na ito. Mahalaga rin ang lahat ng nandito para saakin at buwis buhay din akong prumotekta sakanila kahit na hindi ko sila kilala o pamilya. Kaya sinong hindi magtataka doon?
Tinapatan ko ang espada inaatake niya saakin. "Whatever you say. I will continue my duty to protect people." Tinignan niya ako ng seryoso.
"Don't disappoint me." He said. I smiled at tuloy ang paglalaban namin gamit ang espada.
Ilang oras na ata kami naglalaban pero wala paring natatalo o sumusuko. It's always like this. Halata naman na pareho na kaming hinihingal, mabuti nalang walang masyado sunod na klase mamaya. Katulad din ng sabi ko, hindi na nanonood ang karamihan sakanila at ang mga new comers naman ay naghihintay pa rin sa nangyayaring laban.
Tinignan ko si Zelda. Napangisi ako nang makita ko ang pagtaas ng isang kilay nito saakin nang makita niyang nakatingin ako sakanya.
Humarap ako kay Captain Wystan na seryoso pa rin ang mukha. "Okay. You win. Your class time wasted because of this nonsense fight." I said. Mukhang natauhan rin naman siya at tinignan niya ang mga students.
"That's how you fight with swords, but it is still depends on what sword you're using. I will teach you one by one this week. For now, let's end this class. Goodbye."
Mabilis akong tumakbo sa pwesto ni Zelda. Ngumiti ako sakanya. "Hi milady." I said.
Grizelda
"Hi milady." Bati saakin ni Killian na nakangiti. Inirapan ko siya.
"You're weak." I said at itinuon ang tingin sa espada na hawak ko. Sa totoo lang, I'm amazed on how they handle the sword fight. Makikita na pareho silang magaling humawak nito at alam nila ang ginagawa. It's my first time watching a sword fight and on live! Matagal silang naglalaban at wala manlang natatalo o nagkakamali sa galaw nila. Bawat galaw ay alam na ang gagawin kung paano umatake at tapatan ang tira ng isa.
It's just like the fist fight but this is more dangerous because you are using a sharp blade. There is many ways that you can die using this.
"That's fine. I'm still on training." He said.
Ha. Training? You're already good with using sword and still on training?
"We all need to know how to use sword because we will not only use this on dark magic people but also to dragons." He said. Napatigil ako sa narinig. Oo nga pala, he said that dragons is also their enemy....
"You said the war is coming, right?" I asked. Naalala ko ang pulang kalangitan sa labas ng Academy na ito.
"Yeah. Every month we are experiencing war. But sometimes dragons are not appearing. Only dark magic users and some destruction like bombs and some dark creatures. Usually, the time of war starts at the 3rd week or last day of the month. And that wars usually takes 2 to 5 days." He answered. Napansin kong parang biglang namula ang braso niya na parang nagsusugat. Oh shit. They can't reveal information about this town. Magsasalita pa sana siya ulit nang magsalita na ako.
"Thanks for answering but I get it now. You don't need to hurt yourself by revealing to much information." I said.
"It's okay. As long as it protects you." He said.
"You don't need to protect me. I don't need anyone to protect me."
"You don't want or you just don't trust me?" He asked.
Napatigil ako sa narinig. Yeah. It's also one of the reason. I don't trust anyone that's why I don't need protecting. I only have myself and I only trust myself.
Ngumiti siya saakin. "I'll protect you because it is my own interest. You can trust that." He said. "See you around, milady. We don't have class later, you can sleep or adventure around but just be careful." Sabi niya at umalis sa harap ko. Tinignan ko kung saan ang punta.
"Hey Ian. That's a good fight huh." Sabi ng kaibigan niya.
"Why are you late?" Tanong pa ng isa.
Tinanggal ko ang tingin sakanya pati sa mga kaibigan niya. Why does he need to say those words? Why is he being like this?
"H-hey." Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. It's the water elemental. Kyzer. Tinignan ko siya na para bang tinatanong kung ano ang kailangan niya.
"I'm just wondering if you know how to use water element...?"
Napakunot ako sa tanong niya. Do I look like I'm someone with water magic???
"No." I said.
"I-i'm sorry. I just feel some connection of water magic to you..." He said.
Is he crazy? What the heck.
Pero napatigil ako nang maalala ko.
I'm the daughter of Genevieve, the woman carrying the four elements. Oh shit. Why did I forget about it? Obviously, one of my magic is water.
Napatingin ako sa dalawang palad ko. I'm also carrying a four elemental power right? But I don't know how to use it.
That's it! I will find someone who can teach me how to use those elemental...but I can't... Kapag nalaman nila na kaya kong makontrol ang apat na iyon ay magtataka sila. Sa reaksyon palang nila nang malaman nila na isang Elemental user si Kyzer, kaya mahirap na.
I sigh. Ugh. I don't know what to do anymore. Why do I fucking need to be that fucking savior.
It's pain in the ass.
Ilang araw ang lumipas. Wala naman masyadong nangyari kundi kumain nang sabay-sabay at umattend ng mga klase.
They are also getting close. Kita ko na kung paano na sila unti-unting napapalapit. They are also trying to talk to me but I just do what I always do. Answer them coldly or ignore them. I can see that they are trying to get close to me. Well, of course, except for one girl who's obsessed with that playboy.
Yeah, Killian. Wala pa namang balita na nalaman ng iba na ako ang babaeng hinihintay ng karamihan. Killian kept his words that he won't tell anyone and he gain a little trust from me because of that. Just a little.
In these past few days, even if Killian shut his mouth that he won't tell anyone. I'm still annoyed at him by keep on flirting and talking to me every goddamn day. I don't know what is his deal..
Lumabas na ako nang kwarto at dumiretso sa Restroom. It's already weekends. We don't have a class but we still have a fucking breakfast together. Hindi daw nila kami hahayaang gawin ang gusto naming gawin ngayong weekends kung hindi muna magsasama-samang kumain. I rolled my eyes with that idea. Cringe.
As usual, they are so noisy. I just do my usual thing and always late for breakfast. Inayos ko ang sarili nang matapos kong suoting ang contact lenses. Merong iba't ibang outfits sa locker that we can wear this weekend. And thank God, it has pants.
We are allowed to go outside the Academy. And we can go to the town. I'm not really sure what plan i'm going to do now. I think I need rest dahil isang linggo na magulo ang isipan ko at hindi ko na alam ang gagawin.
Mabilis ako nagbihis at lumabas na ng Restroom. I'm sure that they are all in the dining room and I can now imagine the bitch annoyed face.
Naglakad na ako papunta sa dining room. Nakita ko sa hindi kalayuan na may naglalakad na lalaki. He's tall like Killian, but his built is different from him. So I'm sure that It's not him. Hindi ko ito pinansin at diretso ang lakad.
Magkakasalubong na kami pero hindi ko pa rin siya tinignan. I don't know who he is. I can feel a new aura. Hindi ko pa naramdaman ang aura niya, hindi siya kaklase ko. Kabisado ko na ang lahat ng aura o presensya ng mga kaklase ko para alam ko kung sino ang makakasalamuha ko.
Alam kong hindi rin naman niya ako tinitignan. Pero nang lumagpas kami sa isa't isa ay bigla akong napatigil nang may maramdaman ako kanina nang makalapit siya saakin. Mas lumakas ang presensya niya nang malapit siya saakin.
Ramdam ko rin na napatigil siya. Ngayon ay magkatalikuran kami na para bang pareho kami nang naramdaman na presensya kaya pareho kaming napatigil.
I don't know who he is. But I feel that I know him. Is this one of my past? Do I have a memory of him?
"Who are you?" Narinig kong sabi nito kahit magkatalikuran kami.
I smirk. "Who are you?" Balik kong tanong.
Alam kong pareho kami nang nararamdaman at hindi ko alam kung ano nga ba ito. Sigurado akong isa siya sa mga nakasama ko noong bata ako na hindi ko na maalala, that's why he's feeling this also. Pinakiramdaman ko ang susunod na galaw nito, sa tingin ko ay haharap na ito saakin. Pero hindi ako gumalaw at nanatiling nakatalikod sakanya.
"I'm Blayze, son of Yvaine and Maverick. Nice to meet you. Are you a new comer?" He said.
Tama nga ako. Humarap na siya saakin. Walang pag aalinlangan na humarap ako sakanya at seryoso siyang tinignan. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito at tinitigan ako.
So he's the son. The one I saw from the gallery.
"Yes." Maikling tugon ko.
"W-wow what a beautiful young lady." He said and smiled. Napangiwi ako. Ugh! Another Playboy.
Umirap ako at tinalikuran na siya. "I don't have time for people especially like you." Malamig na sabi ko.
"Wait!" Napataas ang kilay ko sakanya nang hinawakan niya ako sa braso.
"Don't touch me." Sabi ko. I don't care if he's one of the royal.
"What is your name?" Tanong nito at hindi pinansin ang sinabi ko at patuloy parin ang hawak sa braso ko.
Ginalaw ko ang braso ko para mabitawan niya at hindi naman ako nagkamali doom dahil malakas din ang pwersa ko.
"Touch me again and I'll punch your face." Sabi ko at nagsimula muling maglakad. Narinig ko rin ang pagtawa nito kaya napakunot ang noo ko pero hindi ko siya pinansin.
"Nice name." He said.
What the fuck. Hindi ko pa rin pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Ngunit bumilis ang tibok ng puso ko at napatigil ako sa paglalakad nang magsalita ito ulit.
"It's also nice to see you again, Grizzy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro