Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28: Goodbye

***

"Drink this." Tinanggap ko ang iniabot ni Kuya na tubig at agad na ininom. Nawala na ang panginginig ko.

Nagkagulo kasi kanina dahil sa biglang dagsa ng reporters sa condo ni Kuya. Nakaiwas nga kami sa kanila sa University pero hindi namin alam na nahanap nila pati ang condo ni Kuya. I don't know how. Ang bibilis nila.

Mabuti na lang at mabilis na sumaklolo sa amin ang mga security ng condo.

"Kuya, safe na ba tayo rito?" tanong ko. Nasa loob na kami ng condo niya pero hindi ko maiwasang mag-alala.

"Yeah, may nakabantay tayong security sa labas pati dito sa floor natin. Kaya walang makakapasok," kampanteng saad niya.

Nakahinga naman ako. "Mabuti naman." Umayos ako ng upo nang may maalala.

"Kuya, may tanong ako."

"Ano 'yon?"

"Did you know about my drug accusations in China?" Natigilan siya at napaiwas ng tingin. "Be honest." Pakiusap ko.

Napabuntong-hininga siya. "Yes."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Kinausap nila ako na huwag sabihin sa iyo. They told me they would handle it and you don't need to know. They want you to enjoy your life here."

"While they are so stressed, resolving my issues there? I'm so guilty, Kuya!"

I can't imagine them taking the blame and criticism just to protect me.

"They love you so much, Faye. They just protected you, so they kept it. Kung nalaman mo at bumalik ka sa China baka lalong lumala pa. They just think the best for you."

Habang nagbabyahe kasi kami pauwi kanina sa condo. Hindi ko mapigilang magsearch tungkol sa mga scandals, issues, and accusations ko noong mga nakaraang buwan.

Sobrang gulo at malala lalo ang drug accusations ko.

I received triple bashing and backlash from people more than when my face was ruined issue. It's like whole China hates me.

I'm sure that's why my parents are so stressed every time I call them because my issues affect our company. 

I know how ruthless Chinese netizens are. If there is a certain artist who is involved in any issues or scandals.  They don't easily forgive and usually it ends the career of that particular artist. 

Especially that news outlets love engagement and even if it's not proven and fact checked, they still post and spread like wildfires.

So, kahit pala bumalik ako sa China pagkatapos ng surgery ko. Wala na akong babalikang career kung hindi lumabas ang audio scandal ni Tiffany.

That proven me not guilty of all that accusations.

The audio leaked cleared my name and saved me.

Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag si Mommy.

"Hello, Mommy!"

"Hello, anak kumusta ka? Are you okay? Nalaman ko kay Brandon na sinugod ka raw ng mga reporters."

Ako pa rin talaga iniisip nila.

"I'm okay, Mommy. Kayo po ni Daddy?"

"We're both fine. Katatapos lang namin kausapin si Attorney. That Tiffany Wang will definitely rot in jail." Ramdam ko ang galit sa boses niya.

"Mommy, I'm so sorry. I didn't know about the drug scandal." Hindi ko mapigilang mapaluha. My heart is just broken for my parents.

"It's okay, anak. You don't need to say sorry. We're just happy that finally, your name is cleared and you can go back to China." Ramdam ko ang saya sa boses ni Mommy.

Natigilan ako. Am I ready to go back?

"Why are you not talking? Don't say that you still don't want to go back here? " 

"Mom..."

"Come on, anak. Umuwi ka na. Dito tumatakbo ang buhay mo. Nandito ang pangarap mo."

"I don't know. I still haven't made my—" Natigilan ako nang marinig ang paghikbi niya.

"Mom, why are you crying?" Natatarantang tanong ko.

"You don't miss us. You just want to stay in the Philippines. You always choose the Philippines rather than us," puno ng hinanakit na sabi niya.

Did I go far already? Am I too selfish now?

Napapikit ako. "Mom, stop crying! Okay, I'm going back."

"Really?" Tumigil siya sa pag-iyak at napalitan ng saya.

"Yeah." Tila nawalan ako ng lakas na napaupo sa sofa pagkatapos naming mag-usap.

I made the right decision, right? They sacrifice a lot for me. 

But why is my heart breaking? 

My Phythos.

I'm just so down. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa kawalan. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong ganito.

Bumangon lang ako nang marinig ang pagkatok sa pinto ko.

"Bakit Kuya?"

"Tinawagan ako ni Tita, i-book na raw kita ng plane ticket para bukas." Nanlaki ang mata ko.

"Kuya! Pwede pakisabi na mag-extend pa ako kahit isang araw lang, please! Sabihin mo pagod pa ako." Pakiusap ko sa kanya.

Gusto ko pang makasama si Phythos. Kahit isang araw lang.

Napabuntong-hininga siya. Kita ko ang awa sa mukha niya at hinaplos ang ulo ko.

"Okay, halata namang sobrang stress at pagod ka na. Kukumbinsihin ko siya. Ako na bahala."

"Salamat Kuya!" 

"No problem, magpahinga ka na." Tumango ako at nginitian siya.

Pasalampak akong humiga ulit sa kama. Naiwan na naman ako sa madilim na kwarto.

I will going back to China and I will leave Phythos here.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Kaya ko kayang sabihin sa kanya bukas na uuwi na ako? Ang hirap! Tila pinipiga ang puso ko.

Lalo pa akong napaluha nang mapatingin ako sa cellphone ko at makita ang sunod-sunod na messages niya. 

Mine, are you okay? 

Are you safe?

I saw you on the news. There were many reporters in your condo. 

Tinitigan ko lang ito ng ilang minuto bago ako nag-reply.

I'm fine, there are securities here. Don't worry, okay? I love you!

Ilang minuto lang ay nagreply na siya.

I love you too, Mine.

Napahagulgol ako lalo. I'm so sorry, Phythos.
 
Pinunasan ko ang luha ko at nagreply sa kanya.

Mine, can you come here tomorrow?

Yeah, of course. Plano ko nga rin talagang puntahan ka bukas. Since wala naman akong pasok.

Panay ang pagtulo ng luha ko habang nagtitipa ng reply. I'm just so inlove with this guy.

Thank you.

You are always welcome, Mine. Goodnight pahinga ka na.

Magre-reply pa sana ako nang makitang may nag-email sa akin. Isa pa ito!

From: Tengren Entertainment

We respect your decision, Miss Doll Chua, as your name has now been cleared. If you plan to go back to China and accept our offer. We just wanted to let you know that you're still very welcome to our company.

I didn't know accepting a long-time dream could be this heartbreaking. My fingers feel numb while I'm typing my reply. 

To: Tengren Entertainment

I accept your offer. I'm going back to China and I will discuss and meet you personally. Thank you so much for seeing my potential.

I'm sorry, Phythos. I chose my dream and my parents over you.

"What are you doing?"

"Hugging you," malambing kong sagot habang nakayakap pa rin sa kanya.

Busy siya sa paghiwa at paghanda ng mga ingredients ng Sinigang dahil 'yon ang ni-request kong lutuin niya.

"Really? Sobrang clingy mo ngayon. Buntis ka ba?" Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at binatukan siya.

"At paano naman ako mabubuntis, aber? Wala naman nangyari sa atin." Namula ako ng sabihin ang huli. Humalakhak naman siya.

"Bakit gusto mo na ba may mangyari? Ready naman ako." Ngumisi siya at kinindatan pa ako.

"Baliw!" Humagalpak ulit siya ng tawa. Nakatitig lang ako sa kanya.
Tila pinipiga ang puso ko. Hindi ko na ulit makikita 'yong ganitong mga tawa niya.

How could I leave this precious man?

Nang makita niyang tahimik lang ako ay agad siyang sumeryoso at hinawakan ang kamay ko. "Mine, I love you so much and I respect you a lot. Let's get married first before we do it."

Married? Mangyayari pa kaya 'yon?

I know, tomorrow. You will hate me.

"Panoorin mo na lang ako. Wala akong matatapos kung nandito ka at nakayakap sa akin," malambing niyang sabi at hinalikan muna ako sa labi bago pinaupo sa hinatak niyang upuan.

Gaya ng sabi niya. Tahimik ko lang siyang pinapanood. Memorising every details of his face, his body, and precise movements.

He looks so hot wearing the apron and busy preparing the ingredients. He is like a model of a magazine cover.

Maingat kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan siya ng maraming litrato. Halos lahat ng anggulo. Mabuti na lang at masyado siyang seryoso sa ginagawa. Kaya hindi niya talaga ako napansing ilang ulit na siyang kinukuhanan ng litrato.

I even took a video of him.

"Done, kain na tayo." Mabilis kong ibinaba ang cellphone ko nang lumingon siya sa akin.

"Wow, mukhang masarap." Well, it's not the first time na pinagluto niya ako. Ipinagluto na niya ako dati ng adobo at pinakbet noong pumunta ako sa apartment niya.

"Masarap naman talaga 'yan. Magaling kaya ako magluto." He said proudly. Well, I totally agree.

Nagsimula na kaming kumain. Masarap nga talaga siyang magluto.

"You like it? Masarap?" tanong niya.

"Yes, magaling ka naman talaga magluto, Mine. Kahiya nga, wala akong alam lutuin," nakangusong sabi ko.

Pinisil naman niya ang magkabilang pisngi ko.

"Willing naman akong maging tagaluto mo habang buhay," nakangising sabi niya. Tinanggal ko ang kamay niya at lalong napanguso.

"Hindi naman pwede 'yon."

"Edi, tuturuan na lang kita," abot-tengang sabi niya.

"Talaga? I'm willing!" I try to make my voice happy and excited. Even though I'm hurting.

Matuturuan pa kaya niya ako? Dadarating pa kaya ang araw na 'yon?

"Kapag hindi na tayo busy pareho. Tuturuan kita."

"Sige." Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi.

"Ang cute mo kasi! Gigil ako sa 'yo!"  Napangiti ako at hinalikan din siya sa pisngi.

I keep staring him. The way he smirk, grin, smile, laugh. Everything. I will definitely miss them.

"Kanina ka pa titig na titig sa akin. Naiilang na ako," nakanguso niyang sabi at kitang-kita ko ang sandaling pagpula ng mukha niya.

"Ang gwapo naman kasi ng Mine ko."

"Syempre! Ako ata pinakagwapo sa mga mata mo. Hindi ka na makakahanap pa ng mas gwapo sa akin."

Mukha nga. Hinding-hindi na.

Pagkatapos naming kumain ay inaya ko siyang manood ng mga movies. Random movies lang. Kaso mukhang wrong choice ako dahil unang movie pa lang tumulo na ang luha ko.

We first watch a Taiwanese movie titled "Our Times" and I can't help but cry because I can relate to the male lead's going to another country and leaving his love. It just gives me a tiny hope that the ending will be like us too. We will meet again and have a chance to be together. 

"Huwag na tayong manood." Napakunot-noo ako nang patayin niya ang TV.

"Huh? Bakit?" tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Grabe iyak mo, eh. Masakit kaya para sa akin na nakikita kitang umiiyak," seryosong sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Sige, hindi na ako iiyak. Pero panoorin natin itong movie na 'to. Favorite ko 'to. Ilang beses ko rin napanood kaya hindi ako maiiyak." Pilit ko.

"Sigurado ka, ah?" Tumango-tango ako.

Binuksan niya ulit ang TV at
pinanood namin ang all time favorite ko na Chinese movie ang The Monster Hunt.

Sumandal ako sa dibdib niya habang sobrang seryoso siyang nanonood. I can see he is enjoying the movie. So I can have this moment too, to just stare at him and savor the moment.

"Bye! Goodnight!" I try to hide the sadness in my eyes as I keep waving my hand.

Nang malapit na siya sa elevator ay hindi ko mapigilang habulin siya.

"Phythos!" Nanlaki ang mata niya at tumigil sa pagpasok.

"Bakit? May sasabihin ka?" Yumakap lang ako sa kanya.

"Ahmm..." Say it, Faye! Pero hindi ko mabigkas. Hindi ko kayang magpaalam sa kanya.

Hindi ko kayang makita ang malungkot niyang mukha. Baka hindi na ako tuluyang makaalis.

"Ano?" kuryosong tanong niya.

"Phythos... I" Mabilis ko na lang siyang hinalikan at niyakap ulit nang mahigpit.

"What?" natatawang tanong niya.

"I just want to say, I love you," bulong ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

I'm sorry, I can't say it!

"Sus, akala ko kung ano na. Naglalambing lang pala ang girlfriend ko. Nakailang sabi ka na ngayong araw pero sige. I love you too!" Nakangiting tugon niya at ginulo ang buhok ko.

Nang tuluyan na siyang pumasok sa elevator ay mabilis na akong tumalikod at hindi na lumingon pa. Dahil siguradong makikita niya ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

I'm sorry, Phythos! I'm going back to China and I can't even say goodbye.

Your girlfriend is such a coward!

I disappoint you. I hope, you can forgive me someday.

***
Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro